Share

HB 1: HIS BEAUTIFUL START
HB 1: HIS BEAUTIFUL START
Author: WeirdyGurl

PROLOGO

NAPAUNGOL si Rave nang gumuhit ang sakit sa kanyang sentido pagbangon na pagbangon niya. Awtomatikong naipikit niya muli ang mga mata. Natutop niya ang noo and let out a deep and heavy sigh of frustration. Hindi niya alam kung bakit sobrang sakit ng ulo niya. Heck, he couldn't even remember a thing.

May ilang imahe na paulit-ulit na bumabalik sa isip niya. Masyadong mabilis ang mga eksena. Hindi niya gaanong maintindihan ang mga pag-uusap. Lalo lamang tuloy sumakit ang ulo niya. He tried to knock his head with the lower part of his palm as if it could somehow give him back the memories of yesterday that his mind had shut down. Damn!

Ang huling naalala niya ay kasama niya ang kaibigan niyang si Mykael sa isang bar na hindi niya na rin maalala kung saan at kung anong oras na silang nakauwi. Sa pagkakatanda niya ay hindi naman sila uminom ng kaibigan. Pero bakit pakiramdam niya ay buong gabi siyang uminom sa tindi hangover niya?

Natigilan siya nang maalala ang huling pinag-usapan nilang dalawa ni Mykael. Naimulat niya ang mga mata at mabilis na naigala ang tingin sa buong paligid.

“Fuck!” he cursed under his breath, annoyed with his growing frustration. “What the hell happened last night?”

He's in his penthouse at Sanjercas’. He's not wearing anything under the sheets. Obviously, he did more than just sleeping.  He doesn’t do one nightstand. That's not his thing.

Biglang napansin ni Rave ang isang sulat sa itaas ng bed side table. Kunot ang noo na inabot niya ang maliit na papel. It must be from her. If his assumptions are right.

That's weird, naisip niya. Hindi na siguro nito kailangang iwan pa siya ng mensahe. Unless, its just her number written inside.

Pero hindi niya inasahan ang nakasulat doon.

Huwag mo sanang isipin na sobrang dumi kong babae. Ikaw pa lang ang unang lalaki na dumaan sa buhay ko at sana ang huli. Kailangan ko lang talagang gawin 'to. Hindi na importante kung bakit pero gusto ko lang magpasalamat dahil sobrang laki ng naitulong mo sa akin. At salamat dahil hindi mo pinaramdam sa’kin na bayaran akong babae. Sana ay matagpuan mo rin ang babaeng magbubukas ulit ng puso mo Sir Rave. –Laura

Tulala, hindi alam ni Rave kung anong mararamdaman niya sa nabasa. He couldn't remember a thing. Kahit ang mukha ng babae ay hindi rin gaanong malinaw sa kanya. Natutop niya ang noo.

Who the hell is Laura?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status