Share

KABANATA 65

Author: Jewiljen
last update Last Updated: 2022-10-07 17:43:58

"Andiyan pa ba iyong masarap pikunin na pinsan ko?" Nakatawang bungad agad ni Archer sa kanya nang sagutin niya ang tawag nito kinagabihan.

Malapit nang mag-alas nuebe ng gabi nang umalis si Sky at ang pamilya nito. Tanging ang mga magulang lang ng lalaki ang kasama nito sa dinner na iyon dahil si Ara na kapatid nito ay naiwan sa Maynila dahil may summer class.

Umingos siya kahit hindi iyon makikita ni Archer.

"Para kayong mga engot na magpinsan."

Malakas na tawa lang ang isinagot nito.

"Alam mo bang tinanong ako ni Sky kanina kung nanliligaw ba uli ako sa'yo? Tapos parang mananapak na habang tinanong ako no'n." Hindi na yata ito titigil sa kakatawa.

Sumeryoso ang mukha niya.

"Ano'ng sinabi mo?" Hindi maikakaila ang interes niya sa topic na iyon.

Matagal bago ito sumagot na sinadyang bitinin siya.

"Hoy, Archer, ano nga?" Ulit niya na medyo nainis na sa pambibitin nito.

Marahang tawa ang narinig niya bago ito sumagot.

"Siyempre, sabi ko oo dahil gusto ko pa siyang inisin. Nakakatuwa ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Marry Mae Conceja
Cge lng braille.. Pahirapan mo pa lalo ng malaman nyang hnd kna kagaya ng dati
goodnovel comment avatar
jina
truth braille guard ur hearts...huwad p nmn kung mg mahaL yan,...mahaL k pero mdli mas maniwala s iba, ...at bk nga kung hnd p umatras ung pinsan mo s kasaL pakakasaL xa dun eh,Kya mas ok n yan wag k mxdo mg tiwala s knya, Bo mmya pag my ng yare nnmn n hnd mganda , hnd nnmn kw Ang piliin,
goodnovel comment avatar
Nilah Garcia
cant wait for the next chapter...more of selosan sana para mas exciting!hahaha!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   Pasasalamat muli

    Again, thank you po sa lahat ng sumubaybay sa dalawang love stories ng book na ito.Iba kong books na mababasa ninyo rito sa Goodnovel:-The Rebound Bride-Gagayumahin si Ultimate Crush (The Palpak Version)-Love Potion Gone Wrong (Bewitching my Ultimate Crush)- English version ng Gagayumahin-Between Lust and Love (Tagalog and English version)Ang Gagayumahin ay nasa isang account ko na Jewiljen pa rin. Pwede ninyong ma-search gamit ang Jewiljen or ang title mismo.Completed na po ang lahat ng iyan!Taos puso po akong nagpapasalamat sa suporta ninyo. I'm forever grateful sa inyo.Salamat sa lahat!❤️❤️❤️💋

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   FINAL SPECIAL CHAPTER (Arch-Angel)

    Buong araw siyang nasa labas. Kinausap niya ang mga may-ari ng dalawang lote na natitipuhan niyang bilhin para pagtayuan ng museum ng mga paintings niya.Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Ilang buwan siyang nanatili sa Maynila. Ngayon lang siyang nakabalik muli ng Tarlac. Kaya sobrang pagod niya dahil pagkatapos niyang makausap ang pangalawang may-ari ay bumiyahe na rin siya papuntang Tarlac. Wala sa plano iyon. Basta gusto lang niyang umuwi ng Tarlac.Agad na bumungad sa kanya ang isa sa mga stay-out na katiwala niya."Ma'am may mga sulat po kayong dumating no'ng mga nakaraang buwan pa."Tumango lang siya habang pabagsak na umupo sa malambot na sofa. Nasabi na rin kasi nito iyon no'ng isang linggo. Sanay na siyang nakakatanggap ng mga business letters kaya ipinagbalewala niya na lang iyon.Tinanggal niya ang sapatos sa paa para maiangat niya ang mga binti sa sofa. Prenteng-prente na ang pagkakasandal niya nang bumalik sa harap niya ang katiwala.Nagtaka pa siya nang may b

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 3 (Arch-Angel)

    No'ng isang araw lang siya bumalik ng Pilipinas. Sa loob ng ilang taong nasa Amerika siya ay mabibilang lang sa daliri ang mga panahong umuuwi siya ng bansa. Sa tuwing bumabalik kasi siya ng Pilipinas ay hindi niya maiwasang maisip ang unang heartbreak niya. Alam niyang masyado pa siyang bata no'n pero tumatak talaga iyon sa puso niya.Nagka-boyfriends din naman siya sa ibang bansa pero lagi ay aabot lang ng ilang months. Siguro dahil hindi pa rin siya nakaka-adjust sa ibang culture ng ibang lahi. O kaya naman ay Pinoy talaga ang hinahanap ng puso niya.Ngayong bumalik na uli siya ng Pilipinas ay mananatili na siya for good. Kahilingan na rin iyon ng mga magulang niya. Ironic nga na ang mga ito ang may gustong sa Amerika siya mag-aral pero hindi naman tumitigil ang parents niya sa pakiusap na umuwi na siya. Kailangan pang magmakaawa ng mga ito para lang bumisita siya ng Pilipinas.Maganda na kasi ang trabaho niya roon. Hindi man niya nasunod ang gusto niya dati na may connection sa g

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 2 (Arch-Angel)

    Kahit parang nagiging panakip-butas lang siya ni Archer ay hindi naman kailan man pinaparamdam ni Archer sa kanya iyon. Sa katunayan ay napaka-sweet nito bilang boyfriend. Kapag hindi sila magkasama ng lalaki ay sa telepono naman sila nakababad na dalawa.Ang saya-saya ng puso niya pero hindi pa niya iyon masabi kay Braille. Nagi-guilty kasi siya. Feeling niya ay sinulot niya si Archer dito kahit pa sabihin nitong may iba talaga itong gusto.Saka na siguro niya sasabihin kay Braille kapag sigurado na siyang naibaling na nga ni Archer ang feelings nito sa kanya. Mula nang maging sila ng lalaki ay never na nitong nababanggit si Braille sa kanya. Gusto niyang isipin na kahit sa ikli ng panahong nagkakilala sila ay tuluyan na ngang nahulog ang loob nito sa kanya.Nasa isang kainan sila noon. Mataman niyang pinagmamasdan muna si Archer bago niya naisipang sabihin dito ang matagal na niyang gustong sabihin."S-si Braille iyong emogirl mo, di ba?" Halos hirap pang lumabas sa bibig niya ang

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   SPECIAL CHAPTER 1 (Arch-Angel)

    Umalis muna siya sa tambayan ng mga Emopipz. Wala rin naman kasi si Braille. Saka medyo masama ang loob niya. Narinig niya kasi ang pinag-uusapan ng ibang members ng Emopipz. May bagong girlfriend na raw si Seth.Si Seth ay isa sa mga founders ng Emopipz. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya. Ang totoo ay hindi naman talaga ito kagwapuhan. Kagaya ng typical na member ng Emopipz, mahaba ang bangs ni Seth kahit pa nga lalaki ito. Mahilig ito sa paggalaw-galaw ng ulo kapag gusto nitong hawiin ang bangs na tumatakip sa mga mata.Ang kapal din ng eyeliner nito at nagli-lipstick din ito ng itim.Over all, kung titingnan ay hindi talaga ito gwapo. Kahit siya ay natatanong ang sarili minsan kung ano ang nagustuhan niya kay Seth.Siguro dahil sa sobrang confidence nito sa sarili kaya marami ang nagkakagusto sa lalaki na puro Emopipz members lang din naman. Iyong ibang mga kababaihan na hindi masakyan ang trip ng kanilang grupo ay ginagawang katatawanan ang lalaki.Hindi na niya mabilang kung

  • HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)   Pasasalamat

    Salamat sa mga sumubaybay sa kwentong ito.Salamat mga emopipz!Naa-appreciate ko po ang lahat ng mga comments ninyo. May ilalagay po akong special chapters ng Team Arch-Angel after nito. Mga isa or dalawang chapters lang.Again, maraming salamat dahil hindi ninyo iniwan sina Braille at Sky!Nakakaiyak lang na natapos na ang kwento nila. Pwede ninyo pa rin pong ulitin ang pagbasa kung mami-miss ninyo sila.Salamat sa lahat, Emopipz!Gusto ko sanang mag-mention ng names dito kaso ayaw kong may makaligtaan dahil lahat kayo na readers ay malaki ang naiambag para matapos ko ang kwento na ito.If hindi pa ninyo nabasa ang isa kong story dito ang Title is: GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)❤️❤️❤️Thank you from JEWILJEN

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status