“Duty ka hanggang closing!” pinal na desisyon ng kaniyang manager.
“Ma’am, naman? Hindi ko po deserve ito. Thirty minutes lang naman po akong late. ‘Tsaka masama na ba ngayon ang tumulong?” pagrarason niya pa rin kahit aminado siyang mali niya talaga bakit nagagalit sa kaniya ang manager nila. Gusto nga niyang pukpukin ang sarili niya, eh. Ano ba kasi talaga ang nakain niya’t nag-feeling tindera siya kanina Lux Fine Jewelry? Tsk.
“Magpasalamat ka na lang at hindi kita ipa-fire!”
Sa pagkarinig ni Calynn sa salitang ‘fire’ ay kinagat na niya ang kaniyang dila. Oras na para manahimik siya kundi malalagot na talaga siya.
“Ano ba kasing nangyari sa ‘yo? Bakit late ka na naman?” usisa sa kaniya ng katrabaho at kaibigang si Yeyet.
“Wala. Na-traffic lang.” Nakangusong padabog siyang umupo sa kaniyang puwesto. Nagsinungaling siya dahil alangan namang sabihin niyang ipinagtanggol niya ang kaniyang engagement ring, eh, di pagtatawanan naman siya.
Nasermunan na nga siya, mapagtatawanan pa. Huwag na.
Ang ending, kasama na talaga siya sa empleyado ng Golden Pawn hanggang closing. Hindi na rin siya nagreklamo dahil mas kailangan niya ng trabaho. Hindi maaari na matanggal siya o kahit masuspende. Nilunok na lang niya ang kaniyang pride. Buti sana kung puwedeng pambayad ng bills ang pride.
“Tss,” ang lumabas sa bibig niya kasabay nang pagtirik ng kaniyang mga mata. Nakasakay na siya sa taxi pauwi at nang sumilip kasi siya sa bintana ng taxi na kaniyang kinasasakyan ay hindi daanan ang kaniyang nakita kundi likuran ng ibang mga sasakyan. Ang mukha niya’y parang nakakain ng ampalayang sobrang pait.
Kaya naman pala parang naka-park na sila sa kalsada ay dahil sa napakatinding traffic. Hindi na maabot ng tingin ang dulo. Parang naka-park na ang mga sasakyan.
Kailan kaya siya makakauwi nito? Nakakaloka.
Laylay ang mga balikat na ibinalik niya ang likod sa pagkakasandal. Wala siyang choice kundi ang maghintay kung gagalaw pa ba ang taxi. Malayo pa siya sa kaniyang inuupahang apartment kaya hindi siya puwedeng bumaba at maglakad na lang.
“Kuya, pakigising na lang po ako kapag malapit na tayo,” aniya sa driver nang ipinasya niyang iidlip na lang kaysa mangunsomisyon. Hindi na kataka-taka ang pangyayari dahil halos araw-araw naman na may traffic. Mas magtataka siguro siya kapag walang traffic. Nasa ibang planeta na siya kapag ganoon.
“Sige po, Ma’am,” tugon ng driver. Sinilip siya sa may rearview mirror. “Siguro may banggaan na naman sa may tulay.”
Tipid na ngiti ang kaniyang itinugon. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay naiinis na siya, lalo na kapag nagmamadali siya. Kasabay ng buntong-hininga ay ang paghalukipkip niya saka pagpikit ng kanyang mga mata. Ipinusisyon niya ang kanyang sarili sa pag-idlip. Nang umundar ang taxi, kahit paano ay papunta na siya pagkakatulog, ang kaso ay biglang kumadyot naman ang taxi.
“Pasensya na, Ma’am. May motor kasing biglang sumingit. Kung hindi ako nakapagpreno ay nasagi na sana,” nahihiyang eksplenasyon ng driver.
“Ayos lang po,” mabait niyang sabi at itinuon na lamang ang tingin sa may labas ng bintana. Nawala na ang kaniyang antok.
Nakita niya na nasa may bandang tulay na pala sila.
Hindi nagtagal ay napakunot-noo si Calynn nang may makita siyang lalaki sa may tabi ng tulay. Lalaki na pamilyar sa kanya lalo na ang tindig kahit na ilang beses pa lang niya itong nakita.
“Sir Reedz?” takhang sambit niya sa pangalan ng lalaki. Nagtaka siya dahil ano’ng ginagawa ng mayamang lalaki sa may tulay?
Luh! Naku po! At nabahala na siya nang may hindi magandang pumasok sa kaniyang isipan. Na baka tatalon ito sa ilog.
“Kuya, para po. Dito na lang po pala ako,” natarantang sabi niya sa driver ng taxi kasabay nang pagkuha niya sa wallet niya sa kaniyang shoulder bag. Dumukot siya ng dalawang daang piso at ibinayad. Sobra-sobra iyon sa nakalagay sa metro pero hindi na siya nag-abala na kunin ang sukli. Nagmadali na siyang lumabas.
“Ma’am, sukli niyo po,” tawag sa kaniya ng driver.
Narinig niya iyon pero nagbingi-bingihan siya. Hindi mahalaga ang sukli para sa kaniya sa sandaling iyon, ang mahalaga ay mailigtas niya ang lalaki.
“S-sir, ayos lang po kayo?” alanganing papansin niya nang makalapit na siya kay Reedz. Naghintay siya na lilingain siya pero hindi nangyari. Ni hindi nga yata kumurap ang lalaki. Nakatanaw pa rin ito sa kawalan habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon nito.
Napakagat-labi si Calynn. Luminga-linga muna siya sa paligid. Hindi niya alam kung ano’ng gagawin para maagaw niya ang pansin nito. At nakita niya ang magara at mamahaling sasakyan sa may di-kalayuan na nakaparada. Nakailaw pa ang headlight. Kotse malamang ni Reedz.
Kamay sa batok, ibinalik niya ang tingin sa binata. Lakas-loob ulit na kinausap. “Sir, ako po si Calynn Mendreje. Ang binilhan niyo ng singsing sa Lux Fine Jewelry kanina sa may Uptown Mall po kung natatandaan niyo po. At hindi naman po sa nakikialam ako pero makikialam na rin po ako. May problema po ba? Ano po’ng ginagawa n'yo rito sa may tulay?”
Parang tanga pero namula ang pisngi niya nang sa wakas ay ibinaling na ni Reedz ang tingin sa kaniya. Nakagat din niya ang loob ng labi niya. Napakaguwapo naman kasi talaga ng mukong.
Pinilit niyang ngumiti nang parang kinikilala siya ng lalaki. Pinag-blink-blink niya rin ang kaniyang mga mata. Hindi sa nagpapabebe siya kundi para matuon na talaga ang pansin nito sa kaniya at hindi sa iniisip nito na masamang gagawin.
“Sir?” untag niya rito dahil parang hindi na lang siya kinikilala. Tingin niya ay hinuhubaran na ang kaniyang mga damit sa imahinasyon nito, which is papayag naman siya kung tutuhanin nito. Charot lang.
“Yeah, how can I forget you? Eh, Ikaw ‘yung malas na sales associate sa Lux Fine Jewelry,” nga lang ay parang sampal na tinig na ni Reedz.
Literal na nalaglag ang panga ni Calynn sa narinig. Napanganga siya. Ano raw? Malas siya? Paanong malas?
Ang dami niyang tanong pero hindi niya maibigkas. Nanatiling nakatitig siya sa nagsalita. Guwapo na sana kaso mapanakit, besh!
Minulagatan at nginisian siya ni Reedz. Ngisi na nagpapatingkad sa katotohanan na sinadyang tawagin siyang malas.
“Pasalamat ka guwapo ka kung hindi ako na ang nagtulak sa ’yo para matigok ka na,” bulong ni Calynn sabay iwas ng tingin. “Pfft!” tunog pa ng hanging lumabas pa sa bibig niya. Humahaba-haba ang kaniyang nguso.
“May sinasabi ka?” medyo may babala na tanong ni Reedz. Boss na boss ang tinig.
Kay bilis na nagbago ang timpla ng mukha ni Calynn nang ibalik niya ang tingin dito. “Ah, eh, wala po, Sir. A-ang sabi ko po ay kay lamig dito. Bakit kayo nandito? Hindi ba kayo giniginaw?”
“And why do you care?”
Gusto sana niya na sanang supladahan ito. Hindi lamang niya ginawa dahil dihado siya. Mayaman ito at poorita lamang siya, baka kung saan pa mapunta.
“Umalis ka na. Leave me alone,” pagpapalayas na sa kanya ni Reedz na muling tumanaw sa kawalan.
Kaysa sundin ito ay humaba lamang ang kaniyang nguso. As if naman kaya niya itong iwanan sa ganoong sitwasyon. Malay niya ba kung tama siya ng iniisip na gagawin nito. Malalim ang ilog sa kaniyang pagkakaalam, delikado.
Wait, hindi kaya nag-alala siya sa wala? Hindi kaya nawiwili lang ang lalaki sa pagtanaw sa mga ilaw ng mga establisyemento sa kabilang bahagi ng ilog kasi nga ang ganda kapag gabi?
Gabi na kaya ang ganda ng San Juan River. Animo’y alitaptap ang mga ilaw ng mga bahay sa kabilaang gilid nito at mga gusali sa di-kalayuan.
“Didn’t you hear me? I've asked you to leave me alone!” pagsusuplado na naman sa kaniya ni Reedz nang lingain siya. May kumislap sa gilid ng mga mata nito at malamang gawa ng inis sa kaniya.
“Sorry, Sir, pero hindi ko po magagawang umalis na—“ paliwanag niya sana.
“Hindi mo ba alam na ikaw ang naging malas ko?” ngunit singit ni Reedz
“Po?” Nagulantang siya.
Nang ilabas ng lalaki ang isang kamay sa bulsa ay may hawak iyon; ang velvet jewelry box na kinalalagyan ng singsing na binili nito kanina sa Lux Fine Jewelry.
“Ang singsing ko!” hiyaw ni Calynn sa kaniyang isipan. Katulad ng diamond ring ay kumislap ang kaniyang mga mata sa katuwaan.
Ngiting-ngiti si Calynn habang nakatanaw sa malayo na parte ng dagat. Feel na feel din niya ang mga malakas na hangin na tumatangay sa kaniyang buhok at laylayan ng kaniyang bestida. Kanina pa siya roon pero wala siyang kasawaan sa panonood sa paligid. Talaga naman kasing napakaganda ng kaniyang kinaroroonan na lugar ngayon. Napakaliwalas pati ng langit. Ang gaan-gaan ng kaniyang pakiramdam, parang ang problema o stress pa ang mahihiya na maligaw roon.Matingkad na asul ang kulay ng karagatan. It was like crystal-clear waters. Malambot sa paa ang puting mga buhangin. Green na green din ang mga puno na karamihan ay mga palm trees. Parang mga kabute ang mga canopy na hilira sa gilid ng dagat na nagsisilbing tambayan ng mga turista. At ang mga villa na thatched-roof ay talaga namang nakakamangha sa ganda—overlooking the sea.Sa di-kalayuan, hindi naman inaalis ni Reedz ang tingin sa asawa habang palapit siya sa kinaroroonan ng asawa. Simula dumating sila sa Maldives upang ituloy ang kanil
Tatlong araw lamang ang ginawang burol ng anak nina Calynn at Reedz na pinangalanan nilang Recca. Katulad nang parang napakabilis na ipinagbuntis at ipinanganak ni Calynn si Baby Recca, ganoon din kabilis ang lumipas na araw. Kasalukuyan na nilang pinapanood ang dahan-dahang pagbaba sa napakaliit na kabaong nito sa hukay.Maliban sa may bahay ang puntod ng baby nila, pinili rin nilang mag-asawa na sa malalim na hukay din ilibing ang kanilang anak upang anila ay hindi malapastangan ng mga walang respeto sa patay na mga tao katulad ng mga napapanood sa TV.At kung noon sa ospital ay grabe ang pag-iyak nilang dalawa, ngayon ay tahimik na lamang silang lumuluha. Malamang ay dahil nailuha na lahat nila, lalo na si Calynn na halos walang humpay ito sa pag-iiyak sa nagdaang mga araw. Nakapaloob si Calynn sa yakap ni Reedz. Sa isa’t isa pa rin sila humuhugot ng tapang upang makayanan nila ang pagkawala ng panganay nilang anak.Mula namatay si Baby Recca ay hindi sila humiwalay sa isa’t isa. Pa
“Calex, Oseph, manganganak na si Calynn!” malakas na malakas na sigaw ni Reedz sa kaniyang dalawang tauhan. Nataranta naman ang mga ito. Si Oseph ay lumapit sa kanila, habang si Calex ay tumawag agad ng ambulansya.“Kaya mo bang tumayo?” tanong ni Reedz kay Calynn.Napapangiwi na sinubukang tumayo si Calynn, subalit halos hindi na niya mabuhat ang kaniyang katawan. Gayunman, pinilit niya. Kailangan niyang kayanin. Heto na ang huling yugto ng pagiging ina niya sa kaniyang anak. Kailangan niya itong maipanganak, tiyaking buhay ang baby niya para sila ay magkita ng kahit saglit lang, ng kahit segundo lang.“Oh, God. Masakit, Reedz,” da*ng niya. At nang maramdaman niyang basa na ang bandang ibaba ng katawan niya’y nayanig ang buo niyang pagkatao. In slow motion tulad sa mga pelikula, muntik na siyang matibag ng tuluyan nang makita niya ang pula sa kaniyang paanan.Manganganak na talaga siya!May dugo nang umaagos sa paanan niya!“Dalhin niyo na ako sa ospital! Bilisan niyo!” malakas na mal
“Ibig sabihin, pagkatapos na pagkatapos na manganak ni Calynn ay mamamatay agad ang baby niya?”“Hindi naman, Madam, maaari pa rin namang magtagal ng ilang oras ang sanggol o aabot ng ilang araw.”“But Reedz and Calynn's baby will still die?”“Yes, Madam, dahil sa kondisyon ng sanggol wala pang paraan upang maisalba ang buhay niya kahit sa ibang bansa.”In the midst of conversation, Avy flashed her sweetest smile at the man. Mayamaya ay may ibinigay na siya ritong puting sobre. “Well done, Mr. Bonalos. I appreciated the information you provided about the couple. Hanggang sa susunod natin ulit nating pagkikita.”Kinuha ng lalaking private investigator ang puting sobre, yumukod bilang pasasalamat at saka umalis na.Ang ngiti sa mga labi ni Avy ay kasabay nang papalayong pigura ng lalaki sa paningin niya ang pagkabura niyon. Lumabas ang totoong ekspresyon ng kaniyang mukha na gigil at selos para kay Calynn.Kanina ay nakita niya ang larawan na pinost ni Meredith sa social media. Mga laraw
Nakadama si Calynn ng bikig sa kaniyang lalamunan habang pinagmamasdan niya ang ginawa nilang dekorasyon sa labas ng Villa Berde para sa gaganapin na gender reveal ng kaniyang baby.Gayunman ay magaan ang kaniyang kalooban dahil totoong tanggap na niya ang nangyayari o mangyayari. Ang lagi na lang niyang ipinagdarasal sa Diyos ay ang sana bigyan na lang siya ng lakas at tatag sa damdamin upang tanggapin ang lahat kapag matatapos na ang lahat. At higit sa lahat ay sana biyayaan ulit siya ng anak.“Are you okay? Aren't you tired?” tanong ni Reedz sabay akbay sa kaniya.Nakangiting tiningala niya ang asawa. “Ayos lang. Wala naman akong halos ginawa. Iyong dalawang iyon ang mga napagod.” Ininguso niya sina Meredith at Gela na abala sa pagkuha ng picture sa katatapos nilang dekorasyon.“Hayaan mo sila. May bayad naman na hiningi sa akin ang dalawang iyan.”“Huh?”“They asked for the latest model of cellphone. Iphone 16 pro max daw.”“Sandali! Ang mahal ng mga cellphone na ganoon, ah? Hindi
“Oh, my ghad, Reedz!” Kamuntik nang atakehin sa puso si Calynn sa nakita niyang ginagawa ng asawa sa likod-bahay. Grabe ang nerbyos niya dahil napakataas kasi talaga ng niyog na inaakyat ni Reedz. Kung titingalain nga ito ay parang maabot mo na ang mga ulap sa langit kapag nandoon ka sa dulo niyon.“Lord, gabayan niyo ang asawa ko!” patiling aniya nang nagkukumahog na siya palabas ng silid. Mangiyak-ngiyak na rin siya dahil alam naman niya agad kung bakit ginagawa iyon ni Reedz. Walang iba kundi dahil sa kaniya, dahil gusto siyang pasayahin.“Ate Calynn?!”“Ate?!”Sina Meredith at Gela ay nagulat nang makita siya. Palabas ang dalawang dalaga sa kusina. May hawak si Gela na mga baso at si Meredith ay pitsel. Lalagyan malamang ng tubig ng niyog na makukuha ni Reedz.“Bakit niyo hinayaang umakyat ng puno ang Kuya Reedz niyo?” Nilampasan niya sila. Dire-diretso pa rin siya ng lakad palabas.“Eh, iyon ang gusto niya. Sabi niya kailangang makakuha siya ng niyog para mapasaya ka,” sabi ni Gel