Share

GAME 10: BLEEDING

Is it possible to feel different emotions in one snap of time?

Ganoon kasi ang naramdaman ko matapos akong ihatid ni Ryu sa mansyon. Dahil nakatuon sa mga dayuhang emosyon na hatid niya, hindi ko namalayan ang mabilis na pagpatak ng oras kaya inabot kami nang hatinggabi sa Panganiban Coast, nalulunod sa kasiyahan. Ngunit muling nakaahon ako sa saya nang makapasok ako ng mansyon at nanaig naman ang takot.

"Where have you been at this late night? Ito ba ang itinuturo sa 'yo nitong si Dores? Ang umuwi ng ganitong oras?" With her nude lingerie, Tita Ingrid stood up like a tiger in front of me.

Namilog nang husto ang mga mata ko dahil sa pagkagulat nang maabutan sila sa salas.

"G-Gising pa po kayong lahat?"

Mabilis akong nilapitan ni Yaya Dores at ipinatong ang makapal na sweater sa aking mga balikat. Pero hindi noon nabawasan ang lamig na nararamdaman ko, lito kung dahil ba iyon sa nipis ng suot kong bestida o dahil sa takot para kay Tita Ingrid.

"I-I will explain myself, Tita Ingrid."

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status