Share

KABANATA 1

NAAASIWA at hindi pa rin nasasanay hanggang ngayon si Laura sa tuwing tini-table siya ng mga VIP customers nila sa bar. Mag-iisang taon na siya sa Off Lights Night Bar na pagmamay-ari ng Tiyang Esme niya. Bata pa lamang siya ay alam na niya ang maruming trabaho ng tiyahin niya. Nakababatang kapatid ito ng kanyang ama.

Umuuwi ito sa Cebu para kumuha ng mga inosenteng babaeng maibubugaw nito sa Maynila. Hindi niya rin masisi ang mga kasamahan niya sa bar na kunin ang trabaho. Malaki na ang tip kahit tini-table lang. Pero mas malaki ang bayad kapag inuuwi sila ng customer. Isang bagay na hindi niya pa kayang gawin ngayon – ang mailabas at maikama.

Hindi niya gusto ang trabaho niya. Araw-araw umiiyak siya sa kamiserablehan ng buhay niya. Kung maari ay pwede naman siyang humanap ng mas matinong trabaho sa Cebu. Hindi dahilan iyon para pasukin niya ang trabahong iyon. Pero ginawa siyang pambayad ng kanyang ama sa malaking utang nito sa asawang Hapon ng Tiyang niya. Wala siyang magawa dahil sa pagbabanta ni Akihiro at mas lalo lang gugulo kapag nagmatigas siya.

Kapag hindi pa nabayaran ng tatay niya ang sengkwenta mil na utang nito ay kukunin nito ang natitirang lupa nila kung saan nakatayo ang bahay nila at maaring higit pa roon ang magawa ng Hapon sa kanila. Hindi basta-basta ang asawa ng tiyahin niya at sigurado siyang ano mang oras ay makakaya nitong gawan sila nang masama. Hindi ito kumikilala ng kahit sino lalo na kung malaki ang atraso ng tao rito.

Ngayon, mahigit isang daang libo na ang utang ng ama sa tiyahin niya dahil na rin sa palaki na palaking interes na idinadagdag sa inutang nitong pera. Nang lumuwas siya ng Maynila ay tanging sengkwenta pesos na lamang ang natira sa pitaka niya. Kung hindi libre ang kain at tirahan niya ay baka sa gilid na lamang ng daan siya pupulutin.

Sa tuwing naalala niya ang ama ay kulang na lamang ay isumbat niya rito ang mga sakripisyo niya sa pamilya nila. Kulang ang maraming sampal para ipamukha rito kung gaano ito ka walangkwentang ama. Lahat ng perang iniipon niya sa maintenance ng gamot ng sampung taong gulang niyang kapatid na si Lawrence ay napupunta sa sugal at sabong nito.

Gusto niyang sumigaw at isisi ang lahat ng kamalasan na nangyayari sa buhay nila rito. Kung bakit ito pa ang naging ama nila? Pero hindi niya magawa dahil kay Lawrence. Kapag umalis sila ng bahay ay wala rin naman silang matutuluyan. Wala na silang ibang pamilya sa Cebu. Tanging ang tatay na lamang nila ang pamilya nila. Walang mag-aalaga sa kapatid kapag nasa trabaho siya. Kailangan pa rin nila ang tatay nila kahit ganoon ito ka walangkwenta.

Bago siya umalis ay nangako itong itutuloy ni Lawrence ang gamutan nito gamit ng perang ipapadala niya. Diskumpyado man ay pumayag na rin siya. Kung totoo mang malaki ang makukuha niyang sahod ay baka ito na ang solusyon para maging tuloy-tuloy na ang pagpapagamot nila sa kapatid.

Mabigat man sa loob pero kailangan niya munang pagkatiwalaan ang ama at iwan ang kapatid sa pangangalaga nito. Kaya sa tuwing may tumi-table sa kanya ay iniisip niya ang kapatid. Tinitiis niya lahat ng nakakadiring hawak at himas ng mga matatandang lalaki na pumupunta sa bar na 'yon. Iniisip niyang makakatakas rin siya sa sitwasyon niya at makakaipon nang malaking pera para sa kanilang dalawa ng kapatid. Kapag nagawa niya 'yon ay makakaalis rin silang dalawa sa poder ng ama at sa trabahong ito.

Kahit ganoon, hindi naman masasabing cheap ang night bar ng tiyahin niya. Marami silang customers na mayayaman at may sinasabi sa buhay. Kung titignan ito sa labas ay mukha itong high class restobar. Kapag pumasok ka ay parang simpleng restobar lang ito na may make shift stage at may mga bandang kumakanta. Pero lingid sa kaalaman ng iba, may sekretong pintuan sa likod ng stage na magdadala sa mga exclusive VIPs nito sa totoong pinapatakbo ng tiyahin at ng asawang Hapon nito.

May mga VIP rooms sa likod ng restobar kung saan malayang gawin ang kung ano. My bar lounge din para sa mga bagong customer na gusto lamang maka-table ng isang babae. Kompleto rin ang amnesties ng mga VIP rooms. May flat screen TV, music, kama at mga pagkain na dinadala ng mga waiter na mga babae na bagong salta lamang sa bar.

Ilang beses na siyang nakapasok sa mga VIP rooms at hindi iisang beses na may naabutan siyang nagtatalik sa mga silid na iyon. Sa tuwing naiisip niya ang pang-araw-araw na eksena na nakikita niya sa isa sa mga kwarto na 'yon gusto niyang tumakbo at masuka. Masyadong hindi makatarungan. Hindi niya kaya ang araw-araw na pagbebenta ng laman.

Laking pasalamat niya lamang at hindi pa siya pinipilit ng tiyahin na sumama sa labas ng mga nagiging-customer niya. Maliban sa pagiging waiter at paminsan-minsang pakikipag-entertain ay hanggang doon lang ang trabaho niya. Kung minsan ay kumakanta siya sa restobar kapag walang nakuhang banda. Malaki-laki ang nakukuha niya roon. Kaya lang hindi pa rin sumasapat ang mga kinikita niya.

Hindi buo ang nakukuha niyang sweldo. Kinakaltasan pa 'yon ng utang ng tatay niya. 'Yong mga tip na nakukuha niya ay iniipon niya para sa kapatid. 'Yong sobra naman sa sahod ang pinapadala niya sa Cebu.

Pero mabuti na rin 'yon. Hindi niya talaga kaya ang gawin ang bagay na 'yon sa isang lalaki na hindi niya kilala. Pero bukas sa isipin niya ang posibilidad na dadating ang pagkakataon na mapipilitan siyang gawin 'yon pero ang dasal niya sa Panginoon ay sana hindi naman ganoon kabilis o kung maari huwag na sanang dumating ang araw na 'yon.

Napansin ni Laura na sinenyasan siya ng tiyahin mula sa maliit na bintana sa pinto ng Bar Lounge na lumabas. Nagtataka man ay mas gusto niya ring malayo sa matandang nakaakbay sa kanya at panay pa ang halik sa nakalantad niyang braso at balikat sa suot na pulang off-shoulder na blouse at maikling shorts.

May ngiting binalingan niya ang matandang lalaki na suki na rin sa bar na 'yon at nag-excuse na umalis. Pagkaalis na pagkaalis niya sa pwesto na 'yon ay sobrang gumaan ang pakiramdam niya. Pasimple niyang pinahid ang braso ng paulit-ulit nitong hinahalik-halikan kanina.

Inayos niya ang damit at ang nakalugay na buhok. Maraming nagsasabi na maganda siya. Maamo raw ang kanyang mukha na parang sa isang anghel at tila hindi marunong gumawa ng kasalanan. Natatakpan lamang ng makapal na make up ang maamo niyang mukha nang mga oras na iyon.

Pagak siyang natatawa sa isip sa tuwing sinasabihan siya nang ganoon ng mga hindi pa nakakakilala sa kanya. Kung alam lang ng mga ito ang ginagawa niya sa gabi. Tiyak siyang magbabago ang mga isip ng mga ito.

Maaring anghel siya pero isa siyang anghel na tinanggalan ng pakpak at unti-unting nahuhulog sa impyerno.

“Tiyang,” tawag niya nang makalabas. “May problema ba?”

Hindi niya alam kung bakit bumigat bigla ang pakiramdam niya. Sa uri ng ekspresyon ng mukha ng tiyahin niya ay parang may masamang nangyari. Kinabahan siya lalo nang malalim na bumuntonghininga ito.

“T-Tiyang?” nag-aalalang tawag ulit niya rito.

Bigla siya nitong hinawakan sa braso at hinila papunta sa isang maliit na pasilyo papunta sa opisina nito. Nasasaktan man sa paraan ng pagkakahawak nito sa kanya ay hindi niya 'yon ininda. Pumasok sila sa opisina nito. Isinara nito ang pinto sa likod at muli siyang hinarap.

“Tiyang?”

Kinakabahan na siya. Hindi magiging ganoon ang reaksyon ng tiyahin niya kung walang masamang nangyari. Naisip niya agad ang kapatid.

“Tumawag ang tatay mo kanina. Pinapasabi sa’yo na kailangan mo raw magpadala nang mahigit kalahating milyon para sa operasyon ng kapatid mo. Nasa ospital sila ngayon dahil inatake sa puso ang kapatid mo.”

Natutop niya ang bibig. Dios ko! Ang kapatid ko. Hindi na niya napansin pa ang mga luhang kusang umalpas sa mga mata niya. Kusa na ring yumugyog ang mga balikat niya.

“Saan ho ako kukuha nang ganoon kalaking halaga?” iyak niya.

Milagrong nabuhay si Lawrence pagkatapos nitong maoperahan noong tatlong buwan pa lamang ito. Batang-bata pa siya noon at halos mabaliw siya sa paghahanap ng tulong. Mabuti na lamang at may naawa sa kanya at in-refer siya sa isang heart organization na siyang tumulong sa kanya para maoperahan si Lawrence.

Alam niyang lifetime na ang maintenance ni Lawrence kaya pinag-iipunan niya talaga ang mga check ups nito. Bago siya umalis ng Cebu ay napapansin na niyang madalas itong kapusin nang hininga at namumutla. Pati ang kulay ng labi nito ay iba rin, nag-ba-violet. Pero bakit biglang inatake si Lawrence? Nagpapadala naman siya ng pera para sa monthly check ups nito?

“Alam mo na ang sagot sa tanong na 'yan Laura. Alam mo naman ang kalakaran natin dito. Hindi rin kita mapapahiram nang ganoon kalaki dahil malaki ang utang ng tatay mo kay Akihiro. Magiging mahirap sa akin na kumbensihin ang asawa ko na pahiramin ka nang ganoong halaga.”

Nakagat niya ang ibabang labi. Ito na ba 'yon? Ito na ba 'yong araw na 'yon? Dios ko! Bakit? Sobrang naninikip ang dibdib niya. Hindi niya alam ang gagawin. Maaring mawala sa kanya ang kapatid niya kapag 'di niya naipadala ang pera. 

Hinawakan siya nito sa kamay at iginiya paupo sa sofa sa loob ng opisina nito. Mahigpit na ginagap ng ginang ang kanyang mga kamay habang sinusubukang pakalmahin siya. Iyak lang siya nang iyak. Mabait ang tiyahin niya pero alam niyang limitado lang din ang kaya nitong gawin dahil halos ang asawa nito ang humahawak ng pera. Kaya naiintindihan niya rin ang sitwasyon nito.

At dahil doon, lalo lamang bumigat ang pakiramdam niya. Hindi siya kaagad makakakuha nang ganoon kalaking halaga kung hindi siya papayag na maikama ng isa sa mga customers ng bar. Naiisip pa lamang niya iyon ay gusto na niyang isumpa ang sarili. 

“Laura makinig ka sa akin.” Hinawakan nito ang mukha niya at pilit na hinuli ang tingin niya. “Tiyahin mo pa rin ako, kung kaya mo na, ibibigay kita sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Pero kahit ganoon, alam mo na kung ano rin ang gusto nila.” Niyakap siya nito. “Gusto man kitang tulungan pero hanggang dito lang ang kaya kong gawin para sa’yo, anak. Sabihin mo lang ako kapag handa ka na.”

Lalo lang siyang naiyak.

Hindi niya alam kung kaya nga ba niyang gawin 'yon. Pero ano pa bang pwede niyang gawin? Kulang na kulang pa ang mga naipon niya. Kailangan niya nang mas malaking pagkakakitaan. Kailangan niya ring lunukin pati ang natitirang respeto niya sa sarili.

“YOU have to loosen up Rave! It's been what? Five years? Kumusta naman ang buhay mo?” Kulang na lang ay gawan siya ng power point presentation ng kaibigan niyang si Mykael habang naglilitanya ito tungkol sa buhay niya. “Rave, mag-move on ka na. Kailangan mo rin ng taong mag-aalaga sa anak mo. Kailangan mo rin ng babaeng makakasama mo sa pagtanda. You need to love back. You need to experience the same excitement we had when we were teenagers. You need to have sex –“

“Mykael, kung ang pagiging boring lang naman ng sex life ko ang pinuputok ng bungo mo. I tell you, spare mine. I'm okay. I'm still happy. I don't need someone right now. I have my son. At kumakain pa ako ng tatlong beses sa isang araw except if I'm busy.”

Ibinalik ni Rave ang atensyon sa tinatapos na illustration para sa isang comic book na matagal nang naka-pending sa kanya. He's a graphic artist, writer, and at the same time media producer. Silang dalawa ng kaibigan niyang si Mykael. He used to co-owned Mind Creatives Advertising and Production Inc., with Mykael but he sold his share to him. He did no longer have time for Mind Creatives and Mykael seems like doing a great job running the company by himself.

Ngayon, maliban sa paminsan-minsang pagtanggap ng mga projects from his friend ay pinagkakaabalahan naman niya ang pagsusulat ng nobela but not romance. His genre is more on science-fiction and thriller. It was kind of weird, though, since he was not really into writing thick books. He's more on screenplays and storyboard na ang story ay hindi sumusobra sa 10 to 15 seconds.

At ngayon, ginugulo siya ng kaibigan sa sariling bahay niya. Halos araw-araw itong pumupunta sa bahay para lang pilitin siyang magbalik-loob sa tinatawag nitong buhay.

Mykael held a heavy sigh. “Ewan ko sa'yo!”

Biglang tumahimik ang kaibigan. Ipinagpatuloy niya lang ang ginagawa habang hinihintay na magsalita ulit ito.

“Wala ka na bang balak magmahal ulit?” simula ulit nito. “I mean, you've been here alone, doing weird things –”

Writing is not a weird thing, Mykael.”

“Okay!” He held his hands up in defeat. “But Rave, you need to move on.” Ibinagsak nito ang dalawang kamay sa mesa sa harap niya. Naiangat niya ang mukha rito. Blanko ang ibinigay niyang tingin rito. “Matagal nang wala si Hannah. Limang taon na. You need to give yourself a chance to be happy. To meet someone. Or if not fall in love? At least be human. Get out of this dungeon! Have some fun!”

Rave sighed. Itinigil niya ang ginagawa. “Fine! I'll go out.” Isinarado niya ang laptop. “If that's what you want.”

Lumaki ang ngiti ng kaibigan. Talaga naman! Kung hindi lang niya ito kaibigan he would never think twice to decline his offer. But damn, masyado talaga itong makulit. Going out once wouldn't hurt that much. Kung ito lang din ang makakapagtigil sa kaibigan na kulitin siya.

Kusa rin itong susuko. Maybe after this hell night with this crazy! Who knows? Hopefully yes so he can get all the peace back in the world.

Good! Good! Babalik ako mamaya rito at lalabas tayo.”

Kumunot ang noo niya.

 “Why does it sound like we're going out on a date tonight?”

Natawa ito. “Oh, c'mon, boys night out 'to at hindi pabebeng date. Basta, babalik ako mamaya.” He glanced at his wristwatch. “I have a meeting today so I'll just go ahead. Damn, late na nga ako.” Kahit kailan hindi pa rin nagbabago. “I have to go!” Nagmadali na itong lumabas nang maunahan itong buksan ng pinto ni Ross. “Hi, Ross, alis kami ng daddy mo mamaya. Bye!” Ginulo lang nito ang buhok ng anak bago tuluyang lumabas.

Nakakunot naman ang noo ng limang taong anak niya na si Ross habang papalapit sa kanya.

“Daddy, bakit po ba ang ingay-ingay ni Tito Mykael?”

“Parang 'di ka na nasanay sa tito mo, halika nga.” Kinandong niya ang anak. Kamukha-kamukha niya ito. Kung may namana man ito kay Hannah ay 'yong ngiti at mga mata nito.'Yong klase ng tingin nito na laging may pagdududa. Which he finds very adorable. “Hindi ka ba susunduin ng lola mo ngayon, ha?” Hinagod niya ang buhok ng anak.

“Mamaya pa pong six, Daddy. May lakad pa po kasi si Lola. Tapos magsisimba po kami bukas nang maaga at dadalhin niya po ako sa Jollibee.”

He smiled. “Sounds fun!”

Lumapad ang ngiti ng anak. “Daddy.”

“Hmm?”

“Tinanong po ako ni Tito Mykael kanina kung gusto ko raw po ba ng new mommy.”

Kumunot ang noo niya. Pati ba naman ang anak niya kinukulit rin ng baliw na 'yon. Inayos niya ang pagkakaupo ng anak sa kandungan niya.

“Ano namang isinagot mo?”

“Kasi Daddy, naisip ko po, madami pong pinapakilala si Lola sa'yo. Iniisip ko po kung isa sa mga girls na 'yon ang magiging new mommy ko pero…” He made a face. “I don't like most of them po. Kapag nakaharap si Lola ang bait-bait nila but when Lola is not looking po they become monsters. Ayoko po ng mommy monster.”

Natawa siya. True, his mother has a long list of potential wives for him but unfortunately, she was bad at it. Hindi ito marunong pumili and it was sort of frustrating. If he wasn’t a patient man. Those women may not want to see him again. Not that it bothers him. But one could not act drastically so he does it discreetly.

Emiliana Sanjercas was the classic mother-in-law. She was sophisticated yet scary to deal with. Mahirap pakisamahan kapag hindi nito gusto ang isang tao but his mother was quite the manipulative. Kaya lahat ng mga anak ng mga kaibigan nito na pasok sa standards nito ay ipinapakilala nito sa kanya. Kung hindi lahat at least most of them are a pain the ass. And his son was smart enough to notice it all.

“Gusto ko po 'yong mabait. 'Yong kagaya ni Mommy po. ‘Di ba sabi mo Daddy mabait si Mommy. Gusto ko 'yong kagaya niya. Alam ko po 'yon din ang gusto ni Mommy para sa'yo kahit nasa heaven na siya.”

Ngiti lang ang tanging naging sagot niya sa anak.

Nahulog naman siya sa malalim na pag-iisip. Matagal nang pumanaw si Hannah.  Limang taon na ang lumipas pero parang kailan lamang iyon. His wife died after giving birth to Ross. Kahit noon paman ay sinabihan na ito ng doctor na masilan ang pagbubuntis nito at maaring ikapahamak nito. But his wife wanted their child so much. She risked her own life just to keep their Ross.

That was the hardest thing he had gone through. Dalawang taon pa lang silang kasal noon. They got married at an early age dahil na rin sa karamdaman nito sa puso. He was twenty-three and she was twenty-one when they got married. Time was too precious to waste and that two years was the best. But he never thought it would be that soon - na maaga itong kukunin sa kanya ng langit.

He got depressed for several months. But he never blamed his son for losing his wife. Galit siya sa Dios. Galit siya Rito dahil masyado itong malupit. Kung bakit si Hannah pa? Marami namang masasamang tao na dapat mawala. Pero bakit ang mabait at mapagmahal pa niyang asawa?

He was too cruel. He hated Him for that.

At sa limang taon ay hindi pa rin naghihilom ang sugat ng pagkamatay ng asawa niya. He might never fall in love again in this lifetime. It didn’t matter. His heart is only for his wife and his son.

“So Daddy,” Ross snapped him out from his reverie, “kailan po ako magkakaroon ng new mommy?”

May ngiting ibinaling niya ang mukha sa anak. “I’m hungry. What do you want to eat?” And he didn’t intend to give false hopes to his son.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status