Share

SECOND

last update Last Updated: 2022-03-26 21:29:31

I THOUGHT HE WAS JUST JOKING YESTERDAY.

---

Nawalan ako ng malay sa kotse niya, parang nakalimutan ko nang magdalawang-isip dahil sa sobrang pagod. Wala akong anumang kadala-dala at walang lakas o panlaban kung sakali. I am so hopeless. Mabuti na lang at paggising ay nalaman ko kung sino talaga siya.

He is the imposing Jveo Abanzon, 28, a maimpluwensiyang well-known businessman. Ama niya ang may-ari ng pinakamalaki, at pinakakilalang oil company sa Asia. Mayroong isang doktor sa tabi ko mula pagmulat ng mata at sinigurado niyang ibibigay ang lahat ng kailangan ko para matulungan ako. I also told him about my dad and he assured me that he'll do everything about it.

Pero inulit niya ang sinabi niya kahapon. Paggising ko pa lang ng umaga ngayong araw ay binigay niya agad sa akin ang isang magara at mamahaling damit at fake baby bump, sinabi niya rin sa akin ang kanyang buong plano.

"What the heck? Why do I— are you serious?"

Namewang siya sa harapan ko saka inayos ang suot niyang salamin sa mata. Napahalukipkip naman ako sa pagkakaupo sa kama saka tumingin sa gilid ko.

"You need to do this, you promised me yesterday." Tiningnan ko ulit siya na nakakunot ang noo. Hindi ako sigurado kung nangako ako pero dahil sa sukdulang desperasyon ay hindi imposible ang sinasabi niya.

"You didn't really want to help me."

"No, I want to help you. Gusto talaga kitang tulungan kahapon kaya tinulungan nga kita. I am just asking for a maliit na favor here."

Nilingon ko ulit ang fake baby bump na nakalagay sa kama.

"Little favor?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Ako, I am 23 years old and a hopeless romantic, how can you stop me from stopping someone else's wedding?"

Sa tingin ko, imposible ang hinihiling niya. Ang isipin na kaibigan niya ang ikakasal mamayang gabi? Paano niya magagawa iyon sa matalik na kaibigan niya?

"But Ms. Tracy— how about your dad?" Nagbago ang tono niya, tila nagbabanta. "You want to assure his safety, right?"

I clenched my fist. Ang lahat ng gumuho ang magagandang tingin at pagkakakilala ko sa kanya.

"Don't think like I am using your situation to ask for a favor. I am a well-known at tanyag na selfish businessman but I will make an exemption to you. Walang mawawala sa iyo, sinisigurado ko 'yan. Gagawin ko lahat para maprotektahan at masiguradong ligtas kayo ng ama mo. You will benefit here, ang kailangan mo lang gawin ay pigilan ang kasal nila."

Hindi ko alam kung nasaan ang hindi paggamit sa sitwasyon ko ang tinutukoy niya. I don't want to stop anyone's wedding after all ang pangarap ko talaga ay makasal sa taong mahal ko kaya paanong magagawa kong— shit, but dad is in danger. Our lives.

"Shit, shit, shit."

"Kung ayaw mo, maghahanap ako ng ibang gagawa ng plano mo. Pero hindi ko masisigurado na tutulungan pa kita. I want giving and taking favors."

Hindi ako makapag-isip nang maayos, napi-pressure ako. Pumikit ako nang mariin habang humihingi ng tawad in advance sa kaibigan niya. Huminga ako nang malalim.

"B-But why do I need to stop it? He's your friend!"

"Ah..."

Tinanggal niya ang salamin niya at napansin kong wala naman iyon grado hindi tulad ng suot niya kahapon. Napansin ko rin na iba na ang kulay ng mata niya ngayon. He's wearing a contact lens.

"I understand that you're helping me so you want me to help you too but I want to make sure about your tunay na motive."

Isinabit niya ang salamin sa bulsa ng suot niyang polo. Nagkamot siya ng batok na para bang stress na stress at ayaw sabihin iyon sa akin.

"Kahapon pa ako nag-iisip kung paano ko mapipigilan ang kasal nila. Nang makita kita at tulungan kahapon, naalala ko kung gaano ka-istrikto ang mga angkan nila sa pag-aasawa at pananagutan kaya—"

"That's not what I am asking!" Frustrated na rin na tanong ko. Napakalaking hangal ko kung papayag na rin naman ako pero gusto ko pa ring malaman ang totoo na para bang kapag hindi maganda ang narinig kong sagot ay uurong ako.

"What?"

"Why do you want to stop the wedding?"

"Because I..." Tumingin siya sa ceiling na parang nandoon ang sagot sa lahat ng tanong ko. "I am... in love with the bride." Pikit matang pag-amin niya.

Kahit medyo expected ko na baka ganoon ang isagot niya ay nagulat pa rin ako.

---

Malaki ang simbahan habang tinitingnan ko iyon mula sa labas pa lang. Napakaganda, maganda at bongga. Bukas ang pinto kani-kanina kaya naman kita ko ang ayos noon, sobrang engrande. Night wedding, very romantic.

Kabadong-kabado ako habang nakatingin mula sa bintana ng sasakyan. In-assure sa akin ni Jveo na walang isa man na reporter doon, wala rin ang mga taong pinagtataguan ko. Wala na naman akong choice kaya gagawa na naman ako ng isang mahirap at malaking bagay na pwede kong pagsisihan sa huli.

Pero wala akong ibang magagawa bukod dito. I want our safety.

Hinimas ko ang napakabigat na tumbok sa tiyan ko sa ilalim ng dress ko. Kung susumain ay para akong anim na buwang buntis dahil dito. Halos tumalon ang puso ko sa kaba nang lumingon ulit ako sa simbahan at nakitang dumating na ang bridal car.

Pinaandar ko ang kotseng pinagamit sa akin ni Jveo at nag-park sa gilid ng simbahan. Nanginginig akong bumaba sa sasakyan. Napakaliwanag ng paligid, bukas lahat ng ilaw sa palibot ng simbahan kaya hindi ako nahihirapang makakita.

Naririnig ko ang tugtog mula sa loob at, bumukas ang dalawang pintuan ng simbahan at naglakad ang bride. Yumuko ako nang kaunti habang nakatingin roon. Sinarado na ulit ang pintuan pero nakita ko na marami nang tao sa loob, halos mapuno iyon.

Gustong-gusto ko nang umatras habang naririnig ang tugtog habang naglalakad sa aisle ang bride. Pero pumapasok sa isip ko si Dad. He's a good man. Nakagawa lang siya ng mga maling desisyon. Nasaktan lang siya but he's a great father to me.

Patuloy akong nananalangin hanggang makatayo ako sa harap ng saradong simbahan. Nag-sign of the cross pa ako habang taimtim na humihingi ng tawad saka tinulak pabukas ang mabibigat na pinto.

Sobrang liwanag ang bumungad sa aking mata kaya naman bahagya akong nakapikit. Nagmulat ako nang makarinig ng mga bulungan at napansin na lahat ng atensyon ay nasa akin na.

Naglakad ako sa aisle habang deretso at taas ang noong nakatingin sa harap.

Lahat tayo ang nagiging biktima ng pangit na kapalaran. Lahat tayo ay nagkakaproblema nang malaki pero mayroong kasabihan na dapat maging matatag ka at matapang kung gusto mong manatiling buhay.

Lumakas ang mga bulungan, lahat ay tinatanong kung sino ako. Hahawakan sana ako ng mga bodyguards nang senyasan ko ang mga ito habang dahan-dahan tumutulo ang aking mga luha. Sumenyas ang isang matandang babae sa mga ito kaya nagsilayuan sila sa akin. Kahit nagtataka siya ay tila gusto niya pa ring malaman ang dahilan ko ng pag-agaw ng atensyon nilang lahat.

Unang pumasok sa isip ko ay ang napakagandang mukha ng bride, nawala ang kanina ay matamis niyang ngiti. Ang ganda-ganda ng gown niya at ang kasal na ito ay ang masasabi kong pangarap ng maraming mga kababaihan. Nangunguna na ako roon.

Sa tabi niya ay ang groom na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. Ang brown niyang mga mata ay para bang binabasa ang hanggang sa kaloob-looban ko. Nag-iigtingan din ang panga niya at kita ko ang kuyom ng kanyang kamao.

"What are you doing?!" Asik agad sa akin ng bride na bahagya pang lalapit sana sa akin pero hinawakan siya sa braso ng groom na ngayon ay nakatutok na sa tiyan ko ang atensyon.

"Julianna!"

"Miss, leave! Are you nuts? Don't you see what is happening here—"

"I know." Medyo paos na sabi ko. Lumunok ako habang nanginginig sa mga luha na patuloy umaagos mula sa mata ko. "It's your wedding, right?"

Hindi nagsalita ang groom, nakatingin lang siya sa akin. Gusto kong lumubog sa kinatatayuan sa uri ng tingin niya. Siguradong hinuhusgahan niya ako. Kung hindi niya ako kilala, he's probably thinking that I am just some random girl in a club na nabuntis niya, or isang babae na ni hindi niya kilala at hindi nakatalik pero gusto siyang siluin sa leeg.

"Guards!" Sigaw ng bride at hinawakan ako ng mga ito sa magkabilang braso.

"You can't marry her, Rajiv!" Sigaw ko habang humihikbi.

I am sorry, I'm sorry. Sorry for messing up this. Sorry, I don't have a choice.

Iyak ako nang iyak pero sigaw din ako nang sigaw. Nagawa ko na kaya hindi na ako pwedeng sumuko pa.

"I am... I am carrying your child, you can't marry someone else! Nangako ka sa akin na ako ang pakakasalan mo! Paano na ang batang dinadala ko!"

Nagsinghap ang mga tao sa paligid at napatingin sa groom na ngayon ay mukhang galit na pero wala pa ring sinasabi.

Patuloy ang paghila sa akin palabas at naramdaman ko ang sakit sa aking braso, gayunpaman ay hindi ako tumigil.

"Rajiv! You promised! You can't just marry someone else! Rajiv!"

Napalabas ako sa simbahan at nagmamadali akong pumasok sa sasakyan saka iyon pinaandar. Pinanood lang ako ng mga body guard na makaalis, siguradong masyadong shock ang mga tao para isipin pang humabol.

Nagtagumpay ako, siguradong hindi na tuloy ang kasal ngayon. But I am aware that it's not something to be proud of. I am a romantic woman who just ruined a wedding. Ako pa naman ang tipong siguro kapag may sumigaw ng 'walang forever' e agad akong makikipag-debate para ipagdiinang 'romance is not dead.' But I really did this. Really? Life is so ironic.

Umiiyak pa rin ako habang nagmamaneho. Chineck ko at wala ngang nakasunod sa akin.

Nang mag-red light ay agad kong tinawagan si Jveo.

"Is it successful?"

"Y-Yeah..." Gusto ko siyang suntukin nang deretso at hard sa oras na 'to pero nagmamahal lang din naman siya.

"Good. Now, go to the Lighnien Building, sa rooftop, naroon ang private helicopter ko. Nandoon na rin ang mapagkakatiwalaang tauhan ko, siya ang magpapalipad niyan at dadalhin ka sa ligtas na lugar habang inaayos ko naman ang sa dad mo."

"S-Salamat." Lumabas nang kusa sa bibig ko. Kahit naiinis ako ay tinutulungan niya naman talaga ako at iyon ang pinakapangunahing goal ko. Sisinghot-singhot ako habang naghihintay ng sasabihin niya pa.

"No, it's a thank you. You did well, thanks."

Sinunod ko ang sinabi niya at lumapag ang malaking helicopter sa isang isla na mayroong ilang kabahayan. Ang pinakamalaki ay ang pag-aari daw ni Jveo at doon ako tutuloy kasama ang isang katulong. Kumpleto na ang lahat ng kakailanganin ko at ang dapat ko nang hintayin ay ang ligtas na pagdating ni dad, ayon na rin sa pangako ni Jveo.

Isang linggo na ako dito, ay hindi ko magawang lumabas kahit alam ko na na ligtas ako. Hindi maalis sa isip ko ang ginawa kong pagtigil sa kasal at ang guilt ay unti-unting kumakain sa akin.

Nakaupo ako sa sala ng bahay, rinig ko mula sa labas ang hampas ng alon ng dagat dahil medyo malapit lang kami roon. Nagpaalam ang katulong na mamimili sa malapit lang na pamilihan, habang ako naman ay nagbabasa ng libro, ang tanging mapaglilibangan ko dahil wala namang kuryente.

May kumatok sa pinto at tinatamad kong inilapag ang libro sa mesa. Ang ingay ay nakakaabala sa katahimikan ko.

"Wait lang!"

Patuloy ang pagkatok at palakas pa nang palakas. Nakaramdam ako ng inis. Naging mainitin ang ulo ko dahil halos hindi ako makatulog nang maayos. Bukod sa pag-aalala kay dad ay halos bangungutin ako gabi-gabi ng naudlot na kasal noong nakaraang linggo.

"Wait nga ano bang—"

Napahinto ako sa pananalita at natanggal ang inis sa mukha, napalitan iyon ng gulat at takot nang bumungad sa harapan ko ang taong laman ng ala-ala at bangungot ko. Siya, mismo, sa katauhan.

Isasarado ko sana ang pinto pero tinulak niya iyon nang malakas at napabagsak ako sa sahig habang nanlalaki ang mga mata. Nanginig ang katawan ko sa kaba habang pilit iniiwasan ang mapanghusga niyang kulay kayumangging mga mata. Ang bigat ng tingin niya ay parang nakakakita ng kaluluwa.

Those cold brown eyes...

"R-Rajiv..."

Sambit ko sa naaalala kong pangalan niya.

Umupo siya sa harapan ko saka ngumisi nang mala-demonyo.

"So it was you... The 'pregnant woman' who stopped my wedding."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   Special Chapter 7: Don't forget this

    IT WAS SATURDAY AFTERNOON, and the library—a place he usually cherished for its solitude—was now a crucible of social stress.He sat across from Acy, who was oblivious to the internal chaos she caused, her attention completely absorbed by the book she held: A Thousand Steps to the Star.Halatang luma na ang libro at madalas basahin dahil sa hindi na magandang kundisyon ng cover."Okay, so this is the part I was telling you about," Acy said, her voice dropping slightly, making Rajiv lean in instinctively. She tapped the page of the dog-eared paperback. "When the main character, Roger, is forced to choose between helping his family's rebellion and protecting the city he actually loves? That's the real moral conflict! It’s not just about who he kisses. Kung ako siguro, mahihirapan din ako. Parang betrayal pa rin kahit anong piliin."Rajiv, leaning forward with his elbows propped on the table, nodded intently. His eyes were wide, taking in the scene.He wasn't really seeing the book, tho

  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   Special Chapter 6: Early Encounters

    ​The fluorescent lights of the hallway on the third floor of the school building hummed, a monotonous choir to the low roar of a hundred student conversations. It was the frantic, condensed chaos of the 7:36 A.M. bell—the last chance to cram before the first period at 7:45. I'm almost late due to heavy road traffic. Can't believe na ganito rin ang ganap sa school.I chin tucked slightly, was navigating the morning traffic flow—a slow-moving tide of backpacks, hastily eaten breakfast pastries, and the usual pre-class anxiety that was 90% academic and 10% social. I clutched the copy of Calculus: A Complete Course, a tome heavier and far less engaging than my favorite science.And yet I care on neither of the two. I am pretty good at studying and don't really care about social interactions.My goal was simple: reach Room 301 for Honors Pre-Calculus without tripping, spilling my lukewarm coffee, or accidentally making eye contact with the girl who sat in the third row of his English class—

  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   Special Chapter 5: Chaotic Memory Lane

    IT'S PEACEFUL. The air hummed with the lazy warmth of late afternoon, thick with the scent of grilling pork, damp grass, and the faint, exhilarating tang of summer mischief. Ten-year-old Rajiv sat cross-legged under the shade of a sprawling mango tree, a thick, dog-eared book on quantum mechanics resting open on his knees. Around him, the Alarcon family's annual summer picnic unfolded in a symphony of shouts, laughter, and the relentless thwack of a volleyball. He was oblivious to most of it, lost in the intricate dance of subatomic particles. The world, he believed, was a wonderfully complex machine, and understanding its gears and cogs was the most satisfying puzzle of all. He traced a diagram of electron shells with a thoughtful finger, his brow furrowed in concentration. "Rajiv! Are you still reading that alien stuff?" The voice belonged to Jay, his oldest cousin, a boisterous thirteen-year-old with a perpetually scraped knee and a grin that promised trouble. Jay was flan

  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   Special Chapter 4: Now and then

    JOHN'S POV. "SO, WHAT WILL HAPPEN NEXT?" I just looked at Tim. honestly don't know too. I am overwhelmed and I admit I still cannot think clearly after everything. I've expected some things already but most of them still shook my senses. "Hopefully, nothing bad will happen again." He smirked at me and I saw his eyes twinkled as if he remembered something really interesting. "By the way, have you read the book we just bought yesterday? I just read it last night and I can say that "Quantum Universe" is really interesting!" "I haven't." I looked at mom and dad sitting on the blanket near us. They look so happy and they are talking about something with smile on their faces. "I am still reading the mathematics book we also bought." "Oh, you are also interested in that mathematics book? I haven't read my copy yet because I am hooked on the Quantum Universe. I would love it if we discussed math on our next play date." I quickly agreed with a nod and smile. "i love discussing sci

  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   Special Chapter 3: I like her because...

    "LAST YEAR, I HAD THE URGE TO WRITE A BOOK." Napatingala si Tim nang marinig ang biglaang pahayag ni John. Binitawan niya ang binabasang Math book at inilapag sa gilid. Naroon silang dalawa sa verandah ng kwarto ni John, magkatapat silang nakaupo at pinagmamasdan ang tahimik na gabi. Ang binabasa ni John na libro ay isang Science book, at ang akala niya, gaya ng mga nakaraan, focus na focus ito sa ginagawa kaya nagulat siya nang bahagya sa sinabi nito. Hindi niya inasahan ang ganitong usapan mula sa kaibigan. "What kind of book then?" He gave his full attention to him, leaning forward slightly. Well, whatever he's saying, he's making sure to always listen intently. Just like how John always listens to him as well, validating his thoughts and feelings. "Is it a biography? A compilation of essays? A fantasy adventure—" "I wanna write a love story, a romance maybe with a bit of a thrill, psychological horror... something like that," John admitted, his eyes sparkling with a new ide

  • HIDE 1: Revenge of the CEO's Ex-Wife   Special Chapter 2: She smiled to him

    ACY' POV >FLASHBACK...

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status