Dalawang oras bago siya nakauwi sa mansyon niya bugnot na bugnot siya dahil sa pesteng traffic sa edsa. Ang bulaklak na kanina na fesh ngayon ay hindi na at ang ice cream at tsokolate na parang naging tubig na. ''A-nong nangyare?'' nag-aalalang tanong ni Cassandra ng makitang papasok ang binata. Sinalubong niya ito kahit na may hiya siyang nararamdaman dahil pakiramdam niya ay sobrang normal na lang sa kaniya ang lahat. Nakita ni Henderix ang dalaga na papalapit sa kaniya. "Hendrix," Ani ng dalaga sa kaniya. Mabilis niya itong nilapitan at binigyan ng isang halik sa noo. "How are you, baby?" malambing nitong tanong. Nahihiya man ay inabot nito ang bulaklak at ang lusaw ng tsokolate at ice cream. Nakita pa niya kung paano nagulat ang dalaga at masaya iyong tinanggap. "S-salamat, " simpleng pasasalamat ngunit nagbigay ng matinding ligaya sa binata. "Wala bang kapalit diyan?" tanong ni Hendrix na nagpatigil kay Cassandra sa pagtingin sa mga bulaklak na nasa bisig niya. Nagtataka siy
"Saan ba tayo pupunta, Hendrix? " hindi alam ni Cassandra kung pang ilang beses na niya itong naitanong sa binata na tahimik lamang sa tabi niya. Hindi siya sinasagot nito na lalong kinaiinit ng ulo niya, ang madalas na paghaplos at paghalik sa kaniya ang inaatupag nito. Nasanay na siya sa binata, hindi na bago sa kaniya kung bigla na lamang siyang halikan nito. Wala talaga siyang ideya kung saan sila pupunta pero kung pagbabasehan sa mga suot nila ay siguro sa mall lang ang punta nilang dalawa. "Malls, " simpleng sagot ni Henddrix at muling bumalik sa paghalik sa namumulang pisngi na ngayon ng dalaga. Nakukuntento na lamang ang binata sa simpleng halik sa pisngi at labi nito, gusto man niyang mas gawan ng higit pa roon ngunit hindi niya magawa dahil na rin sa kundisyon ng babae. Ngunit sa oras na gumaling na ito ay sisiguraduhin niyang hindi na ito makakatayo sa gagawin niya. Gustong magmura ni Hendrix dahil sa isiping iyon, hindi iyon nakatulong bagkus mas lalong uminit ang pakira
Cassandra awoke frustrated and irritated. Dahil gusto pa niyang matulog sa tabi ng binata dahil hindi niya matandaan kung ano bang oras sila nakauwi. Basta ang alam niya ay pagod na pagod siya at gusto pa niyang matulog pero dahil matigas ang ulo ng binatang kasama niya ay wala siyang nagawa kung hindi ang sundin ang gusto nito. Gusto niyang irapan ang binata dahil tulad ng madalas nitong ginagawa, heto siya at sinusubuan na naman siya kahit kaya naman niya at may dalawang kamay siya. "Ako na, " asar na kuha niya sa kutsara sa kamay ni Hendrix ngunit inilayo lamang ito ng binata sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa siyang subuan nito kung kaya naman niyang kumain mag-isa. Hindi nito sinasagot ang tanong na 'yon bagkus tititigan lamang siya ng nakakalusaw na nagpapabilis ng tibok ng puso niya kaya sa huli ay hahayaan na lamang niyang gawin ang gusto ng binata. Dahil kahit anong gawin o sabihin niya eh hindi rin naman nito pinapyagan. "Gusto lamg kitang pagsilbi
Hendrix and Cassandra arrived at the Mansion silently. Hindi niya kinikibo si Hendrix na nakakunot ngayon ang dalawang kilay. Pinilit niyang kausapin ang dalaga ngunit hindi siya nito kinikibo bagkus kumapit lang ito sa braso ni Pink ng tuluyan na silang makauwi. "Cassandra come the fvck here." malamig na tawag ni Hendrix kay Cassandra na mas nagbigay ng takot sa dalaga. Napahilot na lang ng sintido si Hendeizx dahil pakiramdam niya ay magkakaproblema na naman siya. Alam ni Cassandra na hindi maganda ang inaakto niya pero wala siyang pakialam basta ang alam niya ay galit siya sa binata. Aaminin ni Cassandra na sobrang insecure siya sa babaeng lumapit sa binata kanina, ang babaeng iyon ay di hamak na mas maganda pa sa kaniya kung titignan at mas matalino. "No! " Cassandra shouted. Nagkatitigan sila ng binata. Ngunit mabilis na nag-iwas si Cassandra dahil sa malamig na mata ng binata. "Anyare? " biglang singit ni Blue ng makapasok sa living room at may dala din itong mga baril. Mga b
Third Person Point Of View Aligagang nag-unahan si Blue at Ashton sa pagtutulakan dahil ang kanilang mga tauhan ay nakagawa ng kapalpakan. "Tangina men! Maaga ata tayong bibisita ng impyerno." Bulong ni Ashton kay Blue habang hinihintay ang oras niya upang sumakabilang buhay. "Manahimik ka nga! Kaysa maging maayos ang pakiramdam ko ay mas lalo lamang lumalala. Kung di lang sana pumalpak ang mga iyon hindi sana tayo nagbibilang ng kamatayan ngayon!" Hiyaw naman ni Blue sa kaibigan. "Paano natin ipapaliwanag ang nangyari? Paano natin sasabihin kay boss na nakatakas ang taong matagal na niyang hinahanap?" Tanong pa ni Ashton muli bago humugot ng sigarilyo at sinindihan upang mabawasan ang kanyang kaba. Ganoon na rin ang ginawa ni Blue, nagsindi na rin ng sigarilyo upang mabawasan ang tensyon naramdaman. "Antayin na lamang natin na si satanas ang humusga sa atin ngayon." Sabay pa sila ni Ashton na napatingin sa babasaging pintuan ng building. Nang makita nila ang demonyong kuku
Tulad ng inaasahan nina Blue dumanak nga ang nakakatakot na dugo. Dahil lamang sa kapalpakan ng isang tauhan. "Ito lamang ang mangyayari kapag pumalpak pa kayo sa mga ipinag-uutos ko. Kung ayaw niyong magsi-danak ang mga walang kwentang dugo niyo ay ayusin niyo ang putanginang trabaho niyo." demonyong-demonyo ang pagkakasabi ni Hendrix ng sabihin iyon. Ang lahat naman ay kumilos upang sunugin ang mga katawang wala ng buhay ng umalis ang demonyo sa kanilang harapan. Namumutla ang lahat at nanginginig dahil kamuntikan na silang mawalan ng buhay. Si Hendrix naman ay nagtungo sa labas at sumakay sa kanyang mamahaling sasakyan. Gigil na gigil pinaharuruot ang sasakyan nito. Dinala siya ng sasakyan sa isang parke kung saan ito ang naging takbuhan niya sa tuwing nawawala siya sa katinuhan. Ngunit sa kanyang paglalakad isang malamyos na tinig ang narinig niya. Para iyong anghel na umaawit na nagbigay ng kapayapaan sa kanina lamang na magulong isip. Isang magandang babae ang nakaupo sa swi
Tahimik ang lahat ng tao sa loob ng mansyong iyon. Tanging takot ang makikita sa mga mukha nila dahil sa oras na lumabas at bumaba rito ang demonyong si Hendrix ay siguradong katapusan na talaga nilang lahat. Sa isang mahabang sofa, tahimik na nakaupo doon ang kambal na sina Blue at Gray, tulad ng ibang tauhan ay bakas din ang takot at kaba sa mga mukha nila. Hindi naiwasan ni Blue ang mapahilamos ng mukha dahil sa takot at kaba. Paano ba naman pang limang doctor na ang nakahandusay sa may hagdanan ng mansyon dahil sa kadahilanang paghawak nito sa anghel ng boss nila.Gusto niyang bigwasan si Hendrix dahil sa taglay nitong kabobohan. Ayaw niyang ipahawak ang babae sa mga doctor. Mabuti nalang talaga at doctor ang pinsan nilang si Ryan. Kung hindi pa sila lumuhod sa pinsan nila ay hindi pa ito sasama sa kanila. Alam nila na hindi na mapaglagyan ang galit ng boss nila at kung sino man ang hahadlang sa dadaanan nito malamang sabog ang bungo. Maliban na lang sa mga katulong na babae sa b
Dalawang araw na ang nagdaan ngunit hindi parin nagigising ang dalagang tahimik na nakahimlay sa silid ni Hendrix. Dalawang araw na rin walang tulog si Hendrix dahil sa pag-aalo sa dalaga na palaging umiiyak. Hindi maiwasan nina Blue at Gray na maawa sa kalagayan nito dahil sa sobrang trauma.Simula din mapunta sa puder nila ang anghel hindi na kailanman nakarinig ng kahit na anong ingay. Para silang nakatira sa sementeryo dahil sa sobrang tahimik ng lugar. Wala ni isa sa kanila ang nagtangkang gumawa ng gulo. Maski ang mga trabaho nila underground ay hindi na nila nagagawa. Masiyadong naging busy ang boss nila sa pag-aalaga sa anghel nito na nakahimlay sa kanyang malaking kama. "Boss?" lakas loob na tawag ni Gray kay Hendrix na paulit-ulit hinahalikan ang kamay ng dalaga.Gusto niyang tawanan ito dahil para itong timang pero syempre hindi niya iyon ginawa. Takot na lamang niyang mamatay sa isang pitik nito. "Siguraduhin mong mahalaga iyan, Gray," babala nito at sa dalaga parin ang