Se connecterKade Knightbane, 28, is an arrogant, mischievous assassin. He has never believed in love, until he is hired by Mayor Rodolfo Montemayor to protect his only daughter. Madeline Montemayor, 20, is innocent, sheltered, and devoted to the church. As the mayor’s daughter, she has been preparing to become a nun, determined to offer her life to God and remain untouched by the world outside the convent. Kade meets Madeline while protecting her inside the convent. At first, he is fascinated by her modest and gentle nature. But fascination soon turns into an obsession he can no longer control. When the mayor’s enemies threaten Madeline’s life, Kade makes a dangerous decision. Instead of keeping her in the convent, he kidnaps her and hides her in his private room, believing that possessing her is the only way to keep her alive. Madeline hates him for taking away her freedom. Yet as days pass, she begins to see the man behind the ruthless assassin. Despite everything, feelings slowly grow between them. But their forbidden relationship comes with a devastating price. When Madeline tries to escape, an accident leads to the loss of their child, leaving both of them shattered. Realizing that his obsession has only caused Madeline pain, Kade chooses to let her go. Three years later, they meet again. Madeline has abandoned her dream of becoming a nun and is engaged to another man. Kade believes he has lost her forever. But seeing him again awakens the love she tried to bury. Madeline knows she cannot marry another man while her heart still belongs to Kade. Now, she must choose between the life she promised herself and the man she never truly stopped loving. And this time, Kade must prove that loving Madeline means giving her the freedom to choose him.
Voir plusMADELINE POV..
Maingat kong pinagmasdan ang aking kasuotan. Ngayon ang unang linggo ko rito.
Nakasuot ako ng simpleng navy blue na damit na umaabot hanggang bukung-bukong. Nakalagay sa ulo ko ang puting belo, at nakasabit sa aking leeg ang isang maliit na pilak na krus. Sa bawat hakbang ko sa loob ng kumbento, tila may katahimikang yumayakap sa aking puso isang katahimikang matagal ko nang hinanap.
Sister Madeline.
Napangiti ako nang mahina.
Ang sarap pakinggan.
Ako si Madeline Montemayor, Dalawampu't dalawang taong gulang na ako, at sigurado ako sa landas na gusto kong tahakin. Pangarap ko noon pa man ang maging madre.
Isa pa lamang akong novice. Noong nakaraang linggo lang ako lumipat sa kumbentong ito upang simulan ang panibagong yugto ng aking buhay.
Ayon sa mga nakatatanda, aabutin pa ng anim hanggang sampung taon ang pagsasanay bago ako tuluyang maging ganap na madre.
At handa akong hintayin iyon.
Mas pinili ko ang buhay na ito kaysa sa mundong iniwan ko.
Ang ama ko ay isang makapangyarihang politician at isa ring taong nababalot ng katiwalian. Bata pa lamang ako, nasaksihan ko na ang mga bagay na hindi dapat makita ng isang anak. Mga lihim, kasinungalingan, at mga kasunduang ginawa kapalit ng kapangyarihan.
Ayoko nang manatili sa bahay na iyon.
Ayoko nang mabuhay sa mundong puno ng kasakiman.
Kaya pinili ko ang katahimikan ng kumbento.
Nag-iisang anak lamang ako ng alkalde, at hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng aking ama ang naging pasya ko. Ilang beses niya akong sinubukang pigilan, ngunit hindi niya kailanman nabago ang isip ko.
Dahil ito ang gusto ko.
Ito ang pinangarap ko noon pa man.
Humawak ako sa maliit na krus na nakasabit sa aking leeg at marahang pumikit.
Araw-araw kong ipagdarasal ang aking mga magulang.
Ipananalangin ko ang kaluluwa ng aking ama, na sana'y matagpuan niya ang tamang landas bago pa maging huli ang lahat.
At pati na rin ang aking ina, na mas madalas pang nasa ibang bansa kaysa sa aming tahanan abala sa mga bakasyon, mamahaling gamit, at marangyang pamumuhay.
Sa kabila ng lahat, mahal ko pa rin sila.
At bilang anak nila, iyon marahil ang pinakamaliit na bagay na kaya kong gawin.
Ang ipagdasal sila.
Araw-araw.
Hanggang sa marinig ng Diyos ang mga panalanging hindi nila kayang sambitin para sa kanilang sarili.
"Sister Madeline, pinapatawag ka ni Mother Lorena."
"Sige po," magalang kong sagot bago tumayo.
Agad akong naglakad patungo sa opisina ng Mother Superior. Habang papalapit, hindi ko maiwasang kabahan. Isang linggo pa lamang ako sa kumbentong ito at bihira akong ipatawag ng mga nakatataas.
Pagdating sa harap ng p***o, marahan akong kumatok.
"Come in."
Dahan-dahan kong binuksan ang p***o at pumasok.
Nadatnan ko si Mother Lorena na nakaupo sa likod ng malaking mesa. Sa kabila ng kanyang edad, nananatiling matalim at mapanuri ang kanyang mga mata.
"Good morning, Mother."
"Good morning, Sister Madeline."
Magalang akong yumuko bago umupo sa bakanteng upuan sa harap niya.
Ilang sandali niya akong pinagmasdan na para bang may malalim siyang iniisip.
"Kumusta ang unang linggo mo rito?"
"Maayos naman po, Mother. Marami pa po akong kailangang matutunan, pero ginagawa ko po ang lahat ng aking makakaya."
Tumango siya.
"Maganda. Dahil may nais sana akong ipagawa sa iyo."
Bahagya akong napakunot-noo.
"Ako po?"
"Oo."
Binuksan niya ang isang folder na nasa ibabaw ng kanyang mesa.
"May darating na panauhin mamayang hapon. Isa siyang malaking donor ng simbahan at ng kumbentong ito. Nais kong ikaw ang maglibot sa kanya sa buong lugar."
Bahagya akong natigilan.
"Ako po?"
"May problema ba roon, Sister?"
"Wala naman po, Mother. Nagulat lang po ako."
Muli siyang tumango bago isinara ang folder.
"Huwag kang mag-alala. Simpleng paglilibot lamang."
Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan.
Parang may nagsasabing hindi magiging ganoon kasimple ang araw na ito.
Tahimik akong nakinig habang nagsasalita si Mother Lorena.
"Ang panauhin na ito ay mananatili rito nang ilang araw. Hiling ng kanyang employer na manatili siyang malapit sa kumbento habang may inaasikasong pribadong usapin."
Bahagya akong tumango.
"Naiintindihan ko po, Mother."
"At dahil bago ka rito, magandang pagkakataon ito para mas makilala mo rin ang komunidad."
"Opo."
Ngunit hindi pa rin mawala ang kakaibang kaba sa aking dibdib.
May kung anong pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.
Matapos ang pag-uusap ay nagpaalam na ako at lumabas ng opisina.
Pagdating ng hapon, inatasan akong salubungin ang panauhin sa harap ng kumbento.
Tahimik akong naghihintay sa ilalim ng lilim ng malaking puno nang marinig ko ang pagdating ng isang itim na sasakyan.
Huminto ito sa tapat ng gate.
Agad bumaba ang isang matandang lalaki na nakasuot ng mamahaling suit.
Kasunod niya ang isang matangkad na binata.
Nanigas ako.
Hindi dahil kilala ko siya.
Kundi dahil sa paraan ng kanyang pagtayo.
Masyadong alerto.
Masyadong mapagmasid.
Parang bawat kilos sa paligid ay sinusuri ng kanyang mga mata.
Nakasuot siya ng simpleng itim na polo at dark jeans. Walang anumang nakapagsasabing mapanganib siya, ngunit may kakaibang awtoridad sa kanyang presensya.
Tila hindi siya bagay sa loob ng isang kumbento.
Nang mapatingin siya sa akin, saglit na nagtama ang aming mga mata.
Malamig.
Kalma.
At parang walang emosyon.
Pero nakita ko na pinasadahan niya ako ng tingin..
"Magandang hapon po," bati ko.
Ang matandang lalaki ang unang ngumiti.
"Ikaw ba si Sister Madeline?"
"Opo."
"Magandang hapon. Ako si Mr. Salvador. At ito naman ang kasama ko."
Bahagyang lumingon ang matanda sa binata.
"kade."
Tumango lamang ang lalaki.
"hindi talaga siya mahilig magsalita," natatawang sabi ng matanda.
Ngunit hindi sumagot si kade.
Patuloy lamang ang mga mata niyang umiikot sa paligid ng kumbento.
Para bang may hinahanap.
O may binabantayan.
Ang lalaking kasalukuyang nakatayo ilang metro lamang ang layo mula sa akin.
Tahimik lamang ang lalaki habang nakikinig sa mga sinasabi ni Mr. Salvador.
Akala ko'y seryoso at walang emosyon ang mukha nito.
Ngunit nang bumaling muli sa akin si Mr. Salvador at nagsimulang magsalita tungkol sa kumbento, may nangyari na hindi ko inaasahan.
Sa mismong sandaling nakatalikod ang matanda sa kanya..
Kumindat sakin si kade.
Nanlaki ang mga mata ko.
At bago pa man ako makapag-react, sumunod ang isang pilyong ngisi sa labi nito.
Yung tipong ngising puno ng kalokohan.
Yung tipong alam niyang nabigla ka at lalo ka pa niyang aasarin.
Halos mapatigil ako sa paghinga.
Ano ba'ng problema ng lalaking ito?
Hindi ba siya seryoso kanina?
Parang dalawang magkaibang tao ang nasa harapan ko.
Ilang segundo lamang ang lumipas ay bumalik agad sa malamig at walang ekspresyong mukha.
Para bang wala siyang ginawang kalokohan.
Napakurap ako.
Hindi guni guni ko lang ba iyon?
Hindi.
Dahil nang muli kaming magtama ng tingin, bahagyang tumaas ang isang sulok ng kanyang labi.
Parang pinipigilan ang tawa.
Kapal ng mukha.
Agad akong umiwas ng tingin at mahigpit na hinawakan ang krus na nakasabit sa aking leeg.
Panginoon...
Unang araw ko pa lang bilang guide ng bisita at sinusubok Mo na agad ang pasensya ko?
"May problema ba, Sister Madeline?" tanong ni Mr. Salvador.
Muntik na akong mapatalon.
"W-wala po."
"Sigurado ka?"
"Opo."
Sa gilid ng aking paningin, nakita kong bahagyang yumuko si kade.
Hindi para magdasal.
Kundi para itago ang ngising pilit niyang pinipigil.
Napakagat ako sa labi ko.
Pakiramdam ko, magiging mahaba ang araw na ito.
At may kutob akong ang lalaking iyon ang dahilan.
Napakaganda ng umaga sa loob ng kumbento. Ang kalangitan ay maaliwalas, kulay asul na parang pininturahan, at ang simoy ng hangin ay malamig at puno ng amoy ng basa na damo at bulaklak mula sa hardin. Parang binabati ng buong mundo ang bagong araw.Bakit ba ang peaceful ng ganitong umaga... pero bakit parang may kung anong kakaiba akong nararamdaman? Parang may mangyayaring hindi maganda...Maingat akong lumakad sa mahabang corridor ng kumbento. Ang malalaking arched windows ay bukas, nagpapasok ng malakas na hangin na nagpapasayaw sa mga puting kurtina. Mahaba ang aking damit pang-madre - puti na may gray na laylayan - na hanggang bukung-bukong. Disente at mahigpit ang suot ko, tulad ng lagi.Habang naglalakad, napansin ko ang isang tuyong dahon na nakadapo sa gitna ng makinis na sahig. Siguro nilipad ng hangin mula sa labas. Yumuko ako nang dahan-dahan, iniabot ang kamay ko para pulutin ito.Kasabay noon ay isang malakas na bugso ng hangin ang dumaan. Malakas. Bigla. Dahilan para Um
MADELINE POV...Huminto ako at lumingon sa kanya. "Lumayo ka nga..." utos ko."Sorry but I can't..." ngising-ngisi niyang sabi..Napatitig ako sa kanya. Agad na nag usal sa isip ko ang dasal:Patawarin niyo po sana ang lalaking ito sapagkat hindi niya po alam ang kanyang ginagawa...Huminga ako ng malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. Pero agad bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Matagal at walang hiya. Dahilan para mabilis kong pinagkrus ang braso ko sa dibdib ko, mahigpit na mahigpit, parang pinoprotektahan ang sarili mula sa mapanuksong mga mata niya. Parang walang respeto sa damit ko, sa belo ko, sa krus na nakasabit sa leeg ko."A-ang mata mo?!" sita ko nang mahina, halos pabulong na dahil sa matinding hiya na bumabalot sa buong katawan ko. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko hanggang sa mga tainga. Parang gusto kong maglaho na lang sa kahihiyan. Parang gusto kong tumakbo pabalik sa kwarto ko at magkulong doon hanggang sa makalimutan ko ang nakakailang niyang tingin.Tu
THIRD POV..."What's up!!" Bati ni Kade kay Vaughn habang iniaabot ang isang bote ng beer sa kanya.Ngumiti lang si Vaughn, isang tipid na ngiti na hindi umabot sa mga mata. Muling tumingin siya sa malayo, sa madilim na kalye sa ibaba ng rooftop nila kung saan sila nag-iinuman ngayon. Parang ang bigat ng buong mundo ay nakasandig sa mga balikat niya."Tsk... okay lang yan..." sabi ni Kade habang tinatapik ang balikat ni Vaughn. Naiiling siya pero halata sa mukha niya ang simpatya sa kaibigan. Alam niyang may problema ito."Ilang araw na ba siyang wala?" tanong ni Kade pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan."Apat na araw na.." mahinang sagot ni Vaughn habang nakatingin pa rin sa kawalan.Bumaling siya kay Kade, seryoso na ang mukha iniba ang topic... "Tinuloy mo yung pagiging bodyguard?""Oo, maganda pre. Panalo.." nakangising sabi ni Kade tapos inum ng beer. "Hindi ko inexpect na gan'un pala 'kaganda yun, kala ko photogenic."dagdag pa niyaTsk, madre 'yun... ikaw talaga," sabi
THIRD POV..Earlier that day..."Ikuha mo ako ng isang mahusay na bodyguard para sa anak ko na nasa kumbento," malamig na utos ni Ricardo, ang ama ni Madeline, isang makapangyarihang mayor.Katatapos lamang niyang makaligtas sa isang pagtatangkang pag-assassinate. Suwerte niya at mabilis siyang nailikas ng kanyang mga tauhan, ngunit alam niyang hindi iyon ang huli.Akmang lalabas na ang kanyang secretary nang muli siyang magsalita."At siguraduhin mo..." sandaling huminto si Ricardo, tila may iniisip.Napalingon ang secretary."Gusto ko, bukod sa magaling-gwapo, matangkad, at madiskarte."Bahagyang natigilan ang secretary sa sinabi niya, ngunit agad ding tumango."Opo, Mayor."Pagkalabas ng secretary, naiwan si Ricardo sa loob ng kanyang opisina.Tahimik.Nakatingin lamang siya sa larawan ng kanyang anak na si Madeline."Madeline..." mahina niyang bulong.Nag-iisa niyang anak.Sa kabila ng kanyang imahe bilang isang corrupt na politiko, hindi kailanman nagkaroon si Ricardo ng ibang ba












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
commentaires