Sa kotse pa lang, halos bumuhos na ang mga luha ko dahil sa mga natatanaw ko mula sa bintana ng kotse ni Attorney Samora. Ang pamilyar na lubak-lubak na daan patungo sa lugar kung saan ako lumaki, mga matatayog na puno ng niyog na nagkalat sa paligid, at ang alat sa simoy ng hangin na umaatake sa ilong ko. Lahat, lahat ay nagpapabalik sa akin sa nakaraan.“We’re here, Engineer Lee.”Huminto ang kotse ni Attorney Samora sa tapat ng isang napakatayog na kulay gintong bakal na tarangkahan ng mansyon. Naalala ko pa sa tuwing bumubukas iyon kapag pauwi na sina Mommy at Daddy, at sasara naman kung paalis na habang ako ay nakatayo sa bulwagan, nakamasid lang sa bawat galaw nila.“Finally, I’m home,” bulong ko sa sarili.“Are you okay, Engineer Lee? If you’re not yet ready, we can move this urgent meeting tomorrow,” may pag-aalala sa boses niya.“I am fine, Attorney Samora. Hindi ko na kaya pang ipagpaliban pa 'to ng isang araw. I’ve promised my parents. Inaasahan nila ako.”Tumango na lang
“Are you really sure about this, Sean?” tanong ni Marl, naguguluhan sa sinabi ko.Kasabay nang pag-ihip ng alat-hangin ng hapon na iyon ay ang paglaho rin ng ngisi sa aking labi. Dahil sa umaapaw na kaligayahan na nabalik na sa akin ang mga kayaman ng aking mga magulang, nakalimutan ko nang isipin ang mga pinaggagawa ko... ang mga sinabi ko.“Yes, Tita Ingrid. I’m sorry I didn’t tell you about that. You’re mad at me at that time. Baka kapag sinabi ko sa inyo, tututulan ninyo kami ni Marl.”Bumagsak ang mukha ko sa ibabaw ng aking mga palad nang maalala ang mga nasabi ko kay Tita Ingrid kanina. Hindi ko man lang inisip ang mararamdaman ni Marl sa pagpasok ko sa kanya sa pekeng engagement na ito. Really now, Akemi? Kakasabi mo pa lang na papanindigan mong huwag masali sa larong ito si Marl. But looked what you have done? Ikaw na mismo ang nagsali sa kanya sa pekeng engagement na nalalaman mo!“About that... Uh, I am really sorry, Marl.” My face heated as I faced him.Hindi ko man lan
Hindi ako nakapagsalita. Namumutil ang mga pawis sa aking noo, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pagsikat ng araw o dahil bigla akong kinabahan sa banta niya.“It’s true.” A playful low baritone boomed at Ryu’s back. “She’s already engaged to me, Engineer Dela Costa. Papatayin mo na ba ako ngayon?”Napaangat ang mga mata ko kay Marl at nakahinga ako nang maluwag nang maisip na hindi na kami nag-iisa ni Ryu. Hindi ko alam kung bakit nahihirapan akong barahin ang pagbabanta ni Ryu at biglang kinabahan. Yes, he was violent but I knew he couldn’t do that. He couldn’t kill Marl or anyone. But they almost killed you, Akemi. Hindi pa ba sapat na rason iyon na kaya nga niyang gawin ang banta niya?“Yeah, i-it’s true,” sabay yuko ko dahil hindi ko kaya ang dilim sa mga mata ni Ryu.Lumapit sa akin si Marl at iniakbay ang kanyang braso sa balikat ko. “What are you doing here, Engineer Dela Costa? Don’t tell me you came here just to ask that?”Napatingin si Ryu sa braso ni Marl at naniningkit
“Hindi ba sinundan mo si El Sandra kagabi? Anong nangyari, Akemi?”Napangisi ako nang maalala ang mga nangyari kagabi. The distraught of El Sandra’s face was so priceless. Hindi ko inasahan na matatakot ko siya ng ganoon kalubha.“As usual, I won again. I scared El Sandra that made her trembled in her whole life,” deklara ko na may ngisi ng tagumpay sa aking labi.“Ibig mong sabihin... ginawa mo rin sa kanya ang pananakot na ginawa niya sa 'yo noon?”“You got it right, Michaela!” I snapped.Lumaki ang mga mata ni Michaela dahil sa gulat. Tumayo siya at itinukod ang mga kamay sa lamesa ko at yumuko nang bahagya. “Nagawa mo 'yon sa kanya?”Ibinababa ko ang papel na binabasa bago pa siya pumasok sa opisina ko at mariin siyang tiningnan. Humilig ako sa swivel chair at marahan na dinuyan ang sarili. Mas lumawak pa ang ngisi sa aking labi tuwing sumasaglit sa aking isipan ang hitsura ni El Sandra kagabi.“Of course. She deserved it, Michaela.”May mangha sa kanyang mukha bago wala sa saril
Two weeks had passed by after that meeting. Nagkaroon ng one week vacation ang buong LEC because of the Christmas and New Year celebration. Dahilan para ma-delay ang project at ang meeting sana last week.I spent my vacation at my condo with Michaela and Marl, of course. Nagkaroon lang kami ng mumunting selebrasyon na aaminin ko, medyo nagpa-relax sa akin mula sa tension na nangyari nang nakaraan. Sumaglit din akong dumalaw sa puntod ng pamilya ko para bumisita, magdasal at mag-alay ng mga bulaklak. I also took that opportunity to visit Yaya Dores at the mansion. Thankfully, Tita Ingrid and El Sandra were on their out-of-the-country vacation. Kung saan, hindi ko na inalam pa.Kinagabihan ay lumipad din kami pa-Maynila ni Marl para dumalo sa isang charity event ng isang bahay ampunan. At ngayon ay ang unang araw ng pagbabalik trabaho ng mga empleyado at hindi ako mag-aaksaya ng panahon para sa big project namin with Western Eagle Corporation.I was alone in my office when Michaela lef
I consumed my energy touring the LEC building in the next days. May limampung palapag ang LEC. Sa unang palapag ay ang tanggapan para sa mga empleyado, mga guest, at opisina ng Human Resources. Sa susunod naman na palapag hanggang sa ika-apatnapu, ang mga hotel rooms.Matatagpuan naman ang mga opisina sa ika-apatnapu’t isa hanggang sa ika-apatnapu’t lima. Sa susunod naman na mga palapag ay ang sa opisina ko, gym, leisure rooms, function hall, at ang private rooms na para sa family namin.Tunay ngang napalago ni Tita Ingrid ang kompaniya. Kung narito lang sana sina Mommy at Daddy, alam kong sobra silang matutuwa na makitang lumago ang kompaniyang pinaghirapang itayo nila.Gaya ko, alam kong papasalamatan din nila si Tita Ingrid dahil hindi niya ito pinabayaan.Kinausap ko ang mga direktor ng bawat departamento na binisita ko. I was glad to know, na ang iilan sa kanila, matagal ng naninilbihan sa kompaniya. Lahat ng natanong ko kung kamusta ba ang pakikitungo ni Tita Ingrid sa kanila, n
Sabado. Pasikat ang araw nang lumapag ang eroplanong sinakyan namin sa Virac Airport. Going down from the plane, nostalgic memories suddenly attacked me. Maraming taon na rin ang nakalipas ng iwan ko ang lugar na aking kinalakihan. Kagagaling lang namin dito noong Disyembre, but still, I missed this place---the salt-air, the tranquility, and the simplicity of this island. Like how people of Catanduanes contented in the simplicity of life and moved the days forward with a smile on their faces. Na kahit anong bagyo at delubyo pa man ang dumating, patuloy ang pagngiti nila.Mainit kaming sinalubong ng mga tauhan ng hotel na may dala ng rented van na gagamitin namin. Pinahanda iyon ni Marl kasabay ng pagpa-book niya kahapon bago kami umalis ng Maynila.“Welcome to Isla Catanduanes, Sir, Ma’am,” sabay sabit ng kuwintas na bulaklak sa aming leeg.I just nodded to the only woman in the personnel and smiled. Gaya ng uniporme ng mga lalaki, nakasuot din siya ng polo shirt na kulay yellow at
Nangingiti man, ramdam kong hindi okay kay Marl ang nasabi ni Miss Aguirre. I just laughed about it halfheartedly, hindi na inungkat pa ang tungkol doon. Alas nuebe na ng gabi nang mapagpasyahan ni Miss Aguirre na umuwi na. Hinatid namin siya hanggang entrada ng resort at gaya ng sinabi niya, naroon nga si Ryu na nakahilig sa kanyang gray Montero Sport.Hanggang makabalik kami ng Manila, napansin ko ang pagtagal ng pananahimik ni Marl kahit pa nakapag-Club na kami kasama si Michaela noong Sabado ng gabi. Napansin din iyon ni Michaela pero gaya ko, nanahimik din siya.I woke up early on Monday morning, excited to start my day productively. But to my surprise, Marl was nowhere to be found. Sinuyod ko na ang buong condo, hindi ko siya mahanap. Sa huli, mag-isa akong pumasok ng LEC nang mag-alas sais na at dahil wala pa siya, ginamit ko na ang baby Limo niya. I was walking down the hallway with my nude tube top pencil dress, beige pumps, and Chanel handbag as everyone greeted me. Nginiti