Home / Romance / HIDING MY EX-HUSBAND'S HEIR / Chapter 3: Who Is The Father?

Share

Chapter 3: Who Is The Father?

last update publish date: 2026-11-06 12:03:10

MAGENTA POV

“Dahil gusto kong malaman kung bakit kamukhang-kamukha ko ang anak mo.”

Napatigil ako sa sinabi ni Daemon. Pakiramdam ko ay biglang nawala ang lahat ng hangin sa paligid. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Dwight habang pilit na pinananatiling kalmado ang aking mukha. Hindi maaari! Hindi niya dapat malaman.

Limang taon kong itinago ang katotohanang ito. Limang taon kong inalagaan ang aking anak nang mag-isa, tiniis ang lahat ng hirap, at itinayong muli ang buhay naming dalawa. Hindi ko hahayaang sirain ng pagbabalik ni Daemon ang katahimikang pinaghirapan kong makamit.

“Maraming bata ang may pagkakahawig sa ibang tao, Sir,” maingat kong sagot. “Hindi naman po siguro nangangahulugang may koneksiyon sila sa isa't isa.”

Hindi ko alam kung naniwala siya sa sinabi ko, ngunit lalong tumalim ang kaniyang tingin.

“Hindi ako nagtatanong tungkol sa ibang bata, Magenta. Tinatanong kita tungkol sa anak mo.”

Napalunok ako. Bago pa ako makasagot, biglang may masiglang tinig na umalingawngaw mula sa kabilang bahagi ng pasilyo.

“Dwight!”

Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses.

“Daddy Jared!” masayang sigaw ng aking anak.

Biglang kumawala si Dwight sa tabi ko at mabilis na tumakbo patungo sa lalaking papalapit sa amin.

“Anak, dahan-dahan!” natatawang sabi ng lalaki habang nakabuka ang mga bisig.

Hindi na nagdalawang-isip si Dwight. Mahigpit niyang niyakap ang mga binti ng lalaki bago iniangat ang kaniyang dalawang kamay, humihiling na kargahin siya. Agad naman siyang kinarga ng lalaki at inilagay sa kaniyang mga bisig.

“Daddy Jared! Hinintay kita!”

“Talaga ba?” natatawang tanong ni Jared habang inaayos ang pagkakakarga sa bata. “Akala ko ba mas gusto mong kasama si Mama mo ngayon?”

“Gusto ko rin kayong kasama pareho!” masiglang sabi ni Dwight sabay hagikhik.

Napangiti ako sa aking narinig. Si Jared. Ang pinsan kong naging isa sa pinakamalaking sandigan ko sa mga panahong pakiramdam ko ay wala na akong ibang maaasahan. Isa siya sa iilang taong nakakaalam ng mga pinagdaanan ko. Noong mga panahong halos hindi ko alam kung paano bubuuin muli ang aking buhay, hindi niya ako pinabayaan. Tinulungan niya akong harapin ang mga responsibilidad ko bilang isang ina at palagi siyang naroon kapag kailangan ko ng masasandalan.

At dahil napakalapit niya kay Dwight, nakasanayan na ng anak ko na tawagin siyang Daddy Jared. Hindi ko kailanman itinama iyon nang masyadong mahigpit. Bata pa si Dwight, at para sa kaniya, ang salitang iyon ay tanda lamang ng pagmamahal at pagiging malapit. Ngunit sa sandaling iyon, hindi ko maiwasang isipin kung paano maaaring bigyang-kahulugan ni Daemon ang kaniyang narinig. Lihim akong nakahinga nang maluwag.

Salamat naman.

Dumating si Jared sa tamang-tamang oras. Kung nagtagal pa nang ilang segundo ang pag-uusap namin ni Daemon, hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang kaniyang mga tanong.

“Magenta,” tawag ni Jared habang papalapit sa akin, karga pa rin si Dwight. “Pasensiya na at medyo natagalan ako. Kumusta ang Family Day ninyo?”

“Okay lang,” sagot ko, pilit na ngumiti. “Katatapos lang namin.”

Pagkatapos ay naalala kong hindi pa pala niya kilala ang lalaking nakatayo sa tabi namin.

“Ah, Jared, siya nga pala si Daemon Voss Buenavista. Siya ang bagong may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.”

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Jared. “Ah, siya pala iyon.”

Iniabot niya ang kaniyang libreng kamay kay Daemon.

“Magandang hapon, Sir Daemon. Ako si Jared Guzman pi-”

Bigla kong hinawakan ang kamay ni Jared kaya hindi nito naituloy ang kanyang sinasabi. Lalo na nang ngitian ko siya nang matamis saka medyo ako sumandal sa kanyang dibdib. Tinanggap ni Daemon ang kaniyang pakikipagkamay.

“Daemon Buenavista.”

Maikli lamang ang palitan nila ng mga salita, ngunit napansin kong hindi nawawala ang seryosong ekspresyon sa mukha ng aking dating asawa. Muli siyang tumingin kay Dwight. At sa pagkakataong iyon, mas malinaw kong nakita ang pagbabago sa kaniyang mga mata. Para bang may sinusubukan siyang patunayan sa sarili niya.

“Maganda ang pagpapalaki ninyo sa bata,” sabi ni Daemon pagkaraan ng ilang sandali.

Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung papuri ba iyon o may ibang kahulugan.

“Maraming salamat po,” sagot ko.

“Daddy Jared, gutom na ako,” biglang reklamo ni Dwight habang nakasandal sa balikat ng aking pinsan.

Napatawa si Jared.

“Aba, kanina ka pa ba nagugutom?”

“Oo! Sabi ni Mama, kakain kami pagkatapos ng Family Day.” tumatangong sagot ng akinv anak.

“O, kung ganoon, hindi na natin dapat patagalin.”

Humarap si Jared sa akin.

“Magenta, mauna na kami ni Dwight sa kotse. Doon na lang kami maghihintay sa iyo.”

Tumango ako.

“Sige. Susunod na lang ako.”

Ngunit bago pa tuluyang makalayo si Jared, narinig ko ang mahinang tinig ni Daemon.

“Jared.”

Huminto ang pinsan ko at lumingon.

“Sir?”

Saglit na pinagmasdan ni Daemon si Dwight, na abala namang nakatingin sa paligid.

“Gaano na katagal na magkasama kayo ni Magenta?”

Bahagyang kumunot ang noo ni Jared.

“Matagal na rin po, Sir. Bakit ninyo naitanong?”

“Wala lang. Nagtataka lamang ako.” mariing turan ni Daemon.

Hindi na nagtanong pa si Jared. Marahil ay inakala niyang karaniwang usisa lamang iyon mula sa bagong may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Ngumiti siya nang magalang.

“Kung ganoon, mauuna na kami. Magandang hapon po.” pamamaalam na ni Jared kay Daemon.

Tumango si Daemon. Muling inayos ni Jared ang pagkakakarga kay Dwight at naglakad patungo sa direksiyon ng paradahan.

“Bye, Mama!” sigaw ng aking anak habang kumakaway sa akin.

Kumaway rin ako.

“Mag-ingat kayo, anak!”

“Bili tayo ng pagkain, Daddy Jared!” excited na sabi ng aking anak habang papalayo sila ng aking pinsan.

“Oo na, oo na. Ikaw talaga ang unang nag-iisip ng pagkain.” Natawa si Dwight, at unti-unting nawala ang kanilang mga tinig sa pasilyo.

Nang mawala sila sa aking paningin, saka lamang ako nakaramdam ng kaunting ginhawa. Sa wakas, maaari na akong umalis. Kailangan kong makasama ang aking anak at makalayo kay Daemon bago pa niya ako tanungin ng mga bagay na hindi ko kayang sagutin.

Humarap ako sa kaniya at bahagyang yumuko.

“Sir Daemon, mauuna na rin po ako. Maraming salamat ulit sa paghatid ninyo sa akin kanina.”

Hindi pa ako nakakahakbang nang magsalita siya.

“Sandali, Magenta.”

Huminto ako. “Ano po iyon, Sir?”

Tumingin siya sa akin nang diretso.

“Si Jared ba ang ama ng anak mo?”

Napasinghap ako at natigilan, I held my breath saka ako napalunok. Alam kong bahagya akong nanginig subalit pinilit kong magtaas ng noo at tumitig ng diretso kay Daemon.

"Yes, si Jared ang ama ni Dwight!" Matapang kong sagot.

Nag-igting ang

panga ni Daemon, kumuyom ang kanyang mga kamao. Laglag ang mga balikat nitong tumalikod sa akin at walang imik na naglakad papalayo sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HIDING MY EX-HUSBAND'S HEIR    Chapter 5: The Blood Donor

    MAGENTA POVHindi ako pumasok sa trabaho kinabukasan.Paano ako makapagtatrabaho nang maayos kung ang buong mundo ko ay kasalukuyang nakahiga sa isang kama sa emergency room, nakakabit sa mga aparatong patuloy na sumusubaybay sa bawat tibok ng kaniyang puso?Magdamag akong nakaupo sa labas ng silid kung saan ginagamot si Dwight. Hindi ko alintana ang lamig ng air conditioner, ang sakit ng aking likod, o ang antok na paulit-ulit na nagpapabigat sa aking mga talukap. Ang tanging laman ng isip ko ay ang kaligtasan ng aking anak.Ang anak kong apat na taong gulang pa lamang. Ang batang araw-araw kong pinapangarap na lumaking malusog, masaya, at malayo sa anumang uri ng sakit. Ngunit ngayon, hindi ko man lamang alam kung ano ang magiging kalagayan niya sa mga susunod na oras.“Ma’am Magenta?”Agad akong napalingon nang marinig ang tinig ng doktor. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at halos madapa sa pagmamadali.“Doktor, kumusta na po ang anak ko?” Nanginginig ang aking tinig. “May nahan

  • HIDING MY EX-HUSBAND'S HEIR    Chapter 4: Nanganganib

    MAGENTA POVKinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga tanong na iniwan sa akin ni Daemon. Paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang seryosong ekspresyon niya nang makita si Dwight, gayundin ang paraan ng pagtatanong niya tungkol sa tunay na ama ng aking anak.Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon. Ngunit isang bagay ang malinaw sa akin, hindi ko maaaring hayaang mabunyag ang katotohanan hangga't hindi ako handa sa mga maaaring mangyari.“Magandang umaga, Magenta!”Napalingon ako sa aking katrabahong si Patricia.“Magandang umaga rin,” nakangiti kong sagot habang inilalagay ang aking bag sa mesa.“Ang aga mo ngayon, ah. May hinahabol ka bang deadline?”“Wala naman. Gusto ko lang magsimulang maaga.”Hindi ko na ipinaliwanag pa na halos buong gabi akong gising dahil sa pag-aalala. Inayos ko ang mga dokumentong kailangan kong suriin at binuksan ang aking computer. Sinubukan kong ituon ang aking pansin sa trabaho, ngunit hindi ko

  • HIDING MY EX-HUSBAND'S HEIR    Chapter 3: Who Is The Father?

    MAGENTA POV“Dahil gusto kong malaman kung bakit kamukhang-kamukha ko ang anak mo.”Napatigil ako sa sinabi ni Daemon. Pakiramdam ko ay biglang nawala ang lahat ng hangin sa paligid. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Dwight habang pilit na pinananatiling kalmado ang aking mukha. Hindi maaari! Hindi niya dapat malaman.Limang taon kong itinago ang katotohanang ito. Limang taon kong inalagaan ang aking anak nang mag-isa, tiniis ang lahat ng hirap, at itinayong muli ang buhay naming dalawa. Hindi ko hahayaang sirain ng pagbabalik ni Daemon ang katahimikang pinaghirapan kong makamit.“Maraming bata ang may pagkakahawig sa ibang tao, Sir,” maingat kong sagot. “Hindi naman po siguro nangangahulugang may koneksiyon sila sa isa't isa.”Hindi ko alam kung naniwala siya sa sinabi ko, ngunit lalong tumalim ang kaniyang tingin.“Hindi ako nagtatanong tungkol sa ibang bata, Magenta. Tinatanong kita tungkol sa anak mo.”Napalunok ako. Bago pa ako makasagot, biglang may masiglang tinig na umaling

  • HIDING MY EX-HUSBAND'S HEIR    Chapter 2: Unexpected Meet

    MAGENTA POVHindi ko alam kung gaano katagal kaming nagkatitigan ni Daemon. Ilang segundo lamang iyon, ngunit para sa akin, tila huminto ang oras. Nakatayo siya sa harap ko, suot ang kaniyang mamahaling itim na suit, habang ako naman ay pilit na pinananatiling kalmado ang aking sarili sa kabila ng kaguluhang nararamdaman ko.Limang taon.Limang taon kong hindi nakita ang mukha niya. Limang taon kong pinilit kalimutan ang mga alaalang iniwan niya sa akin. Limang taon kong inalagaan ang lihim na anak naming hindi niya kailanman nakilala. At ngayon, bigla siyang nagpakita sa harapan ko bilang bagong may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Mapagbiro talaga ang tadhana.“Magenta!”Napalingon ako nang marinig ang pabulong na tawag ng aking katrabaho.“Ang garland,” paalala niya habang bahagyang tinutulak ang aking siko. “Isuot mo na sa kaniya.”Agad akong natauhan. Nasa harap ko pa rin si Daemon, naghihintay. Napalunok ako bago piliting ngumiti at iniangat ang hawak kong kuwintas na bul

  • HIDING MY EX-HUSBAND'S HEIR    Chapter 1: Wedding VS. Divorce

    MAGENTA POVHindi ko kailanman inakala na ang lalaking minahal ko sa halos buong buhay ko ay magiging asawa ko balang araw.At lalong hindi ko inakalang ako rin ang magiging dahilan upang makalaya siya sa aming pagsasama.“Magenta,” mahinang tawag sa akin ng nakatatanda kong kapatid. Halos pabulong na lamang ang kaniyang tinig habang nakahiga siya sa kama ng ospital. “May hihilingin sana ako sa iyo. Isang huling pabor.”Nakaupo ako sa tabi niya, mahigpit na hawak ang kaniyang marupok na kamay. Si Millie Joy Oliveros ang pinakamalakas na taong nakilala ko. Isa siyang babaeng marunong ngumiti kahit tila lahat ng pagsubok sa mundo ay nakapatong sa kaniyang mga balikat.Ngunit ngayong nakahiga siya sa kama ng ospital, namumutla at halos wala nang lakas, pakiramdam ko ay unti-unting nadudurog ang puso ko.“Huwag mong sabihin iyan, Ate,” pilit kong sabi habang pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha. “Gagaling ka. Makakauwi rin tayo. Magkasama nating haharapin ang lahat, gaya ng dati.”M

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status