Share

KABANATA 19

“RAVE GISING KA na, please.”

Nakatunghay si Laura kay Rave. May sofa bed ito sa loob ng working area nito at doon ito natutulog. Nakasalampak siya ng upo sa sahig at nakaharap sa natutulog na anyo nito. Kanina pa niya ginigising ito pero ang himbing ng tulog nito. Alas sais na nang umaga at gising na siya pero natatakot siyang bumaba. Natatakot talaga siya sa nanay nito. Baka mag–breakfast siya ng sermon at taas kilay.

“Gising ka na.” Gamit ang isang daliri ay sinundot–sundot niya ang pisngi nito. “Samahan mo ako sa baba.”

Pero sa halip na i–pressure ang sarili na gisingin si Rave ay naaliw pa siyang pagmasdan ang gwapo nitong mukha. Napaka–peaceful ng anyo nito. Malayong–malayo sa gising na si Rave na laging seryoso. Alam niyang mas matanda ito sa kanya pero hindi naman ‘yon halata dahil sadyang pinagpala ito ng langit sa angking kakisigan at kagwapohan – mga halos sampung taon ang agwat nila kung ‘di siya nagkakamali.

“Ang mantika mo matulog. Anong

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status