Share

KABANATA 2

“ANONG gusto mong sabihin? Na winawaldas ko lang ang mga perang pinapadala mo sa akin? Boang ka man diay! Ni hindi nga kami kumakain dito dahil sa mga litseng gamot ng kapatid mo! Tapos isusumbat mo pa sa’kin kung bakit wala ng natira sa mga pinapadala mo?!” Kausap ni Laura ang ama sa cell phone.

“T-Tay naman, hindi naman sa ganoon –”

Puwes ipaintindi mo sa akin! Hindi 'tong susumbatan mo ako ng kung anu-ano! Kung sana nakipag-ano ka na lang diyan sa mga mayayaman diyan 'di sana matagal mo nang napa-operahan 'tong kapatid mo!”

“‘Tay, alam mo naman na hindi gaanon kadali para sa’kin 'to.” Sinubukang pakalmahin ni Laura ang boses. “Alam n'yo na hindi ito ang gusto kong trabaho. Pumayag lang ako dahil sa utang n'yo kay Tiyang at may sakit si Lawrence.”

“Ano bang masama sa trabaho ng tiyang mo? Ayaw mo no’n? Kumikita ka nang malaki. Mapapagamot mo po 'tong kapatid mo. Aalwan pa ang buhay natin. Aanhin mo pa 'yang puri mo e mawawala rin naman 'yan sa’yo!”

Humugot na lamang siya nang malalim na hininga para hindi masagot ang ama. Punong-puno na siya sa ugali nito pero ayaw niyang makipagtalo rito at baka magalit ito at pabayaan na lang si Lawrence.

“Huwag na po nating pag-usapan 'yan, Tay,” sa wakas ay sagot niya pagtapos ng ilang buntonghininga. “Tumawag ako para kumustahin si Lawrence. Nasa ospital ba kayo ngayon?”

“Ah, oo - ano ba Lucio tama na nga 'yang telepono mo natatalo ka na. Tumira ka na! Pildi na sad ka! Oo na, teka lang naman!”

Marahas na napabuntonghininga ulit siya. Naramdaman niya ang pag-init ng mga sulok ng kanyang mga mata. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng mga luha.

“Tatay naman!” Halos gumaralgal ang boses niya sa inis. “Nagsusugal na naman ba kayo? Kailan po ba kayo titigil? Nasa ospital na nga si Lawrence. 'Yang sugal pa rin ang inaatupag ninyo. Pwede bang unahin n'yo naman ang anak n'yo kaysa sa sugal na 'yan.”

“Hoy Laura paminsan-minsan na nga lang 'to. At saka nasa ospital naman ang kapatid mo. May nurse naman na nagbabantay sa kapatid mo. Piste! Talo na naman.”

Pinakalma ni Laura ang sarili sa kabila ng paninikip ng dibdib niya sa sobrang inis sa ama. Naikuyom niya ang mga kamay.

“Tatawag na lang ulit ako.” Pinutol na niya ang tawag.

Kusang umalpas ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Sobrang naninikip ang dibdib at lalamunan niya sa pagpipigil ng iyak. Pero hindi rin niya kinaya. Kahapon tumawag siya kay Aling Lina na siyang pinakiusapan ng tatay niya na magbantay muna kay Lawrence. Okay naman na raw si Lawrence pero kapansin-pansin daw talaga ang panghihina nito. Naiisip pa lang niya ang naghihirap na anyo ng kapatid ay naiiyak ulit siya.

Kung may magagawa lamang siya. Kung sana naging mayaman sila. Kung bakit kasi nagkaroon pa sila ng walangyang ama? Naiisip niya na sobrang lupit ng Dios sa kanya pero ayaw niyang magkaroon ng rason para magalit sa Dios. Pero minsan ay bumibigay na siya sa sobrang hirap ng sitwasyon niya. Hindi niya na alam kung naririnig pa rin ba siya ng Dios?

“Laura,” tawag ng tiyahin niya.

Mabilis na pinahid niya ang mga luha sa mga mata.

“Tiyang, bakit po?” Hinarap niya ito.

“Tumawag sa’kin ang isa sa mga VIP natin dito. Willing siyang magbayad nang malaki.”

Kinabahan naman bigla si Laura.

“A-Ano pong ibig sabihin n’yo tiyang?”

Malungkot na inabot nito ang kamay niya. “Laura, sa’yo ko ibibigay 'tong trabaho na 'to. Hindi basta-basta ang kakilala kong 'to. Nakilala ko lang siya nang minsang magpunta siya rito. Mabait naman. Kaya lang alam mo na, mahilig sa mga babae. Hindi ko nga lang sigurado kung ganoon rin ang kaibigan niya.”

Napalunok siya. “T-Tiyang, gagawin ko na ba 'yon?”

Malungkot na tumango ito.

“Kailangan mong gawin ito Laura. Hindi mo basta-basta makukuha ang pera sa pakikipagtitigan lang. Alam ko na hindi mo gusto ang trabahong 'to pero wala e, ganito talaga ang buhay natin. Masasanay ka rin.” Tinapik nito ang isang balikat niya. “Sabihan mo lang ako kung handa ka na. Sa opisina lang ako.”

Saka siya nito iniwan.

Dios ko! Kaya ko ba?

BUO

na ang desisyon ni Laura.

Gagawin na niya ang inaalok na solusyon ng tiyahin niya. Mabigat man sa loob pero wala na siyang ibang maisip na paraan kung paano siya makakakuha ng malaking pera nang ganoon kabilis.

Kailangan nang maoperahan ng kapatid bago paman ito magkaroon ng komplikasyon. Hindi naman pwedeng magmukmok lamang siya sa isang tabi dahil lang sa alam niyang mali ang gagawin niya. Hindi niya kayang pabayaan lang nang ganoon na lamang ang kapatid. Mas gugustuhin niyang siya na lang ang magdusa. Si Lawrence na lamang ang nagbibigay lakas sa kanya para mabuhay. Nangako siya sa kanyang inay na hindi niya pababayaan ang kapatid noong nabubuhay pa ito. Wala rin naman siyang aasahan sa tatay niya.

Lakas loob na tinitigan ni Laura ang repleksyon sa salamin. Ibang-iba ang nakikita niyang Laura sa mga oras na 'yon. Ibang-iba sa ma prinsipyong Laura na kilala niya. Sa mga oras na 'yon patay na ang dating Laura.

Parang may kung anong bumikig sa lalamunan niya sa isipan na 'yon. Nasapo niya ang dibdib sa sobrang paninikip ng dibdib niya dahil sa pagpipigil ng mga luha. 

Patawarin sana ako ng Panginoon sa gagawin ko. Hindi ko gusto 'to pero kailangan lang talaga. Ayokong mawala ang kapatid ko.

Pinalakas niya ang loob. Umayos siya ng upo at muling tinitigan ang mukha sa salamin. Simula pa lamang it, Laura. Kailangan mong lakasan ang loob mo. Ipinikit niya ang mga mata. Para kay Lawrence. Masasanay rin ako.

Muli niyang naalala ang pag-uusap nilang dalawa ng tiyahin niya.

“Five hundred thousand po?” nanlalaki ang mga matang ulit ni Laura.

“Tama ang rinig mo, Laura. Hindi mo alam kung gaano kamahal ang mga babaeng kagaya mo. Dati ko pa 'yan sinasabi sa’yo. Anyway, matagal ko nang kakilala si Mr. Sy. Galanti talaga 'yon magbigay. Mayaman. Mabait. Gwapo. Pero hindi siya ang makakasama mo ngayong gabi.”

Kumunot ang noo niya.

“A-Anong ibig n'yo pong sabihin Tiyang?”

“Ibibigay ka niya sa kaibigan niya. Hindi ko alam kung sino pero sinabi niya namang mabait ang kaibigan niya.”

Hindi alam ni Laura kung ang kabaitan na tinutukoy nito ay nangunguhulugan na mabuti itong tao o mabait ito sa kama. Hindi niya maisip na ang isang mabait na lalaki ay basta-basta lang makikipagniig sa isang kaladkaring babae.

Pero kailangan pa ba niyang isipin 'yon? Pare-pareho lang naman ang mga lalaki. Iisa lang ang gusto nila sa mga babae.

Malaki na ang five hundred thousand pesos. Maipambabayad na niya ‘yon nang buo sa opistal. Pero kakailangan pa niya nang mas malaki-laking pera dahil ‘di pa kasama roon ang bayad sa doktor, mga gamot nito at stay sa ospital hanggang sa full recovery ng kapatid. Alam niyang kukulangin ang pera niya.

Bumigat tuloy ang pakiramdam niya. Kung sa unang beses kikita siya nang ganoon kalaki, nangunguhulugan lamang na hindi lang iisang beses na ibebenta niya ang sarili sa isang lalaki.

“Alam ko ang iniisip mo Laura,” basag muli ng tiya niya. Naingat niya ang tingin dito. “Aaaminin ko sa’yo, malaki ang komisyon na makukuha ko kapag pumayag ka. Hindi kasali doon ang bayad mo.”

“Ho?”

“Tanggapin mo ang trabahong 'to at ibibigay ko na lang din sa’yo ang komisyon at tip ng kliyente sa akin para maipandagdag mo sa operasyon ng kapatid mo. Hindi muna kailangang ibenta ulit ang sarili mo.”

PANAY ang tingin ni Rave sa buong paligid. He was not familiar with the place. Hindi ito ang mga usual places na pinupuntahan nila ni Mykael. The place was totally out of Mykael's character. But knowing Mykael, alam niyang isa na naman ang lugar na ‘yon sa mga bagong tuklas nito.

Masyadong tahimik at boring ang lugar. Pati nga mismo ang bandang tumutugtog sa itaas ng make shift stage ay walang kabuhay-buhay. Wala rin gaanong customers. Hindi rin naman masasabing pangit ang lugar dahil sa modernong interior design nito at amenities.

“Where are we?” kunot-noong tanong niya rito.

“Sa isang bar,” kaswal nitong sagot. “Wait here.” Iniwan siya ni Mykael sa isang tabi. Sinundan niya ito ng tingin. May matandang babae itong kausap sa bar counter. Kumunot ang noo niya. Masyadong makapal ang make up nito sa mukha para sa lugar na 'yon.

Something is telling him that there's something odd with the place. May napapansin siyang mga kalalakihan na pumapasok pero hindi naman umuupo. Lahat sila ay dumidiretso sa likod ng stage. Ang pinagtataka niya lang ay hindi na niya ulit nakikitang lumalabas ang mga lalaking kakapasok pa lamang.

“Let’s go!” Nagulat siya sa biglang paglapit ulit ni Mykael.

“H-Huh?”

“I said, let’s go,” excited na ulit nito. “Naghihintay na ang prinsesa mo.”

Bago paman siya makapagsalita ay hinila na siya nito papunta roon sa likod ng stage. Hindi nakatakas sa pansin niya ang Authorized Person Only na nakapaskil sa labas ng pinto pero hindi niya inakalang higit pa sa isang simpleng office or staff quarters ang makikita niya sa pagpasok nila.

Agad na kumunot ang noo niya. Para siyang nasa isang ibang lugar. Masyadong dim ang ilaw pero kitang-kita pa rin niya ang istura ng buong lugar. Tahimik, oo, pero hindi nakaligtas sa kanya ang mumunting ingay at vibrations na nararamdaman niya. He felt like they are in a place with thousands of rooms.

They walked past a mini bar lounge kung saan may mga kalalakihang may kaulayaw na mga babae sa table. He couldn't help but feel disgusted at the sight. Lalaki siya pero hindi niya gusto ang mga ganoong eksena. For him, it was too much para lang sa panandaliang tawag ng laman. Lalo na’t halos karamihan na nandoon ay mga matatanda, may asawa at may mga anak pa.

Gusto na niyang umalis pero hindi na muna siya umimik. Hahayaan niya muna ang sarili na magmasid pa.

Habang naglalakad sa hallway ay hindi niya maiwasang isipin kung anong meron sa mga kwartong nadadaanan niya. Most of the doors are designed with a narrow frosted glass that was positioned horizontally on the right side of the door. From the looks of it, wala pa rin siyang masisilip at mukhang sound proof din ang mga silid.

“Alam mo Rave,” sa wakas ay basag ni Mykael. “Nagulat din ako nang una akong makarating dito. I didn't know na meron pa lang mga ganito dito sa Maynila. Alam mo naman ako, hindi ako consistent kaya once in a while naghahanap ako ng bago.” Nakangising nilingon siya nito mula sa balikat.

Kunot-noo lang ang naibigay niya rito. Natawa lang ito sa naging tugon niya. Ano pa bang aasahan niya kay Mykael at sa nagwawawala nitong libido?

Nagulat siya nang bumukas ang pinto ng isang silid. Hindi niya inasahan ang makikita. Halos hubad na ang babae habang akbay-akbay ito ng isang matandang lalaki. Hindi niya maiwasang silipin mula sa nakabukas na pinto ang loob no’n. Hindi na niya huhulaan kung anong ginawa ng dalawa sa loob. It was pretty obvious.

“Rave hindi riyan. Dito tayo.”

And he didn’t like what he is seeing.

“Just where the hell are we, Mykael Sy?!” pigil na sigaw na tanong niya rito.

“Calm down, okay?” Naglakad ito palapit sa kanya. “Mamaya ko na i-explain basta halika na. Masamang paghintayin ang grasya. Mahal pa naman ang ibinayad ko roon.”

“Mykael!” he hissed.

Tinawanan lang siya ng gago. ”Relax, you’ll be fine.”

Something is telling him, he wouldn’t.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status