LOGINMAGENTA POV
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga tanong na iniwan sa akin ni Daemon. Paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang seryosong ekspresyon niya nang makita si Dwight, gayundin ang paraan ng pagtatanong niya tungkol sa tunay na ama ng aking anak.
Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon. Ngunit isang bagay ang malinaw sa akin, hindi ko maaaring hayaang mabunyag ang katotohanan hangga't hindi ako handa sa mga maaaring mangyari.
“Magandang umaga, Magenta!”
Napalingon ako sa aking katrabahong si Patricia.
“Magandang umaga rin,” nakangiti kong sagot habang inilalagay ang aking bag sa mesa.
“Ang aga mo ngayon, ah. May hinahabol ka bang deadline?”
“Wala naman. Gusto ko lang magsimulang maaga.”
Hindi ko na ipinaliwanag pa na halos buong gabi akong gising dahil sa pag-aalala. Inayos ko ang mga dokumentong kailangan kong suriin at binuksan ang aking computer. Sinubukan kong ituon ang aking pansin sa trabaho, ngunit hindi ko maiwasang sumulyap sa pintuan ng opisina ng aming bagong amo.
Si Daemon.
Mula nang magkita kami kahapon, hindi ko na alam kung paano ako kikilos kapag kaharap siya. Dati, kahit hindi niya ako pinapansin, kahit pakiramdam ko ay isa lamang akong estranghero sa buhay niya, may maliit na bahagi pa rin sa puso kong umaasang balang araw ay magiging maayos ang lahat sa pagitan namin.
Ngunit wala na akong ganoong kalayaan ngayon. May anak akong kailangang protektahan. At kung kinakailangan kong kalimutan ang lahat ng natitirang damdamin ko para kay Daemon, gagawin ko iyon. Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pintuan ng opisina niya. Agad na tumayo ang ilang empleyado upang bumati.
“Magandang umaga po, Sir Daemon!”
Tumango lamang siya bilang tugon. Nakasuot siya ng kulay-abong suit, at gaya ng dati, maayos ang kaniyang hitsura. Hawak niya ang isang folder habang naglalakad patungo sa conference room. Nang mapadaan siya sa aking mesa, napahinto ako sandali. Umaasa akong kahit paano ay lilingon siya. Marahil ay tatanungin niya ako tungkol sa nangyari kahapon. O baka naman kakausapin niya ako tungkol sa anak ko. Ngunit wala, hindi man lamang niya ako tinapunan ng tingin.
“Miss Oliveros.”
Napatuwid ako nang aking upo ng marinig ang malamig niyang tinig.
“Opo, Sir?”
“Inaasahan kong maipapasa mo sa akin ang ulat ng inyong departamento bago mag-alas-diyes ngayong araw. Ayokong magkaroon ng anumang pagkaantala.”
“Opo. Ihahanda ko po agad.”
Tumango siya nang bahagya.
“Siguraduhin mong tama ang lahat ng datos.”
“Opo, Sir.” mabilis kong sagot kahit nabibingi na ako sa kabog ng aking dibdib.
Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa paglalakad na para bang wala nang iba pang kailangang sabihin.Napayuko ako sa aking mesa.
Iyon na ba talaga? Ganoon na lamang kadali para sa kaniya na tratuhin akong parang isang ordinaryong empleyado?
Hindi ko alam kung bakit may kirot pa rin akong naramdaman.Dapat ay natutuwa ako. Ito naman ang gusto ko, hindi ba? Ang lumayo siya sa akin at huwag nang makialam sa buhay namin ni Dwight. Ngunit kahit ilang beses kong paalalahanan ang sarili ko, hindi ko maikakailang nasasaktan pa rin ako. Minsan ko siyang minahal nang buong puso. Minsan, ang isang simpleng pagtingin lamang mula sa kaniya ay sapat na upang pasayahin ako sa buong araw.
At ngayon, nakatayo siya ilang hakbang lamang mula sa akin, ngunit para bang wala kaming pinagsamahan. Huminga ako nang malalim at pinilit ngumiti.
Magenta, tama na. Hindi mo na kailangang masaktan. Kung gusto niyang tratuhin ka bilang empleyado, tanggapin mo iyon. Kung gusto niyang kalimutan ang inyong nakaraan, hayaan mo siya. Ang mahalaga ay hindi na niya guluhin ang buhay mo at ang buhay ng anak mo.
Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko, lihim akong nagpasalamat. Marahil ay naunawaan na ni Daemon na wala siyang dapat pakialaman sa aming mag-ina. Marahil ay nagpasya na siyang huwag nang magtanong tungkol kay Dwight. At kung iyon ang magiging kapalit upang manatiling ligtas at payapa ang aming buhay, handa akong tanggapin ang malamig niyang pakikitungo. Hindi ko alam na ilang oras lamang ang lilipas bago tuluyang gumuho ang mundong pilit kong binubuo. Mag-aalas-onse na nang matapos kong suriin ang mga dokumento para sa aming departamento. Abala ang lahat sa opisina. May ilang empleyadong naghahanda para sa isang pagpupulong, habang ang iba naman ay nakatutok sa kani-kanilang computer.
Ako ay kasalukuyang nagbabasa ng isang ulat nang biglang tumunog ang aking cellphone. Hindi pamilyar ang numerong nakatawag. Bahagya akong nag-alinlangan bago sinagot ang tawag.
“Hello?”
“Magandang umaga po. Kayo po ba si Magenta Oliveros?” sagot ng nasa linya na parang natataranta.
“Opo. Sino po sila?” kabado kong tanong.
“Ako po si Nurse Andrea mula sa St. Gabriel Medical Center.”
Agad akong napatuwid sa aking upuan.
“Bakit po? May problema po ba?”
Saglit na natahimik ang kabilang linya. At sa katahimikang iyon, may kung anong malamig na dumaloy sa aking buong katawan.
“Ma'am, tumatawag po kami upang ipaalam na naaksidente ang inyong pinsan na si Jared Guzman at ang batang kasama niya.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
“Ano?!” halos kapusin ako ng aking hininga sa sinabi ng nurse.
“Nasangkot po sila sa isang aksidente sa sasakyan. Dinala po silang dalawa rito sa aming ospital.”
Biglang nanghina ang aking mga daliri. Hindi, hindi maaari!
Kagagaling lamang namin sa Family Day kahapon. Masaya pa si Dwight habang nagkukuwento tungkol sa mga laro, at nang gabing iyon, mahigpit pa niya akong niyakap bago matulog. Sinabi pa niyang gusto niyang bumalik sa paaralan kinabukasan upang ipakita sa kaniyang mga kaklase ang kaniyang sertipiko.
Paano nangyari ito?
“P-Paano po sila ngayon?” nanginginig kong tanong. “Kumusta ang anak ko?” kasabay niyon ang nag-uunahang paglagñag ng aking mga luha.
“Ma'am, nasa emergency department po sila. Si Mr. Jared ay kasalukuyang ginagamot, ngunit ang kalagayan ng inyong anak ay maselan.”
Parang may dumurog sa aking dibdib.
“Maselan? Ano pong ibig ninyong sabihin?” nanigas ang buo kong katawan.
“May mga pinsalang nangangailangan ng agarang atensiyong medikal. Kailangan din po niya ng pagsasalin ng dugo sa lalong madaling panahon.”
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha, saka ako napahagulhol.
“Diyos ko...”
“Ma'am, kailangan po namin kayong makarating dito sa ospital sa lalong madaling panahon.”
“Opo! Pupunta po ako! Papunta na po ako!” dali-dali kong sagot.
Halos hindi ko na maayos na naibaba ang cellphone. Tumayo ako nang napakabilis kaya muntik nang matumba ang aking upuan. Hindi ko na pinansin ang mga nagtatakang tingin ng aking mga katrabaho. Kinuha ko ang aking bag at nagmamadaling naglakad patungo sa elevator.
“Magenta? Anong nangyari?” tanong ni Patricia nang makita ang namumutla kong mukha.
“Ang anak ko...” nanginginig kong sagot. “Naaksidente siya.”
Hindi na ako nakapagsalita pa. Tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha habang nagmamadaling lumabas ng gusali.
Ang anak ko, ang pinakamamahal kong si Dwight. Ang batang nagbigay sa akin ng lakas noong mga panahong wala na akong nakitang dahilan upang magpatuloy. Hindi maaaring may mangyaring masama sa kaniya. Hindi maaari. Halos hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa ospital. Ang tanging laman ng isipan ko ay ang aking anak.
Pagdating ko sa St. Gabriel Medical Center, agad akong nagtungo sa emergency department at hinanap ang nars na tumawag sa akin.
“Ma'am Magenta?” salubong sa akin ng isang nurse.
“Opo! Nasaan po ang anak ko? Nasaan si Dwight?” hysterical kong tanong din.
Lumapit sa akin ang isang nars at marahang hinawakan ang aking braso.
“Ma'am, kalma lang po muna tayo.”
“Paano po ako kakalma?” halos mapasigaw kong sagot. “Anak ko po ang pinag-uusapan natin! Kailangan ko siyang makita!”
“Dadalhin po namin kayo sa doktor na nangangalaga sa kaniya.” kalmadong tugon ng nurse sa akin.
Mabilis akong sumunod. Sa bawat hakbang, lalo lamang bumibigat ang aking dibdib. Nang makarating kami sa isang silid, nakita ko si Jared na nakaupo sa isang kama, may benda sa noo at ilang pasa sa mga braso. Mukha siyang pagod at balisa.
“Jared!”
Agad akong lumapit sa kaniya.
“Nasaan si Dwight? Kumusta siya? Bakit nangyari ito?”
Napayuko si Jared, at nakita ko ang matinding pagsisisi sa kaniyang mukha.
“Magenta, pasensiya na...” mahina niyang sabi. “Hindi ko gustong mangyari ito.”
Umiling ako habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha.
“Huwag mo munang sabihin iyan. Ang mahalaga, buhay ka. Pero nasaan ang anak ko?”
Tumingin siya sa akin, at lalong naging malungkot ang kaniyang ekspresyon.
“Nasa emergency room siya. Pagkatapos ng aksidente, agad ko siyang inilabas sa sasakyan at humingi ng tulong. Hindi ko siya iniwan hanggang sa dumating ang ambulansiya.”
Napaluhod ako sa tabi ng kaniyang kama.
“Dwight...”
“Magenta, ginagawa ng mga doktor ang lahat para sa kaniya,” sabi ni Jared. “Kailangan lang nating magtiwala.”
Ngunit paano ako magtitiwala kung hindi ko man lamang alam kung ano ang tunay na kalagayan ng aking anak?
Lumipas ang ilang minuto bago lumabas ang doktor mula sa emergency room. Agad akong tumayo at sinalubong siya.
“Doktor! Kumusta po ang anak ko?”
Seryoso ang kaniyang mukha.
“Mrs. Oliveros, kasalukuyan naming ginagamot ang inyong anak. Mayroon siyang malubhang pinsala, at kailangan namin siyang mabigyan ng pagsasalin ng dugo sa lalong madaling panahon.”
“Kung ganoon, kunin po ninyo ang dugo ko!” mabilis kong sagot. “Ako ang kaniyang ina. Gawin ninyo ang lahat ng kinakailangan!”
“Susuriin po muna namin kung tugma ang inyong dugo sa pangangailangan niya.”
Tumango ako nang paulit-ulit.
“Opo. Sige po. Kahit ano, basta matulungan ninyo ang anak ko.”
Nagpatuloy ang doktor.
“May isa pa po kaming suliranin. Napakabihira ng blood type ng inyong anak. Wala kaming sapat na nakahandang suplay ng ganoong uri ng dugo sa kasalukuyan.”
Nanlaki ang aking mga mata.
“Ano pong ibig ninyong sabihin? Wala po kayong dugo para sa kaniya?”
“Mayroon po kaming mga hakbang na isinasagawa upang makahanap ng angkop na donor. Nakikipag-ugnayan na rin kami sa ibang pasilidad. Ngunit kailangan naming kumilos agad dahil sa kondisyon ng inyong anak.”
Nanghina ang aking mga tuhod. Napahawak ako sa gilid ng mesa upang hindi tuluyang bumagsak.
Ang anak ko. Kailangan niya ng dugo, ngunit wala silang sapat na suplay.
“Doktor, pakiusap...” Humagulgol ako. “Gawin ninyo ang lahat. Huwag ninyong hayaang may mangyaring masama sa kaniya.”
“Ginagawa po namin ang aming makakaya, Mrs. Oliveros.” sagot ng Doktor sabay tapik sa aking balikat.
Ngunit hindi sapat ang mga salitang iyon upang maibsan ang takot na bumabalot sa akin. Hindi ko kayang mawala si Dwight. Siya ang lahat-lahat ko. Siya ang batang niyakap ko noong unang beses kong marinig ang kaniyang pag-iyak. Siya ang munting kamay na humahawak sa akin tuwing natatakot siya. Siya ang batang palaging naghihintay sa akin sa tuwing umuuwi ako mula sa trabaho. Hindi ko pa siya nakikitang lumalaki. Hindi ko pa siya naihahatid sa mas mataas na paaralan. Hindi ko pa naririnig ang lahat ng kuwentong gusto niyang ibahagi sa akin. Hindi pa sapat ang panahong magkasama kami.
“Ma'am...”
Napatingin ako sa nars na lumapit sa akin.
“Kailangan po naming malaman ang blood type ng mga miyembro ng pamilya na maaaring makatulong sa paghahanap ng angkop na donor. Mayroon po ba kayong ibang kamag-anak na maaari naming makontak?”
Agad kong naalala ang aking mga magulang, ngunit nasa malayo sila at hindi ko alam kung makararating sila agad. Si Jared ay kasalukuyan ding nagpapagaling mula sa aksidente.
At ako...
Hindi ko alam kung tugma ba ang dugo ko sa pangangailangan ng aking anak. Muli akong napatingin sa pintuan ng emergency room.
“Dwight...” bulong ko habang pinupunasan ang aking mga luha. “Anak, maghintay ka. Pakiusap, maghintay ka para kay Mama.”
Sa gitna ng aking pag-iyak, biglang sumagi sa isip ko ang isang lalaking matagal ko nang pilit iniiwasang isama sa aming buhay. Si Daemon Voss Buenavista. Ang ama ni Dwight. Ang lalaking hindi nakakaalam na may anak siyang maaaring mawalan ng pagkakataong makilala siya. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa aking cellphone.
Ayokong lumapit sa kaniya. Ayokong buksan ang p***o sa nakaraan naming dalawa. Ngunit kung ang buhay ng aking anak ang nakataya, kaya kong lunukin ang aking pride. Kaya kong harapin ang lalaking minsan kong minahal at ngayo'y pilit kong iniiwasan. Dahil wala nang mas mahalaga kaysa sa buhay ni Dwight.
"Ano po ba ang blood type ng anak ko? Nakalimutan ko na po yata," nautal kong tanong na halos mahilo na ako.
"AB negative po siya," sagot ng nurse sa akin.
At kung si
Daemon lamang ang natitirang pag-asa upang mailigtas ang aking anak, wala akong ibang pagpipilian. Kailangan kong hanapin ang kaniyang ama. Kahit kapalit nito ang pagbubunyag ng pinakamalaking lihim ng aking buhay.
MAGENTA POVHindi ako pumasok sa trabaho kinabukasan.Paano ako makapagtatrabaho nang maayos kung ang buong mundo ko ay kasalukuyang nakahiga sa isang kama sa emergency room, nakakabit sa mga aparatong patuloy na sumusubaybay sa bawat tibok ng kaniyang puso?Magdamag akong nakaupo sa labas ng silid kung saan ginagamot si Dwight. Hindi ko alintana ang lamig ng air conditioner, ang sakit ng aking likod, o ang antok na paulit-ulit na nagpapabigat sa aking mga talukap. Ang tanging laman ng isip ko ay ang kaligtasan ng aking anak.Ang anak kong apat na taong gulang pa lamang. Ang batang araw-araw kong pinapangarap na lumaking malusog, masaya, at malayo sa anumang uri ng sakit. Ngunit ngayon, hindi ko man lamang alam kung ano ang magiging kalagayan niya sa mga susunod na oras.“Ma’am Magenta?”Agad akong napalingon nang marinig ang tinig ng doktor. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at halos madapa sa pagmamadali.“Doktor, kumusta na po ang anak ko?” Nanginginig ang aking tinig. “May nahan
MAGENTA POVKinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga tanong na iniwan sa akin ni Daemon. Paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang seryosong ekspresyon niya nang makita si Dwight, gayundin ang paraan ng pagtatanong niya tungkol sa tunay na ama ng aking anak.Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon. Ngunit isang bagay ang malinaw sa akin, hindi ko maaaring hayaang mabunyag ang katotohanan hangga't hindi ako handa sa mga maaaring mangyari.“Magandang umaga, Magenta!”Napalingon ako sa aking katrabahong si Patricia.“Magandang umaga rin,” nakangiti kong sagot habang inilalagay ang aking bag sa mesa.“Ang aga mo ngayon, ah. May hinahabol ka bang deadline?”“Wala naman. Gusto ko lang magsimulang maaga.”Hindi ko na ipinaliwanag pa na halos buong gabi akong gising dahil sa pag-aalala. Inayos ko ang mga dokumentong kailangan kong suriin at binuksan ang aking computer. Sinubukan kong ituon ang aking pansin sa trabaho, ngunit hindi ko
MAGENTA POV“Dahil gusto kong malaman kung bakit kamukhang-kamukha ko ang anak mo.”Napatigil ako sa sinabi ni Daemon. Pakiramdam ko ay biglang nawala ang lahat ng hangin sa paligid. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Dwight habang pilit na pinananatiling kalmado ang aking mukha. Hindi maaari! Hindi niya dapat malaman.Limang taon kong itinago ang katotohanang ito. Limang taon kong inalagaan ang aking anak nang mag-isa, tiniis ang lahat ng hirap, at itinayong muli ang buhay naming dalawa. Hindi ko hahayaang sirain ng pagbabalik ni Daemon ang katahimikang pinaghirapan kong makamit.“Maraming bata ang may pagkakahawig sa ibang tao, Sir,” maingat kong sagot. “Hindi naman po siguro nangangahulugang may koneksiyon sila sa isa't isa.”Hindi ko alam kung naniwala siya sa sinabi ko, ngunit lalong tumalim ang kaniyang tingin.“Hindi ako nagtatanong tungkol sa ibang bata, Magenta. Tinatanong kita tungkol sa anak mo.”Napalunok ako. Bago pa ako makasagot, biglang may masiglang tinig na umaling
MAGENTA POVHindi ko alam kung gaano katagal kaming nagkatitigan ni Daemon. Ilang segundo lamang iyon, ngunit para sa akin, tila huminto ang oras. Nakatayo siya sa harap ko, suot ang kaniyang mamahaling itim na suit, habang ako naman ay pilit na pinananatiling kalmado ang aking sarili sa kabila ng kaguluhang nararamdaman ko.Limang taon.Limang taon kong hindi nakita ang mukha niya. Limang taon kong pinilit kalimutan ang mga alaalang iniwan niya sa akin. Limang taon kong inalagaan ang lihim na anak naming hindi niya kailanman nakilala. At ngayon, bigla siyang nagpakita sa harapan ko bilang bagong may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Mapagbiro talaga ang tadhana.“Magenta!”Napalingon ako nang marinig ang pabulong na tawag ng aking katrabaho.“Ang garland,” paalala niya habang bahagyang tinutulak ang aking siko. “Isuot mo na sa kaniya.”Agad akong natauhan. Nasa harap ko pa rin si Daemon, naghihintay. Napalunok ako bago piliting ngumiti at iniangat ang hawak kong kuwintas na bul
MAGENTA POVHindi ko kailanman inakala na ang lalaking minahal ko sa halos buong buhay ko ay magiging asawa ko balang araw.At lalong hindi ko inakalang ako rin ang magiging dahilan upang makalaya siya sa aming pagsasama.“Magenta,” mahinang tawag sa akin ng nakatatanda kong kapatid. Halos pabulong na lamang ang kaniyang tinig habang nakahiga siya sa kama ng ospital. “May hihilingin sana ako sa iyo. Isang huling pabor.”Nakaupo ako sa tabi niya, mahigpit na hawak ang kaniyang marupok na kamay. Si Millie Joy Oliveros ang pinakamalakas na taong nakilala ko. Isa siyang babaeng marunong ngumiti kahit tila lahat ng pagsubok sa mundo ay nakapatong sa kaniyang mga balikat.Ngunit ngayong nakahiga siya sa kama ng ospital, namumutla at halos wala nang lakas, pakiramdam ko ay unti-unting nadudurog ang puso ko.“Huwag mong sabihin iyan, Ate,” pilit kong sabi habang pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha. “Gagaling ka. Makakauwi rin tayo. Magkasama nating haharapin ang lahat, gaya ng dati.”M







