LOGINNapakaganda ng umaga sa loob ng kumbento. Ang kalangitan ay maaliwalas, kulay asul na parang pininturahan, at ang simoy ng hangin ay malamig at puno ng amoy ng basa na damo at bulaklak mula sa hardin. Parang binabati ng buong mundo ang bagong araw.
Bakit ba ang peaceful ng ganitong umaga... pero bakit parang may kung anong kakaiba akong nararamdaman? Parang may mangyayaring hindi maganda...
Maingat akong lumakad sa mahabang corridor ng kumbento. Ang malalaking arched windows ay bukas, nagpapasok ng malakas na hangin na nagpapasayaw sa mga puting kurtina. Mahaba ang aking damit pang-madre - puti na may gray na laylayan - na hanggang bukung-bukong. Disente at mahigpit ang suot ko, tulad ng lagi.
Habang naglalakad, napansin ko ang isang tuyong dahon na nakadapo sa gitna ng makinis na sahig. Siguro nilipad ng hangin mula sa labas. Yumuko ako nang dahan-dahan, iniabot ang kamay ko para pulutin ito.
Kasabay noon ay isang malakas na bugso ng hangin ang dumaan. Malakas. Bigla. Dahilan para Umangat nang bahagya ang laylayan ng damit ko, halos hanggang kalagitnaan ng hita. Mabilis kong hinawakan ito, pero alam kong may nakakita na.Narining ko ang mahinang pagbulong sa likuran ko.
"Tsk... balot na balot na nga, pati Pala sa ilalim Nakapajama pa. Sayang naman," bulong ng pamilyar na boses sa likuran ko.
Mabilis akong tumayo at humarap..
Si kade
Nakatayo siya roon, nakasandal sa pader na may walang-pakialam na postura. Matangkad siya, may mahaba at medyo magulong itim na buhok na nahahampas ng hangin, matalas na mga mata na kulay grey na puno ng kalokohan, at isang nakakainis na ngisi sa manipis niyang labi.
Ang panga ay perpekto, at ang puting t-shirt niya ay sakto lang para bumakat sa malapad niyang dibdib at braso.
Halata ang mga ugat sa kanyang braso habang naka-crossed ang mga ito. Parang sinadya niyang magmukhang mapanganib at kaakit-akit nang sabay.
Halatang nakatitig siya sa akin kanina pa."A-ano'ng ginagawa mo dito?!" utal kong tanong habang sapo ang dibdib ko.
"Hindi ka dapat nandito! Ito ay kumbento, sagrado ito!".
Ngumisi siya nang mas malawak, parang natutuwa sa reaksyon ko. humakbang siya palapit, hindi masyadong malapit pero sapat para maramdaman ko ang presensya niya.
"Relax, Sister," sabi niya nang mahina at mababa ang boses.
"Akala ko talaga, makikita ko na ang kulay ng panty mo. Ang ganda pa naman ng hangin kanina, parang sinadya, parang tinulungan ako ng kalikasan. Tapos lumabas... pajama? Seriously? Ganyan ba talaga ka-strict ang order sa inyo?"
Namula ako nang todo. Parang nag-init ang buong mukha ko hanggang sa tainga.
Bakit ba ang bastos niya! Parang gusto kong maglaho na lang bigla.Tumingin ako sa paligid, walang ibang madre, walang estudyante, walang sinuman. Tanging kaming dalawa lang sa mahabang corridor na ito. Kahit kailan, laging siya ang lumalabas sa pinaka-hindi angkop na oras.
"Umalis ka na, Kade. Kung may makakita sa'yo rito, magkakaproblema ako," pakiusap ko habang iniwasan ang tingin niya.
Pero hindi siya natinag. Sa halip, tumawa siya nang mahina, yumuko nang bahagya para mag pantay ang tingin namin.
"Problema? Lagi kitang nakikita dito, ang hirap mong iwasan. Tapos kapag may hangin, lagi mo namang hinahawakan agad ang damit mo. Parang ayaw mong bigyan ako ng konting reward sa paghihintay ko," dugtong niya habang pababa nang pababa ang tingin niya sa katawan ko, mula sa mukha ko pababa sa dibdib, tapos sa laylayan ng damit.
"Pero alam ko namang maputi ang binti mo... kahit nakapajama ka, kita pa rin ang shape. Imagine kung wala kang suot diyan sa ilalim... grabe, Sister. Baka hindi na ako makaalis dito."
"Bastos!!" Inis at mahina kong singhal dito..
Ngumisi siya...
Jusko, bakit ba ang dumi ng isip niya?
Ipiniikit ko nang mariin ang mga mata ko. Huminga nang malalim. Alisin Mo po siya. Tanggalin mo po ang demonyo na ito sa harap ko...
Nang dilat ko ang mga mata-
"BAAAAAHHH!!!"mahina niyang panggugulat, parang nanggugulat na bata.
Nakaharap na siya, sobrang lapit, halos magkadikit na ang ilong namin.
"Kyaaah!" sigaw ko habang napaatras at napahawak sa dingding. Halos matumba ako sa gulat.
Tumawa si Kade nang malakas, parang sobrang nasiyahan sa reaksyon ko.
"Ang cute mo naman, Sister," sabi niya habang pinipigilan ang tawa.Mabilis akong tumalikod, halos takbuhin ang mahabang corridor.
"Oy, Sister! Sunduin kita mamaya ahh!" sigaw ni Kade sa likuran ko, malakas at puno ng kumpiyansa. "Itatanan na kita! Isama kita sa labas, paiinitin natin 'yang malamig na buhay mo!"
Hindi ko pinansin. Hindi ko kayang lingunin siya. Dire-diretsong tumakbo ako patungo sa dulo ng corridor at pumasok sa chapel. Isinara ko nang bahagya ang mabigat na p***o, huminga nang malalim, at lumuhod sa harap ng altar.
Ang lakas ng tibok ng puso ko... Ang bastos niya. Ang yabang niya.
THIRD PERSON POV
"Grabe... nakakagigil naman 'yun," bulong ni Kade sa sarili habang nakatingin sa direksyon kung saan tumakbo ang dalaga. Nakangisi siya, ang matalas na mga mata na puno ng hamon at pagnanasa.
Ang kanyang itim na buhok ay medyo magulo dahil sa hangin, ang puting t-shirt ay hinahangin bumabakat ang malapad niyang dibdib at braso, at ang faded jeans ay nagpapakita ng mahaba at malakas niyang mga binti.
Hindi pa rin nawawala ang nakakalibog na ngisi sa kanyang manipis na labi.
Dinukot niya ang phone sa bulsa, tinawagan agad ang ama ni Madelaine - ang mayor.
"Mayor! Good morning!" masigla at mayabang na bungad ni Kade.
"Kade! Ikaw pala. Kumusta ang anak ko? Kumusta ang pangliligaw mo diyan?" tanong ng mayor sa kabilang linya, halatang natutuwa.
"Okay lang naman, Mayor," sagot ni Kade habang naglalakad papalabas ng kumbento.
"Mukhang mahal na ako ng anak niyo. Namumula siya kanina nang sobra. Parang lalong sumasarap ligawan."
"Good! Good! Tuloy-tuloy mo lang, ha? Huwag kang susuko!"
"Siyempre, Mayor. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahawakan ang anak niyo," sabi ni Kade nang may malaking ngisi, ang boses ay puno ng double meaning.
Sandaling natahimik ang mayor.
"Ahhh... ehhh... anong klaseng 'hawak' 'yan? Hindi naman siguro gagawan mo ng masama ang anak ko, 'no?" may bahid na pag-aalala ang boses ng matanda.
Natawa si Kade nang mahina. "Naku, Mayor... don't worry. I'll be gentle. Very gentle. Pangako."
"Ha?! Kade, wait -"
Pinutol na agad ni Kade ang tawag. Tinago niya ang phone at lumabas na ng kumbento.
Walang sinuman ang nakakita sa kanya.
Tumakbo siya patungo sa mataas na pader sa likod ng bakuran. Sa isang malakas na talon, napalampas niya ang pader gamit ang kanyang mahaba at malakas na mga binti.
Bumaba siya nang maayos sa kabilang side kung saan nakaparada ang kanyang itim na motor.
Sumakay siya, ini-start ang makina, at bago umalis ay nilingon muna siya sa direksyon ng chapel.
"Maghintay ka, Madelaine... mamaya, sunduin talaga kita," bulong niya sa hangin bago pinaharurot ang motor palayo, nag-iiwan ng alikabok at ingay sa likuran.
Napakaganda ng umaga sa loob ng kumbento. Ang kalangitan ay maaliwalas, kulay asul na parang pininturahan, at ang simoy ng hangin ay malamig at puno ng amoy ng basa na damo at bulaklak mula sa hardin. Parang binabati ng buong mundo ang bagong araw.Bakit ba ang peaceful ng ganitong umaga... pero bakit parang may kung anong kakaiba akong nararamdaman? Parang may mangyayaring hindi maganda...Maingat akong lumakad sa mahabang corridor ng kumbento. Ang malalaking arched windows ay bukas, nagpapasok ng malakas na hangin na nagpapasayaw sa mga puting kurtina. Mahaba ang aking damit pang-madre - puti na may gray na laylayan - na hanggang bukung-bukong. Disente at mahigpit ang suot ko, tulad ng lagi.Habang naglalakad, napansin ko ang isang tuyong dahon na nakadapo sa gitna ng makinis na sahig. Siguro nilipad ng hangin mula sa labas. Yumuko ako nang dahan-dahan, iniabot ang kamay ko para pulutin ito.Kasabay noon ay isang malakas na bugso ng hangin ang dumaan. Malakas. Bigla. Dahilan para Um
MADELINE POV...Huminto ako at lumingon sa kanya. "Lumayo ka nga..." utos ko."Sorry but I can't..." ngising-ngisi niyang sabi..Napatitig ako sa kanya. Agad na nag usal sa isip ko ang dasal:Patawarin niyo po sana ang lalaking ito sapagkat hindi niya po alam ang kanyang ginagawa...Huminga ako ng malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. Pero agad bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Matagal at walang hiya. Dahilan para mabilis kong pinagkrus ang braso ko sa dibdib ko, mahigpit na mahigpit, parang pinoprotektahan ang sarili mula sa mapanuksong mga mata niya. Parang walang respeto sa damit ko, sa belo ko, sa krus na nakasabit sa leeg ko."A-ang mata mo?!" sita ko nang mahina, halos pabulong na dahil sa matinding hiya na bumabalot sa buong katawan ko. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko hanggang sa mga tainga. Parang gusto kong maglaho na lang sa kahihiyan. Parang gusto kong tumakbo pabalik sa kwarto ko at magkulong doon hanggang sa makalimutan ko ang nakakailang niyang tingin.Tu
THIRD POV..."What's up!!" Bati ni Kade kay Vaughn habang iniaabot ang isang bote ng beer sa kanya.Ngumiti lang si Vaughn, isang tipid na ngiti na hindi umabot sa mga mata. Muling tumingin siya sa malayo, sa madilim na kalye sa ibaba ng rooftop nila kung saan sila nag-iinuman ngayon. Parang ang bigat ng buong mundo ay nakasandig sa mga balikat niya."Tsk... okay lang yan..." sabi ni Kade habang tinatapik ang balikat ni Vaughn. Naiiling siya pero halata sa mukha niya ang simpatya sa kaibigan. Alam niyang may problema ito."Ilang araw na ba siyang wala?" tanong ni Kade pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan."Apat na araw na.." mahinang sagot ni Vaughn habang nakatingin pa rin sa kawalan.Bumaling siya kay Kade, seryoso na ang mukha iniba ang topic... "Tinuloy mo yung pagiging bodyguard?""Oo, maganda pre. Panalo.." nakangising sabi ni Kade tapos inum ng beer. "Hindi ko inexpect na gan'un pala 'kaganda yun, kala ko photogenic."dagdag pa niyaTsk, madre 'yun... ikaw talaga," sabi
THIRD POV..Earlier that day..."Ikuha mo ako ng isang mahusay na bodyguard para sa anak ko na nasa kumbento," malamig na utos ni Ricardo, ang ama ni Madeline, isang makapangyarihang mayor.Katatapos lamang niyang makaligtas sa isang pagtatangkang pag-assassinate. Suwerte niya at mabilis siyang nailikas ng kanyang mga tauhan, ngunit alam niyang hindi iyon ang huli.Akmang lalabas na ang kanyang secretary nang muli siyang magsalita."At siguraduhin mo..." sandaling huminto si Ricardo, tila may iniisip.Napalingon ang secretary."Gusto ko, bukod sa magaling-gwapo, matangkad, at madiskarte."Bahagyang natigilan ang secretary sa sinabi niya, ngunit agad ding tumango."Opo, Mayor."Pagkalabas ng secretary, naiwan si Ricardo sa loob ng kanyang opisina.Tahimik.Nakatingin lamang siya sa larawan ng kanyang anak na si Madeline."Madeline..." mahina niyang bulong.Nag-iisa niyang anak.Sa kabila ng kanyang imahe bilang isang corrupt na politiko, hindi kailanman nagkaroon si Ricardo ng ibang ba
MADELINE POV..Maingat kong pinagmasdan ang aking kasuotan. Ngayon ang unang linggo ko rito.Nakasuot ako ng simpleng navy blue na damit na umaabot hanggang bukung-bukong. Nakalagay sa ulo ko ang puting belo, at nakasabit sa aking leeg ang isang maliit na pilak na krus. Sa bawat hakbang ko sa loob ng kumbento, tila may katahimikang yumayakap sa aking puso isang katahimikang matagal ko nang hinanap.Sister Madeline.Napangiti ako nang mahina.Ang sarap pakinggan.Ako si Madeline Montemayor, Dalawampu't dalawang taong gulang na ako, at sigurado ako sa landas na gusto kong tahakin. Pangarap ko noon pa man ang maging madre.Isa pa lamang akong novice. Noong nakaraang linggo lang ako lumipat sa kumbentong ito upang simulan ang panibagong yugto ng aking buhay.Ayon sa mga nakatatanda, aabutin pa ng anim hanggang sampung taon ang pagsasanay bago ako tuluyang maging ganap na madre.At handa akong hintayin iyon.Mas pinili ko ang buhay na ito kaysa sa mundong iniwan ko.Ang ama ko ay isang mak







