Share

KABANATA 18

Gusto niya sanang umakyat na diretso sa kwarto niya at magkulong do'n. Hindi niya kasi gusto ang itinatakbo ng isip niya. Nagi-guilty siya kay Audrey dahil sa inis na unti-unting umusbong sa dibdib niya.

Ayaw niyang maging toxic na girlfriend o asawa kung saka-sakali. Hindi pa nga sila ni Sky ay mukhang nagsisimula na siyang magselos sa mga babaeng napapalapit dito, kahit si Audrey nga na pinsan niya ay hindi nakaligtas sa pagseselos niyang iyon.

Hindi tama iyong gano'n. Dapat ngayon pa lang ay marunong na siyang kumontrol ng sariling damdamin.

Nasa loob siya ng kwadra at hinimas-himas muna ang mukha ni Atlas habang panay ang paghinga nang malalim. Ayaw niya munang lumabas hangga't hindi napapakalma ang sarili.

Napalingon siya nang maramdamang may papalapit. Nakita niya si Sky na naglalakad habang nasa tabi nito ang kabayong ginamit nila kanina ni Audrey.

Pormal na pormal ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Agad na iniiwas niya ang tingin saka yumuko.

Wala itong imik na pinapasok d
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status