Share

KABANATA 6

Nangangatog ang binti ko sa kaba. Halos ayaw ko na ngang pumasok sa opisina niya. I know that once I get inside, I will lose everything. Whatever the reason behind it, they will still kick me out. Sana lang ay hindi ako mawalan ng lisensya. Ngunit maging iyon ay nanganganib.

"Ma'am Frey, I know you know why you were called."

Seryoso ang Principal na nakasandal sa upuan niya. Walang ngiti at malalim ang tingin.

Huminga ako nang malalim at pilit kinalma ang sarili ko. Hindi pweding mag-panic at baka lumala lamang ang lagay ko. I should think of ways to change his mind.

"I'm sorry, Sir. Pero hindi ko po iyon ginusto. I w-as forced," humina pa ang boses ko sa dulo.

Natahimik ito at hindi nagkomento. Hindi ko alam kung magandang senyales iyon o hindi.

"Are you sure?" Pinaningkitan ako nito ng mata na kinaatras ko.

"Y-es. I was there in the bar drinking. They offered their free drink and the next thing I know, I am wildly dancing."

"Are you sure you were forced by that man?" mas matatag na tanong nito.

Liningon ko siya at bakas sa hilatsa ng mukha niya na hindi siya naniniwala.

"O-po."

"How come? I have known him for so long, and he will never commit such a crime."

Napalunok ako sa kawalan ng sasabihin. Even I wasn't sure of what happened.

Paano ko ba sasabihin na ayaw ng utak ko pero gusto ng katawan ko?

"Sir, I'm telling the truth."

Sa huli, iyon ang nabigkas ko. Nagtubig ang mga mata ko at hindi na alam kung paanong ipagtatanggol ang sarili.

"I'll call him and ask this directly." Inabot nito ang cellphone niya ngunit mabilis akong tumayo at lumapit sa mesa.

Pinigilan ko ang siko nito upang hindi dumapo ang telepono sa tainga niya.

"Kilala niyo po siya?" Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

Kumunot ang noo niya at sinubukang tanggalin ang kamay kong nakahawak sa kanyang siko.

"Of course, that's why your accusation is not true. Ayos lang naman kahit sabihin mo na nag-hooked-up kayong dalawa, Miss Frey. Basta malilinis ang pangalan mo." Binaba nito ang telepono at umabot ng isang folder.

Hindi ko pinansin kung ano iyon. Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko pa ang principal, sa paningin ko ay tutulungan niya ako.

"Thank you, Sir!" Kumapit ako sa damit niya at natatawa pa niyang inaalis iyon.

Ngunit hindi ko inasahan ang pagbukas ng pinto.

"Ano 'to?! Malandi ka!"

Kasunod ng sigaw ay ang walang habas na paghila sa buhok ko. Mahigpit iyon at tila nais alisin maging ang anit ko.

"Sandali po! Hindi po!" Sinubukan kong alisin ang kamay niya ngunit pilit niya akong hinihila.

"Hon, you got it wrong!"

Tinulungan ako ng Principal na alisin ang nakasabunot na kamay ng Misis niya. Ngunit ni hindi iyon halos mahiwalay sa buhok ko.

Mabagsik niya akong binitiwan at tinulak. Napadpad ako sa gilid ng mesa at naramdaman ang sakit na sumigid sa balakang ko.

Kusang naglaglagan ang mga luha ko sa sakit na nararamdaman. Nawawalan ng lakas at nahihirapang tumayo.

"Ikaw na babae ka na may scandal! Huwag ang asawa ko! Ang landi mo ay huwag mong ikalat sa paaralang ito. Idedemanda kita at paaalisan ng lisensya." Dinuro-duro pa ako nito at gusto pa sanang sabunutan ngunit pinipigilan ito ng Principal.

"Hon, stop. Walang ganoon."

Pilit siyang pinapakalma ng asawa ngunit inaabot niya pa rin ako, gusto pang sumabunot.

"Wala po akong ginagawang kasalanan! Mali po kayo ng intindi!" Marahas kong pinunasan ang mga luha ko at matalim siyang tiningnan.

Hindi nagbago ang reaksyon nito at lalo lamang tumalim ang tingin niya.

"Isa kang malanding kabit! Layuan mo ang asawa ko kung hindi ay patatanggalan kita ng lisensya! Salot!"

Humikbi ako at nagmamakaawang tingin ang dinungaw sa Principal. Umiling ito at tila suko na sa asawa niya. Tinuro na lamang nito ang pinto senyales na pinapalabas ako.

"Mag-alsa balutan ka at huwag kang bumalik sa paaralang ito!" Nakawala ito at marahas akong hinila patayo. Tinulak-tulak pa ako nito palabas ng pinto.

"Kaya ko pong maglakad at lumayo!" Winaksi ko ang kamay niya at binigyan ng masamang tingin na nakapagpataas ng kilay niya.

"Mas matapang na talaga ang mga kabit ngayon!" Malakas pa niyang sinara ang pinto at iniwan ako sa labas.

May iilan pang estudyante roon na nagbubulungan. Sa tingin ko ay kalat na ang video sa buong school. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila.

Nakayuko kong linakad ang papuntang faculty. Ang mga kapwa ko guro ay hati ang opinyon. May iilan na nagagalit at may iilan na pinagtatanggol ako.

"Uy totoo ba? Kabit ka ni Mr. Reyes?"

"Ma'am Frey, tigresa ka pala?"

Linagpasan ko sila at dumiretso sa mesa ko. Mabilis kong inayos ang mga gamit at hindi binigyan ng tingin si Ma'am Tan na nakasulyap sa akin.

Natigil lamang ako nang may kamay na humila ng siko ko at dumuro sa akin.

"Nang dahil sa'yo, nadamay kami!"

Galit na mukha ni Jasmine ang naharap ko habang sa likod nito ay matalim ang mga tinging binibigay sa akin ni Rico.

But that didn't scare me.

Imbis na maiyak ay natawa ako.

Sino ba'ng unang nagtaksil? Sino ba ang tunay na kumabit?

Binigyan ko sila ng nakamamatay na tingin. Hinawi ko ang kamay niyang nakaduro. Tinulak ko nang bahagya na kina-alerto ni Rico. Ngunit hindi ko inasahan ang pagkirot ng puso ko dahil doon. Mas masakit pala kapag hindi na ikaw ang... pinaglalaban niya.

Ngayon hindi na ako ang pinagtatanggol niya. May iba na. At mas nakagagalit ngayong punong-puno na ako. Do I deserve these?

"Sino ba sa atin ang malaswa? Sino ba rito ang may librong ginagaya at ginagawa kahit na parehong professional at may karelasyon na iba?!" sinigaw ko iyon na kumuha ng atensyon nila.

May nagsinghapan at nagbulungan. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pag-irap ni Jasmine.

"Bakit? Inggit ka? Kaya ba nakitikim ka rin ng iba?"

Napaiwas ako ng tingin at hindi nakasagot. Ano ba'ng laban ko? Sa halip na magsalita ay umirap na lamang ako. Hinila ko ang bag ko at balak na talikuran sila ngunit hinarap ko si Rico.

"Break na tayo!" hindi ko na hinintay ang reaksyon niya at tinalikuran ko silang lahat.

Kung hindi ako para roon ay hahanap ako ng iba. Ngunit nagdadalawang isip ako kung may tatanggap pa sa akin sa kabila ng records ko.

Gusto kong tumuloy sa store at isampal ang isang buong buko pie sa mukha ng lalaking iyon!

Kung hindi dahil sa kanya ay sana masaya pa akong namumuhay ngayon.

I can't imagine how my haven turns into my danger zone.

Kahit lugmok ay hindi ko pinatulan ang ano mang panghuhusgang naririnig ko.

"Ehtics teacher, may scandal na tapos kumabit pa sa principal. Baka gustong umangat sa buhay?"

Gusto kong balikan at sabunutan ang nagsabi niyon ngunit lalong lala ang sitwasyon. At sa tingin ko ay hindi ko na dapat pa iyong patulan. They have no idea what happened.

Kahit mainit at napupuno na sa mga bulungan nila ay matiyaga akong naghintay ng jeep sa labas ng gate. Sa tagal ay wala pang dumaan at malapit na akong matusta.

Gusto kong umiyak ngunit walang luhang gusto pang lumabas sa mga mata ko. Mahapdi na ang mga iyon at lalo pang humahapdi.

Natigilan ako nang hindi na maramdaman ang sakit ng sikat ng araw. Tumingala ako at nakitang isang payong ang naglilim sa akin.

"Are you okay?"

Boses pa lang ay parang gusto ko na ulit magwala. Kaya pa niya akong kausapin sa kabila ng lahat?

Napamaang ako at liningon siya. Natameme nga lamang nang makita ang intensidad ng berdeng mga mata niya. Sumabay pa ang kunot ng makapal niyang mga kilay.

Imbis na sumbatan siya ay natakot ako. Tila nalunok ko ang sariling dila at ayaw na ulit magsalita. Paano kung gawin niya ulit? Paano kung bigla na lamang niya akong hilahin sa kung saan at pwersahin?

Kumabog ang d****b ko at mabilis na naglakad patungo sa jeep na palapit. Sa takot ko ay agad ko iyong pinara at agad sumakay. Tumatahip pa ang d****b ko kahit na maayos na akong nakaupo sa loob.

Liningon ko pa ang lalaki sa takot na baka sundan niya ako. Ngunit nanatili lamang ang mariin niyang titig sa akin habang umaandar ang jeep. Hanggang sa makalayo ang sasakyan ay nakabaling ang ulo niya sa akin.

Nakahinga lamang ako nang maluwag nang makarating sa apartment ng walang bakas ng tingin niya.

Nawalan man ako ng trabaho ay may pag-asa pa naman. Mas gusto ko munang magpahinga at kalimutan ang lahat. Hindi yata makabubuti kung pipilitin ko ngayon.

Uuwi na lang ako sa probinsya at doon hahanap ng trabaho. Ngunit nawala lahat ng balak ko matapos makita sa screen ng cellphone ang pangalan ni Mama.

Nagmadali akong sagutin iyon upang sabihing uuwi ako. Kaya lang ay iba ang bungad sa akin.

"Frey! Ano 'tong k-abit ka raw, Anak?" Umiiyak siya at humahagulgol sa kabilang linya.

Halos matulos ako at tuluyang Naestatwa. Nagbukas-sara ang mga labi ko at gustong magpaliwanag.

"Ma, hindi po. Kanino po ninyo nalaman iyan?" humina ang boses ko at nawalan ng pag-asa.

"Kalat na rito sa atin. Mawawalan ka daw ng lisensya dahil kumabit ka sa Principal ninyo!"

Hindi pa ako nakasasagot ay nakarinig na ako ng kalabog sa kabilang linya, sunod doon ay ang boses ni Tatay na nakapagpakabog ng d****b ko.

"Ikaw na bata ka! Hindi kita pinalaking ganyan! Kung kakabit ka lang ay mas mabuti pang huwag ka ng umuwi rito! Nakakahiya ka!"

Namatay ang tawag at naiwan akong nakaawang ang mga labi. Ni hindi man lang ako nakapagpaliwanag nang maayos. At ni hindi ako pinakinggan. Hindi ko lubos maisip na ang pamilyang gusto kong sandalan ay kaya akong talikuran.

Naglandas ang mainit na likido sa pisngi ko. Hinayaan ko iyon hanggang sundan pa ng isa at magtuloy-tuloy.

Paano na ako?

I felt disoriented, and problems rushed through my veins. There's no work, no family, and a ruined reputation.

Ang sarap magwala at sumira ng iba!

And I despise the man who caused all of this!

Ngunit alam ko sa sarili kong nagsisisi akong nagpunta pa ako sa bar na iyon. If I didn't, maybe I would be peacefully living and teaching. At baka broken heart lang para kay Rico ang problema ko at hindi sirang reputasyon.

Patapon na rin lang naman ay itotodo ko na. I pulled out my black short dress. Hanggang puwet lang ang natatakpan at litaw ang isang balikat ko dahil isa lang ang natatakpan.

I painted my lips with maroon lipstick and wore my black high heels. If I cannot be free from judgement, then I will let myself be free and have fun.

Dumiretso ako sa isang bar, iba sa bar na pinuntahan ko noong isang gabi. Kahit anong mangyari, wala na akong pakialam!

Takot man na maulit ang nangyari sa akin sa naunang bar na pinuntahan ay ayaw ko namang umuwi ngayon. I need to be free tonight, or I'll get insane thinking about all of these.

I went straight to the bar counter and ordered a hard drink. Pagkalapag ay nilagok ko iyon at humingi pa ulit ng isa.

Ano pa ba'ng mawawala? Wala na.

I let myself get drunk again and went with the flow. Hindi ako umalis sa bar counter at nanatili lamang nakaupo roon. I don't have plans to go dancing.

"You look familiar, Miss."

Isang babaeng maliit ang buhok at makapal ang pulang lipstick ang sumalubong ng tingin ko. Spaghetti strap ang dress niya at litaw ang cleavage.

Kumunot ang noo ko at pilit siyang inalala ngunit hindi ko makilala. Sa tingin ko ay ngayon pa lang kami nagkita.

"Sorry, I don't know you."

Iniwasan ko siya ng tingin at tinuon na lamang ang atensyon sa shot glass. I don't have time to make friends. Ang gusto ko ay lumimot ng problema.

"Sa starry bar. You are there, right?"

Napahinto ang pag-angat ko sa baso at nilingon siya nang bahagya. She's not familiar to me.

"I saw you kaya! By the way, I'm Alexa!"

Inabot nito ang kamay niya para sa handshake na tiningnan ko lamang. Agad din niyang binawi iyon nang makitang wala akong balak na makipaghandshake sa kanya. Hindi ko talaga siya maalala.

"Never mind. Anyway, I'm looking for recruits. Sa bar din na ito. I've been working here for how many years now. Baka lang interesado ka." Kumindat pa siya at nilapagan ako ng calling card.

"Thanks, but I'm not interested." Inisang lagok ko pa ang alak sa harap ko.

Gusto kong umalis na siya at huwag na lamang akong abalahin pa. Wala rin naman akong balak na magtrabaho sa bar.

"Sorry? Pero kung sakaling mag-iba ang isip mo. Just call me." Linapit pa lalo nito ang calling card bago ako tinalikuran.

I know, I'm jobless now. Pero susubukan ko pa ring mag-apply sa ibang school. And working in a bar is not my first option.

Tinitigan ko ang calling card na iniwan niya at nagpasyang itatabi ko iyon. Hindi ko sigurado kung may tatanggap pa ba sa aking school sa syudad na ito. Maybe I should consider this if a tough time comes. At alam kong hindi magiging madali ang maghanap ng trabaho lalo pa't paniguradong kumalat na sa ibang school ang balita. Napailing ako at lalo lamang nanggigil na hinawakan ang shot glass.

As I drank the liquor for my last shot glass, I tasted the bitterness.

Napakapait.

This life isn't really fair. Life is bitter. Mukha lang maganda ngunit sa totoo lang ay mapait.

Lalo pa akong napaitan matapos masagi ng mga mata ko ang lalaking may berdeng mata na nakatitig sa akin. May mga kasama at mukhang nagkakasiyahan. While I, on the other hand, embrace the bitterness alone.

Nagpuyos lang lalo ang damdamin ko sa kaisipang sinusundan niya ako. Na ano? Balak na naman niya? Did he enjoy his sinful night so much that he found time to follow me here?!

Tumalim ang tingin ko sa kanya dahil sa naisip. He didn't look away even though he knew I caught him looking at me. Tinaasan ko siya ng kilay at tinitigan pa nang mas matalim.

Hindi niya ko nilubayan ng tingin. He even leaned back in his chair and looked at me intently. That is why I felt the courage, and I mouthed,

'Damn you!' and raised my middle finger.

Napaatras ito at naningkit ang mga mata. Isagad na natin ang mga kasalanan ko. I already have a bad reputation, so let's make the best out of it!

Marahas kong nilapag ang shot glass bago tuluyang umalis sa bar na iyon.

I don't know if he's stalking me or nagkataon lang. Whatever! I don't care! And I don't wanna know.

|Y_S|

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status