HUMAHANGOS na lumapit si Raikko sa komosyon ng mga tauhan sa kulungan ng mga hayop. Wala siyang ideya kung ano ang nangyayari dahill kararating lang niya roon. Isa-isang tumabi ang mga tao para magbigay daan sa kanya at doon na tumambad ang tauhan niyang si Kiko na tila lumong-lumo.
“Anong nangyari dito, Kiko?” tanong niya na nakakunot ang noo.
Nagtaas ito ng tingin at kita niya ang naluluha nitong mata. “N-ninakawan po tayo, Sir Raikko. Hindi namin alam kung sino pero mukhang marami sila dahil hindi lang baboy ang nawala. At may iniwan sila…” Matapos ‘yon ay tumabi ito sa gilid at tumambad sa kanya ang alagang baboy na wasak ang tiyan at nakalabas ang mga laman-loob.
Napakuyom ang kamao niya. Ito ang unang beses na may nangyaring ganoon sa kanila. Ang magnanakaw ay hindi na bago pero ang ganoong karumal-dumal na gawain ay bago sa kanila.
Kinambatan niya si Kiko na sumunod sa kanya at naglakad na siya palayo roon. “Ano pa ang mga nawala?” tanong niya.
“Parang pinagplanuhan ang ginawang pagnanakaw dahil karamihan sa kinuha nila ay pares ng mga hayop. Kambing, baboy, at mga manok. May nawala ring kabayo pati ang ilang sako ng na-harvest na palay ay nawala rin,” pagbibigay-alam nito.
Hindi siya nagsalita. “Ano ang gusto niyong gawin ko, Sir Raikko? Gusto niyo bang ipa-blotter ko ito sa barangay o i-report sa mga pulis?” tanong nito.
Umiling siya. “Hindi. Ayusin niyo na lang ang mga iniwan nilang kalat. Saka ikaw na muna ang bahala dito sa farm, Kiko,” wika niya. Tumango naman ito at naghiwalay na sila ng daan.
PAGDATING ni Rio sa ancestral house ay agad niyang hinanap si Rose. Nasa likod niya ang kasambahay na bitbit ang signature items na binili niiya sa mall sa kabilang bayan.Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay at dumiretso sa silid nito. Kumatok siya sa pintuan at mayamaya pa ay bumukas iyon at bumungad ang dalaga. Agad itong ngumiti nang makita siya.
“T-tita, kayo po pala,” anito at binuksan ng malaki ang pintuan.
“Rose, hija, ibinili kita ng mga damit. Halika at isukat mo,” wika niya at sinenyasan ang mga katulong na ilapag sa kama ang mga pinamili niya. Pagkaraan ay iniwan na sila ng mga ito.“H-hindi ko po matatanggap ‘yan, Tita. Sobra-sobra na po ang mga ginawa niyo para sa ‘kin. H-hindi ko nga po alam kung paano ko kayo masusuklian,” alanganin itong ngumiti habang ginugusot ang harapan ng saya na suot nito.
“Please, accept this hija. You know how I long for a daughter. I don’t expect anything from you so please, just accept this?” nakikiusap na turan niya at matamis itong nginitian.
Atubili naman itong tumango. Agad niyang inilabas ang mga damit at isa-isa iyong ipinakita rito. Mayamaya pa ay pumasok ito sa banyo para isukat ang damit. Nang lumabas ito ay ang siya naming pagpasok ni Raikko ng silid.
“Mommy—” hindi nito naituloy ang sasabihin at natulala ito sa dalagang nasa harapan. Kahit si Rose ay natulala at tila nabigla sa biglang pagsulpot doon ng anak niya. Nangingiting nagpalipat-lipat ang tingin ni Rio sa mga ito. She can feel something between the two she just didn’t know what was it.
Lalong tumingkad ang kaputian ni Rosa sa suot na yellow spaghetti dress at nasilaw siguro roon ang anak niya. Kahit sino namang lalaki ay mapapatingin dito. Visible pa ang mga gasgas at sugat sa mga braso nito pero kapag naghilom ‘yon ay siguradong babalik ang kutis nito sa dati.
Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng mga ito. “Raikko, what are you doing here? Don’t you know how to knock?” mataray na tanong niya. Pero artel ang ‘yon dahil sa loob-loob ay natatawa siya.
“The door is wide open so I didn’t bother to knock,” he answered sarcastically that made her raised her eyebrow.
“Is that so? What do you need then?” aniya.
Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin sa dalaga. “Pupunta ako sa kabilang bayan. Gusto ko sanang itanong kung may ipapabili kayo?” anito.
“Kami? Ako o si Rose ba ang tinutukoy mo?” taas ang kilay na tanong niya.
Kumamot ito sa batok. “Both of you of course,” hindi niya maintindihan kung nahihiya bai to o nayayamot pero ang sigurado siya ay nalilibang siya sa nakikitang hitsura ng anak.
“Well, I just came from the mall. I clearly don’t need anything. Why don’t you ask Rose if she needs anything?” nakakalokong ang ngiting sabi niya at nagkunwaring abala sa mga damit na nasa kama.
“D-Do… Do you need anything?” nauutal-utal na tanong nito.
“Why don’t you bring Rose with you? Ipasyal mo siya para ma-refresh ang utak niya and who know baka bigla siyang may maalala?” suhestiyon ng ina.
Nanlaki ang mata ng dalaga samantalang ang anak naman ay hindi niya mabasa ang reaksyong nasa mukha. “I don’t think that’s a good idea, ‘my. Baka makasalubong namin ang mga naghahanap sa kany. Delikado,” anito na salubong na ang makapal na kilay.
“I know you will protect her. Go now,’ aniya at hinigit niya ang kamay ni Rose at ang braso ng anak saka itinulak ang mga ito palabas. Pero kapwa lang ito nakatingin sa kanya nang makalabas ang mga ito ng silid.
“Mom, this is urgent and I can’t be a babysitter,” protesta pa ni Raikko
“I-I’m not a baby… O-okay lang Tita. Ayokong ipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa ‘kin,” wika ni Rose at bumalik ito sa loob ng silid.
“Look, what you did? Apologize to her, Raikko,” utos niya sa anak.
“I will, mom. But not now. I have to go,” paalam nito at humalik sa pisngi niya saka tuluyang umalis.
Nang bumalik siya sa loob ay nakita niyang nakaupo sa gilid ng kama ang dalaga at nakasimangot ito.
“Pagpasensyahan mo na ang anak ko, hija. Siguro ay may mahalaga siyang pupuntahan kaya hindi ka niya naisama. Pero mabait naman ang batang ‘yon. Nahihiya lang ‘yon sa ‘yo dahil ikaw ang unang babaeng tumuntong dito sa bahay namin maliban sa ‘kin at sa mga pinsan niya,” paliwanag niya.
“Parang ang suplado po ng anak niyo at hindi ngumingiti,” komento nito.
“He’s not. He sure looks like one but he’s not. He’s a responsible son. He takes over the family business after his dad got diagnosed with a heart disease. I’m sure you will get along well once you get to know each other,” pakli niya at tinapik ang braso nito.
MATAPOS ang almusal ay nagtungo na si Raikko sa loob ng bahay. Ang ina ay dumiretso sa kusina para magluto naman ng panangahalian. Paakyat na siya sa hagdanan nang matanaw niya si Rose. Nakatalikod ito sa gawi niya at tila nagpupunas ng mga display na figurine sa kahoy na estante. Napakunot noo siya nang maulinigan na tila may sinasabi ito. Dala ng kuryosidad ay naglakad siya palapit rito. “Sino naman ang nobya niya? Wala naman siyang ipinapakilala sa ‘min,” tila sarili nito ang kinakausap. “Teka ako ba ang tinutukoy niya?” sa isip-isip na tanong niya. Imbes na gambalainn ito ay tila nalibang pa ang binata na pakinggan at panoorin ito. Wala namang alikabok ang mga display pero tila ba galit na galit ito sa pagpupunas. Raikko rested his chin in his hand and stayed behind her. Akala niya ay may sasabihin pa ito pero bigla itong humarap. Napasinghap ito nang makita siyang prenteng nakatayo roon. “K-Kanina ka pa ba r-riyan?” nauutal na tanong nito. Imbes na sagutin ito ay naglakad s
MATAPOS ang nangyaring pista sa bayan ng Unisan ay nagsimula rin ang pag-usbong ng closeness sa pagitan nila Raikko at Rose. Tila nawala ang pader na humaharang sa pagitan nila. Naging komportable sila sa isa’t isa at sa araw-araw na kasama niya ito sa isang bubong ay nalaman niyang hindi ito mahirap pakitunguhan.Simple lang si Rose. Masayahin, mahinhin ngunit nakikita niya ang malakas na dating nito. Sa halos isang buwan na pananatili nito sa kanila ay malapit na ito sa lahat ng miyembro ng kanilang pamilya lalo na sa kaniyang ina.Sa katauhan nito ay tila nagkaroon ng anak na babae ang kanyang ina at gusto niya ang nakikitang kasiyahan sa huli. Gaya na lang ng araw na ‘yon na nadatnan niya sa garden ang ina at ang dalaga na magkasamang dinidiligan ang mga tanim na bulaklak.“O, hijo, nariyan ka pala. Ang aga mo yatang nagpunta sa farm?” tanong ni Rio nang makita siya. Bago pa lamang sumisikat ang araw at kagagaling niya lang sa sagingan.Humalik siya sa pisngi ng ina at nginitian
“ANONG sabi mo?!” Nagngangalit ang mga bagang na tanong ni Lucio kay Leon ng ipagbigay alam nito sa kanya ang kinaroroonan ni Ursula.Nasa tinitirahan niya siyang kubo at kararating lang nila Leon mula sa kapatagan. Agad na sumalubong sa kanya ang balita na nakita na ang nag-iisa niyang anak. Kalat na ang dilim sa labas at tanging huni na lang ng mga kuliglig ang naririnig nila.“Tama kayo ng narinig, amo. Tinakasan ako ni Ursula para sumama sa lalaking haciendero na ‘yon,” tila nagpapaawa pa si Leon nang sabihin ‘yon.Humigpit ang kapit ni Lucio sa ulo ng kwarenta y singko na nakasuksok sa tagiliran niya. Labis ang pag-aalalang nararamdaman niya iyon pala ay ligtas naman ang kanyang anak. Ang hindi lang niya lubos maisip ay kung paano nitong nagawang hindi magpaalam sa kanya. Bagay na hindi nito ginagawa. Hindi naglilihim si Ursula sa kanya. Maging ang tahasan nitong pagtutol sa pagpapakasal kay Leon ay alam niya. Ngunit wala siyang magawa dahil may utang na loob siya sa kanang kamay
“SINO BA ang babaeng ‘yan at parang tuwang-tuwa sa kanya ang mga De Mario?” tanong ng isang babae mula sa crowd habang masamang nakatingin sa dalagang kasayaw ngayon ni Raikko.“Nakakainggit naman siya. Kanina pa siya pinag-aagawan ng magkakapatid,” turan naman ng isa pa na tila nangangarap habang nanonood.“Anong nakakainggit diyan e, hindi naman siya maganda,” mataray na turan ng isa pa.“Saan ba nanggaling ‘yan? Mukhang hindi naman ‘yan tagarito,”Natigil sa paglalakad ang grupo ni Leon nang matanawan ang mga nagsasayaw sa gitna ng malawak na bakuran. Partikular na sa babae’t lalaki na magkadikit habang marahang sumasayaw.Humithit siya sa yosi at basta na lang iyong ibinuga sa mga kababaihang nasa harapan niya.“Ano ba ‘yan ang sakit naman sa ilong ng usok,” palatak ng isa sa mga ito at lumipat ng pwesto.Nakakaloko siyang ngumisi dahil iyon ang nais niya, ang umalis ang mga sagabal sa daan niya. Inilibot niya ang tingin sa paligid, hinahanap ang babaeng matagal na niyang hinahana
NAGKAKASAYAHAN ang lahat sa buong hacienda. Kalat na ang dilim pero buhay na buhay pa rin ang paligid dahil sa maliwanag na ilaw na nagmumula sa bawat poste, pati na rin sa malakas na disco music na nagmumula sa malalaking sound system.Ang mga matatanda ay tuwang-tuwa na nagsasayaw sa gitna ng malawak na bakuran ng mga De Mario habang ang mga kadalagahan naman ay tila naghihintay na lapitan sila ng mga kabinataan. Pero sa tingin ni Ursula ang talagang hinihintay ng mga ito ay ang mga binatang De Mario na sa tingin niya ay wala namang hilig sa mga ganitong pagtitipon. Well, maliban sa isa, si Radney na kanina pang nakikipagsayawan sa kung sino-sinong babae.Kahanay niya sa isang mahabang mesa ang mag-asawang Rio at Rocco, kabilang sina Ric na nasa kaliwa niya at sa kanan naman si Raikko na tahimik lang na nanonood. Katabi pa nito si Razel na kahit papaano ay pumapalakpak sa saliw ng musika.“Mga anak bakit hindi kayo maghanap ng maisasayaw na dalaga? Maaga pa, ‘wag niyong sayangin ang
NAGISING si Ursula sa mararahang katok mula sa pintuan ng silid niya. Pupungas-pungas siyang bumangon at kinusot-kusot pa ang mga mata. Nang buksan niya ang pintuan ay nakita niya si Razel na nakatayo roon. Nakabihis ito ng black buttoned-down shirt, khaki shorts, at slip on shoes. Ang buhok nito ay naka-brush on na lalong nagpalakas ng appeal nito.“Wow, ang gwapo mo ngayon a? May date ka bang kasama?” tanong niya at nginitian ito.Ngumiti ito at lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. “Salamat. Wala akong date pero siguradong itutulak na naman ako ni mommy mamaya sa mga kadalagahan na pupunta,” tugon nito na napapakamot pa sa batok. “Siya nga pala pinapatawag ka na ni mommy para sa maikling panalangin,” anito.“Oo nga pala. M-MAliligo lang ako ng mabilis at bababa na rin ako. Pakisabi kay Tita bigyan ako ng twenty minutes ha?” isinara niya ang pintuan para lang muling buksan iyon. “Salamat,” pahabol na sabi niya sa binata na muling napalingon pagkaraan ay tuluyan na