Hearing her aggressive voice along with the sounds of the pouring rain and thunder boiled my blood intently. I am soaking but the cold that sweated on my skin didn't do anything to stop the flames that started to burn inside my beating heart."Kill her now. What are you waiting for, Ron Marl? Shoot her!" she yelled imposingly under her umbrella.Gulong-gulo sa mga nangyayari, nagpalipat-lipat ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Tears poured down my cheeks as I saw how eager she was just to kill me. Bakit? Dahil ba sa mga mana ko? I can give it to her if that what she wants.Willingly."I'll give you the chance! Bakit hindi mo pa gawin ngayon? Hinayaan kita diyan sa kabaliwan mo ng maraming taon," mariin niyang sinabi, halos magngalit ang mga bagang. "Prove to me that you can do it now!"Unbelievably, I looked at Marl straight into his eyes. His jaw clenched as he held the gun towards me. I swallowed as I saw the pain passed through his eyes. I know that he can't hurt me. Naniniwala pa
Life is full of games.Iyon ang mga katagang tumatak sa isip ko nang mga oras na paalis kami ng bansa ni Marl. Sinabi iyon sa akin ni Miss Aguirre habang ang mga maiinit na luha, lumalandas sa aking mga pisngi. Habang ang masasakit na karanasan, bitbit sa aking dibdib na tila isang mabigat na bagahe. Habang ang puot, galit, at paghihinagpis ay baon sa aking pag-alis.Bago ko nilisan ang lugar kung saan puro mapait na karanasan ang natamo, nag-iwan ako ng isang pangakong babalik muli roon.Muling tatapak bilang isang babaeng malakas, matatag, at matalino. Muling magbabalik para maningil sa mga taong nagbigay ng sakit. Muling magbabalik para singilin ang mga taong nagkaroon ng atraso. Muling magbabalik para sa laro ng paghihiganti.Sa pag-uwi, iyon lamang ang laman ng isipan ko. Ang laro kung saan ako ang nagmamay-ari. Ang laro kung saan ako lamang ang may karapatang gumalaw at iligtas ang sarili. Ang laro kung saan dapat ako lang ang panalo. But I was wrong. Because the game that I pla
“Western Eagle University,” pabulong kong sinabi nang maramdaman ko ang tagumpay na papalapit sa akin. It’s good to be back! It’s good being here again! Makalipas ang maraming taon ay nariritong muli ako kung saan nagsimula ang laro. Same ambiance. Same place. Same buildings. Walang nagbago, gaya pa rin ito ng dati. But I guess there’s one thing that changed—people. Some were now mature and getting older. And some were now popular in the business industry and succeeded in their lives.Napangisi ako.Sa wakas, makikita ko nang muli ang mga taong may mahalagang parte kung bakit ako nagbabalik. “Are you ready, Sean?” Marl asked.Napabaling ako sa driver’s seat kung saan siya naroroon. Napakunot din ang noo ko dahil sa tanong niyang iyon.Handa na ba talaga ako? Yes, of course!Spending five years staying in the States was already enough. I had struggled a lot and worked my ass for this. Halos limang taon silang namuhay nang payapa sa kabila ng atraso nila sa akin. Ngayon, oras ko nam
Kung kailan dapat masaya ka, saka naman mawawala sa iyo ang lahat. Na para bang bawal kang makaramdam ng kasiyahan dahil hindi mo ito deserve. Na wala kang karapatan dahil nasa sa iyo na ang lahat. Name. Wealth. Power. And anything.Sa nanlalabong mga mata, titig na titig ako sa telebisyon at hindi ko alintana ang paglandas ng luha sa aking mga pisngi. It's one of the cold days in December. Pero iyong balita kaninang umaga ay mainit at nag-aalab. Parang nagbabagang apoy iyon na tinupok ang mura at inosente kong puso."Two of the most successful business couples in the Philippines were declared dead on arrival this morning. Engineer Akem Jhyun Lee and his wife, Architect Oseanna Lee, had a plane crash after their business trip in Palawan..."My teary eyes remained on the television as my parents' pictures were flashed after a popular female newscaster had declared the headline. My heart started to beat fast and loud. Hindi ako makapaniwala sa napanood ko. But the footage and informatio
The cold breeze of December blew one fine afternoon. Halos tahimik ang buong paligid nang makaalis na ang mga nakiramay para sa paglibing sa aking mga magulang, at tanging huni lang ng mga ibon at lagaslas ng mga dahon sa puno ang ingay sa buong paligid.Matapos makapagbigay ng pakikiramay ang mga malalapit na kaibigan at kung gaano sila nalungkot sa biglaang pagkawala ng aking mga magulang, pinili kong magpaiwan sa mga puntod. Wala sa sariling nakatayo at nakatitig ako sa tatlong lapida habang yakap ko ang larawan na iginuhit.Napahagulgol muli ako nang maramdaman ang mabining hangin na humaplos sa balat ko. Pakiramdam ko ay yapos iyon ni Mommy. I missed them so much! Bakit kasi ako? Sa dinami-rami ng bata sa mundo, bakit kailangan ako pa talaga ang mawalan ng mga magulang? Ang malala ay sabay Niyang kinuha sila sa isang iglap!"Here. Tahan na," a manly voice echoed at my back.Napasinghap ako. Kaagad kong nilingon ang nagsalita. Behind me was a young man in his white button-down
"Ayos ka lang?""H-hindi---I mean... Oo... Wala akong lagnat," pautal-utal kong sabi. Defensively, I shook my head as I pushed his hand away from me. Susubukan niya sanang ilapat muli ang likod ng palad niya para suriin kong mainit nga ba ako? Ramdam ko ngang mainit ako pero alam kong hindi iyon dahil sa lagnat. Dahil iyon sa---are you crazy, Akemi?! Bukod sa bata ka pa, kakamatay lang din ng mga magulang mo! Ryu's thick brows furrowed. His narrowed-eyes told me that he was not buying my alibi. Umangat ang parehong kamay niya na tinampal ko, muling tatangkaing suriin ang temperatura ko. But I already took a step back and shook my head again. "I am okay, Ryu," natatawa kong sabi at halos halata ang pagkailang sa panginginig ng boses ko. He nodded. Ngunit halata sa hitsura niya na hindi pa rin siya kumbinsido."Bakit naririto ka nga pala?" I asked to sway the topic and loosen up myself."Just checking on you---""Wala namang problema, Ryu. Wala naman akong sakit... or anything.
Nagsiliparan ang mga ibon mula sa terasa. My eyes grew wider as horror spread on my body. Medyo kumirot ang lalamunan ko sa biglaang pagsigaw. Pigil ang hiningang humakbang ako papalapit sa tokador. Manginig-nginig ang mga tuhod at kamay kong inobserbahan ang pulang likido sa salamin.My heart pounded as I saw those words again."Goddamnit! You make me laugh so hard, Akemi! Until now, you're still the Akemi that I've known!" sabi niya sa gitna ng kanyang mga tawa. "Freaking timorous lady!"Lumabas si El Sandra mula sa banyo. Tuwang-tuwa siya sa naging reaksyon ko at sa pagkawaging takutin ako.Pinadaan ko ang hintuturo sa salamin at natanaw ang mukha kong maputla!Ketchup. Ketchup lang pala, hindi dugo. Naalala ko, ganito rin ito noong nakaraan. Ang pinagkaiba lang, totoong dugo ang ginamit noon na panulat sa nakatatakot na mga letra.She is dead. You are next.Limang taon na ang nakalipas pero tandang-tanda ko pa rin ang mga salitang iyon hangg
Salubong ang mga kilay, higit ni Ryu ang braso ko hanggang sa marating namin ang parking lot kung nasaan ang kotse niya. Sobra akong naiirita lalo pa na ngayon lang siya nagpakita matapos ang limang taon. Pagkatapos ay ganito pa?"Sabing nasasaktan ako, Ryu, eh!"Nang matauhan, kaagad niyang pinakawalan ang braso ko. Napatingin at napahawak ako roon. Matingkad ang pamumula at ramdam ko ang hapdi sa parte na hinigit niya.Nag-angat ako ng tingin sa kanya at kaagad nahanap ang mga mata niya. His hooded eyes were dark, cold, and in critical. Like I pushed his patience in limit as I saw how his jaws struggled to move for a clench.Sa limang taon na hindi pagkikita, pagti-text, o kahit tawag man lang, haharap siya sa amin---sa akin nang ganito? I guess I should be the one to act like that because in the first place, he never finds a way to communicate me! To ask how am I after leaving me without his words!Nag-alala ako nang sobra sa biglaan n