Share

END

Life is full of games.

Iyon ang mga katagang tumatak sa isip ko nang mga oras na paalis kami ng bansa ni Marl. Sinabi iyon sa akin ni Miss Aguirre habang ang mga maiinit na luha, lumalandas sa aking mga pisngi. Habang ang masasakit na karanasan, bitbit sa aking dibdib na tila isang mabigat na bagahe. Habang ang puot, galit, at paghihinagpis ay baon sa aking pag-alis.

Bago ko nilisan ang lugar kung saan puro mapait na karanasan ang natamo, nag-iwan ako ng isang pangakong babalik muli roon.

Muling tatapak bilang isang babaeng malakas, matatag, at matalino. Muling magbabalik para maningil sa mga taong nagbigay ng sakit. Muling magbabalik para singilin ang mga taong nagkaroon ng atraso. Muling magbabalik para sa laro ng paghihiganti.

Sa pag-uwi, iyon lamang ang laman ng isipan ko. Ang laro kung saan ako ang nagmamay-ari. Ang laro kung saan ako lamang ang may karapatang gumalaw at iligtas ang sarili. Ang laro kung saan dapat ako lang ang panalo. But I was wrong. Because the game that I pla
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status