Katatapos lang siyang lagyan ng makeup ng baklang makeup artist na kinuha ng ina. Nakaupo siya sa harap ng salamin habang nakatitig sa repleksiyon. Suot na niya ang puting damit na pangkasal niya. Simple lang ang tabas no'n kaya't hindi iisipin ng kung sino mang makakita na pangkasal pala iyon.Sinadya talaga iyon ng ina dahil wala ngang dapat makaalam na kasal din niya sa araw ng kaarawan niya.Nakakapanibago ang hitsura niya dahil wala ang makapal na eyeliner at dark lipstick. Hindi na siya mukhang frustrated na rock star.Nakangiting tumitig din ang mommy niya sa salamin saka idinikit ang pisngi sa pisngi niya."You're so beautiful, anak. Hindi ka na baby. I'm so emotional right now na parang ayaw ko na lang lumabas tayo sa kwartong ito." Gumaralgal ang boses ng ina habang pinapahiran ang sulok ng mga mata nito.Hinawakan niya ang isang kamay nitong nasa balikat niya. Naiiyak din siya pero pinipigilan niya lang at baka ulitin na naman ang pagmi-makeup sa kanya.Nginitian niya ito
Bitbit niya lang ay isang bag habang nanatiling nakatayo sa gitna ng sala ng condo ni Sky. Si Sky naman ay tinutulungan ng driver ng mga ito na si Mang Johnny sa paghahakot ng mga gamit niya.Tatlong malalaking bags at isang backpack na bitbit niya ngayon ang mga dala niyang gamit.Last week ng first semester nila pero dahil tapos na ang final exam nila ay pwede na silang huwag pumasok talaga. Busy na rin kasi ang mga guro nila sa ibang gawain. Pina-prioritize na ng mga ito ang mga estudyanteng posibleng babagsak sa subjects nila.Kadalasan ang mga estudyanteng iyon lang ang pumapasok sa week na iyon para hanapin ang mga guro nila para magmakaawa o humingi ng ibang projects para maipasa ang subject.Ang gusto ng mommy niya ay samahan sana sila ni Sky pabalik ng Maynila para makita ang condo ng lalaki pero pinigilan na ito ng daddy niya. Alam niyang gustong siguraduhin ng mommy niya kung magkakahiwalay nga ba sila ng tulugan ni Sky.Mas lalo siyang natigilan habang nakatingin lang dito
Tatlong beses na kumurap-kurap ang mga mata niya na halatang antok na antok pa. Nakaharap siya sa cabinet habang nakahiga nang patagilid.Biglang dumilat na nang tuluyan ang mga mata niya nang ma-realize na hindi niya cabinet ang tinititigan niya.Tumihaya siya habang inilibot ang paningin sa loob ng kwarto. Napabalikwas siya ng bangon nang maalalang kwarto nga pala ni Sky iyon, at kama nito ang hinihigaan niya.Napangiti na lang siya nang maisip na kaya siya ando'n dahil mag-asawa na sila nito. Napatingin siya sa nakasarang pinto ng kwarto. Nasa labas si Sky. Sa sala nga ito natutulog.Gusto niyang puntahan ito at silipin kung maayos ba ang pagkakahiga nito pero baka magising ito.Napatingin siya sa oras. Malapit nang mag-alas singko ng umaga. Kailangan na niyang bumangon para maipagluto si Sky. Papasok pa kasi ito sa opisina sa kompanyang pag-aari ng pamilya nito.Kaya nga kahit bakasyon sa school ay wala namang bakasyon si Sky.Dapat nga ay honeymoon nila, eh. Binigyan sila ng Mama
Napatingin siya sa shirt na suot saka alanganing ngumiti kay Sky."Naglinis kasi ako buong araw tapos ano... parang ang presko kasi ng shirt mo kaya hiniram ko muna. Okay lang ba?""May naglilinis dito every Wednesday. You don't have to do all the cleaning.""Okay lang. Wala kasi akong magawa. So, okay lang ba na suot ko itong shirt mo?" Pinalambing pa niya ang boses saka humarap dito."Yeah, sure. That's fine." Mabilis lang na dumaan ang mga mata nito sa suot niya saka iniiwas na agad ang tingin sa kanya.Sumandal ito sa sofa saka pumikit na parang pagod na pagod. Napatitig siya rito. Tumayo siya saka pumunta sa likod nito. Dumako sa mga balikat nito ang mga kamay niya saka sinimulan na itong hilutin.Pabigla ang ginawa nitong pagdilat. Nagulat yata sa ginawa niya.Yumuko siya rito at nginitian ito habang patuloy sa pagmamasahe.Pumikit na lang din ito na parang nagiginhawaan sa ginagawa niya.Walang imik na ipinagpatuloy niya ang pagmamasahe rito. "That feels good, Braille," mahin
Hindi niya nakitaan nang kung ano mang pagkailang si Sky after no'ng nangyari sa kanila sa sala. Normal pa rin ang mga kilos nito. Siya lang iyong hindi maalis-alis sa isip ang mainit na tagpo nila.Maaga pa rin siyang nagigising para ipagluto ito ng almusal bago pumasok sa opisina.Kada uwi nito ay kinukwento nito sa kanya ang mga nangyari sa trabaho. Ang sofa yata ang paborito nilang tambayan. Pakiramdam niya ay umiiwas itong magdikit man lang ang mga balat nila dahil nasa pinakadulo ito ng sofa laging nakaupo habang nasa kabilang dulo rin siya.Hindi na rin niya sinubukan pang akitin ito or magdamit nang daring para lang makuha ang atensiyon nito sexually.Natatakot din siya na ewan pero laging ando'n naman lagi ang kasabikan. Gabi-gabi nga niyang naiisip ang mainit na halikan nila ni Sky. Hindi na kasi nasundan iyon kahit smack. Sa tuwing umaalis ito ay sa pisngi na siya hinahalikan ng asawa at hindi sa lips.Asawa...Parang hindi pa rin siya sanay na tawagin itong asawa pero kin
Tinulungan niya ang mommy niya at ina ni Sky sa pagbitbit ng mga dala ng mga ito. Niyakap naman agad siya ng dalawa na para bang ang tagal nilang hindi nagkita.Si Audrey ay nakatayo sa may pinto nila na nakahalukipkip. Nakita niya ang pagsulpot ni Sky na preskong-presko na ang mukha. Nakikipaghuntahan pa ang mga ina nila sa pasilyo ng condo na puro ngiti lang ang sagot niya. Ang mga mata niya naman ay nakapagkit sa dalawa. Lumingon si Audrey kay Sky. Kitang-kita niya nang matigilan si Sky pagkakita sa babae.Bigla ay parang gusto niyang pumagitna sa dalawa at hawakan sa braso si Sky. Gusto niyang ipamukha sa pinsan na kanya na talaga ang lalaki.Pinag-aralan niya ang mukha ni Sky pero kumunot lang ang noo nito. Hindi nito pinansin si Audrey. Dumiretso ito sa kanila at saka lang ngumiti nang salubungin ang mga ina nila. Hinalikan muna nito sa pisngi ang mommy niya saka sumunod naman ang Mama nito."Naku, parang nawiwili kayo sa buhay mag-asawa ninyo, ah!" Masayang pansin ng Mama nit
Kinuha niya ang ibang malalaking unan at inilagay sa pinakagitna ng kama. Minamadali niya ang pag-aayos no'n habang hindi pa pumasok si Sky.Nang maramdaman niya ang presensiya nito ay ipinagkit niya agad sa mga labi ang napakalaking ngiti. Ayaw niyang mahalata nito na nati-tense siya na matutulog na sila sa iisang kwarto.Muntik pang mapalis ang ngiti niya nang masalubong ang tingin nito. Nakasandal ito sa pinto ng kwarto na iniwan niyang nakabukas. Bitbit nito ang unan at kumot nitong ginagamit sa sala."Gusto mong dagdagan ko pa itong Great Wall of China?" Pabirong tukoy niya sa mga unang pinagpatong-patong niya. Mabuti na lang at may nakita siyang mga unang hindi nagagamit sa loob ng cabinet.Napalunok siya nang nanatiling seryoso ang mukha nito. Pumasok na nga ito nang tuluyan saka ibinaba sa kama ang mga bitbit "Are you sure about this?" Ando'n na naman ang klase ng tingin nito na parang hihigupin pati ang kaluluwa niya."Oo nga. Humiga ka na riyan at maliligo na rin muna ako."
Lagi nang mainit at mapusok ang gabi nila ni Sky. Bilib na bilib naman siya sa self-control nito dahil kahit hubo't-hubad siya at dinadama ng mga kamay at dila nito ang buong katawan niya ay nakaya pa rin nitong pigilan ang sarili na tuluyang angkinin ang pagkababae niya.Kaya siguro kapag ginagawa nila iyon ay hindi nito hinuhubad ang brief. Ironic nga dahil nakita na nito ang buong kaluluwa niya pero siya ay hindi man lang nasilayan pa ang naghuhumindig na alaga nito.Nararamdaman niya nga iyon lagi lalo na kapag dumidiin ito sa katawan niya pero hindi iyon inilalabas ni Sky sa loob ng brief nito.Halos isang linggo na nilang pinapainit ang gabi nila nang wala pa ring nangyayari sa kanila. Minsan ay gusto niyang maawa kay Sky. Kapag kasi naabot na niya ang sukdulan sa pamamagitan lang ng daliri at dila nito ay ito naman ang magpaparaos sa sarili. May mga panahon pa nga na sa loob ng banyo nito ginagawa iyon.Ang sabi ng iba ay sasakit daw ang puson ng lalaki kapag hindi napagbigyan