Share

KNIGHT

“Can’t you just make time? Ikaw na nga lang ang nag-iisa kong apo hindi mo pa ako dalawin dito.” May hinampo ang tinig na iyon ng kaniyang Lola Gloria.

Nasa probinsya nila ito sa San Marcelino. Mayroon itong flower farm doon kung saan nanggagaling ang supply niya ng mga bulaklak, kaya naman kahit papaano ay may nagiging kita siya. Malaki kasi ang discount na ibinibigay ng lola niya.

Mag-isa siyang itinaguyod ng Lola Gloria niya. Bata pa lang ay namatay na ang kaniyang mga magulang. Parehong may sakit ang mga ito, na halos dalawang taon lang ang naging pagitan ng kamatayan. May sakit sa puso ang kaniyang ina, habang sa atay naman ang ama. Naunang namatay ang kaniyang ina. Hindi siguro iyon kinaya ng kaniyang ama, kaya mabilis din itong sumunod.

Tatlo ang anak ni Lola Gloria, pero ang kaniya lang ina ang nagkaroon ng asawa. Ang dalawa niyang tiyahin ay pareho ng soltera. Parehas na piniling huwag ng mag-asawa pa. Hindi niya alam ang rason, pero nakikita naman niyang masaya ang mga ito s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status