003
Bumalik na rin sa kanilang mga upuan ang ibang estudyante. Normal ulit ang lahat, na para bang walang nangyari. Matapos makuha ang pagkain, agad na naghanap ng mauupuan si Karina. Tahimik siyang nagsimulang kumain, ngunit hindi nagtagal ay lumapit ang apat na lalaki sa mesa niya. Isa sa kanila ay walang paalam na kinuha ang tray ng kanyang pagkain. Napakagat-labi si Karina. Hindi agad siya nag-react, ngunit ramdam niya ang dugo niyang umaakyat sa ulo. Gusto na niyang sumabog, lalo pa’t kilala niya ang mga ito. Nasa kanila na naman ang atensyon ng lahat. Huminga siya nang malalim, saka walang takot na hinarap ang isa. “Disrespectful!” mariin niyang sabi, puno ng galit. Ngumisi lang ang lalaki. “Tapang mo talaga, Karina. Carson wants to meet you on the rooftop. Now.” bulong nito bago ibinalik ang tray sa harap niya. Matapos iyon, tinapos ni Karina ang pagkain niya nang mabilis. Kinuha niya ang cellphone at agad na nag-text sa kanyang kapatid na si Dos. Ayaw na sana niyang patulan ang sinabi ng kaibigan ni Carson. Pero nagulat siya nang makatanggap ng isang text message—isang bagay na nagpabilis ng tibok ng kanyang puso. Agad siyang tumayo at dali-daling umakyat sa rooftop. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang grupo ni Carson. Hindi lang sila; may mga estudyante rin mula sa ibang department, tila nanonood lang. At sa gitna ng mga ito—ang taong hindi niya inakalang makikita roon—ang kanyang taksil na pinsan, ang dati niyang pinakamatalik na kaibigan. Mariin niyang pinanlakihan ng mata ang dating kasintahan habang lumapit siya. “Nasaan ang kapatid ko?” singhal niya, puno ng galit at kaba. Ngumisi si Carson, hawak ang sigarilyo. “Bilis mo, ah.” Nag-hithit siya, saka marahas na ibinuga ang usok sa mukha ni Karina. Napakapit si Karina sa dibdib, napaubo mula sa usok. “You believe it naman. As if madali naming makuha ang kapatid mo,” malademonyo ang tono ni Carson. “Hindi ba bawal ang sigarilyo sa school? Pwede kitang isumbong kay Dean,” madiin na sabi ni Karina. Mas lalo lang tumawa nang malakas si Carson, para bang wala siyang pakialam. Lumapit naman ang kanyang taksil na pinsan at agad na ipinalupot ang mga braso nito sa bisig ng dating nobyo. Karina didn’t even flinch, in fact, she looked disgusted. Napatingin siya kay Carson na mula pa kanina ay nakatitig lang sa kanya, parang binabasa ang bawat reaksyon niya. “Bakit mo ba ako pinatawag dito? Hindi ba tapos na tayo?” tanong ni Karina, kalmado ngunit matalim ang boses. Nagkatawanan ang grupo na para bang may nakakatawang punchline. “Anong pinagsasabi mo r’yan? Ikaw? Ikaw ang nakipaghiwalay kay Carson?” singhal ni Kaori sabay turo sa kanya. Carson smirked. “What a joke,” bulong niya, ngunit sapat para marinig ng lahat. “Believe rin ako sa tapang mo, ha—nagpapakalat ka ng fake news.” Hindi nagpadaig si Karina. “Bakit? Mali ba? O ayaw mo lang na malaman nila ang totoo?” matapang niyang tugon. Hindi siya nagpakita ng takot kahit ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. Nag-ingay ang mga kasama nila, nagtatawanan at nagbubulungan. “Delusional!” tawa ni Carson, parang sinusubukang ipahiya siya sa harap ng lahat. Alam ni Karina na may mali sa mga nangyayari, pero pinilit niyang manatiling matatag. Hindi niya ibibigay sa kanila ang kasiyahang makita siyang nadudurog. “Naging kayo ba talaga, babe?” malanding tanong ni Kaori, halos nakanguso habang nakadikit pa kay Carson. Napangisi si Karina, malamig at mapanlait. “Silly,” bulong niya, saka ngumiti nang nakakaloko. “What a snake.” “Ano’ng sinabi mo?!” sigaw ni Kaori, galit na galit at akmang susugod. Pero agad siyang pinigilan ni Carson, hinawakan sa braso, at ngumisi nang may halong panunuya. “No! Why would I? You know me, guys—alam ninyo ang tipo ng babae na gusto ko. Sino ba naman ang magiging interesado sa kanya?” pang-iinsultong wika ni Carson. Her heart skipped, chest tightening with every word. She refused to react, refused to lash out. Calmness was the only armor she had left, kahit nagsisimula nang lamunin ng anxiety ang buong pagkatao niya. She wanted to escape this hell. “So, that four months meant nothing to you?” Karina asked, her lips curling into a bitter smile. Silence fell. The tension was heavy, suffocating. Everyone could feel her pain. She trusted him. She gave almost everything—her time, her heart, her vulnerability. He was there when she was at her lowest, during her anxiety, her depression after her parents’ separation. She thought he was an angel in disguise. But now… Carson was looking down on her, tearing her apart with every word. “What are you talking about?” Carson scoffed. “Karina, you knew from the start. I don’t like you. You were the one clinging to me, forcing yourself into my life. You’re not the type of girl I want. You suck.” Karina’s eyes softened. Pain was written all over her face. “Oh… I see,” she whispered, her throat tight as if something was blocking her voice. Carson leaned closer, smirking. “You look like you’re hurt. Nasaktan ba kita, Karina?” She blinked back the tears, but her voice was steady. “Yes. Yes, I am. After all, I trusted you. I believed in your sweet words. But it’s okay… it will pass. This pain, this broken heart I’m feeling—it will pass away. Thank you.” She locked eyes with the man who shattered her trust, her heart burning with anguish and defiance. “Thank you for breaking my heart. You won.” And with that, she ran—leaving behind the laughter, the whispers, the betrayal. Nobody followed her. Nobody stopped her. Carson froze, his grin fading just for a moment. “What’s with that expression? Nasaktan ka rin ba?” one of his friends teased, but Carson’s silence spoke louder than words. Isang buwan na ang nakalipas simula nang maghiwalay si Karina at Carson. Matagal na niyang gusto si Carson, at alam naman niya noon pa na playboy ito. Pero dahil gusto niya talaga, sinagot niya ito. In just four months, she fell in love with him. He was her first kiss. Carson was there when her world started falling apart—noong naghiwalay ang kanyang mga magulang, at noong pinapapili sila kung kanino sasama. Pero hindi pumili si Karina. Mas pinili niyang sa kanya na lang ang mga kapatid, siya na ang magiging guardian nila. And during that darkest time, Carson was there to comfort her. Pero ginamit ni Carson ang kahinaan niya. He took advantage of her vulnerability. He thought he could get what he wanted that night. Inimbitahan niya si Karina na matulog sa condo, para daw cool down. Pero nang tumanggi si Karina na ibigay ang sarili niya, bigla na lang itong nagbago. After that night, Carson stopped texting her. She wasn’t ready. She couldn’t give herself to a boyfriend who kept her hidden, at ilang buwan pa lang naman silang magkasama. May takot din sa puso niya—takot na baka pagsisihan niya. --- SA TRABAHO “Ano ’yan, magpapakalasing ka ba, gurl?” saad ni Miguel, sabay abot sa kanya ng isa pang bote ng alak. “Wala naman akong work bukas, Kuya Mig, e,” sagot ni Karina, at ngumiti. Nakailang bote na siya, pero parang hindi pa rin siya tinatablan ng alak. “O, sige. Pero paano ka uuwi niyan? Marami ka nang nainom, kaya tama na ’yan,” nag-aalala na paalala ni Mig. “Hatid mo ako sa kwarto, Kuya Mig… hehe.” Natatawang sagot ni Karina, dala na rin ng tama ng alak. Hindi pa siya totally lasing, pero ramdam na niya ang bigat sa katawan. “Ay, nako, bata ka…” Napailing na lang si Mig. “Sige, pero last na ’yan, ha.” Iniwan niya muna si Karina sa mini-bar. May mangilan-ngilan na lang na customers, tahimik na ang paligid. Kaya nang inumin ni Karina ang huling bote, inubos niya agad. After all, kailangan na niyang bumalik sa trabaho.010 AIRPORT Sinalubong ni Kennedy ang mag-inang Lucy at Luther. Isang buwan nang nawala sa bansa si Luther dahil hindi agad naaprubahan ang medical certificate ni Madame Lucy dahil sa kanyang karamdaman. Mabuti na lang at maayos na ang kanyang mga test at maaari na siyang bumiyahe nang mahabang oras. Agad silang dumiretso sa kanilang mansyon. Nami-miss na ng matanda ang lugar—ilang taon din siyang hindi nakauwi sa Pilipinas dahil sa sakit. “Welcome home, Mom,” masayang wika ni Luther. Finally, his mom is home. “I missed everything in this place,” emosyonal na sabi ni Madame Lucy. “Let’s fill this place with beautiful memories, Mom,” sabi ni Luther sa mahinahong tinig. Maingat at maalalahanin siya sa ina. Mahal na mahal niya ito. “Mom, I’ll take you to your room first so you can rest. Paghahandaan ko po kayo ng makakain, okay?” Aside from being a gentleman, Luther can cook too—he’s all-around. “Oh, yes, son. I missed your cooking,” parang nabuhayan ang ina sa sinabi ng
009 MENDEZ RESIDENCE Nakauwi na rin ang mag-ina mula sa hospital. Naka-wheelchair lang ang mommy niya dahil ayaw ni Luther na mapagod ito sa paglalakad palabas ng ospital. Hindi pa rin kasi ito ganap na magaling. May sakit ang mommy niya—stage 1 cancer at may kondisyon sa puso. Nalaman nila ang sakit niya noong biglaang pumanaw ang daddy nila dahil sa heart failure. Dahil dito, naatake ang puso ng mommy nila. Pina-operahan siya isang taon na ang nakalipas, pero bumalik rin ang cancer niya. “Welcome home, Mommy.” “Hi, Mom. I’m sorry if we didn’t visit you in the hospital.” “Kuya, you’re here.” Naroon din ang mga kapatid ni Luther. Na si Lucas, Logan, at Carla Mendez. Lucas ang sumunod sa kanya, tapos si Logan, at ang bunso ay si Carla. May asawa at anak si Lucas. Si Logan at Carla ay single pa, kasama na rin si Luther. “Good thing nandito kayo,” bungad ni Luther sa mga kapatid habang nasa kwarto na ang mommy nila. “Kuya, busy lang kami sa trabaho,” sagot ni Lucas. “
008 Tumango naman si Uno at sabay silang lumabas ng kwarto. Nagulat pa sila nang biglang sumulpot ang pinsan nilang si Kaori. “Ate Kao, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ariel habang ngumunguya pa. “Pinapasabi ni Mommy na aalis tayo bukas ng gabi. Engagement party ng Mommy niyo,” nakataas-kilay na sabi nito. “Talaga? Pasabi na lang na hindi ako interesado sumama,” galit na tugon ni Karina sabay lagpas sa pinsan. “Ang bitter mo talaga. Mama mo pa rin naman si Tita, ah. Stop being mean. Suportahan mo na lang siya.” “Shut up. Hindi ko kailangan ng opinyon mo. Lumayas ka nga!” mariing wika ni Karina kay Kaori. “Next time, kung tungkol sa mga magulang ko, wag niyo nang ibalita sa amin, okay?! Wala na akong interes sa buhay nila.” “Tse!” tanging nasabi ni Kaori sabay irap at pandilat bago tuluyang lumabas ng bahay. “Hmm… kapal talaga ng mukha,” inis na bulong ni Karina nang makaalis ang pinsan. Si Kaori kasi, bukod sa pinsan niya, ay naging girlfriend pa ng ex-boyfriend n
007 KARINA’S HOUSE Pagod na umupo sa sofa si Karina, at mapungay na ang kanyang mga mata. Napansin naman ito ng bunso niyang kapatid na si James. Walang pasok si James ngayon dahil sabado kaya nasa bahay lang siya. Sampung taon gulang na rin ito, at madalas ay naiiwan sa bahay. Sa kabilang bahay lang naman nakatira ang Tita Karla nila, kaya hindi sila nag-aalala kahit minsan ay mag-isa si James. “Ate, you look tired and sleepy. You should rest muna. Ako na bahala maghanda ng hapunan natin,” malambing na sabi nito. Agad na napawi ang pagod sa mukha ni Karina, at ngumiti siya habang nakatingin sa bunsong kapatid. “Hindi na. Si Ate na gagawa mamaya, ha? Matutulog lang ako sandali,” sagot niya, nakangiti pa rin. Bumusangot si James. Lumapit siya sa kanyang Ate at niyakap ito nang mahigpit. Gumanti rin ng yakap si Karina. Gumaan naman ang bigat ng kanyang dinadala mula pa kanina. Ngiti at lambing lang ng kanyang mga kapatid, agad nang napapawi ang pagod at hinanakit niya. “Sa
006 TULALA at hindi mapakali si Karina habang nakikinig sa lecture. Hindi kasi maalis sa kanyang isipan ang nangyari kagabi. Madaling araw na nang umalis siya sa kwarto ng lalaki at lumabas ng hotel. Dahil sa nangyari, ramdam pa rin niya ang hapdi sa pagitan ng kanyang hita. In her mind, it was intense. At hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa niya ang bagay na iyon—isang bagay na ni minsan ay hindi pumasok sa kanyang isipan. Matapos ang klase, inayos na niya ang kanyang mga gamit at handa nang umuwi, dahil wala na rin siyang susunod na subject. Maaga kasi ang klase niya at apat na subjects na ang natapos niya ngayong araw. Kaya kahit kulang sa tulog, pumasok pa rin siya. “Makakapagpahinga na rin ako sa wakas,” bulong niya sa sarili habang pababa na mula sa kanyang floor. “Karina?” agad siyang napalingon sa tumawag sa kanya, at bahagyang kumunot ang kanyang noo. “Hmmm… ano na naman?” iritadong tugon niya sabay irap. “Can we talk?” Karina rolled her eyes. “Ano na nam
005 Nag-presenta si Karina na siya na lang ang maghahatid ng alak bago siya mag-out. Hanggang 11 PM lang ang shift niya kapag may rest day siya kinabukasan. Masipag rin naman siya, kaya’t grabe ang tiwala sa kanya ng mga kasamahan niya, pati na rin ng mga kilalang customer sa VIP Room. Kilala na rin siya ng mga regulars, pero hindi niya alam kung sino-sino ang mga bigating tao roon. Kinabahan siya nang hindi niya maintindihan kung bakit, lalo na nang makapasok siya sa silid. Pagkalapag niya ng alak sa mesa, dala-dala pa rin niya ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan ang sarili, lalo na nung masulyapan niya ang isang customer na lalaki. Hindi mawala sa isip niya ang hazel green na kulay ng mga mata nito. At higit sa lahat—nang magtagpo ang kanilang mga tingin. Para bang nakikita ng mga mata nito ang buo niyang pagkatao. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Ngunit hindi iyon kaba dahil sa takot. Kundi isang kakaibang damdamin—parang pamilyar, parang may koneksyon,