Bagaman nagmamadali ay nagawa pa ring isingit ni Calynn ang pagsilip sa Lux Fine Jewelry. Sa araw-araw ng kaniyang buhay, hindi niya talaga kayang hindi masulyapan ang kaniyang engagement ring kahit saglit lang.
“Diyan ka lang, aking singsing. Huwag kang mag-alala dahil balang araw ay maisusuot din kita sa aking ring finger. Tiwala lang tayo dahil feel na feel ko na na darating na ang lalaking magsusuot sa iyo sa akin,” kinikilig niyang turan. Kulang na lang ay mag-twinkle-twinkle little star na naman ang mga itim na bilog ng kaniyang mga mata. Ini-stretch pa niya ang palad niya at in-imagine na nakasuot na ang noon pa niya pinapangarap na singsing.
“Ay, naku, Calynn, bilhin mo na kasi iyan,” as usual, sita na naman sa kaniya ni Belle na sales associate ng Lux Fine Jewelry. Ang salarin kung bakit nagmumukha siyang lukaret at obsess sa isang singsing.
Pitong buwan na, kung hindi nagkakamali si Calynn ay pitong buwan na nga siyang parang baliw na inaasam ang diamond ring simula idinisplay ni Belle ang singsing, na hindi sinasadya ay kaniyang nakita. Mula noon ay pinangarap na niya tuloy ang singsing.
“Hayaan mo muna diyan para hindi maluma,” nakatawang biro niya sa kapwa dalaga.
“Gageh ka talaga.” Natawa nga si Belle.
“Wala pa naman siguro bibili niyan, ano? Ang mahal mahal, eh.”
Napanguso si Belle. “Hindi natin sure. Alam mo ba last week may bumili na ng kasabayan ng singsing na ‘yan? At konti lang ang deperensya ng presyo.”
“Talaga ba?”
“Oo, nabentahan ni Anasia.” Ang tinukoy ni Belle ay ang kasamahang sales associate nito.
Bigla ay nalungkot si Calynn. Nag-alala. Paano na kung mapupunta sa iba ang singsing? Parang hindi niya kakayanin.
“Grabe ka, singsing lang ‘yan pero parang heartbroken ka na,” natawang saway sa kaniya ni Belle.
Napanguso siya. “Ewan ko ba. Parang feeling ko kasi talaga para sa akin ang singsing na ‘yan, eh. Siguro pag-aari ko siya sa past life ko.”
“Ang dami mong alam talaga.” Mas tinawanan pa siya ni Belle. “Teka nga, ano pa ba’ng ginagawa mo rito? Hindi mo pa ba duty?”
Animo’y nagbalik ang nawawalang espiritu ni Calynn sa kaniyang katawan. Bigla siyang natauhan.
“Aisst!” at ungol niya nang sinulyapan niya ang kaniyang mumurahing wristwatch. Ten minutes na lang pala ay magbubukas na ang pawnshop na pinapasukan niya. Isa kasi siyang pawnshop clerk sa Golden Pawn. At nasa third floor iyon ng Uptown Mall na kinaroroonan.
“Sige, alis na ako,” paalam na niya dapat kay Belle. “Bantayan mo maigi ang singsing ko, ha?” biro niya pang dagdag.
“Ingat ka,” sabi rin ni Belle.
“Ay!” Pero anong gulat ni Calynn nang sa kaniyang pagtalikod ay may nabangga siyang matatag na balikat. Balikat ng isang matangkad na lalaki, kaya naman nasubsob ang mukha niya.
“Sorry po, Sir,” hawak ang ilong na paghingi niya nang paumanhin. Sa pagkasubsob niya sa mabangong balikat ng lalaki ay napuruhan ang kaniyang medyo matangos din na ilong.
Hindi siya pinansin ng lalaking naka-formal suit. Ni hindi nakalas ang pagkakapamulsa ng mga kamay nito sa harapang bulsa ng trousers nito. Diretso ito lakad sa display cabinet kung saan naroon naka-display ang mga mamahaling paninda ng Lux Fine Jewelry.
“Suplado!” sa isip-isip ni Calynn. Iningusan niya ang likod ng lalaki nang lingunin at sundan niyo ng tingin. Mga mayayaman talaga, ang yayabang. Feeling yata ay mga pader sila na hindi matitibag ng ordinaryong tao lamang.
“Tse!” pagsusuplada pa nga ni Calynn bago lumakad na. Kailangan na niyang pumasok kung hindi babalaan na naman siya ng masungit niyang manager na tatanggalin siya sa trabaho dahil lagi siyang late.
Ang hindi niya maintindihan ay bigla siyang nag-pause sa paglalakad. At animo’y may sariling buhay ang kaniyang ulo na lumingon pa sa Lux Fine Jewelry. Doon ay nakita niyang naroon ang lalaki sa harapan ng kanyang singsing.
Oh, no!
“Bibilhin na yata,” Belle mouthed at her. Nasa mukha nito ang panunukso sa kaniya na mawawala na ang kaniyang singsing.
Walang pagdadalawang-isip na napabalik siya. No, hindi siya papayag na mabenta ang kaniyang engagement ring! Magkamatayan na!
Nakatalikod ang lalaking may suot ng business suit kaya hindi sila nakikita ni Belle na nagsusulyapan at nagsisenyasan. Tumitingin-tingin nga talaga ito ng mga singsing sa display counter.
“Ma-su-ngit,” walang boses na buka ng bibig ni Belle. “Pero mukhang mayaman kaya bibilhin na ang singsing mo.”
“Huwag mong ibenta. Sabihin mo naka-reserve na,” aniya na wala ring boses na pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib. Ibig sabihin ay nakikiusap siya rito nang sobra.
Ayos lang naman kahit hindi mabenta ang singsing. Parehas nilang alam ni Belle na hindi ikakalugi ng Lux Fine Jewelry kahit na ilang taon na hindi mabebenta ang singsing. Sobrang yaman kaya ng Lux Fine. Isang sikat na singer na si Eyrna Arquino at bilyonaryong si Kabhy Ziegler ba naman ang may-ari.
Ia-assist na dapat ni Belle ang customer, pero dahil nababaliw na siya ay inunahan niya ito. Hindi niya alam kung ano’ng nakain niya’t bigla siyang nagpanggap na sales associate rin ng Lux Fine Jewerly. Nanlaki tuloy ang mga mata ni Belle.
“Good morning, Sir. Welcome to Lux Fine Jewelry. Anything we can do for you?” nakangiting bati niya sa lalaking customer. Tuwid na tuwid ang kaniyang pagkakatayo at magkasalikop ang kaniyang mga kamay sa kaniyang bandang tiyan. Ginaya niya si Belle. Inagaw niya pansamantala ang trabaho nito na noon pa niya kinaiinggitan.
Noon pa man ay gusto nang makapasok sa Lux Fine Jewelry katulad ng kaibigang si Belle. Pero dahil hindi naman siya graduate sa kolehiyo na istriktong requirements ng Lux Fine ay hindi siya qualified.
Subalit ay biglang natigilan siya nang masilayan niya ang mukha ng lalaki at nagsalubong ang kanilang tingin. Paano’y para ba’y nasa harapan na niya ang isang Korean actor na kanyang hinahangaan sa mga Korean drama na kanyang napanood. Isang grim greaper na napakaguwapo.
Kamuntikan na niyang maitanong ang, “Lee Dong-wook is that you?”
Matangkad, maskulado, matangos ang ilong, napakaputi ang mukha, malalim ang mga mata, mapupula ang mga labi at medyo alon-alon ang buhok. In short, ubod ng guwapo ang lalaki.
Kinilig na ang kaniyang puso.
“Is there anything frightening on my face?” nga lang ay pasupladong untag sa kaniya nito. May ugali nga.
“Ah, eh...” Natameme siya sa pagkakapahiya. Ito ang napapala ng nagmamagaling at mang-aagaw ng trabaho.
Napangiwi siya pati nang makita niya sa ekspresyon ng mukha ng lalaki na naghihintay ng kasagutan. Nakaramdam siya ng pamumula ng pisngi at pag-iinit ng katawan sa kahihiyan.
“Calynn, ako na,” singit dapat ni Belle pero hindi niya hinayaan.
“My apologize, Sir,” senserong paghingi niya ng paumanhin sabay magalang na pagyuko. Alangang sabihin niya na na-starstruck siya sa kaguwapuhan nito? Mas nakakahiya iyon.
Walang naging tugon ang lalaki. Nakita niya na lang sa mga paa nito habang nakayuko siya na humakbang ito patungong ibang display corner ng jewelry shop. Naka-display roon ang mga makabagong disenyo ng singsing.
“Ano’ng ginagawa mong bruha ka? Mapapagalitan ako sa ‘yo, eh!” siko at bulong sa kaniya ni Belle nang tumabi sa kaniya ito.
“Hayaan mo na ako. Kailangang protektahan ko ang aking engagement ring hangga’t hindi pa dumadating ang ‘The One’ ko,” sagot niya na pabulong din.
“Nababaliw ka na talaga!”
“I am looking for an engagement ring,” agaw-pansin sa kanila ng customer.
“Yes, Sir.” Nang itaas niya ang tingin ay naging behave na siya. Kahit gusto niyang kilatisin at kabisaduhin ang bawat detalye ng guwapong mukha ng lalaki ay hindi na niya tinangka. Ayaw niyang masupladuhan ulit.
Ewan ba niya. Sa mga K-drama na kaniyang napanood ay talaga namang nakakakilig ang mga supladong mayaman na lalaki na bida. Pero in reality, nakakatakot naman pala.
Si Belle ay nagtungo naman na sa counter. Hinayaan na nga siya sa baliw-baliwan niya.
Maingat na kinuha ni Calynn ang isang royal princess cut diamond sa glass-covered cabinet at ipinakita sa customer. Syempre nilampasan niya ang kaniyang singsing na kanina pa halatang binabalik-balikan ng tingin ng customer. Ipinaliwanag niya kung gaano iyon kaganda na siguradong magugustuhan ng pagbibigyan nitong nobya.
“Perfect na perfect po ito sa kaniya, Sir,” pagtatapos niya.
“No. I think Avy prefers a simple ring,” subalit ay pagtanggi nito.
At halos mabasag ang puso ni Calynn nang damputin ng customer ang kaniyang singsing, ang kaniyang solitaire diamond ring.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at napadasal na sana hindi nito magugustuhan.
“This one. This is what I want. I will buy this,” subalit ay pambabali ng customer sa kaniyang sana.
Muntik nang manghina ang mga tuhod ni Calynn at mapabulagta sa marmol na sahig ng jewelry shop. Wala na! Wala na ang kaniyang singsing! Woah!
“Sige po, Sir. Process ko na po,” mabilis na paniningit ni Belle nang makita ang reaksyon niya.
Ilang sandali pa’y namalayan na lamang ni Calynn na inihahatid na niya ng tanaw ang lalaking customer nang palabas na ito sa shop bitbit ang black and gold paper bag na kinalalagyan ng binili nitong diamond ring.
“’Pag nadapa si Sir Reedz, kasalanan mo, besh,” tukso sa kaniya ni Belle. Nakalapit ito sa kaniya nang hindi niya namamalayan.
“Sir Reedz?” Nagtakang nilinga niya ang kapwa dalaga.
Itinuro ni Belle ang laptop monitor ng kanilang daily sales report. “Iyon ang pangalan ng customer. Reedz Rovales. Pati pangalan ang guwapo.”
“Gano’n ba,” wari ba’y may pagkain sa bunganga niya na hindi malasahan na komento. Nawawala na talaga siya sa sarili niya. Pakiramdam niya ay inagawan siya ng boyfriend.
“Hoy, ayos ka lang?!” kalabit sa kaniya ni Belle.
“Hindi ako ayos at kasalanan ito ng aking ‘The One’! Bakit kasi ang tagal niyang dumating?! Tuloy naunahan siya sa engagement ring na gusto ko!” maktol niya.
Napabulanghit ng tawa si Belle. Tinawanan ang kaniyang inaasal at hitsura.
“Heh! Tatawa-tawa ka pa diyan!” natatawa na ring sayaw naman niya rito.
“Heh, ka rin! Ambisyosa pa! Sino bang babae kasi ang maghahagad na ng engagement ring na wala namang boyfriend?” Tinawanan pa rin siya ng kaibigan.
“Oo na ako na ang baliw. Ako na ang ambisyosa,” kunwa’y napangawa naman niyang pag-amin. Aminado naman siya kasi na para siyang takas sa mental dahil lang sa engagement ring na iyon. Na ngayon ay wala na. Na ngayon ay pag-aari na ng iba.
Napakasaklap talaga ng walang jowa.
Ngiting-ngiti si Calynn habang nakatanaw sa malayo na parte ng dagat. Feel na feel din niya ang mga malakas na hangin na tumatangay sa kaniyang buhok at laylayan ng kaniyang bestida. Kanina pa siya roon pero wala siyang kasawaan sa panonood sa paligid. Talaga naman kasing napakaganda ng kaniyang kinaroroonan na lugar ngayon. Napakaliwalas pati ng langit. Ang gaan-gaan ng kaniyang pakiramdam, parang ang problema o stress pa ang mahihiya na maligaw roon.Matingkad na asul ang kulay ng karagatan. It was like crystal-clear waters. Malambot sa paa ang puting mga buhangin. Green na green din ang mga puno na karamihan ay mga palm trees. Parang mga kabute ang mga canopy na hilira sa gilid ng dagat na nagsisilbing tambayan ng mga turista. At ang mga villa na thatched-roof ay talaga namang nakakamangha sa ganda—overlooking the sea.Sa di-kalayuan, hindi naman inaalis ni Reedz ang tingin sa asawa habang palapit siya sa kinaroroonan ng asawa. Simula dumating sila sa Maldives upang ituloy ang kanil
Tatlong araw lamang ang ginawang burol ng anak nina Calynn at Reedz na pinangalanan nilang Recca. Katulad nang parang napakabilis na ipinagbuntis at ipinanganak ni Calynn si Baby Recca, ganoon din kabilis ang lumipas na araw. Kasalukuyan na nilang pinapanood ang dahan-dahang pagbaba sa napakaliit na kabaong nito sa hukay.Maliban sa may bahay ang puntod ng baby nila, pinili rin nilang mag-asawa na sa malalim na hukay din ilibing ang kanilang anak upang anila ay hindi malapastangan ng mga walang respeto sa patay na mga tao katulad ng mga napapanood sa TV.At kung noon sa ospital ay grabe ang pag-iyak nilang dalawa, ngayon ay tahimik na lamang silang lumuluha. Malamang ay dahil nailuha na lahat nila, lalo na si Calynn na halos walang humpay ito sa pag-iiyak sa nagdaang mga araw. Nakapaloob si Calynn sa yakap ni Reedz. Sa isa’t isa pa rin sila humuhugot ng tapang upang makayanan nila ang pagkawala ng panganay nilang anak.Mula namatay si Baby Recca ay hindi sila humiwalay sa isa’t isa. Pa
“Calex, Oseph, manganganak na si Calynn!” malakas na malakas na sigaw ni Reedz sa kaniyang dalawang tauhan. Nataranta naman ang mga ito. Si Oseph ay lumapit sa kanila, habang si Calex ay tumawag agad ng ambulansya.“Kaya mo bang tumayo?” tanong ni Reedz kay Calynn.Napapangiwi na sinubukang tumayo si Calynn, subalit halos hindi na niya mabuhat ang kaniyang katawan. Gayunman, pinilit niya. Kailangan niyang kayanin. Heto na ang huling yugto ng pagiging ina niya sa kaniyang anak. Kailangan niya itong maipanganak, tiyaking buhay ang baby niya para sila ay magkita ng kahit saglit lang, ng kahit segundo lang.“Oh, God. Masakit, Reedz,” da*ng niya. At nang maramdaman niyang basa na ang bandang ibaba ng katawan niya’y nayanig ang buo niyang pagkatao. In slow motion tulad sa mga pelikula, muntik na siyang matibag ng tuluyan nang makita niya ang pula sa kaniyang paanan.Manganganak na talaga siya!May dugo nang umaagos sa paanan niya!“Dalhin niyo na ako sa ospital! Bilisan niyo!” malakas na mal
“Ibig sabihin, pagkatapos na pagkatapos na manganak ni Calynn ay mamamatay agad ang baby niya?”“Hindi naman, Madam, maaari pa rin namang magtagal ng ilang oras ang sanggol o aabot ng ilang araw.”“But Reedz and Calynn's baby will still die?”“Yes, Madam, dahil sa kondisyon ng sanggol wala pang paraan upang maisalba ang buhay niya kahit sa ibang bansa.”In the midst of conversation, Avy flashed her sweetest smile at the man. Mayamaya ay may ibinigay na siya ritong puting sobre. “Well done, Mr. Bonalos. I appreciated the information you provided about the couple. Hanggang sa susunod natin ulit nating pagkikita.”Kinuha ng lalaking private investigator ang puting sobre, yumukod bilang pasasalamat at saka umalis na.Ang ngiti sa mga labi ni Avy ay kasabay nang papalayong pigura ng lalaki sa paningin niya ang pagkabura niyon. Lumabas ang totoong ekspresyon ng kaniyang mukha na gigil at selos para kay Calynn.Kanina ay nakita niya ang larawan na pinost ni Meredith sa social media. Mga laraw
Nakadama si Calynn ng bikig sa kaniyang lalamunan habang pinagmamasdan niya ang ginawa nilang dekorasyon sa labas ng Villa Berde para sa gaganapin na gender reveal ng kaniyang baby.Gayunman ay magaan ang kaniyang kalooban dahil totoong tanggap na niya ang nangyayari o mangyayari. Ang lagi na lang niyang ipinagdarasal sa Diyos ay ang sana bigyan na lang siya ng lakas at tatag sa damdamin upang tanggapin ang lahat kapag matatapos na ang lahat. At higit sa lahat ay sana biyayaan ulit siya ng anak.“Are you okay? Aren't you tired?” tanong ni Reedz sabay akbay sa kaniya.Nakangiting tiningala niya ang asawa. “Ayos lang. Wala naman akong halos ginawa. Iyong dalawang iyon ang mga napagod.” Ininguso niya sina Meredith at Gela na abala sa pagkuha ng picture sa katatapos nilang dekorasyon.“Hayaan mo sila. May bayad naman na hiningi sa akin ang dalawang iyan.”“Huh?”“They asked for the latest model of cellphone. Iphone 16 pro max daw.”“Sandali! Ang mahal ng mga cellphone na ganoon, ah? Hindi
“Oh, my ghad, Reedz!” Kamuntik nang atakehin sa puso si Calynn sa nakita niyang ginagawa ng asawa sa likod-bahay. Grabe ang nerbyos niya dahil napakataas kasi talaga ng niyog na inaakyat ni Reedz. Kung titingalain nga ito ay parang maabot mo na ang mga ulap sa langit kapag nandoon ka sa dulo niyon.“Lord, gabayan niyo ang asawa ko!” patiling aniya nang nagkukumahog na siya palabas ng silid. Mangiyak-ngiyak na rin siya dahil alam naman niya agad kung bakit ginagawa iyon ni Reedz. Walang iba kundi dahil sa kaniya, dahil gusto siyang pasayahin.“Ate Calynn?!”“Ate?!”Sina Meredith at Gela ay nagulat nang makita siya. Palabas ang dalawang dalaga sa kusina. May hawak si Gela na mga baso at si Meredith ay pitsel. Lalagyan malamang ng tubig ng niyog na makukuha ni Reedz.“Bakit niyo hinayaang umakyat ng puno ang Kuya Reedz niyo?” Nilampasan niya sila. Dire-diretso pa rin siya ng lakad palabas.“Eh, iyon ang gusto niya. Sabi niya kailangang makakuha siya ng niyog para mapasaya ka,” sabi ni Gel