Share

Chapter 38.4

Mabilis nga niyang sinagot ito at pagkatapos ay itinapat kaagad ang kaniyang cellphone sa kaniyang tenga.

“Hello?” isang baritonong tinig ang sumalubong sa kaniya at hindi pamilyar iyon sa kaniyang pandinig. Sino kaya ito? At ano ang kailangan nito sa kaniya.

“Sino to?” walang emosyong tanong niya rito.

Unti- unti nang bumibilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung bakit.

“Ito ba ang anak ni Maam Minerva Del Fuego?” tanong ng nasa kabilang linya.

Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa tanong nito ng mga oras na iyon. Siya ba ang hinahanap nito o iba? Pero anak ni Minerva Del Fuego? Siya iyon, pero hindi lang naman siya ang anak nito.

“Ako nga.” iyon na lamang ang naisagot niya at mas lalong naging curious pa siya lalo kung sino ba ito.

“Ako ang imbestigador na kinuha noon ng iyong ina, may isang text message akong ipapasa sayo galing kay Bill at tungkol sa mga anak mo.” sabi nito na ikinapanlaki ng mga mata niya.

Umahon ang galit sa dibdib ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status