LOGIN
MAGENTA POV
Hindi ko kailanman inakala na ang lalaking minahal ko sa halos buong buhay ko ay magiging asawa ko balang araw.
At lalong hindi ko inakalang ako rin ang magiging dahilan upang makalaya siya sa aming pagsasama.
“Magenta,” mahinang tawag sa akin ng nakatatanda kong kapatid. Halos pabulong na lamang ang kaniyang tinig habang nakahiga siya sa kama ng ospital. “May hihilingin sana ako sa iyo. Isang huling pabor.”
Nakaupo ako sa tabi niya, mahigpit na hawak ang kaniyang marupok na kamay. Si Millie Joy Oliveros ang pinakamalakas na taong nakilala ko. Isa siyang babaeng marunong ngumiti kahit tila lahat ng pagsubok sa mundo ay nakapatong sa kaniyang mga balikat.
Ngunit ngayong nakahiga siya sa kama ng ospital, namumutla at halos wala nang lakas, pakiramdam ko ay unti-unting nadudurog ang puso ko.
“Huwag mong sabihin iyan, Ate,” pilit kong sabi habang pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha. “Gagaling ka. Makakauwi rin tayo. Magkasama nating haharapin ang lahat, gaya ng dati.”
Mahina siyang umiling.
“Pakinggan mo muna ako, Magenta.”
Kahit malabo na ang aking paningin dahil sa mga luhang namumuo sa aking mga mata, tumango ako.
“Si Daemon...” mahinang sambit niya. “Alagaan mo si Daemon para sa akin.”
Saglit akong natigilan.
Daemon Voss Buenavista.
Ang lalaking nakatakdang pakasalan ng aking kapatid. Ang lalaking lihim kong minahal bago pa man siya naging kasintahan ni Millie.
Matagal ko na siyang minamahal, ngunit itinago ko ang aking damdamin dahil alam kong hindi ako ang babaeng pinili niya. Nang piliin niya ang aking kapatid, nilibing ko ang lahat ng aking pag-asa at binati sila nang may ngiting halos ikadurog ng aking puso.
Si Millie ang babaeng minahal niya. At matagal ko nang tinanggap ang katotohanang iyon.
“Ano pong ibig mong sabihin, Ate?” tanong ko, kahit may masama nang kutob na gumagapang sa aking dibdib.
“Pakisamahan mo siya. Ikaw ang pumalit sa akin, Magenta.”
Napatitig ako sa kaniya. “Ano?”
“Pakasalan mo siya,” mahinang ulit niya. “Ibigay mo sa kaniya ang pagmamahal at pag-aalagang nararapat sa kaniya. Alam kong kaya mo siyang pasayahin.”
Agad akong umiling.
“Hindi, Ate. Hindi ko kayang gawin iyan. Ikaw ang mahal niya. Ikaw ang kasintahan niya. Hindi ko maaaring basta na lamang—”
“Mas kailangan niya ang taong mananatili sa tabi niya,” putol niya sa akin. “Isang taong hindi siya iiwan, kahit hindi niya alam kung paano siya hihingi ng tulong.”
Idiniin ko ang kamay niya sa aking pisngi habang pilit na pinipigil ang pag-iyak.
“Pero hindi niya ako mahal, Ate.”
Tinitigan niya ako nang may lungkot sa mga mata.
“Baka matutuhan din niya balang araw.”
Gusto kong maniwala sa kaniya. Diyos ko, gustong-gusto kong maniwala.
Ngunit alam kong hindi ko maaaring pilitin si Daemon na mahalin ako.
Gayunpaman, nang pumanaw ang aking kapatid makalipas ang ilang araw, kasama ang lahat ng pangarap at pangakong iniwan niya, napilitan akong harapin ang hiling na tuluyang magbabago sa aking buhay.
Pinakasalan ko ang lalaking hindi kailanman nagmahal sa akin. At sinabi ko sa aking sarili na sapat nang maging asawa niya ako. Magarbo ang aming kasal. Napuno ng mga puting bulaklak ang simbahan, kumikislap ang mga kristal na chandelier sa bulwagan ng resepsyon, at daan-daang bisita ang bumati sa amin na para bang kami ang pinakamasayang mag-asawa sa buong mundo.
Nakatayo sa tabi ko si Daemon, suot ang kaniyang mamahaling itim na suit. Taglay niya ang tindig ng isang makapangyarihang negosyanteng sanay na sinusunod ng lahat. Napakaguwapo niya. Matangkad, malapad ang mga balikat, at laging maayos manamit. Hindi niya kailangang magsalita nang malakas upang makuha ang atensiyon ng mga tao.
Ngunit sa buong seremonya, halos hindi niya ako tiningnan. Nang isuot niya ang singsing sa aking daliri, ginawa niya iyon nang walang pag-aalinlangan. Nang magsigawan sa tuwa ang mga bisita, bahagya siyang ngumiti. At nang hilingin ng photograper na magkatitigan kami, agad niyang iniwas ang kaniyang mga mata. Nagkunwari akong hindi ko iyon napansin.
Nang gabing iyon, hinintay ko siya sa aming silid-tulugan habang suot ang isang simpleng puting pantulog. Maraming beses ko nang inisip kung ano ang magiging unang gabi namin bilang mag-asawa, ngunit malayong-malayo ang katotohanan sa mga pangarap ko.
Pumasok si Daemon sa silid, hinubad ang kaniyang kurbata, at inilapag ang cellphone sa mesa sa tabi ng kama.
“Gamitin mo ang anumang kailangan mo sa bahay na ito,” malamig niyang sabi. “Kung kailangan mo ng pera, sabihin mo sa sekretarya ko. Huwag kang pumunta sa opisina kung hindi naman kinakailangan.”
Napayuko ako. “Sige.”
“At huwag mo akong hintaying umuwi nang maaga. Marami akong kailangang asikasuhin sa trabaho.”
Hindi na niya hinintay ang sagot ko bago siya lumabas ng silid. Ganoon nagsimula ang aming pagsasama. Lumipas ang mga araw, naging mga linggo, at naging mga buwan. Maagang umaalis si Daemon tuwing umaga at gabi na kung umuwi. May mga pagkakataong hindi na siya umuuwi sa bahay.
Kapag nagkataong sabay kaming kumakain, nagsasalita lamang siya kung kinakailangan. Hindi niya ako tinatanong kung kumusta ang araw ko, kung pagod ba ako, o kung may kailangan ako. Para sa kaniya, isa lamang akong babaeng pumalit sa puwesto ng kaniyang yumaong kasintahan. At marahil, iyon nga ang tingin niya sa akin.
Ang pinakamasakit ay ang paraan ng pag-iwas niya sa aking mga mata. Hindi niya ako kayang tingnan nang diretso. Sa tuwing susubukan kong salubungin ang kaniyang tingin, agad siyang iiwas, at titigas ang kaniyang panga na para bang may masakit siyang naaalala sa tuwing nakikita niya ako.
Alam ko kung bakit.
Magkahawig kami ni Millie sa ilang katangian. Pareho kami ng ngiti, halos magkapareho ang aming mga mata, at may mga ekspresyon kaming pareho.
Marahil, nasasaktan siyang makita ako dahil naaalala niya ang babaeng nawala sa kaniya. Kaya tumigil na ako sa paghiling na tingnan niya ako.
Tumigil na rin ako sa paghihintay na sabay kaming kumain ng hapunan. At higit sa lahat, tumigil na ako sa pagsasabing baka isang araw ay mamahalin din niya ako.
Dahil kahit gaano ko pa siya kamahal, hindi ko kailanman mapapalitan ang babaeng tunay niyang minahal. Isang pangkaraniwang gabi nang tuluyan kong mapagpasyahang hiwalayan siya.
Mag-isa akong nakaupo sa hapag-kainan habang nakatitig sa pagkaing hindi ko man lamang nagalaw. Alas-onse kuwarenta y singko na ng gabi ang nakasaad sa orasan. Hindi pa rin umuuwi si Daemon.
Nauna nang ipinaalam sa akin ng kaniyang sekretarya na may meeting siya sa negosyo. Nagpasalamat ako at nagpanggap na hindi ko siya hinihintay mula pa noong oras ng hapunan.
Pagod na ako.
Pagod na akong maging asawa sa pangalan lamang. Pagod na akong mahalin ang lalaking itinuturing akong parang hangin. At higit sa lahat, pagod na akong panoorin siyang manatili sa isang pagsasamang hindi naman niya kailanman ginusto. Pumunta ako sa silid at kinuha ang mga papeles ng diborsiyong inihanda ko noong hapong iyon. Nanginginig ang aking mga kamay nang ilapag ko ang mga iyon sa mesa. Pagkatapos, binuksan ko ang isang bote ng alak.
Pagsapit ng hatinggabi, lalo lamang naging tahimik ang buong bahay. Mag-isa akong umiinom, umaasang kahit paano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Sa wakas, bumukas ang pintuan. Pumasok si Daemon habang hawak ang kaniyang suit jacket. Saglit siyang tumingin sa hapag-kainan bago ibinaling ang pansin sa akin.
“Gising ka pa?”
Mahina akong natawa, kahit wala namang nakatatawa sa sitwasyon.
“Oo.”
Niluwagan niya ang kaniyang kurbata.
“Matulog ka na. Gabi na.”
“Daemon.”
Huminto siya.
“Gusto ko ng makipag-diborsiyo sa iyo.”
Sa unang pagkakataon mula nang ikasal kami, direkta siyang tumingin sa aking mga mata. Halos nakalimutan kong huminga. Madilim at hindi mabasa ang kaniyang ekspresyon, ngunit sa wakas ay nakatingin siya sa akin. Hindi sa sahig, hindi sa dingding, at hindi sa kung saan-saan. Sa akin.
“A-Are you sure?” tanong niya.
Nilunok ko ang namumuong bara sa aking lalamunan.
“Oo.” matapang kong sagot, mali nagtapang-tapangab ako.
Ilang segundo niya akong pinagmasdan bago hilahin ang upuang nasa tapat ko. Kinuha niya ang mga papeles, mabilis na binasa ang mga iyon, at nilagdaan ang mga ito nang hindi man lamang nakikipagtalo. Ganoon lamang kadali para sa kaniya na pakawalan ako. Dapat ay nakaramdam ako ng ginhawa. Ngunit sa halip, pakiramdam ko ay may kung anong tuluyang nadurog sa loob ko. Inilapag niya ang mga papeles at inabot ang bote ng alak.
“Tumabi ka,” sabi niya.
Napakurap-kurap ako. “Ano?”
“I want to drink with you.”
Umupo siya sa tabi ko, nagsalin ng alak sa baso, at tahimik na uminom. Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming buwan, magkasama kaming nakaupo nang hindi nagpapanggap na hindi namin nakikita ang isa't isa. Uminom kami hanggang sa bahagyang humupa ang pait sa aking dibdib. Nagkuwentuhan kami tungkol sa mga walang kuwentang bagay, natawa sa mga kuwentong hindi naman talaga nakakatawa, at hinayaang lumambot ang katahimikang namamagitan sa amin.
Hindi ko na maalala kung kailan ang huling pagkakataong naramdaman kong malapit ako sa kaniya. Marahil dahil alam kong malapit ko na siyang tuluyang mawala. O marahil dahil sa alak, nakalimutan ko sandali na hindi naman talaga siya naging akin. Pagsapit ng alas-dos ng madaling-araw, umiikot na ang aking paningin. Aabutin sana ni Daemon ang isa pang baso nang hawakan ko ang kaniyang pulsuhan.
“Tama na,” bulong ko.
Tumingin siya sa akin. Sa isang saglit, tila may kakaibang lambing sa kaniyang ekspresyon.
“Magenta.” anas niya.
Iyon ang unang pagkakataong narinig kong binigkas niya ang pangalan ko nang ganoon. Hindi dahil kailangan niya. Hindi dahil wala siyang ibang matatawag. Kundi dahil pangalan ko iyon. Kumirot ang aking puso, matagal ko na iyong hininahangad.
Hindi ko alam kung sino sa amin ang unang lumapit. Ang natatandaan ko lamang ay unti-unting nawala ang distansiya sa pagitan namin, ang init ng kaniyang presensiya, at ang matinding pagnanais na maramdaman kahit minsan na nakikita rin niya ako bilang babaeng nagmamahal sa kaniya. Nang gabing iyon, may hangganan kaming nilampasan na hindi na namin mababawi. Nagpaubaya ako, sa huling pagkakataon ibinigay ko ang aking sarili sa kanya nang buong-buo.
Kinabukasan, sumilip ang sikat ng araw sa pagitan ng mga kurtina ng sala. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata habang nakahiga sa sopa. At tuluyan akong natigilan. Nasa tabi ko si Daemon, nakayakap sa akin. Nakakalat sa malapit ang aming mga damit, at unti-unting bumalik sa aking alaala ang mga nangyari noong nakaraang gabi. Magkasama kaming nagpalipas ng gabi.
Saglit kong hinayaang umasa ang aking puso na baka may kahulugan iyon. Ngunit agad kong naalala ang mga papeles ng diborsiyong nilagdaan niya. Naalala ko ang babaeng minahal niya. At naunawaan kong hindi kayang burahin ng isang gabi ang mga buwang puno ng kalungkutan sa aming pagsasama. Maingat akong kumawala sa kaniyang mga bisig at pinulot ang aking mga damit. Tahimik akong nagbihis habang pinipigilan ang mga luhang nagbabantang pumatak.
Bago ako tuluyang umalis, minsan ko pa siyang tiningnan. Mahimbing siyang natutulog, walang kamalay-malay na unti-unti na akong lumalayo sa kaniyang buhay.
“Paalam, Daemon,” bulong ko.
Iniwan ko sa mesa ang mga divorce papers at lumabas ng bahay nang hindi siya ginising. Hindi ko sinabi sa kaniya na minahal ko na siya bago pa man sila naging magkasintahan ng aking kapatid. Hindi ko sinabi na sa isang maikling gabi, hinayaan kong maniwala ang sarili kong asawa ako sa kaniya hindi lamang sa pangalan. At lalong hindi ko inakalang may bahagi niya akong dadalhin sa aking sinapupunan. Isang sanggol, ang anak naming dalawa.
Makalipas ang limang taon, bumalik ako sa lungsod kasama ang aking anak na lalaki. Hindi na umiikot ang buhay ko sa paghihintay sa lalaking hindi naman umuuwi para sa akin. Ang lahat ng ginagawa ko ay para sa munting batang tumatawag sa akin ng Mama at nagbibigay ng kaligayahang minsan ko nang inakalang hindi ko na mararanasan.
Unti-unti kong binuo muli ang aming buhay. Nakahanap ako ng trabaho sa isang kilalang kumpanya, nagsikap nang higit sa inaasahan ng lahat, at unti-unting nakuha ang respeto ng aking mga katrabaho. Nang ma-promote ako bilang superbisor, ipinagdiwang ko iyon kasama ang aking anak sa pamamagitan ng isang simpleng hapunan. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, ipinagmamalaki ko ang aking sarili.
Nalampasan ko ang isang bigong pagsasama, pinalaki ko ang aking anak, at natutuhan kong kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. Ngunit dalawang araw lamang matapos ang aking promosyon, biglang nagbago ang lahat. Sa isang hindi inaasahang pagpupulong, ipinaalam ng aming pinuno na nabili na ng isang bagong may-ari ang kumpanya.
“Tinitiyak sa atin ng bagong pamunuan na magpapatuloy ang normal na operasyon,” paliwanag niya. “Bukas ng umaga ay bibisita rito ang bagong may-ari. Inaasahan kong naroroon ang lahat upang salubungin siya.”
Agad na nag-ingay ang buong opisina. Nagkalat ang mga haka-haka tungkol sa misteryosong negosyanteng bumili sa kumpanya. May nagsabing bata pa ito ngunit napakayaman at walang awa sa negosyo. May nagsabi namang mayroon itong malalaking pamumuhunan sa iba't ibang industriya. Hindi ko iyon gaanong pinansin. Kung sino man siya, wala siyang kinalaman sa akin.
Kinabukasan, maaga akong dumating sa opisina at pumuwesto kasama ng aking mga katrabaho sa may pasukan ng gusali. Hawak ko ang isang kuwintas na bulaklak na inihanda namin upang ialay sa bagong may-ari. Sumasalamin ang sikat ng araw sa makintab na semento nang dumating ang apat na itim na mamahaling sasakyan.
Unti-unting tumahimik ang mga tao. Huminto ang unang sasakyan, kasunod ang ikalawa at ikatlo. Lumapit ang mga guwardiya habang sunod-sunod na bumubukas ang mga p***o. Pagkatapos, bumaba ang isang matangkad na lalaki mula sa ikalawang sasakyan. Nakasuot siya ng perpektong itim na suit, tuwid ang kaniyang tindig, at mahinahon ang kaniyang ekspresyon. Maayos ang pagkakaayos ng kaniyang buhok, at tila lalo pang naging matalas ang kaniyang mga guhit ng mukha sa paglipas ng mga taon. Humigpit ang pagkakahawak ko sa garland.
Hindi! Hindi maaari.
Inayos ng lalaki ang kaniyang mga butones sa manggas bago itinaas ang tingin sa mga empleyadon
g naghihintay sa kaniya. At nang makita ko ang kaniyang mukha, tila huminto ang pag-ikot ng mundo.
Daemon Voss Buenavista. Ang aking Ex-husband na aking iniwan five years ago!
MAGENTA POVHindi ako pumasok sa trabaho kinabukasan.Paano ako makapagtatrabaho nang maayos kung ang buong mundo ko ay kasalukuyang nakahiga sa isang kama sa emergency room, nakakabit sa mga aparatong patuloy na sumusubaybay sa bawat tibok ng kaniyang puso?Magdamag akong nakaupo sa labas ng silid kung saan ginagamot si Dwight. Hindi ko alintana ang lamig ng air conditioner, ang sakit ng aking likod, o ang antok na paulit-ulit na nagpapabigat sa aking mga talukap. Ang tanging laman ng isip ko ay ang kaligtasan ng aking anak.Ang anak kong apat na taong gulang pa lamang. Ang batang araw-araw kong pinapangarap na lumaking malusog, masaya, at malayo sa anumang uri ng sakit. Ngunit ngayon, hindi ko man lamang alam kung ano ang magiging kalagayan niya sa mga susunod na oras.“Ma’am Magenta?”Agad akong napalingon nang marinig ang tinig ng doktor. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at halos madapa sa pagmamadali.“Doktor, kumusta na po ang anak ko?” Nanginginig ang aking tinig. “May nahan
MAGENTA POVKinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga tanong na iniwan sa akin ni Daemon. Paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang seryosong ekspresyon niya nang makita si Dwight, gayundin ang paraan ng pagtatanong niya tungkol sa tunay na ama ng aking anak.Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon. Ngunit isang bagay ang malinaw sa akin, hindi ko maaaring hayaang mabunyag ang katotohanan hangga't hindi ako handa sa mga maaaring mangyari.“Magandang umaga, Magenta!”Napalingon ako sa aking katrabahong si Patricia.“Magandang umaga rin,” nakangiti kong sagot habang inilalagay ang aking bag sa mesa.“Ang aga mo ngayon, ah. May hinahabol ka bang deadline?”“Wala naman. Gusto ko lang magsimulang maaga.”Hindi ko na ipinaliwanag pa na halos buong gabi akong gising dahil sa pag-aalala. Inayos ko ang mga dokumentong kailangan kong suriin at binuksan ang aking computer. Sinubukan kong ituon ang aking pansin sa trabaho, ngunit hindi ko
MAGENTA POV“Dahil gusto kong malaman kung bakit kamukhang-kamukha ko ang anak mo.”Napatigil ako sa sinabi ni Daemon. Pakiramdam ko ay biglang nawala ang lahat ng hangin sa paligid. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Dwight habang pilit na pinananatiling kalmado ang aking mukha. Hindi maaari! Hindi niya dapat malaman.Limang taon kong itinago ang katotohanang ito. Limang taon kong inalagaan ang aking anak nang mag-isa, tiniis ang lahat ng hirap, at itinayong muli ang buhay naming dalawa. Hindi ko hahayaang sirain ng pagbabalik ni Daemon ang katahimikang pinaghirapan kong makamit.“Maraming bata ang may pagkakahawig sa ibang tao, Sir,” maingat kong sagot. “Hindi naman po siguro nangangahulugang may koneksiyon sila sa isa't isa.”Hindi ko alam kung naniwala siya sa sinabi ko, ngunit lalong tumalim ang kaniyang tingin.“Hindi ako nagtatanong tungkol sa ibang bata, Magenta. Tinatanong kita tungkol sa anak mo.”Napalunok ako. Bago pa ako makasagot, biglang may masiglang tinig na umaling
MAGENTA POVHindi ko alam kung gaano katagal kaming nagkatitigan ni Daemon. Ilang segundo lamang iyon, ngunit para sa akin, tila huminto ang oras. Nakatayo siya sa harap ko, suot ang kaniyang mamahaling itim na suit, habang ako naman ay pilit na pinananatiling kalmado ang aking sarili sa kabila ng kaguluhang nararamdaman ko.Limang taon.Limang taon kong hindi nakita ang mukha niya. Limang taon kong pinilit kalimutan ang mga alaalang iniwan niya sa akin. Limang taon kong inalagaan ang lihim na anak naming hindi niya kailanman nakilala. At ngayon, bigla siyang nagpakita sa harapan ko bilang bagong may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Mapagbiro talaga ang tadhana.“Magenta!”Napalingon ako nang marinig ang pabulong na tawag ng aking katrabaho.“Ang garland,” paalala niya habang bahagyang tinutulak ang aking siko. “Isuot mo na sa kaniya.”Agad akong natauhan. Nasa harap ko pa rin si Daemon, naghihintay. Napalunok ako bago piliting ngumiti at iniangat ang hawak kong kuwintas na bul
MAGENTA POVHindi ko kailanman inakala na ang lalaking minahal ko sa halos buong buhay ko ay magiging asawa ko balang araw.At lalong hindi ko inakalang ako rin ang magiging dahilan upang makalaya siya sa aming pagsasama.“Magenta,” mahinang tawag sa akin ng nakatatanda kong kapatid. Halos pabulong na lamang ang kaniyang tinig habang nakahiga siya sa kama ng ospital. “May hihilingin sana ako sa iyo. Isang huling pabor.”Nakaupo ako sa tabi niya, mahigpit na hawak ang kaniyang marupok na kamay. Si Millie Joy Oliveros ang pinakamalakas na taong nakilala ko. Isa siyang babaeng marunong ngumiti kahit tila lahat ng pagsubok sa mundo ay nakapatong sa kaniyang mga balikat.Ngunit ngayong nakahiga siya sa kama ng ospital, namumutla at halos wala nang lakas, pakiramdam ko ay unti-unting nadudurog ang puso ko.“Huwag mong sabihin iyan, Ate,” pilit kong sabi habang pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha. “Gagaling ka. Makakauwi rin tayo. Magkasama nating haharapin ang lahat, gaya ng dati.”M







