Share

KABANATA 21

Pinilit kong kumalma at labanan ang sariling panlalamig. Kunwari pa akong ngumiti at nagagalak na makilala ang dalawa. Kahit kabado ay sinubukan ko pa rin itong lingunin na abala na sa pagkuha ng pagkain sa mesa.

At hindi ko alam kung manliliit ako sa sarili ko matapos itong humarap. May katangkaran na babae na balingkinitan ang katawan. Morena at kulot ang buhok na abot balikat lang. Pantay at puti ang mga ngipin. Maganda rin ang ulma ng kilay niya.

Liningon ko si West. Kumakain na ito at akala mo ay hindi napukaw ang atensyon niya kanina.

"Ate Mila, dito!" muling sigaw ni Mae.

Lumapit ang babae ngunit bumilis ang lakad niya matapos makita si West na nasa pagkain ang atensyon. Nanahimik ako at yumuko na lamang sa sariling plato.

"Salamat, Mae. Hello, Sir West," malambing na bati nito.

"Pwede pong makiupo-" humina ang boses nito matapos akong malingunan.

May katanungan sa tingin niya at liningon sila Nikki. Kita ko pang tumaas ang isa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status