Share

CHAPTER 2: SAVE ME

Maaga akong bumangon sa aking higaan nang magising ako kahit na inaantok pa. Ayoko namang mahuli ako sa unang araw ng pasukan. 

Bago pa man ako pumanhik sa banyo ay kinuha ko muna ang mga kasuotan na aking gagamitin. Hindi rin naman ako nagtagal sa pagligo kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong kumain ng agahan na minsan lamang mangyari. Madalas ay hindi ako kumakain ng agahan dahil na rin sa kagipitan. Pagkatapos kong mag-almusal at mag-ayos ng sarili ay nakapag desisyon ko ng umalis ng bahay upang pumasok sa paaralan. 

May kalayaan ang aking paaralan. Sa tatansiyan ko ay mga tatlumpung minuto ko itong lalakarin. Subalit mas pinili ko na lamang maglakad papasok ng Paaralan para makatipid. At isa pa para na rin ako nitong nag-eehersisyo at ang ehersisyo ay maganda sa pangkalusugan. 

Habang naglalakad ako ay kita ko ang isang grupo ng hindi karamihang tao na tumatakbo. 

Sa palagay ko mga nag-eehersisyo ang mga ito. 

"Good Morning, Maeca. " Napatingin ako sa taong bumati sa akin. Napag-alaman kong si Piva pala iyon ang kaklase ko noong elementary. Tumatakbo din siya ng mabagal katulad ng ilang tao. 

"Good Morning din, Piva. " Nginitian ko siya at ngumiti din siya. 

Agad din naman siyang nagpaalam dahil nagjojogging pa siya. 

Nang nasa harapan na akong ng gate ng paaralan na papasukan ko ay napabuntong hininga ako. 

Kaya ko kayang makisalamuha sa mga mag-aaral dito? Bigla na lamang akong na patanong sa sarili ko. 

Kaya ko ba? 

Ang mga mag-aaral sa paaralang ito ay talaga namang nagyayamanan. Sa palagay ko'y mga laki sa layaw at mga pilyo ang mga nag-aaral dito. 

Nakakailan pa lamang akong hakbang sa loob ay agad akong may narinig na bulungan ng mga taong nagkukumpulan sa bangdang kaliwa ko.

" Girl, alam ninyo na ba? "

"Ang alin? "

"Magkaroon ng laban ng karera sina Prince Troy at Prince Vlad sa Linggo. "

"Oh my God! Really? The two princes of the two Schools in one place that's exciting."

Nakahinga ako ng ginhawa ng mapagalaman kong hindi ako ng nagbubulungan nila. Kaya nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Masyado pa namang maagap kaya siguro madalang pa lamang ang mga estudyanteng nakikita ko. 

Habang naglalakad ay inilibot ko ang mata ko sa buong paligid. 

Napakaganda ng paaralang ito at napaka aliwalas. Napakaganda ng berdeng berdeng mga carabao grass at mga kulay lilang mga bulaklak na siyang nakikita ko sa dinadaanan ko. Napakaganda rin ng mga building na kita ang mga tao sa loob. 

Napanganga ako ng makita ko ang isang Fountain na nagbubuga ng iba't ibang kulay ng tubig. 

Ang astig! 

Muli akong naglakad at muling namangha sa mga aking nakikita. Hindi kaya ako maligaw sa lawak ng paaralang ito. 

Nakapunta na ako dito noon noong kumuha ako ng entrance exam para sa scholarship ko subalit ngayon ko lamang talaga nalibot ang lugar na ito. Tunay talagang napakaganda. 

"Ahh---" Natapilok ako ng may bato akong matungtungan kaya nawalan ako ng balanse sa aking katawan. Napaatras ako at napaharap sa likod ko. 

Ipinikit ko ang aking mga mata sa takot. 

Rinig ko ang malakas na pagbagsak ko sa matigas na bagay subalit nakapagtataka na malambot ang binagsakan ng labi ko. Napakalambot. 

"Ah, "Napamulat ako nang marinig ko ang mahinang daing ng sa palagay ko'y lalaki. 

Halos lumuwa ang mata ko ng mapagtanto kong nakapatong ako sa isang lalaki at ang aming labi ay magkalapat. 

Magkalapat? Nag-init ang aking mga pisngi sa kahihiyan. 

Mabilis akong bumangon sa aking pagkakadapa sa lalaki. 

Ahh!! 

Nanghalik ako ng lalaki! Ibig sabihin ba nito malandi na ako gaya ng mga matataray kong kaklase dati? 

Hindi! Hindi! Aksidente ang nangyari. Tama! Aksidente lamang ang nangyari. 

Mahinahong bumangon ang lalaki habang pinupunasan ang labi niya.

Pinagmasdan ko ang lalaki tila ba pamilyar ito. Saan ko na nga ba ito nakita? 

"May balak ka talagang patayin ako ano? " Sabi niya habang nagbabasa. Napalakas siguro talaga ang bagsak niya sa semento. 

Balak ko daw siyang patayin? 

"Hi-hindi. A-ano natapilok lamang ako. Pasensya na ." Yumuko dahil pakiramdam ko ay namumula na ako sa kahihiyan. 

Pero teka? Agad muli akong tumingin sa lalaki. 

Hindi nga ako nagkakamali siya nga ang lalaki sa Saltos Café na nabuhusan ko ng Sexylatte. 

"How dare she? Why did she kiss Prince Troy? "

"What a bitch! "

"Nakakaawa ang babaing yan dudumugin ng mga humahanga kay Troy" saad ng isang lalaki saka ito tumawa. 

"Masuwerte ka may lakad ako ngayon." Malamig nitong sabi sa akin saka niya inilagay sa dalawa niyang bulsa ang dalawa niyang kamay at tumalikod. 

Nakakailang hakbang pa lamang siya ng muling humarap sa akin. "But it doesn't mean na hindi kita sisingilin sa utang mong halik. Ms. Kaede. " Halos man lamig ako ng bangitin niya ang apelyido ko. Paano nalaman niya ang apelyido ko. 

Napailing ako. 

Tinignan ko ang aking relo at halos manlaki ang mata ko ng makita kung malapit na mag time. 

Agad akong pumunta sa first subject ko. 

Halos habulin ko ang aking paghinga ng makaratin na ako sa una kong subject. Nandoon na ang ilan kong mga block mates. 

Inayos ko muna ang aking paghinga bago ako pumasok ng silid aralan. Ngumiti ako sa kanilang lahat. 

"Is that the girl?" Mataray na salita ng isang kablock mate ko. 

Sino ba ang tinutukoy niya. Lumingon ako sa likod ko. Wala namang tao. 

Ang Ibig sabihin ako ang tinutukoy niya. 

"Yes she's the one."Sagot naman ng isa pa. Pareho silang tumingin sa akin ng masama na ikinataas ng kilay ko. 

Ano bang ginawa ko sa kanila?

Nagkibit-balikat ako at hindi na lamang pinansin ang dalawang babae. 

Hindi rin nagtagal dumating na ang aming professor biology.

Katulad ng inaasahan ko may mga kaalaman na ako sa mga tinuturo ng aming propesor dahil nag-aadvance reading na din ako dito noong nasa junior high pa lamang ako. Kaya nakasasagot ako sa mga katanungan ng aming propesor. 

Hindi ko namalayan na tumunog na pala ang bell. 

Inayos ko na ang gamit ko at naghahanda para sa kasunod kong subject. 

Bago pa man ako pumasok sa ikalawa kong subject ay pumunta muna ako sa banyo para umihi.

Nang pagka pasok na ako sa loob ng banyo ay nagulat ako ng makita ang dalawa kong kablock sa Biology may kasama pa itong ibang mga babae. 

"What a coincidence ?" Natatawang sabi ni Shira ang isa sa mga ka-Block ko. "Dito pa talaga tayo sa cr nagtagpo. Hindi na kami mahihirapan pang hanapin ka. " 

Nagulat na lamang ako ng biglang may humila ng buhok ko kaya napahawak din ako sa buhok ko para hilahin pabalik. 

Napadaan ako sa sakit ng biglang may lumapat na palada sa aking mga pisngi. 

"Sino ka para halikan si Prince Troy? "Muli niya akong sinampal. 

Hindi ko na alam kong anong hahawakan ko dahil sabay sabay na silang umatake sa akin. Nangilid narin ang mga luha ko. Napakasakit na ng ulo ko at ng pisngi ko. 

"Tama na! "Sigaw ko ng pagmamakaawa pero tila bingi sila't ipinagpatuloy ang pananakit sa akin. 

"Ahh" Napahiyaw ako ng nakaramdam ako ng kirot sa aking braso. Tinignan ko iyon at nakita kong hiniwaan nila ako sa braso gamit ang gunting. 

Lalong umagos ang mga luha ko sa aking pisngi. Bakit ba nangyari ito sa akin? Unang pasukan pa lamang . Bakit ganito na? 

Ganito ba sila ka demonyo? 

"Tulong! " Muli akong nagpakawala ng sigaw bago unti-unting bumugat ang aking talukap. 

Isang malakas na pagbubukas ng pinto ang at pamilyar na boses ang narinig ko. 

"What the fuck are you doing?! " dinig ko. Bago tuluyang bumagsak ang talukap ko at madilim na ang ang aking mga paningin

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status