หน้าหลัก / Romance / Hahamakin Ko ang Lahat / Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 10

แชร์

Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 10

ผู้เขียน: MIKS DELOSO
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-28 14:58:56

Huminga nang malalim si Jason. Sa sandaling iyon, parang gusto niyang tumakbo palayo, ngunit imbes ay hinaplos niya ang pisngi ni Necy.

“Hindi ako nagsisisi,” aniya. “Pero kung sakaling mabuko tayo… alam mong lahat tayo, luluhod.”

Ngumiti si Necy isang ngising demonyo sa balat ng isang anghel.

“Hindi tayo mabubuko,” bulong niya. “Si Lorie? Masyadong mabait. Masyadong bulag sa literal at sa emosyon. Kaya mo siyang paikutin kahit kailan mo gusto.”

Bago pa makasagot si Jason, biglang hinalikan siya ni Necy mariin, mapusok, parang lason.

Ang bawat halik ay sumpa, bawat haplos ay paalala ng kasalanan.

Ang kamay ni Necy ay gumapang sa kanyang dibdib, habang ang sigarilyo ay nahulog sa sahig nagliyab ng munting apoy, tulad ng apoy ng kanilang pagkasala.

“Necy…” bulong ni Jason, halos mawalan ng boses.

“Hmm?” sagot ni Necy, habol-hininga.

“Kung malaman ni Lorie ‘to…”

“Then let her,” sabi ni Necy, malamig. “Let her break. Let her feel what it’s like to be blind not just by eyes but by lov
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 11

    Ngumiti si Necy, isang ngiting mapanganib.Dahan-dahan nitong hinaplos ang dibdib ni Jason, marahang pinaikot ang daliri sa balat nito na parang nanunukso.“Sigurado ka ba diyan, Jason?” aniya, mahinang tinig pero may lason. “Baka pag dumating ang oras na ‘yon… hindi mo na siya kayang iwan. Baka matutunan mong mahalin ang babae na dapat mo lang gamitin.”Mariin ang tingin ni Jason, ngunit sa likod ng kanyang mga mata ay may piraso ng pag-aalinlangan.Ngumisi siya, pilit. “Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko, Necy.”Hinawakan niya ang baba nito, at sa isang iglap ay naglapat ang kanilang mga labi—mapusok, marahas, puno ng lihim na kasinungalingan.Sa kabilang silid, si Lorie ay nakahiga pa rin sa dilim.Ang mga luha ay patuloy na dumadaloy sa mga mata niyang hindi na nakakakita.Ang bawat hikbi niya ay parang kaluskos na ayaw pakinggan ng sinuman.Ni hindi niya alam, sa kabila

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 10

    Huminga nang malalim si Jason. Sa sandaling iyon, parang gusto niyang tumakbo palayo, ngunit imbes ay hinaplos niya ang pisngi ni Necy.“Hindi ako nagsisisi,” aniya. “Pero kung sakaling mabuko tayo… alam mong lahat tayo, luluhod.”Ngumiti si Necy isang ngising demonyo sa balat ng isang anghel.“Hindi tayo mabubuko,” bulong niya. “Si Lorie? Masyadong mabait. Masyadong bulag sa literal at sa emosyon. Kaya mo siyang paikutin kahit kailan mo gusto.”Bago pa makasagot si Jason, biglang hinalikan siya ni Necy mariin, mapusok, parang lason.Ang bawat halik ay sumpa, bawat haplos ay paalala ng kasalanan.Ang kamay ni Necy ay gumapang sa kanyang dibdib, habang ang sigarilyo ay nahulog sa sahig nagliyab ng munting apoy, tulad ng apoy ng kanilang pagkasala.“Necy…” bulong ni Jason, halos mawalan ng boses.“Hmm?” sagot ni Necy, habol-hininga.“Kung malaman ni Lorie ‘to…”“Then let her,” sabi ni Necy, malamig. “Let her break. Let her feel what it’s like to be blind not just by eyes but by lov

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 9

    Lumingon si Amor, hindi makapaniwala sa narinig.“So you’re both gambling the company’s future for a woman?”Matigas ang kanyang tinig, punô ng pagkadismaya.“Fine, Jason. Pero tandaan mo ‘to — once this plan fails, mawawala sa’yo lahat. Hindi lang ang mana mo, pati ang respeto ko.”Napayuko si Jason, ngunit sa ilalim ng kanyang ngiti ay may bahid ng pagmamataas.“Yes, Dad. Pero hindi ako papalpak. Trust me — I know how to play her.”Samantala, sa sala, patuloy ang mabait na usapan nina Lorie at Necy.“Ang bait mo naman, Necy,” ngiti ni Lorie, habang maingat na humihigop ng gatas na inihanda ng bagong caregiver.“Para kitang kapatid. Salamat ha, kasi kahit di mo ako kilala, inaalagaan mo ako.”Ngumiti si Necy, sabay haplos sa balikat ng dalaga.“Don’t mention it, Miss Lorie. You’re too kind. Minsan nga, naiisip ko… sayang, ang dami pa sanang matututunan sa’yo.”“Sayang?” tanong ni Lorie, inosenteng nakangiti.“Bakit mo naman nasabi ‘yan?”Umiling si Necy, ngiting mapait. “Wala, naisip

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 8

    Ngunit umiling si Lorie, kahit bulag ito. Ang mga mata nito ay puno ng lungkot at pagkalito.“Jason… bakit lahat sila bigla na lang nawala?”Napasinghap ito, hinaplos ang pisngi ng dalaga. “Minsan, hindi natin alam kung bakit nangyayari ang mga ganito. Pero gusto kong malaman mo, nandito ako. Hindi ka nag-iisa.”“Salamat andiyan kayo lagi di ko ito makakayan mag-isa pinagsukluban ako ng langit at ngayon bulag na ako kahit sa huling sandali hindi ko pa makita mga magulang ko..Salamat hindi kayo umaalis sa paligid ko.”Ngunit bago pa siya makasagot, dumating si Amor.“Jason,” malamig na tawag ng ama, “oras na para umalis.”Tumayo si Lorie, bahagyang yumuko. “Salamat sa pagpunta ninyo, Ninong.”Ngumiti si Amor, ngunit malamig. “Huwag mo na kaming pasalamatan, anak. Simula ngayon, ako na ang tutulong sa’yo. Kami na ang pamilya mo.”At sa kanyang mga mata, kumislap ang isang lihim na hindi pa alam ni Lorie lihim na mag-uugnay sa pagkamatay ng kanyang mga magulang, sa yaman ng Philip, at

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 7

    Tinitigan siya ng abogado, may alinlangan.“Sigurado ka ba, Miss Philip? Once you sign, the document becomes legally binding.”Tumango siya, kahit hindi makita ang mga matang nanlilimahid sa luha.“Yes. Gusto kong maging matatag… gaya ng itinuro nila sa akin.”At sa mismong sandaling iyon, inilapit ng abogado ang dokumento sa kanya.Hinawakan ni Lorie ang pluma, pinirmahan ang papel hindi alam na iyon ang pirma ng kanyang kapahamakan.Sa gilid ng chapel, nanatiling nakamasid si Pia, nakangiti.“Good girl,” bulong niya sa sarili.Habang si Jason, nakapamaywang, halos hindi maitago ang tagumpay sa mukha.“Soon,” sabi ni Pia, may malamig na ngiti, “magiging Curry ang lahat ng mga ari-arian ng mga Philip.”“At ako,” sagot ni Jason, “ang magiging tagapagmana ng lahat.”Ngunit hindi nila alam may mga matang nagmamasid sa dilim.Sa malayong bahagi ng kapilya, nakatayo si Franco, dating tauhan ng ama ni Lorie.Ang kanyang mga kamao’y nakasuntok, ang panga’y nakatensyon.Tahimik niyang pinan

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 6

    Ilang oras ang lumipas.Tahimik na nakaupo si Jason sa gilid ng kama ni Lorie, marahang pinupunasan ang gilid ng labi nito matapos kumain.“Mom,” mahinang sabi niya, hindi tumitingin. “About the papers... kailan natin ipapakita sa kanya?”Nakasandal si Pia sa pader, mga braso’y nakatawid, malamig ang tinig.“Soon. Kapag medyo nakabawi na siya. Sa ngayon, we make her feel safe. Gusto kong umasa siya na kami ang pamilya niya.”Tumango si Jason, seryoso ang mukha.“Gagawin ko. Hindi ako titigil hangga’t hawak ko na siya sa palad ko.”Ngumisi si Pia, marahang lumapit at hinawakan ang pisngi ng anak.“Good. Remember, anak pag napaibig at nakuha mo si Lorie,makukuha natin ang lahat ng naiwan ng Philip. She’s the key.”Ngumiti si Jason, puno ng kumpiyansa.“The key... and soon, she’ll open every door I need.”Kinagabihan.Tahimik ang bar sa downtown. Sa madilim na sulok, naroon si Jason kasama ang isang babaeng may mapusok na ganda — si Necy, ang babaeng tunay niyang minamahal.“Jason,” mar

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status