Share

Chapter 59

Author: Chocolate
last update Last Updated: 2025-07-26 08:08:14

Kinabukasan, nagulat si Lily nang huminto ang magarang kotse ni Knight sa harap ng bahay ng lola Margarita niya. Bumaba roon ang guwapong binata na nakasuot ng shades. Nag mistulang artista at modelo ang porma nito habang nag lalakad.

"Hindi mo na kailangang mag bike ngayon. Susunduin at ihahatid kita." saad ng binata saka pinagbuksan siya ng pintuan ng kotse.

Kumabog naman ng malakas ang puso ni Lily habang nakatingin kay Knight na para bang nahihipnotismo siya ng karisma ng lalaki.

"Seryoso?" aniya na may nanlalaking mga mata.

"Yeah. Sakay na." dagdag pa ng binata. Agad namang sumakay si Lily at pinasibad na ng lalaki ang kotse.

"Nasaan si Vanz?"

"Why are you looking at him?" tila may yelong bumalot sa paligid nang marinig ni Lily ang pag eenglish ng binata.

"Wala lang. Lagi kayong mag kasama eh."

"Is that the only reason?" takang tanong pa ni Knight na animo'y ginigisa ang dalaga.

"Oo naman. Mas close kita kesa dun." biglang sabi ni Lily kasi napapansin niyang may
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]   Chapter 59

    Kinabukasan, nagulat si Lily nang huminto ang magarang kotse ni Knight sa harap ng bahay ng lola Margarita niya. Bumaba roon ang guwapong binata na nakasuot ng shades. Nag mistulang artista at modelo ang porma nito habang nag lalakad. "Hindi mo na kailangang mag bike ngayon. Susunduin at ihahatid kita." saad ng binata saka pinagbuksan siya ng pintuan ng kotse. Kumabog naman ng malakas ang puso ni Lily habang nakatingin kay Knight na para bang nahihipnotismo siya ng karisma ng lalaki. "Seryoso?" aniya na may nanlalaking mga mata. "Yeah. Sakay na." dagdag pa ng binata. Agad namang sumakay si Lily at pinasibad na ng lalaki ang kotse. "Nasaan si Vanz?" "Why are you looking at him?" tila may yelong bumalot sa paligid nang marinig ni Lily ang pag eenglish ng binata. "Wala lang. Lagi kayong mag kasama eh." "Is that the only reason?" takang tanong pa ni Knight na animo'y ginigisa ang dalaga. "Oo naman. Mas close kita kesa dun." biglang sabi ni Lily kasi napapansin niyang may

  • Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]   Chapter 58

    Nakahinga naman ang mag ina nila Esmeralda at Lily dahil nakawala na sila sa tanikala na dulot ng tatay-tatayan niya. Kinabukasan, pumasok na ulit ang dalaga sa Unibersidad at halos hindi makatingin sa kaniya ang ibang mga estudyante dahil sa usap-usapan. Naawa sila at ang iba naman ay walang pakialam dahil hindi naman nila kaano-ano si Lily. Samantala, naging abala ang buong Unibersidad dahil malapit na matapos ang taong iyon. Pinaghahandaan nila ang last festival at para sa mga kagaya ni Lily gusto niyang sulitin iyon dahil last festival niya na bilang College Student. Masaya naman siya dahil matatapos na ang hirap niya sa pag aaral at makakatulong na siya sa nanay niya kapag nagkatrabaho na siya. "Maaliwalas na ang mukha mo ngayon, ayos ka na talaga?" gulat na napalingon si Lily sa nagsalita at nakita niya ang guwapong mukha ng binata. Naglalakad si Knight sa tabi niya kaya halos mamula ang pisngi niya dahil mukha silang close at mag kasintahan sa lagay na iyon."Oo, makakapag sim

  • Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]   Chapter 57

    Maagang umuwi si Lily sa bahay ng kaniyang Lola Marggarita nang hapon na iyon. Habang nagbabike kakaiba ang kaniyang pakiramdam. Tila may hindi na naman magandang mangyayari. Makalipas ang ilang minutong biyahe nakarating siya sa harap ng bahay at naabutan ang kaniyang nanay na hawak sa buhok ng kaniyang tatay-tatayan. "Bitawan mo ako! Hayup ka! Ang kapal ng mukha mong sumunod pa sa amin!" galit na sigaw ni Esmeralda kaya pinagsasampal siya ng lalaki. "Anong ginagawa niya rito?!" galit na tanong ni Lily sa sarili. Tumawag agad siya ng pulis gamit ang bisikleta. Makalipas ang ilang minuto, bumaba si Lily sa bike niya at dumiretso sa loob ng Presinto. "Tulungan niyo po si Nanay! Nang gugulo po sa bahay ng lola ko yung tatay-tatayan ko dati. Baka mapahamak po ang nanay ko." makaawa si Lily. Nagkatinginan naman ang mga pulis at agad tumango. "Tara, hija. Sasamahan ka namin." sagot ni Sarhento Hernandez. Sumakay naman si Lily sa bike niya at sinundan siya ng mga pulis. Pagbalik nila

  • Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]   Chapter 56

    Makalipas lamang ang dalawang araw, muling pumasok sa klase si Lily. Malapit na silang makatapos kaya kailangan niyang tiyagain ang pag aaral. Nagulat si Lily nang makarinig ng mga bulungan sa mga tao sa kanilang Unibersidad. "Hindi niya pala tunay na tatay yun? Hindi kaya siya minomolestiya?" saad ng isa. "Ewan natin. Hindi naman natin alam ang nangyayari sa bahay nila eh." sagot ng naka-kulay pink na bag. Naiinis na hinarap ni Lily ang mga ito. "Hindi, never akong nagalaw o minolestiya. Mabuti na lang rin." sagot niya sa mga ito. Natigilan ang mga nagbubulungan at napahiya. Pero nabigyang linaw ang kuryosidad ng mga ito. Hanggang sa makarating si Lily sa kanilang classroom. Maraming mga mata ang nakatingin sa kaniya, isa na doon ang grupo nila Nicole. "Akala mo kung sinong malinis. Mukhang pinagparausan lang naman ng kaniyang tatay-tatayan. Kaya pala walang kahihiyan eh. Gamit na gamit na." bulong nito pero hindi totally bulong dahil rinig iyon ni Lily at ng iba niya pang kak

  • Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]   Chapter 55

    Kinabukasan, maagang gumising si Lily at inasikaso ang pagtulong sa kaniyang Lola Margarita. "Lola, tulungan na po kitang mag asikaso ng mga halaman mong magaganda." nakangiting inagaw ni Lily ang hawak na pang dilig ng matanda. "Naku, hija. Ako ng bahala rito. Mag pahinga ka lang diyan o kaya mag aral mabuti. Libangan ko ang mag dilig." sagot ng matanda. Natigilan naman si Lily at muling ibinalik ang pang dilig. "Ay! Sige po. Basta kapag may gusto kayong ipagawa andito lang po ako. Gusto kong bumawi sa tulong niyo sa amin ni Nanay." tugon naman ni Lily saka umatras. "Lily, kamag anak ko kayo at normal lang na tulugan ko kayo sa oras na nakaranas kayo ng hirap. Hindi ako humihingi ng anumang kapalit. Masaya akong makatulong at makitang nasa maayos kayong kalagayan." seryosong paliwanag ng matanda. Tila may mainit na palad namang humaplos sa puso ni Lily sa kaniyang narinig. Bihira lang kasi siyang makatagpo ng kamag anak na kagaya nito. Kamag anak na handang tumulong na walang

  • Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]   Chapter 54

    Napatingala na lang si Lily sa napakalaki at napakalawak na bahay ng tiyahin ng kaniyang Nanay Esmeralda. Ramdam ni Lily ang tila pagkabunot ng tinik sa kaniyang puso nang gabing iyon. Laking tuwa na lang rin ng dalaga na sa kabila ng pangit na karanasan sa kamay ng ama. Mayroon silang matutuluyan at sabado rin kinabukasan. Kaya wala siyang pasok. "Anak, pansamantala dito na muna tayo kay tiya Margarita." saad ni Aling Esmeralda."Opo, nay. Ayos lang po sa akin. Mukhang mabait rin naman po siya. Lola ko na po siya, ano?" takang tanong ni Lily. Marahan namang tumango si Aling Esmeralda.Maya-maya pa lumapit sa kanila ang matanda. Nasa otchenta na ang edad nito. "Halika muna kayo, ihahatid ko kayo sa inyong mga magiging kuwarto. Tapos kumain na kayong mag ina." sambit nito. Tumango ang mag ina at sumunod sa matanda.Ihinatid muna nila si Esmeralda sa magiging kuwarto nito. Hindi mapigilang mamangha ni Lily nang makita ang maayos at napakalinis na kuwarto ng ina."Ang ganda at malaki.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status