LOGINMAGENTA POV
Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nagkatitigan ni Daemon. Ilang segundo lamang iyon, ngunit para sa akin, tila huminto ang oras. Nakatayo siya sa harap ko, suot ang kaniyang mamahaling itim na suit, habang ako naman ay pilit na pinananatiling kalmado ang aking sarili sa kabila ng kaguluhang nararamdaman ko.
Limang taon.
Limang taon kong hindi nakita ang mukha niya. Limang taon kong pinilit kalimutan ang mga alaalang iniwan niya sa akin. Limang taon kong inalagaan ang lihim na anak naming hindi niya kailanman nakilala. At ngayon, bigla siyang nagpakita sa harapan ko bilang bagong may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Mapagbiro talaga ang tadhana.
“Magenta!”
Napalingon ako nang marinig ang pabulong na tawag ng aking katrabaho.
“Ang garland,” paalala niya habang bahagyang tinutulak ang aking siko. “Isuot mo na sa kaniya.”
Agad akong natauhan. Nasa harap ko pa rin si Daemon, naghihintay. Napalunok ako bago piliting ngumiti at iniangat ang hawak kong kuwintas na bulaklak.
“Maligayang pagdating po sa aming kumpanya, Sir Daemon.”
Maingat kong isinabit ang garland sa kaniyang leeg. Hindi siya sumagot agad. Sa halip, ilang sandali niya akong tinitigan bago tuluyang lumayo.
“Salamat,” malamig niyang tugon.
Iyon lamang. Isang simpleng salita mula sa lalaking minsang naging asawa ko. Napakabilis niyang bumaling sa aming department head at nagpatuloy sa pagpasok sa gusali kasama ang iba pang mga executives. Naiwan akong nakatayo roon, pilit na pinapakalma ang sarili kong puso. Hindi ko dapat hayaang maapektuhan ako. Wala na akong kaugnayan kay Daemon. Tapos na ang aming pagsasama, at wala na akong dahilan upang makialam sa kaniyang buhay. Ang tanging mahalaga sa akin ngayon ay ang aking anak.
Siya ang dahilan kung bakit kailangan kong manatiling matatag. Kaya huminga ako nang malalim at sumunod sa aking mga katrabaho papasok ng gusali. Hindi ko alam na ang pinakamahirap na bahagi ng araw na iyon ay hindi pa nagsisimula. Nagsimula ang pagpupulong makalipas ang ilang minuto. Nakaupo ako sa bandang gilid ng conference room, may hawak na kuwaderno at panulat habang nakikinig sa pagpapakilala ng bagong may-ari at sa mga plano niya para sa kumpanya. Tahimik akong nagsusulat ng mahahalagang detalye.
Gayunman, hindi ko maiwasang maramdaman ang isang pares ng matang tila palaging nakatuon sa akin. Sa tuwing bahagya akong titingin sa direksiyon ni Daemon, nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Minsan, nakasandal siya sa kaniyang upuan habang nakatiklop ang mga braso sa dibdib. Sa ibang pagkakataon, kunwari ay nakikinig siya sa nagsasalita, ngunit kapag tumitingin ako, nagtatagpo na naman ang aming mga mata. Nakakailang.
Bakit niya ako palaging tinitingnan?
Hindi ba sapat na nakilala na niya ako?
O baka naman nagtataka lamang siya kung bakit ako nagtatrabaho sa kumpanyang binili niya. Anuman ang dahilan, ayaw kong malaman.
“Miss Oliveros.”
Napatuwid ako nang marinig ang pangalan ko. Si Daemon iyon. Lahat ng nasa silid ay napalingon sa akin.
“Opo, Sir?”
“May nais ka bang idagdag sa ulat na ipinakita ng inyong departamento?”
Napatitig ako sa kaniya. Wala akong ideya kung bakit niya ako tinawag. Buong panahon ng pagpupulong ay nakikinig lamang ako at nagsusulat ng mga mahahalagang detalye.
“Wala naman po, Sir. Malinaw naman po ang mga detalye sa ulat.”
Bahagya siyang sumandal sa kaniyang upuan.
“Kung ganoon, ipagpatuloy mo ang pagtiyak na maayos ang takbo ng inyong departamento. Ayokong magkaroon ng problema in the future.”
“Opo, Sir.”
Muli akong yumuko at tumingin sa aking mga isinusulat. Hindi ko na kailangang tumingin sa kaniya upang malaman na nakatingin na naman siya sa akin. Napakagat ako sa loob ng aking pisngi.
Magenta, magpakatatag ka. Hindi ka na niya asawa. Hindi mo na kailangang kabahan sa bawat pagkakataong nasa paligid mo siya. At lalong hindi mo kailangang ipaliwanag ang iyong buhay sa kaniya.
Ngunit habang tumatagal ang pagpupulong, lalo lamang akong hindi mapakali. Hindi dahil natatakot akong malaman niya ang tungkol sa aming nakaraan. Kundi dahil may ibang bagay akong iniisip. Ang aking anak.
Ngayong araw ang Family Day sa paaralan niya. Ilang linggo na niya akong kinukulit tungkol dito. Halos araw-araw niyang ipinapaalala na kailangan kong dumalo sa kaniyang klase upang makasali kami sa mga aktibidad na inihanda ng paaralan. At nangako ako sa kaniya. Hindi ko maaaring sirain ang pangakong iyon.
Lihim akong tumingin sa aking relo. Malapit nang magtanghali. Kung magtatagal pa ang pagpupulong, baka hindi na ako umabot sa paaralan. Kinagat ko ang aking labi bago nagpasiyang magsalita.
“Sir Daemon, maaari po ba akong humingi ng pahintulot na umalis nang mas maaga?”
Tumigil siya sa pagbabasa ng dokumentong hawak niya. “Bakit?”
“May mahalaga po akong appointment sa doktor.”
Mabilis kong sinabi ang unang dahilan na pumasok sa isip ko. Hindi ko maaaring sabihin na kailangan kong pumunta sa paaralan ng aking anak. Maraming magtatanong kung bakit wala akong asawa na kasama, at ayaw kong maging sentro ng usapan ang aking personal na buhay. Lalo na ngayong narito si Daemon. Ilang segundo niya akong pinagmasdan.
“May sakit ka ba?”
Bahagya akong natigilan.
“Hindi naman po. Kailangan ko lamang pong magpatingin.”
Hindi siya agad sumagot.
Pagkatapos, ibinalik niya ang kaniyang tingin sa mga dokumento.
“Sige. Maaari ka nang umalis kapag natapos na ang bahaging ito ng pagpupulong.”
“Maraming salamat po, Sir.”
Agad akong napayuko upang itago ang ginhawang naramdaman ko. Sa wakas, makakarating din ako sa paaralan ng aking anak. Natapos ang pagpupulong makalipas ang ilang minuto. Mabilis kong inayos ang aking mga gamit at lumabas ng conference room. Halos tumakbo ako patungo sa elevator, ngunit nang makarating ako sa lobby, agad akong napahinto. Napakahaba ng pila ng mga sasakyan sa labas.
May naganap palang aksidente sa pangunahing lansangan, dahilan upang halos hindi na gumalaw ang trapiko. Ang mga sasakyan ay nakahilera hanggang sa dulo ng kalsada, at kahit ang mga pampublikong sasakyan ay halos hindi makausad. Kinuha ko ang aking cellphone at agad na sinubukang mag-book ng taxi. Walang available. Sinubukan ko ulit, wala pa rin.
“Hindi maaari...” bulong ko habang paulit-ulit na nire-refresh ang aplikasyon.
Tumingin ako sa aking relo.Nagsisimula na ang Family Day. Kung hindi ako makaalis agad, baka hindi ko maabutan ang mga aktibidad ng aking anak. Napahawak ako sa aking noo.
Ano na ang gagawin ko?
Wala akong sariling sasakyan dahil karaniwan namang malapit lamang ang aming bahay sa opisina. Hindi ko rin maaaring iwan ang trabaho at basta na lamang gumastos ng malaki para sa isang pribadong sasakyan. Ngunit ang anak ko...
Hindi ko kayang isipin ang mukha niyang naghihintay sa akin habang umaasang tutuparin ko ang aking pangako.
“Magenta.”
Napalingon ako, si Daemon iyon.
Kagagaling lamang niya sa loob ng gusali, kasama ang isang lalaking mukhang bahagi ng kaniyang security team. Napatingin siya sa cellphone ko bago ibinalik ang kaniyang tingin sa akin.
“Anong ginagawa mo rito?”
“Wala po, Sir.”mahinang kong sagot.
Tumingin siya sa mga sasakyang hindi gumagalaw sa kalsada.
“May aksidente. Hindi ka makakakuha ng taxi rito sa ngayon.”
Alam ko iyon. Hindi na niya kailangang ipaalala.
“Maghintay ka na lang hanggang gumaan ang trapiko,” dagdag niya.
“Hindi po maaari.”
Bahagyang kumunot ang kaniyang noo.
“Bakit?”
“May kailangan lang po akong puntahan.”
Hindi ko na ipinaliwanag pa. Tumango siya nang bahagya, saka itinuro ang itim na sasakyang nakaparada sa may di-kalayuan.
“Sumakay ka na. Ihahatid kita.”
Napatitig ako sa kaniya.
Sumakay sa sasakyan niya?
Kasama siya? Hindi maaari.
“Salamat po, pero hindi na kailangan.” tanggi ko.
Tumaas ang isang kilay niya.
“Sigurado ka?”
“Opo.”
Hindi ko na hinintay ang susunod niyang sasabihin. Nagkunwari akong abala sa cellphone ko at umiwas ng tingin. Hindi ko kayang sumakay sa sasakyan niya. Hindi pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin. IHindi ko kayang umupo sa tabi niya na para bang wala kaming nakaraan, na para bang hindi niya ako minsang pinakawalan nang walang pag-aalinlangan. At lalong hindi ko kayang bigyan siya ng pagkakataong mapalapit sa anak ko.
“Kung gayon,” malamig niyang sabi. “Bahala ka.”
Pagkasabi niyon, tumalikod siya at naglakad patungo sa kabilang bahagi ng gusali. Doon ko napansing may ilang security personnel na naghihintay sa kaniya. Mayroon ding isang pribadong helipad sa itaas ng gusali, na karaniwang ginagamit ng mga pangunahing executives ng kumpanya.
Helipad, helikopter.
Biglang may pumasok na ideya sa aking isipan. Ngunit agad ko ring naisip ang aking pride, hindi ko dapat gawin iyon. Gayunpaman, nang tumingin ako sa oras at maalala ang pangako ko sa aking anak, tuluyan nang naglaho ang aking pag-aalinlangan. Wala nang mas mahalaga kaysa sa kaniya. Kahit kailangan kong lunukin ang aking pride.
“Sir Daemon!”
Halos tumakbo ako habang hinahabol siya. Huminto siya bago makarating sa elevator na magdadala sa kaniya sa helipad. Lumingon siya sa akin, halatang nagtataka sa bigla kong pagtawag sa kanya.
“What?” malamig niyang tanong.
Huminga ako nang malalim.
“Puwede po ba akong sumabay sa inyong helikopter?”
Ilang segundo siyang natahimik. Pagkatapos, bahagyang kumunot ang kaniyang noo.
“Akala ko ba may appointment ka sa doktor?”
Nanlamig ang aking mga kamay, naalala niya ang sinabi ko.
“May kailangan lang po akong asikasuhin,” sagot ko.
“Hindi iyan ang itinanong ko.”
Napayuko ako sandali bago muling tumingin sa kaniya.
“May Family Day po sa paaralan ng anak ko. Nangako akong pupunta, pero hindi ako makaalis dahil sa trapiko.”
Nawala ang bahagyang pagkakunot ng kaniyang noo, ngunit nanatiling seryoso ang kaniyang ekspresyon.
“Kung ganoon, bakit hindi mo sinabi agad?”
Dahil ayokong may kinalaman ka sa buhay namin. Iyon ang nais kong sabihin. Ngunit hindi ko iyon maaaring sabihin nang malakas.
“Pasensiya na po. Hindi ko lang po alam kung papayag kayo.”
Matagal niya akong tinitigan. Pagkatapos, bumaling siya sa kaniyang assistant.
“Tawagan mo ang piloto. Ihanda ang helikopter.”
“Opo, Sir.”
Muli siyang humarap sa akin.
“Saang paaralan?”
Agad kong ibinigay ang pangalan at lokasyon nito. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at mabilis na tiningnan ang isang mensahe bago muling nagsalita.
“Magla-landing tayo roon sa loob ng labinlimang minuto. Ihanda mo ang sarili mo.”
Napatitig ako sa kaniya.
“Talaga po?”
“May problema ba?” may diin sa kanyang tanong.
Umiling ako agad.
“Wala po. Maraming salamat, Sir.”
Hindi na siya sumagot.
Pumasok kami sa elevator kasama ang kaniyang assistant at ilang security personnel. Tahimik akong nakatayo sa isang sulok habang pilit na pinapakalma ang aking sarili. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kaniya.
Ngunit hindi iyon ang mahalaga sa ngayon. Ang mahalaga ay makakarating ako sa paaralan ng aking anak. At hindi niya kailangang malaman ang dahilan kung bakit napakahalaga sa akin ang batang iyon. Eksaktong labinlimang minuto ang lumipas nang makarating kami sa paaralan. Ligtas na lumapag ang helikopter sa itinalagang lugar, at agad akong nagpasalamat kay Daemon bago nagmamadaling bumaba.
“Magenta!”
Narinig ko ang kaniyang tawag bago ako tuluyang lumayo.
Lumingon ako.
“Ang cellphone mo.”
Napahawak ako sa aking bulsa. Wala roon ang cellphone ko. Malamang ay naiwan ko iyon sa helikopter nang nagmamadali akong bumaba.
“Ah, oo nga po. Salamat!”
Kukuhanin ko sana iyon, ngunit iniabot niya muna sa kaniyang assistant.
“Dalhin mo sa kaniya. Kailangan na nating umalis.” narinig kong sabi niya.
Tumango ang kaniyang assistant. Bigla kong narinig ang host sa nasabing family day at tinatawag na ang mga magulang para sa kanilang mga anak. Hindi na ako nagtagal pa. Agad akong tumakbo patungo sa gusali ng paaralan. Nawala na sa isipan ko ang aking cellphone na hindi ko pa nakuha at hawak-hawak pa iyon ng assistant ni Daemon.
Pagpasok ko sa pasilyo, narinig ko ang masasayang tinig ng mga bata at ang ingay ng mga magulang na nakikilahok sa mga aktibidad. Nang makarating ako sa silid-aralan, agad akong sinalubong ng guro ng aking anak.
“Magandang umaga, Mrs. Oliveros! Mabuti at nakarating ka.”
“Pasensiya na po sa kaunting pagkaantala,” hingal kong sagot. “Nagkaroon lang po ng problema sa trapiko.”
Ngumiti ang guro. “Walang problema. Naghihintay pa rin ang anak mo.”
Pagpasok ko sa silid, agad akong nakita ng aking anak. Sumilay ang matamis na ngiti sabay kaway ng maliit niyang kamay.
“Mama!”
Tumakbo siya palapit sa akin at mahigpit akong niyakap.
Napayuko ako upang yakapin din siya.
“Baby!”
“Akala ko hindi ka na darating!” sabi niya, nakasimangot nang bahagya.
Hinaplos ko ang kaniyang buhok.
“Paano naman kitang hindi pupuntahan? Nangako ako sa iyo, hindi ba?”magiliw kong sagot.
Biglang lumiwanag ang kaniyang mukha.
“Yeyyy! I love you, Mama!”
Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo. Sa sandaling iyon, nawala ang lahat ng pagod at pag-aalala ko. Wala nang Daemon. Wala nang diborsiyo. Wala nang mga alaalang pilit kong kinakalimutan. Ang tanging mahalaga ay ang batang nakatayo sa harap ko, hawak ang aking kamay na para bang ako ang buong mundo niya. At para sa akin, ganoon din siya.
Nakilahok kami sa ilang laro, gumawa ng simpleng proyekto, at kumuha ng mga larawan kasama ang kaniyang mga kaklase. Hindi ko napigilang matawa nang tuwang-tuwa siyang ipakita sa akin ang maliit na sertipikong natanggap niya.
“Mama, tingnan mo! May award ako!”
Kinuha ko ang sertipiko at kunwaring sinuri iyon nang mabuti.
“Naku! Napakagaling naman ng anak ko!”
Napangiti siya nang malapad.
“Uulitin natin ito sa susunod, ha?” malambing niyang sabi sa akin.
“Syempre naman, anak. Hindi mapapagod si Mama kahit uulit-ulitin natin ng walang katapusan!” masaya kong tugon.
Matapos kaming magpaalam sa kaniyang guro, magkahawak-kamay kaming naglakad palabas ng silid-aralan. Abala siya sa pagkukuwento tungkol sa mga laro nang mapansin kong may lalaking nakatayo sa may pasilyo. Napatigil ako, si Daemon.
Nakatayo siya malapit sa hagdan, kasama ang kaniyang assistant. Hawak ng assistant ang aking cellphone, agad akong kinabahan.
Bakit narito siya? Hindi ba't sinabi niyang kailangan na niyang umalis?
Nang mapansin niya kami, bahagya siyang tumuwid ng tayo.
“Miss Oliveros,” tawag niya.
Napahigpit ang hawak ko sa kamay ng aking anak.
“Opo, Sir?” medyo nanginig pang sagot ko.
Lumapit ang kaniyang assistant at iniabot sa akin ang cellphone.
“Naiwan mo ito sa helikopter,” sabi ni Daemon.
Tinanggap ko iyon nang mabilis.
“Maraming salamat po. Pasensiya na po sa abala.”
“Walang anuman.” malamig niyang tugon.
Akala ko ay aalis na siya pagkatapos niyon. Ngunit hindi siya gumalaw. Sa halip, bumaba ang kaniyang tingin sa batang nakatayo sa tabi ko. At sa sandaling iyon, tila nagbago ang lahat. Hindi na ako ang tinitingnan niya. Ang anak ko na ang buong atensiyon niya.
Tahimik na nakatingin si Daemon sa maliit na batang lalaki sa tabi ko. Ang kaniyang ekspresyon, na kanina ay malamig at walang pakialam, ay unti-unting nagbago. Naramdaman kong nanlamig ang aking mga daliri. Kaya mabilis kong hinila payakap sa akin si Dwight at isinubsob ang mukha niya sa binti ko.
“Mama?” mahinang tawag ng aking anak habang bahagyang tumingala sa akin.
Napatingin ako sa kaniya.
“Ano iyon, anak?” mahinang tanong ko.
“Sino po siya?” tanong din ng anak ko na nakalabi pa.
Hindi ako agad nakasagot. Dahil sa harap namin, nakatayo ang lalaking limang taon kong inilayo sa aming buhay. At ngayon, nakatingin siya sa aking anak na para bang may nakita siyang isang bagay na hindi niya maipaliwanag. Dahan-dahang ibinalik ni Daemon ang kaniyang tingin sa akin.
“Magenta,” malamig ngunit mabigat niyang sambit. “Ilang taon na ang anak mo?”
Naramdaman kong tila tumigil ang tibok ng aking puso. Ito na. Ang tanong na pinakakinatatakutan ko. Tumingin ako sa aking anak, saka muling humarap sa kaniyang ama. Apat na taon na ang aking anak. At ang edad na iyon ay napakalapit sa gabing pinagsaluhan namin ni Daemon bago kami tuluyang naghiwalay. Pinilit kong panatilihing kalmado ang aking mukha.
“Bakit po ninyo itinatanong?”
Hindi niya agad sinagot ang tanong ko. Sa halip, muli niyang tiningnan ang bata, na
inosenteng nakatingala pa rin sa akin. Sinadya kong hindi paharapin si Dwight kay Daemon at pinanatili kong nakatingala sa akin ang aking anak. Pagkatapos ay bumalik ang kaniyang tingin sa akin.
“Dahil,” sabi niya, bahagyang tumitigas ang kaniyang panga, “gusto kong malaman kung bakit kamukhang-kamukha ko ang anak mo.”
MAGENTA POVHindi ako pumasok sa trabaho kinabukasan.Paano ako makapagtatrabaho nang maayos kung ang buong mundo ko ay kasalukuyang nakahiga sa isang kama sa emergency room, nakakabit sa mga aparatong patuloy na sumusubaybay sa bawat tibok ng kaniyang puso?Magdamag akong nakaupo sa labas ng silid kung saan ginagamot si Dwight. Hindi ko alintana ang lamig ng air conditioner, ang sakit ng aking likod, o ang antok na paulit-ulit na nagpapabigat sa aking mga talukap. Ang tanging laman ng isip ko ay ang kaligtasan ng aking anak.Ang anak kong apat na taong gulang pa lamang. Ang batang araw-araw kong pinapangarap na lumaking malusog, masaya, at malayo sa anumang uri ng sakit. Ngunit ngayon, hindi ko man lamang alam kung ano ang magiging kalagayan niya sa mga susunod na oras.“Ma’am Magenta?”Agad akong napalingon nang marinig ang tinig ng doktor. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at halos madapa sa pagmamadali.“Doktor, kumusta na po ang anak ko?” Nanginginig ang aking tinig. “May nahan
MAGENTA POVKinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga tanong na iniwan sa akin ni Daemon. Paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang seryosong ekspresyon niya nang makita si Dwight, gayundin ang paraan ng pagtatanong niya tungkol sa tunay na ama ng aking anak.Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon. Ngunit isang bagay ang malinaw sa akin, hindi ko maaaring hayaang mabunyag ang katotohanan hangga't hindi ako handa sa mga maaaring mangyari.“Magandang umaga, Magenta!”Napalingon ako sa aking katrabahong si Patricia.“Magandang umaga rin,” nakangiti kong sagot habang inilalagay ang aking bag sa mesa.“Ang aga mo ngayon, ah. May hinahabol ka bang deadline?”“Wala naman. Gusto ko lang magsimulang maaga.”Hindi ko na ipinaliwanag pa na halos buong gabi akong gising dahil sa pag-aalala. Inayos ko ang mga dokumentong kailangan kong suriin at binuksan ang aking computer. Sinubukan kong ituon ang aking pansin sa trabaho, ngunit hindi ko
MAGENTA POV“Dahil gusto kong malaman kung bakit kamukhang-kamukha ko ang anak mo.”Napatigil ako sa sinabi ni Daemon. Pakiramdam ko ay biglang nawala ang lahat ng hangin sa paligid. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Dwight habang pilit na pinananatiling kalmado ang aking mukha. Hindi maaari! Hindi niya dapat malaman.Limang taon kong itinago ang katotohanang ito. Limang taon kong inalagaan ang aking anak nang mag-isa, tiniis ang lahat ng hirap, at itinayong muli ang buhay naming dalawa. Hindi ko hahayaang sirain ng pagbabalik ni Daemon ang katahimikang pinaghirapan kong makamit.“Maraming bata ang may pagkakahawig sa ibang tao, Sir,” maingat kong sagot. “Hindi naman po siguro nangangahulugang may koneksiyon sila sa isa't isa.”Hindi ko alam kung naniwala siya sa sinabi ko, ngunit lalong tumalim ang kaniyang tingin.“Hindi ako nagtatanong tungkol sa ibang bata, Magenta. Tinatanong kita tungkol sa anak mo.”Napalunok ako. Bago pa ako makasagot, biglang may masiglang tinig na umaling
MAGENTA POVHindi ko alam kung gaano katagal kaming nagkatitigan ni Daemon. Ilang segundo lamang iyon, ngunit para sa akin, tila huminto ang oras. Nakatayo siya sa harap ko, suot ang kaniyang mamahaling itim na suit, habang ako naman ay pilit na pinananatiling kalmado ang aking sarili sa kabila ng kaguluhang nararamdaman ko.Limang taon.Limang taon kong hindi nakita ang mukha niya. Limang taon kong pinilit kalimutan ang mga alaalang iniwan niya sa akin. Limang taon kong inalagaan ang lihim na anak naming hindi niya kailanman nakilala. At ngayon, bigla siyang nagpakita sa harapan ko bilang bagong may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Mapagbiro talaga ang tadhana.“Magenta!”Napalingon ako nang marinig ang pabulong na tawag ng aking katrabaho.“Ang garland,” paalala niya habang bahagyang tinutulak ang aking siko. “Isuot mo na sa kaniya.”Agad akong natauhan. Nasa harap ko pa rin si Daemon, naghihintay. Napalunok ako bago piliting ngumiti at iniangat ang hawak kong kuwintas na bul
MAGENTA POVHindi ko kailanman inakala na ang lalaking minahal ko sa halos buong buhay ko ay magiging asawa ko balang araw.At lalong hindi ko inakalang ako rin ang magiging dahilan upang makalaya siya sa aming pagsasama.“Magenta,” mahinang tawag sa akin ng nakatatanda kong kapatid. Halos pabulong na lamang ang kaniyang tinig habang nakahiga siya sa kama ng ospital. “May hihilingin sana ako sa iyo. Isang huling pabor.”Nakaupo ako sa tabi niya, mahigpit na hawak ang kaniyang marupok na kamay. Si Millie Joy Oliveros ang pinakamalakas na taong nakilala ko. Isa siyang babaeng marunong ngumiti kahit tila lahat ng pagsubok sa mundo ay nakapatong sa kaniyang mga balikat.Ngunit ngayong nakahiga siya sa kama ng ospital, namumutla at halos wala nang lakas, pakiramdam ko ay unti-unting nadudurog ang puso ko.“Huwag mong sabihin iyan, Ate,” pilit kong sabi habang pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha. “Gagaling ka. Makakauwi rin tayo. Magkasama nating haharapin ang lahat, gaya ng dati.”M







