Share

KABANATA 3

KANINA pa parito't paroon si Laura habang naghihintay sa isa sa mga VIP rooms. Para siyang naghihintay ng oras ng kamatayan niya. Mas kabado siya ngayon kaysa sa normal na pagkakataon. Siya lang kasi mag-isa at alam niyang may mangyayari na talaga. Na hindi lang simpleng pag-aaliw ang kailangan niyang gawin.

Natutop niya ang dibdib nang biglang may kumatok. Heto na, nandiyan na sila. Kalma lang Laura! Mabilis na pinakalma niya ang sarili. Okay, Laura, ito na. Hinintay niyang bumukas ang pinto. Malakas ang tibok ng puso niya. Oras na bumukas ang pinto wala na talagang atrasan.

Bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang isang matangkad at gwapong lalaki. Parang na engkanto siya sa kinatatayuan. Ngayon lang siya nakakita nang ganoon kakisig na lalaki sa Bar. Kung hindi mga matatanda ay mga bata namang batak ang katawan ng mga tattoo o 'di kaya mga foreigners.

Pero iba ang lalaking nasa harap niya.

Mukha itong hero sa mga nababasa niyang pocketbook. Matangkad at makapal ang kilay nito. May aristokrating hugis ng mukha. Manipis at mapula ang labi at matangos ang ilong. Matapang ang facial expression ng mukha nito at tila kanina pa ito mukhang hindi nasisiyahan sa nakikita. Hindi niya alam kung bakit. Pero tila gusto niyang alisin ang kunot-noo sa mukha nito. Hindi rin gaanong maputi ang balat nito. Hindi rin masasabing kayumanggi. Makinis at sakto lamang na bumagay sa gandang lalaki nito.

Sakto rin ang pangangatawan nito. Hindi 'yon maskulado kagaya ng mga nakikita niyang lalaki na batak sa gym. Malapad ang balikat nito at tila inaakit siya ng matigas na dibdib nito na sumandal. Gwapong-gwapo ito simpleng suot na puting T-shirt na pinatungan nito ng itim na jacket at itim rin na pantalon at sapatos na may white shoe laces. Ang akala niya ay sa mga nobela lamang siya makakakita nang ganoong mga lalaki.

Mali Laura! Mayamaya ay pukaw niya sa sarili. Lihim niyang ipinilig ang ulo at pinalis ang nabuong ideya sa isip. Tandaan mo, lahat ng mga lalaking pumupunta rito ay iisa lang ang gusto. Pati ang isang 'yan. Kaya gawin mo na ang trabaho mo at nang matapos na 'to.

“Excuse –”

Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita ang lalaki at mabilis na lumapit siya rito at hinalikan ito sa mga labi. Aaminin niya, hindi pa siya nahahalikan sa tanang buhay niya. Hanggang pisngi, balikat at leeg lang ang nakukuha ng mga lalaki sa kanya rito sa bar kaya hindi rin siya sigurado kung tama nga rin 'tong ginagawa niya.

Natigilan siya nang hindi man lang ito gumalaw. Ni hindi man lang niya maramdaman ang paggalaw ng mga labi nito. Bigla-bigla ay nakaramdam siya ng pagkapahiya. Parang gusto niyang tumakbo. Naramdaman na lamang niya ang mahigpit na paghawak nito sa mga braso niya. Napangiwi siya. Mabilis at marahas na inilayo nito ang sarili sa kanya.

Naingat niya ang tingin rito. Seryoso ang mukha nito. Ni wala siyang mabasa ni ano mang emosyon. Hindi niya alam kung galit ito o hindi. Pero malakas ang kutob niyang hindi ito nasiyahan sa ginawa niya. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang maiyak. Nakakahiya siya.

“Ang lakas ng loob mong halikan ako pero 'di ka man lang marunong.”

Parang siayng binuhusan ng isang balde ng malamig na tubig sa sinabi ng lalaki sa kanya. Nasaktan siya sa sinabi nito. Oo, alam niya 'yon pero sa uri ng tuno at tingin nito parang pinaramdam nito na isa lang siyang bayarang babae na hindi man lang marunong magpaligaya ng lalaki. Doon siya nasaktan.

Nagsimulang manikip ang dibdib niya. 

Pero kung tuluyan nang magagalit sa akin ang lalaking 'to paano na lang ang bayad nito? Kailangan na kailangan 'yon ng kapatid ko.

Nilakasan niya ang loob.

Tinignan niya ito nang diretso sa mga mata.

“Uulitin ko na lang,” aniya.

“Uulitin mo?” Kumunot ang noo nito na tila ba nagbitiw siya ng joke na hindi man lang nakakatuwa. “No thanks, I'm not even interested.” Akmang tatalikuran siya nito nang hawakan niya ito sa braso.

“S-Sir, huwag muna kayong umalis.”

Hinarap siya nito. Nasundan niya ang marahas na pag-alis nito sa kamay niya na nakahawak sa braso nito. Nakaramdam siya ng pagka-ilang nang pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Sobrang siyang nanliit sa sarili.

Nayakap niya ang sarili.

“I can't believe this!”

He looks disgusted at her. Lalo siyang nanliit sa sarili. Gusto niyang lamunin siya ng lupa nang mga oras na ‘yon. Hindi na siya nagsalita pa at tuluyan na rin itong lumabas ng silid.

Bigla siyang nanghina.

Para bang lahat ng inipon niyang lakas ng loob ay nawala. Bigla na lang siyang napasalampak ng upo sa sahig. Naibaon niya ang mukha sa mga palad at napaiyak. Hindi siya makapaniwalang nawala na lang nang ganoon na lamang ang pag-asa niyang maipagamot ang kapatid.

Sa nangyari ay imposibleng makuha pa niya ang pera gayong wala namang nangyari sa kanila. Kasalanan niya ang lahat kung bakit nawalan ito ng gana. Masyado siyang malamya at kulang pa sa experience. Hindi niya ito masisisi kung sa halik pa lang niya rito nawalan na ito ng gana sa kanya.

Iyak lamang siya nang iyak.

“BAKIT NASA LABAS KA?” tanong agad ni Mykael kay Rave nang maabutan ito sa labas ng silid.

Nalipat ang tingin ni Rave sa babaeng naka-angkla sa braso ng kaibigan. He couldn't help himself but feel disgusted towards the woman. Nakahantad na ang katawan nito sa kapipiranggot na suot na damit nito. Kapareho ng babae sa loob kanina.

Nagulat siya nang bigla siya nitong halikan. Doon pa lang nainis na siya. Ang lakas ng loob nito na halikan siya pero halata namang hindi ito marunong. Hindi naman 'yon ang ikinagalit niya kung 'di ang sitwasyon niya ngayon.

He's not into this, even before, malaki ang disgusto niya sa mga babaeng nagbibenta ng katawan o ang mga lalaking nabubuhay sa pagnanakaw at paggawa ng masama. Hindi sa panghuhusga pero hindi niya talaga maintindahan kung bakit may mga babaeng mas pinipili ang ganitong trabaho? At kung bakit may mga taong kung kumapit sa patalim akala mo sila na ang pinaka nakakaawang tao sa mundo?

The end will never justify the means. Nakaya nga ng ibang mas malala pa ang sitwasyon sa buhay na mamuhay sa tama. Why can't others do that as well? Dahil sa kahirapan? Dahil sa kawalan ng pera? Nah, he doesn’t believe in such things. Rason 'yan ng mga taong makikitid ang mga utak at tamad.

“Rave?!”

“This is stupid! I shouldn't have come.”

Mabilis na tinalikuran niya ang kaibigan at naglakad palayo.

“Hey, Rave!”

Naramdaman niya ang pagsunod ng kaibigan.

“Uuwi na ako.”

“Rave naman!” Hinawakan siya nito sa balikat at pinahinto. “Just this once? Hayaan mo naman ang sarili mong gawin ang mga bagay 'di mo pa nagagawa.”

“But not this!” sigaw na niya. “And not with that woman inside that black room.” Turo niya sa silid na nilabasan niya.

Fine! But don't blame the girl. Alam ko namang 'di mo 'to magagawa. Your heart is still locked with Hannah. I chose that woman because she badly needs this one.”

“Every woman in this place needs the money, Mykael.”

“Hindi ko na pwedeng bawiin ang naibayad ko na. Bahala ka na sa kung ano ang gagawin mo sa babaeng 'yon. Take her out on a date? Kumain kayo sa labas? At least, huwag mo namang sayangin ang ibinayad ko sa kanya. Yes, every woman in this place needs the money. Then isipin mong tulong mo na rin ito sa kanya.”

Marahas na napabuntonghininga siya. “But still –”

“Rave, I understand your point pero maraming pwedeng pumasok sa isipin ng taong desperado na. They are not born in a silver platter like us. Huwag mo namang husgahan agad ang pagkatao ng babaeng iyon dahil lang sa ganito ang trabaho niya nang magkakilala kayo. Give the poor woman the chance to defend herself.”

Ilang segundo silang nagtitigan ni Mykael. Seryoso pa rin ang expresyon ng mukha niya. Hindi niya alam kung pakikinggan ba niya ang kaibigan o mas pipiliin niyang umalis na lamang at iwan ito at ang babae kanina sa lugar na iyon.

“If you don't want pleasure then you can ask her to be your friend for tonight. End of discussion.”

NAGULAT si Laura nang biglang bumukas ang pinto. Mabilis na pinunasan niya ang mga luha at inayos ang sarili.

“I want you to change. Change something comfortable. Ayokong makitang suot mo 'yang damit na 'yan. Pick something simple, 'yong gusto mo, hindi 'yong gusto ng trabaho mo, and please remove your makeup. I'll wait for you outside,” sunod- sunod na sabi nito na hindi agad rumihestro sa utak niya.

Mabilis na umalis din ito.

Tulala. Hindi alam ni Laura ang sasabihin. Pero hindi 'yon ang dapat niyang isipin. Kailangan niyang magbihis. Hindi niya dapat palagpasin ang pagkakataon na ibinigay nito sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status