LOGINMAGENTA POV
Hindi ako pumasok sa trabaho kinabukasan.
Paano ako makapagtatrabaho nang maayos kung ang buong mundo ko ay kasalukuyang nakahiga sa isang kama sa emergency room, nakakabit sa mga aparatong patuloy na sumusubaybay sa bawat tibok ng kaniyang puso?
Magdamag akong nakaupo sa labas ng silid kung saan ginagamot si Dwight. Hindi ko alintana ang lamig ng air conditioner, ang sakit ng aking likod, o ang antok na paulit-ulit na nagpapabigat sa aking mga talukap. Ang tanging laman ng isip ko ay ang kaligtasan ng aking anak.
Ang anak kong apat na taong gulang pa lamang. Ang batang araw-araw kong pinapangarap na lumaking malusog, masaya, at malayo sa anumang uri ng sakit. Ngunit ngayon, hindi ko man lamang alam kung ano ang magiging kalagayan niya sa mga susunod na oras.
“Ma’am Magenta?”
Agad akong napalingon nang marinig ang tinig ng doktor. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at halos madapa sa pagmamadali.
“Doktor, kumusta na po ang anak ko?” Nanginginig ang aking tinig. “May nahanap na po ba kayong dugo para sa kaniya?”
Saglit akong tinitigan ng doktor bago umiling.
“Patuloy pa rin kaming nakikipag-ugnayan sa ibang ospital, ngunit sa ngayon, wala pa kaming mahanap na sapat na supply ng AB negative na dugo.”
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa aking katawan.
AB negative.
Napakabihira ng blood type na iyon, at sa kasamaang-palad, iyon ang uri ng dugong kailangan ni Dwight. Sinubukan na akong kunan ng dugo, ngunit hindi ako compatible sa kaniya. Maging si Jared, na kasalukuyang nagpapagaling din sa ibang silid dahil sa mga pinsalang natamo sa aksidente, ay hindi rin maaaring maging donor para sa aking anak.
“Wala na po ba talagang ibang paraan?” tanong ko, halos pabulong.
“Ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya, Ma’am. Kailangan lamang nating makahanap ng angkop na donor sa lalong madaling panahon.”
Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi ko kayang mawala si Dwight. Hindi ko kayang isipin ang buhay na wala ang kaniyang mga ngiti, ang maliliit niyang yakap, at ang paraan ng pagtawag niya sa akin tuwing nagigising siya sa umaga. Siya ang dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban sa kabila ng lahat. Siya ang pinakamahalagang bahagi ng aking buhay. At ngayon, pakiramdam ko ay unti-unting dumudurog ang mundo sa ilalim ng aking mga paa. Ilang oras ang lumipas, ngunit wala pa ring magandang balita.
Ilang ospital na ang tinawagan ko. Nagmakaawa ako sa mga taong hindi ko kilala, umaasang may isa man lamang sa kanila ang maaaring makatulong sa akin. Ngunit pare-pareho lamang ang sagot na natatanggap ko. Wala silang stock. Walang available na donor. Wala silang maibibigay sa ngayon. Nang sa wakas ay makaupo ako sa isang bakanteng upuan sa pasilyo, hindi ko na napigilang takpan ng aking mga palad ang aking mukha.
“Dwight, anak…” bulong ko habang pumapatak ang mga luha sa aking mga daliri. “Pakiusap, lumaban ka. Huwag mo akong iwan.”
Sa gitna ng aking pag-iyak, may isang pangalan na paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan.
Daemon Voss Buenavista. Ang ama ni Dwight. Ang lalaking maaaring maging huling pag-asa ng aking anak.
Ngunit paano ko siya lalapitan? Paano ko sasabihin sa kaniya na ang batang nakita niya sa paaralan ay sarili niyang anak? Paano ko ipaliliwanag ang lahat ng nangyari limang taon na ang nakalilipas, gayong ako mismo ang nagdesisyong lumayo sa kaniya?
Ilang beses kong kinuha ang aking cellphone at hinanap ang pangalan niya sa aking mga contact. Ngunit sa tuwing nakikita ko ang kaniyang pangalan, agad akong nag-aatubiling tumawag.
Paano kung tanggihan niya ako? Paano kung magalit siya at akusahan akong ginamit ko ang aming nakaraang pagsasama upang itali siya sa isang responsibilidad na hindi niya kailanman ginusto? At paano kung, pagkatapos malaman ang katotohanan, agawin niya sa akin si Dwight?
Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot, ang posibilidad na tanggihan niya ang pagtulong sa amin o ang posibilidad na tuluyan niyang mabago ang buhay na matagal kong pinrotektahan.
Kaya sa kabila ng aking desperasyon, hindi ko nagawang tawagan siya. Hanggang sa tumunog ang aking cellphone. Si Patricia iyon, ang katrabaho kong naging malapit na kaibigan.
“Magenta! Bakit hindi ka pumasok ngayon? May problema ba?” nag-aalalang tanong niya.
Nang marinig ko ang nag-aalalang tinig niya, tuluyan na akong napaiyak.
“Si Dwight…” Hindi ko maituloy ang aking sinasabi. “Nasa ospital siya. Naaksidente sila ni Jared, at kailangan niya ng dugo. AB negative ang blood type niya, pero wala kaming mahanap na donor.”
“Ano? Diyos ko, Magenta! Kumusta na siya?”
“Hindi ko alam kung ano ang mangyayari, Patricia.” Pinahid ko ang aking mga luha, ngunit patuloy lamang ang pag-agos ng mga iyon. “Halos maubos na ang mga ospital na tinawagan ko. Hindi rin kami compatible ni Jared. Hindi ko na alam ang gagawin ko.”
“Magenta, kumalma ka muna. Sigurado akong may paraan pa.” payo niya sa akin.
“Paano kung wala na?” Napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang panibagong hikbi. “Si Dwight lang ang mayroon ako.”
Hindi ko alam na sa kabilang panig ng tawag, may ibang taong nakarinig sa aming pag-uusap. At hindi ko rin alam na ang impormasyong iyon ay makarating sa lalaking pilit kong iniiwasan. Sa kabilang panig ng lungsod, nakatayo si Daemon sa loob ng kaniyang opisina nang marinig niya ang balitang may malubhang aksidenteng kinasangkutan ang anak ni Magenta. Hindi niya sinasadyang marinig ang usapan. Nagkataon lamang na nasa malapit siya nang makatanggap ng tawag ang isang empleyadong may kakilala sa ospital kung saan naroroon ang bata. Ngunit nang marinig niya ang pangalang Magenta at ang salitang AB negative, hindi na niya naituloy ang ginagawa. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang sumikip ang kaniyang dibdib.
Ang batang iyon. Si Dwight.
Mula nang una niya itong makita, may kung anong hindi maipaliwanag sa kaniyang nararamdaman. Ang mga mata ng bata, ang hugis ng mukha nito, at maging ang ilang ekspresyon nito ay nagpapaalala sa kaniya ng sarili niyang pagkabata.
At ang edad nito?
Halos tumugma sa panahong huli silang nagkasama ni Magenta. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone.
“Sir, may kailangan po ba kayo?” tanong ng kaniyang sekretarya nang mapansin ang biglaang pagbabago sa kaniyang kilos.
Kinuha ni Daemon ang kaniyang susi.
“I-cancel mo ang mga susunod kong appointment.”
“Pero, Sir, may mahalaga po kayong—”
“Sinabi kong i-cancel mo.” matigas nitong utos.
Hindi na nagtanong ang kaniyang sekretarya nang makita ang malamig at seryosong ekspresyon nito.
Ilang sandali lamang, nasa loob na ng kaniyang sasakyan si Daemon, papunta sa St. Gabriel Medical Center. Hindi niya alam kung bakit siya naroon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kapag nakita niya si Magenta. Ang alam lamang niya, hindi niya kayang manatiling nakaupo sa kaniyang opisina habang may batang nangangailangan ng tulong at ang batang iyon ay anak ng babaeng minsang naging asawa niya.
“Doktor! Ako ang AB negative!”
Malakas na tinig ni Daemon ang umalingawngaw sa istasyon ng mga nars.
Agad na lumapit sa kaniya ang isang doktor.
“Kayo po ba ang naghahanap ng batang si Dwight?”
“Oo. Nasaan ang doktor na nangangalaga sa kaniya?”
“Ako po. Kayo po ba ang posibleng donor?” mabilis na sagot ni Dok Ismael.
“Oo. Gawin ninyo ang lahat ng kinakailangan.” desididong turan ni Daemon.
Hindi na nag-aksaya ng oras ang mga doktor. Matapos tiyaking maaari siyang sumailalim sa proseso ng pagdo-donate, agad siyang dinala sa silid para sa pagsusuri at pagkuha ng dugo. Hindi nagtanong si Daemon kung nasaan si Magenta. Hindi rin niya hiniling na ipaalam muna sa babae ang kaniyang pagdating. Sa pagkakataong iyon, ang mahalaga lamang sa kaniya ay mailigtas ang bata. Habang kinukuha ang kaniyang dugo, hindi niya maiwasang isipin ang isang bagay.
Bakit pakiramdam ko ay hindi lamang ito basta pagtulong sa anak ng dati kong asawa?
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata. May bahagi sa kaniya na nagsasabing may mas malalim na dahilan kung bakit tila hindi niya kayang talikuran ang batang iyon. Isang dahilan na matagal nang pilit itinatago ni Magenta. Halos hindi ako makahinga nang lumabas ang doktor mula sa silid ni Dwight.
“Ma’am Magenta!”
Agad akong tumayo. “Doktor! Kumusta po ang anak ko?”
“May nahanap na kaming angkop na donor. Naisagawa na ang kinakailangang pagsasalin ng dugo, at sa ngayon, maayos ang tugon ng inyong anak sa paggamot.”
Nang marinig ko iyon, nanlambot ang aking mga tuhod.
“Salamat po…” nanginginig kong sambit. “Maraming salamat po.”
Napahawak ako sa dingding habang umiiyak sa sobrang ginhawa. Sa wakas, may pag-asa na ulit si Dwight. Sa wakas, hindi ko na kailangang isipin na maaaring mawala sa akin ang nag-iisa kong anak.
“Puwede ko na po ba siyang makita?”
“Sa sandaling makumpirma ng aming team na maaari na kayong pumasok, ipaaalam namin sa inyo. Kailangan pa rin siyang bantayan nang mabuti.”
Paulit-ulit akong nagpasalamat bago nagtanong, “Doktor, sino po ang nag-donate ng dugo?”
“Ang donor? Nasa silid pa siya para sa huling pagsusuri. Maaari ninyo siyang pasalamatan kapag tapos na kami.”
Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Gusto kong makita ang taong nagbigay sa anak ko ng panibagong pagkakataon. Gusto kong personal na magpasalamat sa kaniya. Kahit sino pa siya, habambuhay kong dadalhin sa puso ko ang kabutihang ginawa niya.
Ngunit nang buksan ko ang p***o ng silid na itinuro sa akin ng nars, tila huminto ang lahat sa paligid ko. Nakatayo roon ang isang lalaking nakasuot ng mamahaling itim na suit. Bahagyang nakatiklop ang manggas ng kaniyang polo, at may maliit na benda sa kaniyang braso kung saan kinuha ang dugo. Pamilyar na pamilyar ang mukha niya. Ang matalim na mga mata, at ang matigas na panga. Ang malamig na ekspresyong hindi ko kailanman tuluyang nakalimutan.
“D-Daemon?”
Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Hindi siya ngumiti. Hindi rin niya ipinakita ang kahit katiting na pagkagulat sa pagkakita sa akin. Sa halip, matalim niya akong tinitigan, na para bang sinusubukan niyang basahin ang bawat lihim na matagal kong itinago.
“Magenta.”
Isang pangalan lamang ang binigkas niya, ngunit sapat na iyon upang manginig ang buong katawan ko.
“Bakit… bakit ikaw ang nag-donate ng dugo?” tanong ko, kahit alam kong hindi iyon ang pinakamahalagang bagay na dapat kong itanong.
Bahagyang kumunot ang kaniyang noo.
“Dahil kailangan ng anak mo ng dugo.”
Napayuko ako. “Salamat. Hindi ko alam kung paano kita—”
“Tumigil ka.”
Napahinto ako sa pagsasalita. Lumapit siya nang isang hakbang. Hindi ko magawang tumingin sa kaniyang mga mata, sapagkat alam kong sa sandaling gawin ko iyon, maaaring tuluyan nang mabunyag ang lahat.
“Limang taon, Magenta,” malamig niyang sambit. “Limang taon kang nawala sa buhay ko nang walang paliwanag.”
“Daemon, hindi ito ang tamang panahon para—”
“Kung gayon, kailan ang tamang panahon?”
Nanginginig ang aking mga daliri. Gusto kong tumakbo. Gusto kong bumalik sa silid ni Dwight at magkunwaring walang nangyayari. Ngunit huli na. Alam kong hindi na niya ako hahayaang umiwas.
Muli niyang sinulyapan ang pintuan patungo sa silid ng aking anak bago ibinalik sa akin ang kaniyang mga mata.
“Ang batang iyon,” mariin niyang sabi. “Apat na taong gulang. AB negative ang dugo. At sa tuwing nakikita ko siya, para akong nakatingin sa sarili kong mukha noong bata pa ako.”
Napalunok ako.
“Magenta, sagutin mo ako.”
Naramdaman kong namuo ang mga luha sa aking mga mata.
“Ako ba ang tunay na Ama ni Dwight?”
I fro
ze, my body trembling and my heartbeat raced as if I couldn't breathe.
“Honey?” Mula kung saan ay may nagsalita at sabay kaming napalingon sa nagmamay-ari ng boses na iyon.
MAGENTA POVHindi ako pumasok sa trabaho kinabukasan.Paano ako makapagtatrabaho nang maayos kung ang buong mundo ko ay kasalukuyang nakahiga sa isang kama sa emergency room, nakakabit sa mga aparatong patuloy na sumusubaybay sa bawat tibok ng kaniyang puso?Magdamag akong nakaupo sa labas ng silid kung saan ginagamot si Dwight. Hindi ko alintana ang lamig ng air conditioner, ang sakit ng aking likod, o ang antok na paulit-ulit na nagpapabigat sa aking mga talukap. Ang tanging laman ng isip ko ay ang kaligtasan ng aking anak.Ang anak kong apat na taong gulang pa lamang. Ang batang araw-araw kong pinapangarap na lumaking malusog, masaya, at malayo sa anumang uri ng sakit. Ngunit ngayon, hindi ko man lamang alam kung ano ang magiging kalagayan niya sa mga susunod na oras.“Ma’am Magenta?”Agad akong napalingon nang marinig ang tinig ng doktor. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at halos madapa sa pagmamadali.“Doktor, kumusta na po ang anak ko?” Nanginginig ang aking tinig. “May nahan
MAGENTA POVKinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga tanong na iniwan sa akin ni Daemon. Paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang seryosong ekspresyon niya nang makita si Dwight, gayundin ang paraan ng pagtatanong niya tungkol sa tunay na ama ng aking anak.Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon. Ngunit isang bagay ang malinaw sa akin, hindi ko maaaring hayaang mabunyag ang katotohanan hangga't hindi ako handa sa mga maaaring mangyari.“Magandang umaga, Magenta!”Napalingon ako sa aking katrabahong si Patricia.“Magandang umaga rin,” nakangiti kong sagot habang inilalagay ang aking bag sa mesa.“Ang aga mo ngayon, ah. May hinahabol ka bang deadline?”“Wala naman. Gusto ko lang magsimulang maaga.”Hindi ko na ipinaliwanag pa na halos buong gabi akong gising dahil sa pag-aalala. Inayos ko ang mga dokumentong kailangan kong suriin at binuksan ang aking computer. Sinubukan kong ituon ang aking pansin sa trabaho, ngunit hindi ko
MAGENTA POV“Dahil gusto kong malaman kung bakit kamukhang-kamukha ko ang anak mo.”Napatigil ako sa sinabi ni Daemon. Pakiramdam ko ay biglang nawala ang lahat ng hangin sa paligid. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Dwight habang pilit na pinananatiling kalmado ang aking mukha. Hindi maaari! Hindi niya dapat malaman.Limang taon kong itinago ang katotohanang ito. Limang taon kong inalagaan ang aking anak nang mag-isa, tiniis ang lahat ng hirap, at itinayong muli ang buhay naming dalawa. Hindi ko hahayaang sirain ng pagbabalik ni Daemon ang katahimikang pinaghirapan kong makamit.“Maraming bata ang may pagkakahawig sa ibang tao, Sir,” maingat kong sagot. “Hindi naman po siguro nangangahulugang may koneksiyon sila sa isa't isa.”Hindi ko alam kung naniwala siya sa sinabi ko, ngunit lalong tumalim ang kaniyang tingin.“Hindi ako nagtatanong tungkol sa ibang bata, Magenta. Tinatanong kita tungkol sa anak mo.”Napalunok ako. Bago pa ako makasagot, biglang may masiglang tinig na umaling
MAGENTA POVHindi ko alam kung gaano katagal kaming nagkatitigan ni Daemon. Ilang segundo lamang iyon, ngunit para sa akin, tila huminto ang oras. Nakatayo siya sa harap ko, suot ang kaniyang mamahaling itim na suit, habang ako naman ay pilit na pinananatiling kalmado ang aking sarili sa kabila ng kaguluhang nararamdaman ko.Limang taon.Limang taon kong hindi nakita ang mukha niya. Limang taon kong pinilit kalimutan ang mga alaalang iniwan niya sa akin. Limang taon kong inalagaan ang lihim na anak naming hindi niya kailanman nakilala. At ngayon, bigla siyang nagpakita sa harapan ko bilang bagong may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Mapagbiro talaga ang tadhana.“Magenta!”Napalingon ako nang marinig ang pabulong na tawag ng aking katrabaho.“Ang garland,” paalala niya habang bahagyang tinutulak ang aking siko. “Isuot mo na sa kaniya.”Agad akong natauhan. Nasa harap ko pa rin si Daemon, naghihintay. Napalunok ako bago piliting ngumiti at iniangat ang hawak kong kuwintas na bul
MAGENTA POVHindi ko kailanman inakala na ang lalaking minahal ko sa halos buong buhay ko ay magiging asawa ko balang araw.At lalong hindi ko inakalang ako rin ang magiging dahilan upang makalaya siya sa aming pagsasama.“Magenta,” mahinang tawag sa akin ng nakatatanda kong kapatid. Halos pabulong na lamang ang kaniyang tinig habang nakahiga siya sa kama ng ospital. “May hihilingin sana ako sa iyo. Isang huling pabor.”Nakaupo ako sa tabi niya, mahigpit na hawak ang kaniyang marupok na kamay. Si Millie Joy Oliveros ang pinakamalakas na taong nakilala ko. Isa siyang babaeng marunong ngumiti kahit tila lahat ng pagsubok sa mundo ay nakapatong sa kaniyang mga balikat.Ngunit ngayong nakahiga siya sa kama ng ospital, namumutla at halos wala nang lakas, pakiramdam ko ay unti-unting nadudurog ang puso ko.“Huwag mong sabihin iyan, Ate,” pilit kong sabi habang pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha. “Gagaling ka. Makakauwi rin tayo. Magkasama nating haharapin ang lahat, gaya ng dati.”M







