Share

KABANATA 29

Katatapos lang siyang lagyan ng makeup ng baklang makeup artist na kinuha ng ina.

Nakaupo siya sa harap ng salamin habang nakatitig sa repleksiyon. Suot na niya ang puting damit na pangkasal niya. Simple lang ang tabas no'n kaya't hindi iisipin ng kung sino mang makakita na pangkasal pala iyon.

Sinadya talaga iyon ng ina dahil wala ngang dapat makaalam na kasal din niya sa araw ng kaarawan niya.

Nakakapanibago ang hitsura niya dahil wala ang makapal na eyeliner at dark lipstick. Hindi na siya mukhang frustrated na rock star.

Nakangiting tumitig din ang mommy niya sa salamin saka idinikit ang pisngi sa pisngi niya.

"You're so beautiful, anak. Hindi ka na baby. I'm so emotional right now na parang ayaw ko na lang lumabas tayo sa kwartong ito." Gumaralgal ang boses ng ina habang pinapahiran ang sulok ng mga mata nito.

Hinawakan niya ang isang kamay nitong nasa balikat niya. Naiiyak din siya pero pinipigilan niya lang at baka ulitin na naman ang pagmi-makeup sa kanya.

Nginitian niya ito
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jazzy
Buti at wala ang bruha
goodnovel comment avatar
Jona
Pls update author, I hope you do multiple updates. Thanks
goodnovel comment avatar
Mhariel Co
more Update pa please miss A ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status