Share

37. TRAPPED SERIES#3

[Samantha]

"Ma'am, ang blooming mo lalo ngayon. Mas lalo kang gumanda."

Humawak siya sa pisngi na ngayon ay namumula na dahil sa papuri ni Lourdes sa kanya. May panunuksong tumingin ito sa kanya. "Halatang masaya ka ngayon, ma'am. Hindi pilit ang ngiti mo hindi katulad noong una." Dagdag pa ng babae.

Hindi mawala ang ngiti sa labi niya. Tama si Lourdes. Masaya nga siya ngayon--- at syempre dahil iyon kay Zandro.

Sa nakalipas na dalawang buwan niya rito sa isla ay tuluyan na siyang nahulog kay Zandro. Hindi na niya kaya pang kontrolin ang puso niya. Kaya ngayon ay hindi lang katawan niya ang naghahanap sa binata- maging ang puso rin niya.

Magkahawak kamay silang dalawa na nagtungo ni Zandro sa cabin.

Natigilan siya nang makita ang pagdilim ng mukha ng binata habang nakatingin sa unahan nila. Nang sundan niya ng tingin ang tinitingnan nito ay nakita niya ang isang lalaki.

Pumilig ang ulo niya.

Pamilyar ang mukha nang lalaki, pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status