Share

Chapter 4

Parusa

Tigagal akong napatitig sa lalaking nagsabi niyon. Hindi pa maproseso ng utak ko ang narinig.

His brows shot up giving me the 'that's the truth' look. Gusto kong pumalag at magsalita pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Pambayad ng utang? Are you fucking kidding me?!

I looked at my father to look for an explanation ngunit ganoon pa rin ang itsura niya, nakayuko at hindi magawang salubungin ang galit ko.

"Woah..." Namamangha sa galit kong bulalas.

Napaatras pa ako nang hindi na halos mabalanse ang sariling tayo.

"What the fuck?" I cursed at the air. "Talaga ba, Pa? Magagawa mo sa kin iyon?" Puno ng hinanakit kong bulong.

"Almene, anak."

"Ha!" Hindi ko napigilang maiyak sa galit. Nanginginig na rin ang katawan ko.

"Anak, m-maawa ka. I-Ipapakulong nila ako," nawawalan ng lakas na aniya. "M-Maniwala ka man sa hindi, labag din sa loob ko na gawin ito... Pero saan ako kukuha ng sampung milyon para ipambayad-"

"Bakit ka ba kasi nagkaroon ng ganyan kalaking utang?!" I shouted at the top of my lungs.

Malayang namalisbis ang panibagong luha sa pisngi ko. Here is the man I looked up to the most since I was a kid, my father, and my only family left. Ang inaakala kong matibay na pader na hindi matitibag ng kahit ano. Pero nagbago ang lahat ng iyon nang mawala si Mama. Everything crumbled when our only light was taken from us.

Hindi ko rin siya masisisi kung bakit siya gumuho ng ganoon. She was our light at mula nang mawala siya ay naging madilim sa aming dalawa ni Papa ang hinaharap. And I can clearly see how broken my father is until now.

"Pa," my voice broke. "Bakit kailangang ako ang ipambayad mo? Hindi ba mahalaga sa inyo ang kaligayahan ko? Hindi ba ako mahalaga sa inyo? Anak mo po ako!"

"Anak, I'm sorry." Mariin niyang ipinikit ang namumula niyang mata.

It was as if something clenched my heart when I saw him on the verge of tears. Na sa kabila ng galit na nararamdaman ko para sa kanya, nandoon pa rin ang pagmamahal. He's my only family now. Makakaya ko ba talaga siyang makita na nakakulong?

Pero paano naman ako? All my life I have struggled para maitaguyod ang sarili nang mag-isa. I am barely holding on. At ngayong nasa hindi mabuting kalagayan si Francis, paano ko ito kakayaning lahat?

I turned to the man in front of me. Marahas kong pinunasan ang luha at matapang siyang hinarap. Surely there's another way out of this situation. Makikiusap ako, luluhod kung maaari.

"What do you guys want from us?" Nanginginig sa galit kong tanong.

"Simple lang naman ang gusto ng boss ko, ang sumama ka sa amin ng matiwasay. Otherwise, we have no choice but to take your father instead."

Take me? Saan naman? Oh my god, don't tell me these men are involved in a trafficking syndicate?!

Akma niya na akong hahawakan nang muli akong umatras. I couldn't utter anything out of shock. Tila hindi pa rin maproseso ng utak ko ang mga nangyayari.

Why the hell is this happening to me?!

The man's brows shot up at may isinenyas sa mga humahawak kay Papa. My father wriggled in pain nang sapilitan siyang hilahin ng mga ito palapit sa isang itim na kotse.

"Stop! Please!"

Gulantang kong sigaw dala ng takot at pag-aalala sa sariling ama. He looked so weak and fragile at para maranasan pa ang bagay na ito ay hindi ko kayang makita. Puno man ng galit ang puso ko para sa kanya, hindi ko rin yata kayang pabayaan nalang siya. He's my only family now. I can't lose him either. Ngunit hindi rin ibig sabihin niyon ay madali ko siyang mapapatawad sa ginawa niya. I'm very angry and I can't promise I'm gonna forgive him anytime soon.

Pero sigurado ba ako sa gagawin ko? I might even face hell if I do this.

"Almene," umiiling na sabi ni Papa pero wala na ako sa tamang posisyon para mag-isip ng maayos. With everything crumbling down on my feet, what else can I do?

"S-Sasama ako," halos hindi iyon lumabas sa bibig ko.

The man near me escorted me curtly towards the car. Makailang beses akong tinawag ni Papa pero hindi ko siya nilingon. I even saw in my peripheral how he struggled to get out from the men's hold.

"Let my father go, please."

Marahan kong bulong nang tuluyang makapasok sa sasakya. The man nodded at isang tingin lang sa mga humahawak kay Papa ay pinakawalan nila ito.

That's when I started crying again. Tila ba noon lang nag sink in sa isip ko ang sariling nagawa. Tanging naging pakunswelo nalang na hindi naman kami sinaktan at sapilitang kinuha. But I know better, what lies beyond this for me is hell. It was much even better if it was death instead.

"Who is it?" I asked coldly to them.

Tuluyan na akong kumalma. What's left in me is numbness. Bahagya akong tiningnan ng lalaking nagda-drive sa rear view mirror. Ang katabi ko naman ay napalingon sa akin. I continued watching the view outside the window.

I smiled sarcastically when I realized they're not going to answer me. Ba't pa nga ba ako magtatanong? Hindi naman na mahalaga malaman ko kung sino ang pinagkakautangan ni Papa. All I need to do now is to think of a strategy how to get out of this situation.

"You'll know when we get to the mansion."

Pagak akong natawa. Rinig ko naman ang marahang tikhim ng lalaking sumagot. He seemed to be the closest to their boss to think na napapasunod niya ang ibang lalaki.

"Ano sa tingin mo ang gagawin niya sa akin? Aalilain? Ibebenta?" I asked. If that happens, I'd rather die then.

I bit my lower lip wheb realizations hit me. Paank nga kung ganoon ang mangyari sa akin? Paano ako makakawala? At si Francis... Oh my god.

"I don't think any of those will happen, Miss Villareal. You don't have to worry. My boss is quiet a decent man-"

"Whatever," I cut him off. "It doesn't matter to me."

Muling namayani ang katahimikan hanggang sa naramdaman kong bumigat ang talukap ng mga mata ko. I drifted off to sleep and was only awaken by a few noises around. Daglian kong naimulat ang mga mata. Bahagya pa akong nahilo sa biglaang pagbangon.

"Kamusta ang pakiramdam mo, hija?"

Isang matandang babae ang lumapit sa kamang kinahihigaan ko. Oh god! What happened? Paanong nasa isang kama ako?

I roamed my eyes around the room, hindi pamilyar. I could see antique furnitures around and the whole interior is a mixture of Spanish classic style with touches of modern and minimalistic design. Even the queen size bed is sculpted with a classic design. Muli kong iginala ang paningin at napansing may ibang tao pa pala sa loob ng kwarto.

"Where am I? Sino kayo?"

I asked, still light-headed from sleep. Napahinto sa paglapit ang matanda at naibaba ang mga kamay.

"Ako nga pala si Mely, ang mayordoma rito. Ito naman si Ella, apo ko," she smiled.

I looked at the younger girl and she smiled lightly when our eyes met.

"Nasaan po ako?"

The last thing I remember I slept in the car with those men.

"What about the men who took me? Nasaan sila?"

"Sina Raul ba ang tinutukoy mo? Nasa baba sila. Nandito ka sa mansyon ng mga Martin. Nasa Masbate ka, hija." Ang kanyang ngiti ay hindi nawawala.

Napahawak ako sa ulo nang marinig ang sinabi niya. Masbate? Bakit parang ang layo naman yata? Paano ako umabot ng Masbate nang hindi ko man lang namamalayan?!

"Ito ang ancestral house ng mga Martin dito sa Masbate pero sa Maynila na sila naninirahan ngayon."

I quickly got up from bed and head towards the door. I need to talk to those men. Bakit ako nandito gayong nasa Maynila pala ang boss nila? Ano'ng gagawin ko rito? Ikukulong nila ako? The hell!

" Hija! Teka lang!"

Taranta akong sinundan ng matanda pati na ng apo niya na may dala palang paperbag. Marahan niya akong pinigilan sa braso pero hindi ako nagpaawat. I tried opening the door but it's locked. Marahas kong hinampas ang pinto ng ilang beses sa galit.

"May tao ba riyan?! Buksan niyo 'tong pinto!"

"Hay! Jusko po! Huminahon ka hija! Ipinagbilin ni Lideon na bihisan ka muna bago lumabas. M-May dala kaming damit para sa iyo."

Natigil ako sa pagkalampag sa pinto dahil sa sinabi ng matanda. Bihisan? Para saan naman? Inabot sa akin noong Ella ang dala niyang paper bag at mula roon ay may puting tube dress at pares ng sapatos.

Ang isang paperbag naman ay naglalaman ng alahas. I gritted my teeth even more upon seeing those. Ano'ng klaseng laro ba ang gusto ng boss nila?

Napapabuntong-hininga kong ibinaba ang mga paperbags at tahimik na kinalma ang sarili. Oo nga pala, kusa akong sumama rito kaya kung anuman ang gusto nilang ipagawa sa akin ay wala akong karapatang tumanggi. Muli kong tiningnan ang damit at nagdesisyong maligo nalang at magbihis nang sa ganoon ay makalabas na rito.

"Okay lang ba ang kamay mo, hija?"

Si Aling Mely habang pinipilit na sipatin ang kamay ko. I smiled a little. Kahit paano pala hindi lahat ng narito ay masahol ang ugali.

"A-Ayos lang po. Magbibihis lang ako."

"Oo sige. Sa pintong iyan ang banyo," turo niya sa malayong pinto sa kabilang dulo ng kwarto.

I nodded and went there slowly.

The bathroom is quiet spacious, too. May sariling bath tub sa kanang bahagi na makikita pagkapasok pa lang. Ang shower area ay nasa dulo at katabi naman niyon ang malapad na lababo kung saan naroon ang iba't ibang klase ng sabon at kung ano-ano pa. I locked the door behind me and started stripping.

Muling bumuhos sa akin ang lahat nang sumalang sa malamig na shower. I started planning of what I have to do. Sa ngayon ay susunod muna ako sa lahat ng gusto nila. I'll then find a way to get out of here. Baka gising na si Francis.

Francis...

My heart hurt at the thought of him. I miss him so much. Oh god. Why are these things happening to me?

I went out right after I took a bath and get dressed. Nanatiling nakatayo sa may pinto sina Aling Mely at Ella. Bahagya silang lumingon nang maramdaman ang presensya ko.

"Ang ganda mo, hija. Bagay sa iyo ang damit at sapatos," namamanghang bulalas ni Aling Mely.

"I-Ito. Gusto ng senyorito na isuot mo rin ang mga ito," si Ella habang inaabot ang isa pang paperbag.

I sighed and accepted it. Isinusuot ko na ang mga iyon nang lumapit si Aling Mely para tulungan akong isuot ang hikaw at kwintas.

"Ano nga palang pangalan mo, hija?"

Natigil ako sa akmang paglalagay ng hikaw sa kaliwang tainga. I caught Ella staring at me, too. Tila naghihintay din ng sagot.

"Almene po," I sighed.

They accompanied me into going to the dining area. Lihim kong hinanda ang sarili ko para makita kung sino ang boss nila pero walang ibang naroon kundi ang mga lalaking nagdala sa akin dito. Nakatayo sila sa palibot ng dining area.

Ang ilan ay prenteng nakaupo sa malayong sofa habang nagbabasa ng magazines. Ang ilan naman ay nakatayo sa mga sulok ng dining room. Iyong mukhang leader lang ang malapit sa dining table at inaayos ang mga pagkain.

"Good morning Miss Villareal. Pasensya na at hindi ako nakapagpakilala sa iyo kahapon. I'm Raul Gomez, head of security of the Martin family," he smiled slightly while walking towards my direction.

"Nasaan ang boss mo?"

I was expecting to see him para masampal ko man lang ng isang beses. Maibsan man lang ang galit na nararamdaman ko.

"He had to leave early awhile ago. Uhh... he's waiting for you sa ibang lugar."

"Saan?"

"I bet you're hungry. Hindi ka nakakain kahapon. Why don't you eat first? Bilin ni Lideon na pakainin ka bago tayo pumunta sa kanya," hindi magkandaugaga niyang paliwanag.

Singhal lang ang isinagot ko at nagmartsa papunta sa lamesa. I looked at all the food. Mukhang para sa akin lang yata ang lahat ng iyon dahil isang plato lang ang nakahanda. I roamed my eyes to look for Aling Mely and Ella but they're nowhere to be found.

"Wala naman sigurong lason o droga 'to di ba?" Naniningkit ang mga mata kong tanong.

He chuckled a little ngunit agad ding nagseryoso. Iilang tikhim din ang narinig ko mula sa ibang naroon.

"You' re thinking too much, Miss Villareal. Of course not, I could only imagine what would happen to us kung lalasunin namin ang pagkain mo," seryosong aniya.

Napakurap ako at tumungo nalang sa pagkain. Was I too overacting? Hindi rin naman nila ako masisisi! I don't trust them at malay ko ba kung ano'ng plano nilang gawin sa akin.

"Where are we going?" Tanong ko nang palabas kami ng mansyon.

I didn't realize this ancestral mansion would be that big until I went out. Halos malula ako sa laki. Their garden is wide and well maintained too. Sa dako pa roon ay malawak na mga lupain na. I don't see any neighbors near, tanging mga kakahuyan lang sa dulo. Do they also own those?

Hindi ko na napansin ang ginawang pag-alalay ni Raul sa akin. Nanatili akong namamangha habag nakatitig sa mansyon at paligid nito.

"Kay Lideon," aniya nang makapasok sa passenger's seat.

Doon lang ako tila natauhan at bumalik sa huwisyo. Hindi ako sumagot at nanatiling nakatanaw sa labas. Now that I am actually meeting him, hindi ko maiwasang kabahan. Pilit ko nalang pinairal ang galit at kagustuhang makawala sa parusang ito.

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status