Share

2

Author: Sunmaru
last update publish date: 2026-09-17 16:42:57

THIRD POV..

Earlier that day...

"Ikuha mo ako ng isang mahusay na bodyguard para sa anak ko na nasa kumbento," malamig na utos ni Ricardo, ang ama ni Madeline, isang makapangyarihang mayor.

Katatapos lamang niyang makaligtas sa isang pagtatangkang pag-assassinate. Suwerte niya at mabilis siyang nailikas ng kanyang mga tauhan, ngunit alam niyang hindi iyon ang huli.

Akmang lalabas na ang kanyang secretary nang muli siyang magsalita.

"At siguraduhin mo..." sandaling huminto si Ricardo, tila may iniisip.

Napalingon ang secretary.

"Gusto ko, bukod sa magaling-gwapo, matangkad, at madiskarte."

Bahagyang natigilan ang secretary sa sinabi niya, ngunit agad ding tumango.

"Opo, Mayor."

Pagkalabas ng secretary, naiwan si Ricardo sa loob ng kanyang opisina.

Tahimik.

Nakatingin lamang siya sa larawan ng kanyang anak na si Madeline.

"Madeline..." mahina niyang bulong.

Nag-iisa niyang anak.

Sa kabila ng kanyang imahe bilang isang corrupt na politiko, hindi kailanman nagkaroon si Ricardo ng ibang babae sa labas ng kanyang asawa. Siya ang uri ng lalaking naniniwalang ang babae ay dapat minamahal at iginagalang-kahit pa siya mismo ay nalubog sa madilim na mundo ng politika.

Humigpit ang hawak niya sa larawan.

"Gagawin ko ang lahat..." mariin niyang sabi, "para hindi ka matuloy sa pagiging madre."

Para sa kanya, hindi iyon ang buhay na nararapat sa anak niya.

Si Madeline lang ang meron siya.

At kahit pa magalit ito sa kanya, kahit pa kamuhian siya, hindi niya hahayaang mawala ito sa kanya.

Maya-maya, kinuha niya ang kanyang telepono at tumawag.

Ilang sandali lang ay may sumagot sa kabilang linya.

Isang malalim na tawa ang una niyang narinig.

"Kamusta ang fund para sa public school project? Nailagay mo na ba sa account ko?"

Sandaling katahimikan.

Tapos isang mas malakas na tawa.

"Good. Good. 'Yan ang gusto ko sa'yo."

Pag katapos ng tawag..

Ngumiti si Ricardo habang nakatingin pa rin sa larawan ng anak niya.

Sa mundong ito, lahat ay may kapalit.

At para maprotektahan si Madeline...

Handa siyang maging mas madilim pa kaysa sa lahat ng kanyang kaaway.

Lumipas ang ilang oras.

Muli ay bumukas ang p***o ng opisina ni Mayor Ricardo.

Pumasok ang kanyang secretary, namumula ang mukha at halatang hindi makatingin nang diretso.

"Mayor... Montemayor..." nauutal niyang sabi, habang hawak ang folder. "Andito na po ang request niyo."

Tahimik na umayos ng upo si Ricardo.

Ngunit bago pa man siya makapagsalita, napansin niya ang reaksyon ng kanyang secretary lalo na ang pamumula nito.

Nakita niya ang dahilan nang sumulyap siya sa likod nito.

Isang lalaki ang nakatayo sa pintuan.

Matangkad.

Maayos ang tindig, makisig..

At may malamig na presensya na tila kayang patahimikin ang buong silid.

Sandaling nagtagpo ang mata ng secretary at ng lalaki.

At doon niya nakita isang mabilis na ngisi.

Napasinghap ang secretary at agad nag-iwas ng tingin, halos mabitawan ang hawak na folder.

Huminga nang malalim si Ricardo at inayos ang salamin sa kanyang mata.

Pagkatapos ay itinuon niya ang pansin sa lalaki sa harap niya.

Si Kade Matteo Knightbane.

Seryoso itong pumasok at umupo sa upuang nasa tapat ng mesa ng mayor.

Walang paligoy-ligoy.

Walang emosyon.

Parang sanay na sanay sa ganitong klase ng trabaho.

Dahan-dahang iniabot ni Ricardo ang isang larawan.

Isang larawan ni Madeline.

"Alam mo na siguro kung bakit ka nandito," malamig na panimula ng mayor.

Hindi kumurap si Kade habang tinitingnan ang larawan.

"Pagkatapos ng nangyari sa akin," nagpatuloy si Ricardo, "halos muntik na akong mamatay. Hindi na ito simpleng banta."

Humigpit ang kanyang boses.

"Gusto kong bantayan mo ang anak ko."

Sandaling katahimikan ang sumunod.

"Dahil target siya ng mga kalaban ko."

Sa unang pagkakataon, bahagyang gumalaw ang ekspresyon ni Kade.

Hindi ng takot.

Hindi ng kaba.

Kundi ng interes.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang larawan, pagkatapos ay tumingin diretso sa mayor.

"Noted," malamig niyang sagot.

MADELINE POV...

Nagsimula kaming maglakad. Si Mr. Salvador sa unang bahagi, ako sa gitna, at si Kade sa likuran namin. Ramdam ko ang presensya niya kahit hindi siya nagsasalita. Parang init na hindi ko maipaliwanag - nakakakaba..

Ipinaliwanag ko nang mahina ang kasaysayan ng kumbento habang naglalakad kami sa hardin. Mula sa lumang chapel hanggang sa maliit na library na puno ng sinaunang aklat tungkol sa teolohiya. 

Si Mr. Salvador ay masiglang nakikinig, paminsan-minsan ay nagtatanong. Pero si Kade...

Sa tuwing lingon ako, nakikita ko siyang nakatingin sa paligid na parang nag-eespiya. Minsan naman, kapag sigurado siyang hindi nakatingin si Mr. Salvador, ibinabaling niya sa akin ang tingin niya.

At sa bawat pagkakataon, may ibang ekspresyon siya.

Isang bahagyang ngiti. Isang nakataas na kilay. Isang pilyong tingin.

Napakagat ako sa labi.

Lord, bigyan Mo po ako ng pasensya.

"Ang ganda ng garden niyo," biglang sabi ni Kade. Malalim ang boses niya, mababa, at may kaunting husky na tono na hindi ko inasahan.

Napatingin ako sa kanya. Ito ang unang beses niyang nagsalita nang diretso mula nang dumating sila.

"Salamat," sagot ko nang mahina.

"Pinagmamalaki po namin ito. Karamihan sa mga puno ay tanim pa ng mga madre noong 1800s."

Tumango siya pero ang mga mata niya ay nasa akin pa rin. Hindi sa mga bulaklak. Hindi sa fountain. Sa akin.

Tumalikod ako, muling naglakad.

Nang makarating kami sa maliit na chapel sa likod ng kumbento, huminto ako.

"Sa bandang ito po ang chapel," mahinahon kong paliwanag.

"Napakatahimik dito... nakakagaan ng pakiramdam," Sabi ni Mr, Sandoval.

Ngumiti ako nang marahan.

"Opo, dito po talaga mas nakakapag-isip at nakakapagdasal."

Muli kaming naglalakad..

"At sa kabilang bahagi po ng-"

"Ah-"

Napapitlag ako nang maramdaman kong may bahagyang dumampi sa likuran ng damit ko sa Bandang itaas ng pwetan.

Nagkunwari akong hindi napansin, pero abot abot ang kaba, may dumikit na isang bagay sa likod ko ng kunwari niya akong nabangga na labis na nagpakilabot sakin..

Pero alam ko.

Sinadya niya akong banggain at idikit yun...

Hindi ako lumingon, ngunit bahagya itong bumulong..

"Sorry, Sister Madeline," malamig na boses niya, pero may bahid ng pang-aasar.

Tumigil ako saglit, huminga ng malalim, napatingin ako kay Mister Salvador, busy sa paligid..

"May problema po ba kayo, Mr. Kade?" mahinahon kong tanong na hindi lumilingon dito

"Wala naman," agad niyang sagot.

Sandaling katahimikan.

Tapos, mas mahina niyang dagdag..

"Hindi ko alam na ganito pala kaganda ang tour guide dito."

Bigla siyang huminga nang malalim, parang sinasadya niyang singhutin ang hangin sa paligid ko.

"...at ang bango pa."

Nanlamig ako.

Napahigpit ang hawak ko sa rosary ko.

Sa wakas, lumingon ako nang bahagya.

At doon ko siya nakita.

Nakangisi.

Yung ngising alam mong sinasadya ka talagang inisin.

"Hindi po ito playground," bulong ko.

Lalo lang lumawak ang ngisi niya.

"Alam ko," sagot niya.

Sandali siyang lumapit ng kaunti, sapat para ako lang ang makakarinig.

"But you... you're making it very hard for me to stay focused."

Nanlaki ang mga mata ko.

Mabilis akong umiwas ng tingin at humakbang palayo.

Sa likod ko, narinig ko ang mahina niyang tawa.

Parang tuwang-tuwa siya na naasar niya ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad na parang walang nangyari, kahit ramdam ko pa rin ang init ng mukha ko.

"Dito po may isa pa pong garden," mahinahon kong sabi kay Mr. Salvador, pilit ibinabalik ang sarili sa pagiging propesyonal.

"Oo, Sister Madeline," sagot niya, halatang aliw na aliw sa paligid.

Sa likod namin, naroon pa rin si Kade.

Tahimik na.

Pero alam kong nandiyan siya.

Nakakakaba.

"Ang daming bulaklak dito, nakakatuwa.." ani Mr. Salvador.

"Opo, dito po kasi-"

Naputol ulit ako.

Dahil naramdaman ko na naman 'yung pasimple niyang hawak sa likod ko na parang sinasadya talaga..

Napakagat ako sa labi.

bakit ba ganito siya kumilos?!

"Kung hindi lang ako nasa kumbento..." bulong ko sa isip ko habang naglalakad.

Bigla akong napaisip.

Masyado siyang masama.

Masyado siyang pilyo.

Hindi siya mukhang mabuting impluwensya.

Mahina akong napahinga.

Kailangan ko siyang ipagdasal.

Oo. Tama.

Ipagdarasal ko siya.

Mas lalo.

Mas seryoso.

Mas madalas.

Kasi mukhang... mas kailangan niya ng dasal kaysa sa akin.

Napatingin ako sa langit nang saglit habang naglalakad.

"Lord," bulong ko sa isip ko, "kung mabibigyan Mo po ako ng extra blessing... pakiusap po, ibigay niyo na lang po kay Kade."

Saglit akong napatingin sa likod ko.

Nandoon pa rin siya, nakasunod lang, naka-side glance sa akin.

At siyempre-nakangisi na naman.

Napailing ako agad.

Opo Lord... alam ko po. Nakakainis po siya.

Pero kaya Niyo po 'yan. Lahat po kaya Niyo. Patawarin niyo rin po sana siya... hindi niya rin po siguro alam ang ginagawa niya.

Huminga ako nang malalim at bumalik sa paglalakad.

Mukhang hindi lang yung pagiging pilyo niya ang kailangang bantayan... pati ang ugali niya, para siyang literal na manyakis...

"Kailangan ko talaga siyang ipagdasal araw-araw..." bulong ko ulit sa sarili ko.

Sa likod ko, narinig ko na naman ang mahina niyang tawa.

At alam ko.

Mas lalo pa akong mahihirapan sa lalaking 'to.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HIS UNHOLY OBSESSION    5

    Napakaganda ng umaga sa loob ng kumbento. Ang kalangitan ay maaliwalas, kulay asul na parang pininturahan, at ang simoy ng hangin ay malamig at puno ng amoy ng basa na damo at bulaklak mula sa hardin. Parang binabati ng buong mundo ang bagong araw.Bakit ba ang peaceful ng ganitong umaga... pero bakit parang may kung anong kakaiba akong nararamdaman? Parang may mangyayaring hindi maganda...Maingat akong lumakad sa mahabang corridor ng kumbento. Ang malalaking arched windows ay bukas, nagpapasok ng malakas na hangin na nagpapasayaw sa mga puting kurtina. Mahaba ang aking damit pang-madre - puti na may gray na laylayan - na hanggang bukung-bukong. Disente at mahigpit ang suot ko, tulad ng lagi.Habang naglalakad, napansin ko ang isang tuyong dahon na nakadapo sa gitna ng makinis na sahig. Siguro nilipad ng hangin mula sa labas. Yumuko ako nang dahan-dahan, iniabot ang kamay ko para pulutin ito.Kasabay noon ay isang malakas na bugso ng hangin ang dumaan. Malakas. Bigla. Dahilan para Um

  • HIS UNHOLY OBSESSION    4

    MADELINE POV...Huminto ako at lumingon sa kanya. "Lumayo ka nga..." utos ko."Sorry but I can't..." ngising-ngisi niyang sabi..Napatitig ako sa kanya. Agad na nag usal sa isip ko ang dasal:Patawarin niyo po sana ang lalaking ito sapagkat hindi niya po alam ang kanyang ginagawa...Huminga ako ng malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. Pero agad bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Matagal at walang hiya. Dahilan para mabilis kong pinagkrus ang braso ko sa dibdib ko, mahigpit na mahigpit, parang pinoprotektahan ang sarili mula sa mapanuksong mga mata niya. Parang walang respeto sa damit ko, sa belo ko, sa krus na nakasabit sa leeg ko."A-ang mata mo?!" sita ko nang mahina, halos pabulong na dahil sa matinding hiya na bumabalot sa buong katawan ko. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko hanggang sa mga tainga. Parang gusto kong maglaho na lang sa kahihiyan. Parang gusto kong tumakbo pabalik sa kwarto ko at magkulong doon hanggang sa makalimutan ko ang nakakailang niyang tingin.Tu

  • HIS UNHOLY OBSESSION    3

    THIRD POV..."What's up!!" Bati ni Kade kay Vaughn habang iniaabot ang isang bote ng beer sa kanya.Ngumiti lang si Vaughn, isang tipid na ngiti na hindi umabot sa mga mata. Muling tumingin siya sa malayo, sa madilim na kalye sa ibaba ng rooftop nila kung saan sila nag-iinuman ngayon. Parang ang bigat ng buong mundo ay nakasandig sa mga balikat niya."Tsk... okay lang yan..." sabi ni Kade habang tinatapik ang balikat ni Vaughn. Naiiling siya pero halata sa mukha niya ang simpatya sa kaibigan. Alam niyang may problema ito."Ilang araw na ba siyang wala?" tanong ni Kade pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan."Apat na araw na.." mahinang sagot ni Vaughn habang nakatingin pa rin sa kawalan.Bumaling siya kay Kade, seryoso na ang mukha iniba ang topic... "Tinuloy mo yung pagiging bodyguard?""Oo, maganda pre. Panalo.." nakangising sabi ni Kade tapos inum ng beer. "Hindi ko inexpect na gan'un pala 'kaganda yun, kala ko photogenic."dagdag pa niyaTsk, madre 'yun... ikaw talaga," sabi

  • HIS UNHOLY OBSESSION    2

    THIRD POV..Earlier that day..."Ikuha mo ako ng isang mahusay na bodyguard para sa anak ko na nasa kumbento," malamig na utos ni Ricardo, ang ama ni Madeline, isang makapangyarihang mayor.Katatapos lamang niyang makaligtas sa isang pagtatangkang pag-assassinate. Suwerte niya at mabilis siyang nailikas ng kanyang mga tauhan, ngunit alam niyang hindi iyon ang huli.Akmang lalabas na ang kanyang secretary nang muli siyang magsalita."At siguraduhin mo..." sandaling huminto si Ricardo, tila may iniisip.Napalingon ang secretary."Gusto ko, bukod sa magaling-gwapo, matangkad, at madiskarte."Bahagyang natigilan ang secretary sa sinabi niya, ngunit agad ding tumango."Opo, Mayor."Pagkalabas ng secretary, naiwan si Ricardo sa loob ng kanyang opisina.Tahimik.Nakatingin lamang siya sa larawan ng kanyang anak na si Madeline."Madeline..." mahina niyang bulong.Nag-iisa niyang anak.Sa kabila ng kanyang imahe bilang isang corrupt na politiko, hindi kailanman nagkaroon si Ricardo ng ibang ba

  • HIS UNHOLY OBSESSION    1

    MADELINE POV..Maingat kong pinagmasdan ang aking kasuotan. Ngayon ang unang linggo ko rito.Nakasuot ako ng simpleng navy blue na damit na umaabot hanggang bukung-bukong. Nakalagay sa ulo ko ang puting belo, at nakasabit sa aking leeg ang isang maliit na pilak na krus. Sa bawat hakbang ko sa loob ng kumbento, tila may katahimikang yumayakap sa aking puso isang katahimikang matagal ko nang hinanap.Sister Madeline.Napangiti ako nang mahina.Ang sarap pakinggan.Ako si Madeline Montemayor, Dalawampu't dalawang taong gulang na ako, at sigurado ako sa landas na gusto kong tahakin. Pangarap ko noon pa man ang maging madre.Isa pa lamang akong novice. Noong nakaraang linggo lang ako lumipat sa kumbentong ito upang simulan ang panibagong yugto ng aking buhay.Ayon sa mga nakatatanda, aabutin pa ng anim hanggang sampung taon ang pagsasanay bago ako tuluyang maging ganap na madre.At handa akong hintayin iyon.Mas pinili ko ang buhay na ito kaysa sa mundong iniwan ko.Ang ama ko ay isang mak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status