LOGINMADELINE POV...
Huminto ako at lumingon sa kanya. "Lumayo ka nga..." utos ko.
"Sorry but I can't..." ngising-ngisi niyang sabi..
Napatitig ako sa kanya. Agad na nag usal sa isip ko ang dasal:
Patawarin niyo po sana ang lalaking ito sapagkat hindi niya po alam ang kanyang ginagawa...
Huminga ako ng malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. Pero agad bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Matagal at walang hiya. Dahilan para mabilis kong pinagkrus ang braso ko sa dibdib ko, mahigpit na mahigpit, parang pinoprotektahan ang sarili mula sa mapanuksong mga mata niya. Parang walang respeto sa damit ko, sa belo ko, sa krus na nakasabit sa leeg ko.
"A-ang mata mo?!" sita ko nang mahina, halos pabulong na dahil sa matinding hiya na bumabalot sa buong katawan ko. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko hanggang sa mga tainga. Parang gusto kong maglaho na lang sa kahihiyan. Parang gusto kong tumakbo pabalik sa kwarto ko at magkulong doon hanggang sa makalimutan ko ang nakakailang niyang tingin.
Tumawa si Kade nang mahina, yung tawa na puno ng kasiyahan sa reaksyon ko.
"Pasensya na, Madeline. Hindi ko sinasadya...." Aniya nakangisi halatang hindi sincere..
Mas humigpit pa ang pagkakakrus ng braso ko. Hindi ko magawang tingnan siya nang diretso sa mata. Sa halip, tumagilid ako, pasimpleng tumingin sa paligid.
Lumapit siya
nang kaunti, pero hindi sobrang lapit na parang nakadikit.
"Relax..." bulong niya, ang boses ay mababa at mapang-akit. "Bakit ka ba na-te-tensed? Gusto ko lang naman makita 'yung totoong Madeline kapag wala nang harang 'to."
Sabay hinaplos niya ng daliri niya ang gilid ng belo ko. Mahina lang, pero parang may kuryente na dumaan sa balat ko.
Naikuyom ko ang kamao ko nang mahigpit. Gusto kong sigawan siya, gusto kong itulak siya palayo, pero natatakot akong gumawa ng ingay na baka may makarinig.
"Pwede bang umalis ka na, Kade? Sige na... bago pa may makakita sa atin at pag-usapan tayo," pakiusap ko na, ang boses ko ay medyo nanghihina na at puno ng pagmamakaawa.
Ngumiti siya nang matamis, pero nanatili ang manyakis at mapangahas na kislap sa mga mata niya.
"Sige... pero bukas, kailangan mong sumama sa akin."
"Ha!!? H-hindi ako pwedeng lumabas...pasensya na..."
"Sasama ka sakin bukas.." ngising ngisi niyang Sabi..
Tumalikod siya at naglakad palayo nang hindi na ako sinasagot pa. Pero bago tuluyang lumabas sa p***o ng chapel, lumingon pa siya, kinindatan ako, at ngumisi nang pilyo.
Naiwan akong nakatayo doon, braso pa rin nakakrus sa dibdib, at ang puso ko ay mabilis na tumitibok na parang takbuhan ng kabayo.
Napahawak ako sa krus ko. Mainit na mainit ang mukha ko pa rin. Kahit wala na siya, parang naiiwan pa rin ang tingin niya sa dibdib ko. Walang hiya. Matapang. Parang gustong hubaran ako ng tingin.
Demonyo nga talaga yun...
Jusko, bigyan Niyo po ako ng lakas. ilayo Niyo po ako sa lalaking 'yun... Bago pa siya tuluyang sirain ang katahimikan na matagal ko nang hinanap.
THIRD POV...
Pumasok si Kade sa malaking opisina ni Mayor Montemayor na parang bahay niya na.
"Mayor!" nakangiting bati niya kahit hindi pa siya pinapaupo. Mabilis siyang umupo sa leather chair sa harap ng malaking mesa, legs crossed, parang hari.
Sa loob ng opisina ay naroon ang anim na personal bodyguard ng alkalde. Lahat sila ay nakatayo sa gilid, matatangkad, malalakas, at masamang tingin ang nakaturo kay Kade. Parang handa silang sumugod anumang oras.
"Tama ba na ganyan ka bumati Kaya mayor?!" sigaw ng isa sa kanila, si Alex, ang pinuno ng seguridad, ang may pinakamataas na ranggo.
Si Mayor Montemayor ay tahimik lang na nakaupo sa kanyang malaking upuan, nakatitig sa mga tauhan niya. Anim na tao lahat ay bihasa sa martial arts, baril, at street fighting. Pinakamahuhusay niya.
"Ano naman ngayon?" walang emosyon na tanong ni Kade habang nakasandal sa upuan.
"Aba't gago ka ah!" sigaw ni Alex. Mabilis niyang binunot ang baril at itinutok diretso sa ulo ni Kade.
Hindi man lang natinag si Kade. Tinitigan lang niya nang deretsahan ang lalaki, may mapanghamak na ngiti sa labi.
"Ituloy mo..." nakangising sabi niya. "Iputok mo."
Titig na titig. Walang takot. Parang inuudyukan pa niya ang bodyguard.
Si Mayor Montemayor ay maikling tumango, gusto niyang subukin talaga ang kakayahan ni Kade. Ito ang test.
Napikon nang husto si Alex. Akmang ipuputok na niya ang baril nang biglang gumalaw si Kade isang mabilis na wasiwas ng paa. Tumalsik ang baril sa ere at halos dumaplis sa mukha ni Mayor na gulat na gulat at napayuko.
Nagsimula ang labanan. Anim na lalaki laban sa isa.
Si Kade ay Maliksing gumalaw..
Isang sipa sa mukha ng isa, suntok sa sikmura ng isa pa, maliksi at nakamamatay na mga atake. Halos hindi siya matamaan. Parang nahuhulaan niya ang bawat galaw nila.
Baligbag dito, baligbag Doon.
Ang mayor nagtago sa ilalim Ng mesa..
Naglabas siya ng patalim, hindi rin siya nag-atubili. Pero hindi niya pinatay ang mga ito. Ang mga saksak niya ay sadyang nakatuon lamang sa kamay, braso, at hita - sapat para magdugo at hindi na makabangon, pero hindi sapat para makapatay.
Ilang minuto pa lamang ay ang anim na bodyguard ay nasa sahig na, umuungol sa sakit, duguan, at hindi na makatayo.
"Tsk. Ito na ba 'yung pinakamagagaling mo?" mayabang na tanong ni Kade kay Montemayor habang sinisilip ito sa ilalim ng mesa..
Ang alkalde na natulala at nagtago sa ilalim ng mesa ay unti-unting lumabas. Nakatingin siya kay Kade na puno ng paghanga at bahagyang takot.
"A-ang galing mo..." sabi niya habang tumatayo at inaayos ang damit. "Bagay ka talaga sa anak ko! Protektahan mo si Madeline... at kung kailangan, kunin mo siya doon. Ayaw kong maging madre ang anak ko. Gusto ko siyang mag-asawa at magkaroon ng buhay sa labas ng kumbento."
Ngumisi si Kade.
"Deal, Mayor. Pero sa kondisyon ko - walang pakialamanan sa kung paano ko siya kunin."
Kumunot ang noo ng mayor. Unti-unting nawala ang paghanga sa mukha niya at napalitan ng pag-aalinlangan.
Napangiwi itong ngumiti.
Parang bigla siyang nagsisi sa mga sinabi niya.
"Teka lang..." aniya habang dahan-dahang itinataas ang isang daliri. "Noong sinabi kong kunin mo siya, ang ibig kong sabihin ay ligawan mo nang maayos, ha?"
Ngumisi si Kade at lalo pang kumunot ang noo ng mayor, pabulong na nagsalita..
"Bakit pakiramdam ko may masama akong desisyong ginawa ngayon?"
Lalong lumapad ang ngisi ni Kade.
At doon tuluyang kinabahan ang mayor.
"Sandali... Lang...hindi mo naman siguro balak gawan ng kalokohan ang anak ko?"
"Depende sa definition mo ng kalokohan, Mayor." Sagot ni kade..
Napapikit ang mayor at napahawak sa dibdib.
"Diyos ko po. Mas mabuti pang mag madre na lang yata ang anak ko."
Napakaganda ng umaga sa loob ng kumbento. Ang kalangitan ay maaliwalas, kulay asul na parang pininturahan, at ang simoy ng hangin ay malamig at puno ng amoy ng basa na damo at bulaklak mula sa hardin. Parang binabati ng buong mundo ang bagong araw.Bakit ba ang peaceful ng ganitong umaga... pero bakit parang may kung anong kakaiba akong nararamdaman? Parang may mangyayaring hindi maganda...Maingat akong lumakad sa mahabang corridor ng kumbento. Ang malalaking arched windows ay bukas, nagpapasok ng malakas na hangin na nagpapasayaw sa mga puting kurtina. Mahaba ang aking damit pang-madre - puti na may gray na laylayan - na hanggang bukung-bukong. Disente at mahigpit ang suot ko, tulad ng lagi.Habang naglalakad, napansin ko ang isang tuyong dahon na nakadapo sa gitna ng makinis na sahig. Siguro nilipad ng hangin mula sa labas. Yumuko ako nang dahan-dahan, iniabot ang kamay ko para pulutin ito.Kasabay noon ay isang malakas na bugso ng hangin ang dumaan. Malakas. Bigla. Dahilan para Um
MADELINE POV...Huminto ako at lumingon sa kanya. "Lumayo ka nga..." utos ko."Sorry but I can't..." ngising-ngisi niyang sabi..Napatitig ako sa kanya. Agad na nag usal sa isip ko ang dasal:Patawarin niyo po sana ang lalaking ito sapagkat hindi niya po alam ang kanyang ginagawa...Huminga ako ng malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. Pero agad bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Matagal at walang hiya. Dahilan para mabilis kong pinagkrus ang braso ko sa dibdib ko, mahigpit na mahigpit, parang pinoprotektahan ang sarili mula sa mapanuksong mga mata niya. Parang walang respeto sa damit ko, sa belo ko, sa krus na nakasabit sa leeg ko."A-ang mata mo?!" sita ko nang mahina, halos pabulong na dahil sa matinding hiya na bumabalot sa buong katawan ko. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko hanggang sa mga tainga. Parang gusto kong maglaho na lang sa kahihiyan. Parang gusto kong tumakbo pabalik sa kwarto ko at magkulong doon hanggang sa makalimutan ko ang nakakailang niyang tingin.Tu
THIRD POV..."What's up!!" Bati ni Kade kay Vaughn habang iniaabot ang isang bote ng beer sa kanya.Ngumiti lang si Vaughn, isang tipid na ngiti na hindi umabot sa mga mata. Muling tumingin siya sa malayo, sa madilim na kalye sa ibaba ng rooftop nila kung saan sila nag-iinuman ngayon. Parang ang bigat ng buong mundo ay nakasandig sa mga balikat niya."Tsk... okay lang yan..." sabi ni Kade habang tinatapik ang balikat ni Vaughn. Naiiling siya pero halata sa mukha niya ang simpatya sa kaibigan. Alam niyang may problema ito."Ilang araw na ba siyang wala?" tanong ni Kade pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan."Apat na araw na.." mahinang sagot ni Vaughn habang nakatingin pa rin sa kawalan.Bumaling siya kay Kade, seryoso na ang mukha iniba ang topic... "Tinuloy mo yung pagiging bodyguard?""Oo, maganda pre. Panalo.." nakangising sabi ni Kade tapos inum ng beer. "Hindi ko inexpect na gan'un pala 'kaganda yun, kala ko photogenic."dagdag pa niyaTsk, madre 'yun... ikaw talaga," sabi
THIRD POV..Earlier that day..."Ikuha mo ako ng isang mahusay na bodyguard para sa anak ko na nasa kumbento," malamig na utos ni Ricardo, ang ama ni Madeline, isang makapangyarihang mayor.Katatapos lamang niyang makaligtas sa isang pagtatangkang pag-assassinate. Suwerte niya at mabilis siyang nailikas ng kanyang mga tauhan, ngunit alam niyang hindi iyon ang huli.Akmang lalabas na ang kanyang secretary nang muli siyang magsalita."At siguraduhin mo..." sandaling huminto si Ricardo, tila may iniisip.Napalingon ang secretary."Gusto ko, bukod sa magaling-gwapo, matangkad, at madiskarte."Bahagyang natigilan ang secretary sa sinabi niya, ngunit agad ding tumango."Opo, Mayor."Pagkalabas ng secretary, naiwan si Ricardo sa loob ng kanyang opisina.Tahimik.Nakatingin lamang siya sa larawan ng kanyang anak na si Madeline."Madeline..." mahina niyang bulong.Nag-iisa niyang anak.Sa kabila ng kanyang imahe bilang isang corrupt na politiko, hindi kailanman nagkaroon si Ricardo ng ibang ba
MADELINE POV..Maingat kong pinagmasdan ang aking kasuotan. Ngayon ang unang linggo ko rito.Nakasuot ako ng simpleng navy blue na damit na umaabot hanggang bukung-bukong. Nakalagay sa ulo ko ang puting belo, at nakasabit sa aking leeg ang isang maliit na pilak na krus. Sa bawat hakbang ko sa loob ng kumbento, tila may katahimikang yumayakap sa aking puso isang katahimikang matagal ko nang hinanap.Sister Madeline.Napangiti ako nang mahina.Ang sarap pakinggan.Ako si Madeline Montemayor, Dalawampu't dalawang taong gulang na ako, at sigurado ako sa landas na gusto kong tahakin. Pangarap ko noon pa man ang maging madre.Isa pa lamang akong novice. Noong nakaraang linggo lang ako lumipat sa kumbentong ito upang simulan ang panibagong yugto ng aking buhay.Ayon sa mga nakatatanda, aabutin pa ng anim hanggang sampung taon ang pagsasanay bago ako tuluyang maging ganap na madre.At handa akong hintayin iyon.Mas pinili ko ang buhay na ito kaysa sa mundong iniwan ko.Ang ama ko ay isang mak







