Share

CHAPTER 3: ENCOUNTER

Ilang buwan narin simula ng ibully ako ng mga kablockmate ko at hanggang ngayon ginagawa pa rin nila sakin.

Dahil daw sa mahirap ako at hindi nila kapantay idagdag mo pa daw ang paghalik ko sa prince nila. Hindi ko naman sinasadya yun kasalanan ko ba ng natapilok ako. Sisihin nila yung bato tsk.

Kahit anong bully nila sakin hindi na ako mag patinag paki ko ba sa kanila mas mahalaga ang pag-aaral ko kaysa sa mga kalandian nila at katarayan sa katawan.

Ako si Maeca Kaede ay nangangako ngayon sa sarili ko na hindi na magpapa-api sa mga mayayamang spoiled brat na mga walang alam sa tunay na buhay.

"Salamat ate Che at sa mga katrabaho ko, salamat sa payo ninyo kung hindi dahil sa inyo hindi lalakas ng ganito ang loob ko" Sinulat ko sa maliit kong kwaderno.

FLASHBACK

"BAKIT KASI HINAHANAP MONG GANYAN KA NILA, MAECA!" Napatakip ako sa tainga ko dahil sa inis na sigaw ni ate Che.

Si ate Che para ko na siyang tunay na ate siya lagi ang tumutulong sa akin kapag may problema ako. Sa tuwing nagigipit ako at may problema siya lagi ang lalapitan ko. 

"Ate naman kasi mayaman sila mahirap lang ako. Maimpluwensya sila kesa sakin baka pag lumaban ako ipatanggal nila ang scholarship ko ate. Alam mo naman ate na doon na lamang ako umaasa dahil wala naman talaga akong kakayahang paaralin ang sarili ko sa ganun kaganda ng paaralan pero demonyo ang mga nag-aaral hahaha." Nagawa ko pang magbiro habang nagpapaliwanag kay ate Che pero tinignan lang niya ako ng masama. Pumasok kasi ako sa trabaho ng pasa-pasaan.

"Maeca, nagawa mo pang tumawa tignan mo nga yang sarili mo para ka ng ube sa sobra mong daming pasa. Huwag kang matakot lumaban Maeca ipagtanggol mo ang sarili mo mas mahalaga parin ang kalusugan mo nakakapag-aral pero para ka namang pinapatay."galit na sabi ni ate Che.

Mayaman din sila pero gusto lang talaga nya magtrabaho dito sa Saltos ćafe. Magkapatid sila ni Manager Kwang.

"Pero, ate--"Hindi niya ako nakatapos sa pagsasalita.

"Hayst Maeca 'wag mo ipakita sa kanila na mahina ka dahil talagang ibubully ka nila lagi"mahinahon nang sabi ni ate che. "At kung magkaproblema ka man sa school ninyo ako ng bahala"dugtong pa.

Hindi ko alam kung paano ko ipakita at ilalabas ang tuwang ngayo'y nagsasaya sa aling kalooban. " Ate Che salamat pero---"

" Walang pero pero Maeca."Sabi ni Ate Che kaya na ako nakaangal pa sapagkat pag sinabi na niya ang ganyan ay kahit anong sabihin ko'y hindi na ito makikinig sa akin.

"Oh, yan ha' Maeca 'di ka na papabully ha' 'pag ikaw nakita pa naming madaming pasa susugod na talaga kami dyan sa pinapasukan mo" Sabi ni ate Mica. Isa sa mga katrabaho ko dito sa Saltos ćafe.

"Oo nga Maeca susugod kami talbog sila dito sa muscle ko" Sabi ni Klausy na habang pinapakita ang kanyang biceps na walang kamuscle muscle. Para nga itong walang gawa ng mabigat sa pagkaka hugis ng kanyang tawan at akalain mo ding mayaman dahil sa magandang kutis nito.

Napatawa naman ako sa ginawa ni Klausy.

"Oo na "Sabi ko at hindi ko na mapigilang matawa sa mga ginawa nila.

Pati lahat ng Manager ko ay ganun ang sinabi

Pati lahat nang mga customer sa bar wag daw ako pa api sayang daw ang kagandahan ko, medyo natawa ako sa costumer namin na nagsabi nun.

End of flashback

Simula ngayon hindi na talaga ako magpapa-api sa mga taong nandito sa paaralan na to. 

Binili nga pala ako ng mga gamit ni ate Che. Satingin ko'y pinakamamahal ang mga binili niyang iyon dahil puro branded ito na gawa sa mga pinakasikat na mga kompanya.

Tumingala ako upang titigan ang napakalaking gate ng school na pinasukan ko napakataas nito at napakalapad. Buntong hininga ako bago pumasok. 

Maeca ito ang unang araw na hindi ka na magpapa-api.

''Uy umaasinso na ata si poor girl''

''Oo nga o puro bago gamit nya teka puro branded din mga gamit nya saan naman kaya yan nakapulot ng pera pambili.''

"Baka may sugar daddy hahahaha!"

"Hmmm kahit na bago pa gamit nya poor parin sya."

"Yeah!!"

Kung ano ano pang mga panlalait na salita ang narinig ko subalit hinayaan ko na lamang sila. Wala akong paki-alam kung ano pa man ang sabihin nila.

"Ah," daing ko ng may makabungo sa aking babae muntik na ako mawalan ng balanse mabuti na lamang at naituon ko agad ang isa kong paa.

"Oh look who's here," Wika ng babae. Mas mataas ito sa akin ng kaunti dahil sa napakataas nitong takong na sa palagay ko'y six inches.

Isa siya sa mga kablockmate ko . Isa din siya sa bumugbog saakin lagi. 

"Uy poor girl buhay ka pa pala?" Mataray na bigkas ng babaeng nasa kanan ni Layla. Si Layla ang ka blockmate ko.

"Oo naman bakit naman ako hindi mabubuhay alam mo bang siyam ang buhay ng pusa meow." Pang-aasar ko sa kanila. "At teka mali ata kayo ng pinuntahan hindi dito ang circus." Mapang-asar akong ngumiti sa kanila 

"What do you mean? Circus?" Nagtatakang tanong ni Layla 

"Hulaan mo," Nakangisi kong sagot sa kanya 

Nag-igting ang mga bagang ni Layla at ng mga kasama miya kumuyom rin ang mga kamao nila dahil sa sinabi ko.

"Me? Sa circus?"galit na galit niyang tanong

"Yes," taas noo kung sagot.

"Who the hell are you para sabihin yan sa akin huh? Isa ka lang namang hampaslupa na nakikisama sa aming mga mayayaman" galit na galit nya na parang umuusok sa galit.

"I am Maeca Alice Kaede, Ako ang sinasabi mong hampaslupa na mas maganda sayo. "Saad ko sa kanya and then I flip my hair.

"What the hell! Ikaw mas maganda sa akin? bi----," napatigil sya sa sabihin nya.

"Why did you stop talking?"tanong ko sa kanya habang naka taas ang kanang kilay.

Para itong natigilan at parang may puso puso ang kanyang mga mata. Sinundan ko kung saan siya nakatingin. Kaya naman pala nakatingin pala dumating na naman ang prince nila.

Napakibit balikat nalang ako saka nagbalak umalis nagsasayang lang ako ng oras dito.

"Bye, bitch "sabi ko at umalis na.

Tumawa ako, sayang muntik na sya kaninang sumabog sa inis.

Pumunta na ako sa room namin.

Maagap yata akong pumasok. Maunti pa lamang kaming nandito sa first subject. Tutulog na lang muna ako ng saglit wala pa akong gasinong tulog simula kagabi.

"Ahm," Nagmulat ako ng mata. 

Teka nasaan ako anong lugar ito? Ang paligid ko'y tila nababalot ng dilim wala akong makita. Walang mga puno, walang bahay, walang lupa at tubig? nasaan ako?

Patay na ba ako? 

Pinatay na yata ako ng mga ka blockmates ko habang natutulog.

"Hello"sigaw ko at nagecho ang boses ko

"Kaede!!!"sigaw ng isang tinig sa apelyido ko

Huh?

"Sino ka?"sigaw ko

"Ms. Kaede!!!!!!"sigaw nya uli.

"Huh ?"mahina kong sabi.

"Ms.kaede are you listening" Napamulat ako at nakita ko ang professor kong batak na ang litid sa leeg.

Napakurap pa ako ng ilang beses bago makaimik.

"Y-yes, maam," sabi ko

Panaginip lang pala.

"Okay solve this problem"sabi ni maam

Pumunta naman ako sa unahan at sinagutan ang isinulat ng professor ko.

"Very good Ms.Kaede"

Uupo na dapat ako ng napansin ko yung katabi ko na parang 

Parang ...

What the hell!!

Si Mr.Sunget/ Prince 

Bakit ?bakit sya na ang katabi ko sa upuan di naman sya dati ang katabi ko e??

"Nilipat ako "sabi nya sakin ng di nakatingin

"Huh? bakit?"tanong ko

"Di ka nakikinig," cold niyang sabi

"Huh ang alin?" Tanong ko sa kanya.

"Itututor mo ako," cold niyang sabi

What??? No!!!

Hindi!!!!!!!!!

At syaka wala akong time para turuan sya may trabaho ako

Kringggg....

"Okay class you may take your break"sabi ni maam 

"Sumama ka sa akin"cold niyang sabi

Grabe naiinis na ako sa pagka cold nya, ah.

"Bakit naman ako sayo sasama." Tanong ko. "Ayoko may gagawin ako." Dugtong ko agad,

"Pag-uusapan natin ang schedule kung kailan mo ako itututor kung ayaw mo pwede ka ng mag transfer sa ibang school," sabi nya at nag lakad na.

Tsk. Damn this guy!

"Wait"

Hinintay naman nya ako.

Aba at maalam naman pala itong mangintay .

Canteen.

"Ito ang schedule," sabi nya sabay abot sakin ng papel

"Pero di kita matu-tutor may trabaho ako," sabi ko.

"What time?" Tanong nya.

"4:30 ng hapon hanggang 1:00 ng umaga." Mahina kong sagot.

"Are you serious?" Tanong nya sakin.

"Yeah," sabi ko.

"Okay, teach me every break time and Saturday and Sunday the whole day." Sabi nya.

"Okay ,what!? Edi naman nawalan ako ng pahinga," napalakas kong sabi kaya napatingin samin yung mga nasa canteen.

"Pag dika pumayag baka maapektuhan ang pag-aaral mo," pananakot nga sakin. 

What the... at tinakot pa nya ko.

Hay, ano pa nga ba magagawa ko?

Sila ang may ari ng school na ito at kayang kaya nya akong ipa expelled anytime.

"Okay, fine. Hay, may magagawa pa ba ako?" Sabi ko.

"Okay will start tomorrow," sabi nya.

"Okay," mabilis kong sagot at umalis na sa canteen.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status