Masuk004
Dahil sa sobrang pagka-busy sa trabaho, hindi na namalayan ni Luther na may meeting pa pala siya kasama ang isang investor. At dahil hindi natuloy ang nakatakdang meeting, inimbitahan na lang siya ng investor sa isang VIP room ng isang sikat na hotel. Agad naman siyang hinatid ng kanyang sekretarya. Pagpasok pa lang nila sa hotel entrance ay agad na nakuha ni Luther ang atensyon ng lahat ng tao sa lobby. As usual—poker face. He doesn’t like to smile, at bilang na bilang sa kamay kung ilang beses lang siyang ngumiti. The last time his family saw him smile was ten years ago. “Sir, Mr. Santiago, is in Room 309,” saad ng sekretarya habang nakasunod sa kanya. “This is not a meeting, right?” malamig na tanong ni Luther, patuloy na naglakad habang ang dalawang kamay ay nasa loob ng kanyang bulsa. “Hindi po, Sir. He’s just inviting you for a drink.” Saad ni Kennedy. “Okay. But make sure to get me out of that room before 12 a.m. I don’t want to celebrate my birthday with him,” paalala niya bago pumasok ng elevator. “Yes, Sir.” Sagot naman ng sekretarya. Pagkarating nila sa VIP room, agad silang inasikaso ng mga staff. Tahimik na umupo si Luther sa sofa matapos makipag-shake hands kay Mr. Santiago, isa sa mga investors. Isa itong kilala at maimpluwensiyang negosyante, at kabilang sa pinakamayayaman sa bansa. May balak rin na tatakbo sa politika sa kanilang lugar. Kahit hindi niya gusto ang presensya ng matanda, pinili na lang niyang makisabay at makisama—wala siyang choice. Investor ito ng isa sa kanyang pinakamalaking proyekto, at malaking pera ang nilabas ni Mr. Santiago para mas lalo pa itong lumago. Kaya kahit na kaya ni Luther na palaguin ang kanyang mga proyekto nang walang investor, interesado siyang subukan kung hanggang saan ang kayang ibigay ni Mr. Santiago. “Good to finally see you,” nakangiting bati ng isang matangkad at magandang babae bago nakipag-beso sa kanya. Gusto man sanang iwasan ni Luther, hindi niya magawa—dahil nasa harapan niya mismo ang ama ng babae. “I heard a lot about you, Mr. Mendez. And now that you’re here in front of me… I can’t believe this is real.” Halos manginginig pa sa kilig ang boses nito, habang hindi maalis ang nang-aakit na titig kay Luther. “Glad to finally meet you, Miss Santiago,” malamig na tugon ni Luther, at iwas naman agad ang tingin. “Enough with the introductions. Let’s have a toss,” sabay taas ni Mr. Santiago ng hawak na wine glass. Walang nagawa si Luther kundi sumabay, at nag-toast silang tatlo. “Kumusta ka naman, Mr. Mendez? I heard lately you went abroad for some important business. Did it go well?” tanong ni Elisha, na hindi mawala-wala ang mga mga kay Luther. Hindi mapigilan ni Luther na lingunin ang sekretarya niyang nakatayo sa gilid niya—isang senyales na gusto na niyang matapos ang lahat ng ito. Alam na alam ng sekretarya niya ang ibig sabihin, gusto na niyang umalis, dahil hindi niya gusto ang atmosphere, lalo na ang dalawang tao sa harap niya. “It went well. And I’m glad to say I got the proposal of Mr. Limoskov,” maiksi ngunit mayabang na sagot ni Luther. Alam niyang isa rin sa mga secretary ni Mr. Santiago ang ipinadala para kunin ang parehong proposal—pero siya ang nauna. “Maganda ‘yan. Sigurado akong mas lalo pang makikilala ni Mr. Limoskov ang kumpanya mo. Congratulations.” Halata ang pait sa tono ng boses ni Mr. Santiago. “Dad, Luther deserves it. He worked hard for it,” sabat ni Elisha, na agad ikinabaling ng matalim na titig ng kanyang ama. Umayos ng upo si Elisha at ngumiti ng bahagya. “Of course, he deserves everything he got. He’s a workaholic after all.” May ibang laman ang tinig ng matanda, para bang may pinapahiwatig pa siya na hindi nakikita ni Luther. Hindi na tumugon si Luther. Tahimik na lang siyang uminom, hindi na rin niya mabilang kung ilang baso na ng alak ang naubos niya. “Ubos na ang alak natin. Can you call the staff and order more wine for us, please?!” utos ni Elisha kay Kennedy, ang sekretarya ni Luther. “Yes, Ma’am.” Agad namang sumunod si Kennedy at lumabas. Samantala, may kinuha si Elisha mula sa kanyang bag, habang hindi nakatingin sa gawi nila si Luther. “You’re already at the right age to get married. Bakit hanggang ngayon ayaw mo pa ring mag-asawa? Hindi ka pa rin ba makalimot sa nakaraan?” tanong ng matanda, na agad nakapagpantig ng tenga ni Luther. Ayaw na ayaw niyang mapag-usapan ang bagay na iyon. “Ain’t interested as of now, Sir,” malamig ngunit kalmadong tugon ni Luther. “Here, Mr. Mendez. Inumin mo muna ito habang wala pa ang sekretarya mo,” sabay abot ni Elisha ng isang basong wine. At sa hindi na nagdalawang-isip pa, tinanggap iyon ni Luther. Napangiti ang mag-ama. Nagkatinginan sila, para bang nagtagumpay sa kanilang plano. “If you don’t mind…” sandaling huminto si Mr. Santiago. “Elisha is more than suitable to be your wife. My daughter can do everything—and she can help you in so many ways. She can even support you with the company.” “Yeah, I can see that, Mr. Santiago,” tugon ni Luther, ngunit natigilan siya nang biglang bumalik si Kennedy kasama ang isang staff na may dalang bagong wine. At doon, parang huminto ang oras. Napako ang mga mata ni Luther sa babaeng kakapasok lang dala ang wine tray. “Sir, here’s the wine,” magalang na sabi ni Kennedy. Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita. “And I already have a girlfriend.” Natigilan ang lahat. Maging si Kennedy, hindi nakapaniwala sa sinabi ng boss niya. “Sir… ano pong sinasabi niyo?” pabulong na tanong ni Kennedy, gulong-gulo ang isip. “You’ve a girlfriend?” gulat na wika ni Elisha, halos hindi makapaniwala. “No… it can’t be,” bulong niya sa kanyang sarili, hawak ang baso ng alak na bahagyang nanginginig. “I’m not ready to announce it yet. But, sooner.” mahinahong wika ni Luther. “Well, I apologize. That’s so rude of me,” ani Mr. Santiago, bahagyang tumatawa. “Matagal na ba kayo? Kilala ka bilang isa sa pinakasikat na negosyante sa bansa, pero wala man lang nakapag-leak na may kasama ka? Siguro magaling ka lang magtago.” “Honestly, I don’t want to expose her. I only want a private relationship with her,” sagot ni Luther, malamig pero may bigat ang tinig. Bahagya pa niyang sinulyapan ang babaeng nakatayo malapit sa kanyang sekretarya. Agad napansin ni Kennedy ang direksyon ng tingin ng boss niya kaya’t napabulong ito sa dalaga, bago mabilis na umalis ng silid. Unti-unting nakaramdam ng pagkahilo si Luther. Pinisil niya ang sentido, ramdam ang biglang bigat ng kanyang ulo. Isang senyales iyon para kay Kennedy. Agad niyang tinapik ang kanyang daliri sa mesa—isang tahimik ngunit malinaw na pahiwatig na kailangan na nilang umalis. “I apologize, Mr. and Miss Santiago,” maagap na wika ni Kennedy. “Mr. M just received an urgent call from Madame M. I’m afraid we need to leave now.” Hindi na nakapagsalita ang mag-ama nang biglang tumayo si Luther. Mabilis na nakalabas ng kwarto ang dalawa. Sa parking lot, huminto si Luther habang hawak ang kanyang dibdib. “I’m feeling sick… something’s wrong with my drink earlier,” mahina niyang sambit, bago bahagyang natumba at inalalayan ng sekretarya papasok ng kotse nito. Mabuti na lang at nakalabas na sila ng hotel at sa parking lot umepekto ang binigay na bawal na gamot kay Luther.MATAPOS ang klase ay dumeretso na si Karina sa Mansyon. Kasama niya si Arian, pero hindi niya sinabi na galing siyang hospital kanina para sa check-up. Kahit paman hindi pa makikita o malalaman ang gender ng bata ay excited ang mag-asawa to share the good news—about their baby's health. Nauna pa na dumating si Karina sa mansyon, kaya hininhintay na lang nila ang pagdating ni Luther at Kennedy. Upang sabay-sabay na silang maghapunan. "You are glowing, Iha. Mas lalo kang gumanda," puri ng Matanda —Lucy. "Hindi naman po, Ma," nahihiya naman na sabi ni Karina. "Baka dahil po sa pagbubuntis ko." Dagdag pa niyang salita. "Mukhang masaya ka rin, Iha. Nakikita ko sa iyong mga mata," parang sumikislap ang mga mata ng matanda habang tinitigan si Karina. "Kailangan po maging masaya, Ma. Kahit na may pinagsasabi, alam ko po na magiging okay lang ang lahat. Masaya po ako, pati puso ko." Ramdam ni Lucy na totoo ang sinabi ni Karina kaya nakaramdam siya ng kasiyahan sa puso niya. "
Habang binabaybay nila ang kalsada papuntang eskwelahan ay hindi pa rin mawala sa mukha ni Luther ang kasiyahan. Finally, sa haba ng panahon—magkakababy na rin siya. Hindi nga lang sa taong pinangakuan niya ng kasal, ngunit sa tao naman na bumago sa buhay niya. Hawak ni Luther ang isang kamay ni Karina, habang ang isang kamay naman ay nasa manibela. Masaya rin si Karina na makitang masaya ang asawa at dalangin niya ay sana ito na ang simula ng kanilang magandang pagsasama. At magtagal pa ang pagsasama nila. "Pangarap ko dati ang magkaanak," panimula ni Luther. Napatingin naman si Karina naghihintay sa susunod na sasabihin nito. "ngunit hindi siguro tadhana." "Bakit naman?" puno ng pagtataka at kuryosidad na salita ni Karina. Karina has no idea that Andrea died before their wedding. They were both committed to each other, and saved their virginity for each other. But—Andreana, died. "Because she left," there's heaviness in his voice and Karina felt it. "It's okay, kun
Maaga dumating nang ospital ang mag-asawang Luther at Karina. Maaga ang appointment nila dahil may pasok pa si Karina sa school. Sinamahan ni Luther ang asawa dahil gusto niyang malaman ang resulta ng prenatal checkups. Gusto niya rin na present siya kapag may check up ang asawa. Luther was quietly watching the ultrasound. Malakas ang heartbeat ni Baby at mukhang healthy. He secretly took a picture of the ultrasound and Karina, but he put a sticker on Karina's face para na rin sa kaligtasan nito. He posted it on his social media with the caption, “My baby and My wonderful wife." The internet blows out like a bomb. Not to mention that LUTHER'S social media accounts have millions of followers. Matapos niyang mag-post ay itinago na nito ang cellphone sa bulsa. Hindi kasi mahilig tumambay sa social media si Luther at lalo na hindi ito mahilig magbasa ng mga comments. “Here's the ultrasound. Your wife is 9 weeks pregnant, and your baby is healthy. Just to remind you, Karina. Avo
MENDEZ RESIDENCE RHEANA visited Lucy at her mansion. They've been close since she was young, but Lucy's heart goes to Andreana the most. Mas gusto ni Lucy si Andreana dahil totoo sa sarili at hindi pakitang-tao lang. Marunong tumingin si Lucy sa tao kung mapagkalatiwalaan ba ito o hindi. Pagdating kay Rheana ay iba palagi ang awra nito. May kasamaan, selos, inggit sa katawan. Alam ni Lucy na nasa Pilipinas na ulit si Rheana, pero ngayon lang ito bumisita dahil naging busy rin sa ibang bagay. May ngiti naman sa mukha ng matanda ay hindi pa rin mawala sa isip nito ang kasamaan ng ugali. Dahil minsan na rin nitong narinig ang away ng magkapatid. “Tita, I am so sorry if I just visited you now. I am so busy for the whole month," Rheana said, and hugged the old lady tightly. “It was nice seeing you again, Ana. Mas lalo kang gumanda, Iha." Puri naman ni Lucy. “Thank you, Tita. I was so happy when I heard that you're here in the Philippines. Mabuti at umuwi ka na rin after so ma
Nanlaki ang mga mata ni Karina nang humiwalay si Luther sa halik at bumulong ng katagang iyon. Para siyang napako sa kinauupuan niya, at nagwawala ang mga paro-paro sa tiyan niya. Hindi alam ni Karina kung para saan ang mga salitang iyon—o kung confession ba iyon. Hindi na nakasagot si Karina nang hawakan ni Luther ang batok niya at muling sakupin ang mga labi niya. This time, iba na ang nararamdaman niya sa halik na iyon. Para bang nalulunod siya at nanghihina ang buong katawan niya. Mahigpit na napahawak si Karina sa braso ni Luther, at kusang gumalaw ang mga kamay niya upang abutin ang pisngi nito at haplusin habang tinutugunan niya ang halik ng asawa. Impit na napaungol si Karina nang maging mas agresibo ang halik nito, na para bang sabik na sabik. Karina didn't expect it to happen. They have been married for almost a month now, and they have never been intimate with each other. The first and last intimacy was before Karina got pregnant. At wala pa sila parehas sa sarili
Lumipas ang isang linggo mula nang tumira sa iisang bubong sina Karina at Luther, at paunti-unti ay nakikilala na nila ang isa’t isa. Nag-uusap na rin sila tungkol sa iba’t ibang bagay at naging komportable na rin, na para bang matagal na silang magkakilala. May mga nalaman din sila tungkol sa isa’t isa na iilan lang ang nakakaalam. Katulad ni Luther na tanging ang ina at mga kaibigan lang ang nakakaalam na may phobia siya sa tubig simula noong bata pa siya, dahil muntik na siyang malunod ng dalawang beses. Si Karina naman ay allergic sa seafood—kahit anong pagkain basta galing sa dagat ay nagkakaroon siya ng allergy. Iyon pa lang ang mga napagkuwentuhan nilang dalawa, ngunit kakaiba. A guy who has a phobia of water, and a girl who’s allergic to seafood. Para bang may koneksyon sila sa isa’t isa. "I heard you were craving cake, so I asked Manang Fe to bake a purple cake," Luther said, sabay lagay ng kahon sa mini table sa sala. "It’s an ube cake with peanuts on top," he added.







