Compartilhar

Chapter 3

Autor: Senyorita
last update Data de publicação: 2026-09-03 07:04:26

Ilang araw ang lumipas na parang isang malamig at walang kulay na panaginip para kay Patricia. Tinupad niya ang gusto ni Joel noong mga nakaraang gabi, ngunit sa halip na mapalapit ang asawa sa kanya o makakita man lang siya ng kahit kaunting awa sa mga mata nito, mas lalo itong naging malamig. Tila naging isang estranghero ang lalaking pinangakuan niya ng walang-hanggang pag-ibig sa harap ng altar. Madalas itong wala sa mansyon, at kung umuwi man, ni hindi siya tinitingnan nito. Ang malaking bahay na iyon ay naging isang malawak at tahimik na kulungan.

Isang gabi, nakaupo si Patricia sa harap ng malaking vanity mirror sa master's bedroom. Pinagmamasdan niya ang sariling repleksyon—ang mapupungay at pagod niyang mga mata, ang pamumutla ng kanyang mga labi, at ang kalungkutan na tuluyan nang bumalot sa kanyang pagkatao. Wala na ang masayahin at puno ng pangarap na Patricia na nakilala ni Joel limang taon na ang nakakalipas.

Bumukas ang p***o. Pumasok si Joel na nakasuot pa ng kanyang pormal na business suit. Walang emosyon ang mukha nito habang naglalakad palapit sa kanya. Walang pagbati, walang halik, walang kahit anong senyales ng pagmamahal. Ibinagsak nito ang isang maliit at itim na box sa ibabaw ng malaking kama.

"I checked your tracker app. You're ovulating this week," malamig at pormal na sabi ni Joel, ang boses ay tila nagdidikta ng isang business schedule sa isang empleyado. "Bumalik ka sa kwarto ng lalakeng 'yon. I want to be absolutely sure that you get pregnant this month. Ayoko nang patagalin pa ang sitwasyong ito."

Napahinto si Patricia sa pagmamasid sa sarili sa salamin. Bumigat ang paghinga niya. Ang pamilyar na kirot ay muling bumaon sa kanyang dibdib, parang isang patalim na dahan-dahang pinipilipit. "Joel... please. Baka naman pwede nating hintayin muna kung sakaling gumana na 'yung unang beses? Wag mo naman akong itaboy nang ganito..."

"Did I ask for your opinion?" putol ni Joel, ang boses ay matalim, puno ng awtoridad at walang kahit anong pasensya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, isang tingin na walang bahid ng pagmamahal o pagrespeto. "Just do it, Patricia. Aalis ako bukas para sa isang out-of-town business trip. Wala ako rito ng ilang araw. Pagbalik ko, gusto ko ng magandang balita. Gawin mo ang trabaho mo bilang asawa ko."

Pagkasabi niyon ay tumalikod na si Joel. Narinig na lamang ni Patricia ang malakas na pagsara ng p***o, iiwan na naman siya mag-isa sa gitna ng malamig at nakakasakal na kwartong iyon.

Nanginginig ang mga kamay na nilapitan ni Patricia ang maliit na box sa ibabaw ng kama. Nang buksan niya ito, nakita niya ang isang manipis at pulang silk nightgown. Napapikit siya nang mariin habang unti-unting pumapatak ang mga luha sa kanyang mga pisngi. Naisip niya kung gaano kabaluktot ang isip ng asawa niya—na kaya nitong bumili ng damit pantulog para lang ipasuot sa kanya bago siya itulak nang buong-buo sa ibang lalaki. Isa na lamang ba talaga siyang kagamitan? Isang pabrika ng tagapagmana para sa apelyidong pilit na nagtataboy sa kanya?

Sa labas, nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan, sinasabayan ng malalakas na kulog at kidlat. Ang panahon ay tila nakikisimpatiya sa nagwawalang bagyo sa loob ng kanyang puso.

Sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan, tinahak muli ni Patricia ang daan patungo sa servant's quarters sa likurang bahagi ng mansyon. Bawat hakbang niya ay mabigat, tila hinihila siya pababa ng matinding hiya at pagod. Suot niya ang pulang silk nightgown na pinili ng asawa niya, natatakpan lang ng isang makapal na itim na trench coat dahil sa lamig ng gabi at sa ulan na humahampas sa kanyang balat.

Nang makarating siya sa tapat ng p***o ni Lorenz, huminga muna siya nang malalim. Pinihit niya ang doorknob. Hindi ito nakakandado.

Nang buksan niya ang p***o ng kwarto, naabutan niya ang binata na nakaupo sa maliit na desk, nakasindi ang isang maliit na lampshade habang may sinusulat sa isang lumang notebook. Maayos at tahimik ang kwarto nito, ibang-iba sa magulo at malamig na mundo sa loob ng mansyon. Pag-angat nito ng tingin, agad na nabitawan ni Lorenz ang hawak na ballpen. The moment he saw her soaked figure and tear-stained face, the calm demeanor of the servant completely vanished.

Mabilis itong tumayo at nag-aalalang lumapit sa kanya. "Patricia? Anong nangyari? Bakit ka basang-basa? Bakit ka umiiyak?"

Pumasok si Patricia at isinara ang p***o, tuluyang ibinababa ang kanyang mga depensa. Hindi na niya napigilan ang sarili. Humikbi siya nang malakas, ang mga balikat ay nanginginig sa sobrang awa sa sarili at pagod sa sitwasyong kinalalagyan niya. "P-Pinabalik niya ako, Lorenz... Kailangan daw nating siguruhin na mabubuntis ako ngayong linggo. Ayaw niya akong pakinggan."

Nakita ni Patricia kung paano tumigas ang panga ng binata. Nagdilim ang mga mata nito, isang mapanganib na emosyon ang dumaan sa mukha nito—isang nakakatakot na galit na pilit nitong kinokontrol. Kinuyom ni Lorenz ang kanyang mga kamao, halatang nagpipigil na sumugod sa mansyon at harapin ang asawa niya. Pero nang ibaling ni Lorenz ang tingin kay Patricia na patuloy na umiiyak, agad na napalitan ng labis na awa at lambot ang mga mata nito.

"That bastard," madiing bulong ni Lorenz.

Nanginginig ang mga kamay ni Patricia nang dahan-dahan niyang hubarin ang suot na basang trench coat. Nahulog ang mabigat na tela sa sahig, revealing the scandalous red silk nightgown underneath. The fabric clung to her figure, isang patunay ng kawalang-hiyaan ng kanyang asawa. Ipinikit ni Patricia ang kanyang mga mata, hinihintay ang mapanghusga o mapagnasang tingin mula sa binata. Hinihintay niyang tratuhin siya nito tulad ng pagtrato sa kanya ni Joel—isang bagay na pwedeng gamitin.

"Tingnan mo ako," humihikbing sabi ni Patricia, inihahanda ang sarili sa panibagong kahihiyan. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa kanyang mga palad. "Isa lang akong pabrika ng tagapagmana para sa kanya. Ginagawa niya akong laruan. I'm nothing, Lorenz. Wala akong kwenta."

Ngunit sa halip na samantalahin ang pagkakataon o tingnan siya nang may malisya, naramdaman ni Patricia ang mabilis na pagdampot ni Lorenz ng isang makapal at tuyong kumot mula sa aparador nito. Sa isang maingat at magalang na galaw, ibinalot ni Lorenz ang kumot sa mga balikat ni Patricia, tinatakpan ang pulang nightgown at pinoprotektahan siya mula sa lamig at sa kahihiyan.

"Don't ever say that," mariing utos ni Lorenz, ang boses ay mababa ngunit punong-puno ng sinseridad. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya sa ibabaw ng kumot, inaalalayan siyang tumingin nang diretso rito. Ang malalaki at maiinit nitong hinlalaki ay dahan-dahang nagpunas sa mga luhang umaagos sa kanyang mga pisngi. "You are not a tool, Patricia. You are not a factory. You are everything he is too blind to see. Kung asawa lang kita... I would respect you every single day of my life. Hindi kita hahayaang lumuha nang ganito. Hindi kita itataboy sa ibang tao."

Ang mga salitang iyon ay parang isang mainit na kape sa gitna ng nagyeyelong gabi. Sa harap ng lalakeng ito—isang lalaking tinatrato lamang bilang utusan sa mansyon—hindi siya nakaramdam ng pagbaba ng kanyang pagkatao. Naramdaman niya kung gaano siya kahalaga bilang isang tao, bilang isang babae na karapat-dapat irespeto.

"Tulungan mo akong makalimot ngayong gabi, Lorenz," nanginginig na bulong ni Patricia, tuluyan nang napasubsob sa matipunong dibdib ng binata. "Please... iparamdam mo sa akin na ligtas ako. Na hindi ako nag-iisa. Ayoko nang umiyak."

Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Lorenz. Ikinulong siya nito sa isang mahigpit at napakainit na yakap. Wala itong bahid ng pagnanasa, kundi purong kalinga at pang-unawa.

Inalalayan siya ni Lorenz papunta sa maliit na kama nito. Pinaupo siya nito sa gilid at saka kumuha ng isang malinis na tuwalya upang dahan-dahang patuyuin ang basang buhok ni Patricia. Ang bawat galaw ng binata ay maingat, parang nag-aalaga ng isang babasaging porselana.

"I will make you forget everything that hurts you, Patricia," malumanay na bulong ni Lorenz habang patuloy na pinupunasan ang buhok niya. "Dito sa kwartong ito, hindi ka asawa na pinipilit sumunod sa maling utos. Dito, ligtas ka. Walang mananakit sa'yo."

Hindi na napigilan ni Patricia ang emosyong matagal na niyang kinikimkim. Niyakap niya si Lorenz nang napakahigpit, isinisiksik ang kanyang mukha sa leeg ng binata habang ibinubuhos ang lahat ng bigat at sakit na naramdaman niya sa nakalipas na limang taon ng kanyang kasal. Umiyak siya nang umiyak, at si Lorenz ay nanatili lamang doon, hinahagod ang kanyang likuran at bumubulong ng mga salitang nagpapatahan sa kanyang nagwawalang isipan.

Bawat haplos ng maiinit at magagaspang nitong kamay ay nagbibigay ng kapayapaan sa buong sistema ni Patricia. Bawat salitang namumutawi sa labi nito ay parang isang gamot na tuluyang nagpapagaling sa mga sugat na iniwan ni Joel sa kanyang puso.

Nang maubos na ang kanyang mga luha at unti-unting kumalma ang kanyang paghinga, inihiga siya ni Lorenz nang maayos sa kama. Inayos nito ang kumot upang siguraduhing komportable siya. Akala niya ay aalis ang binata at iiwan siyang mag-isa upang makapagpahinga, ngunit sa halip, umupo ito sa sahig sa tabi ng kama, hindi bumibitaw sa pagkakahawak sa kanyang kamay.

"Matulog ka na," malambing na utos ni Lorenz, ang mga mata ay nakabantay lamang sa kanya. "Babantayan kita hanggang sa sumikat ang araw. I won't let anyone disturb you."

Habang nakahiga si Patricia, nakatitig sa maamo ngunit matapang na mukha ni Lorenz sa ilalim ng malamlam na ilaw, may isang katotohanang tuluyan nang nabuo sa kanyang isip.

Hindi na lang ito dahil sa utos ni Joel.

Ang lalaking nasa tabi niya ngayon ay nagbigay sa kanya ng emosyonal na kaligtasang matagal na niyang hinahanap. Sa gitna ng gabi, sa ilalim ng pag-aalaga at respeto ng isang hamak na "utusan", naramdaman ni Patricia kung paano pahalagahan at pakinggan.

At unti-unti, habang pinakikinggan ang mahinang pagpatak ng ulan sa labas, nakaramdam siya ng isang malalim, payapa, at totoong pagmamahal. Isang pagmamahal na alam niyang hindi nabibili ng pera, isang pagmamahal na handang baguhin ang lahat ng mali sa kanyang mundo. Sa gabing iyon, hindi siya isang asawang pilit nagmamakaawa ng atensyon; sa gabing iyon, naramdaman ni Patricia na sa wakas, nahanap na niya ang tahanang matagal na niyang pinapangarap.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Haplos ng Utusan   Chapter 171

    Ang nakakabulag na liwanag mula sa mga bumbilya sa kisame ay perpektong naglantad sa maputla at nanginginig na anyo ni Abbiyah, at sa naglalagablab, nakamamatay na demonyo na nakatayo sa kanyang harapan.Nakasandal ang likod ni Abbiyah sa malamig na pader ng mahogany bookshelf. Mahigpit niyang yakap ang itim na folder sa kanyang dibdib, tila ba isa itong sanggol na pilit niyang pinoprotektahan mula sa isang paparating na bagyo. Ang malaking midnight blue shirt ni Zion na suot niya ay biglang naging isang nakakasakal na patunay ng kanyang kasalanan.Humakbang si Zion papalapit. Bawat hakbang ng hubad na paa ng bilyonaryo sa sahig ay mabagal at walang-ingay, ngunit nagpapadala ng matinding pagyanig sa katinuan ng dalaga.Ang mga mata nito ay kasing-lamig ng kamatayan. Wala na ang lalaking umangkin sa kanya nang buong debosyon kanina. Wala na ang lalaking nanginginig ang mga kamay habang pilit na pinag-aaralan ang bawat kurba ng kanyang katawan. Ang nasa harapan niya ngayon ay ang walang

  • Haplos ng Utusan   Chapter 170

    Pumapatak ang bawat segundo tila isang mabigat na martilyo sa isipan ni Abbiyah.Tahimik na tahimik ang buong executive suite. Ang tanging naririnig lamang niya ay ang malalim at ritmikong paghinga ni Zion na mahigpit na nakayakap sa kanya mula sa likuran. Ang malapad at mainit na dibdib ng bilyonaryo ay perpektong nakadikit sa kanyang hubad na likod. Ang malaking braso nito ay nakapulupot sa kanyang baywang, ang magagaspang na daliri ay banayad na nakabaon sa kanyang balat, tila ba kahit sa pagtulog ay sinisiguro ng Hari ng Karagatan na hindi siya makakatakas.Ipinikit ni Abbiyah ang kanyang mga mata at mariing kinagat ang kanyang ibabang labi.3-8-1-9-4-7-2-0-5-5-1-4.Pabalik-balik na umaalingawngaw ang labing-dalawang numerong iyon sa kanyang utak. Iyon ang passcode. Nakuha niya. Ang nag-iisang susi na magliligtas sa kanyang ama mula sa pagkakulong at maglilinis sa pangalan ng kanilang pamilya. Isang napakasimpleng kombinasyon ng mga numero, ngunit ang naging kapalit ay ang mismong

  • Haplos ng Utusan   Chapter 169

    Tahimik na tahimik ang buong executive suite. Ang tanging naririnig lamang ni Abbiyah ay ang mabigat at kalmadong paghinga ni Zion na mahigpit na nakayakap sa kanya. Ang malaking braso ng bilyonaryo ay nakapulupot sa kanyang hubad na baywang, tila isang mabigat na kadena ng ginto na pumipigil sa kanyang pag-alis.Tinitigan ni Abbiyah ang itim na smartphone na nakapatong sa bedside table. Ang susi sa kaligtasan ng kanyang ama ay nasa abot-kamay na lamang niya.Dahan-dahan, halos hindi humihinga, sinubukan niyang iangat ang mabigat na braso ni Zion. Naging matagumpay siya. Ang bilyonaryo ay tulog na tulog, pagod sa matinding enerhiyang ibinuhos nito kanina. Maingat na inabot ni Abbiyah ang telepono. Malamig ang bakal nito sa kanyang nanginginig na palad. Kailangan niya ang thumbprint ni Zion upang mabuksan ang security app na konektado sa vault ng opisina.Kinuha ni Abbiyah ang malaki at magaspang na kanang kamay ng bilyonaryo. Dahan-dahan niyang inilapit ang hinlalaki nito patungo sa s

  • Haplos ng Utusan   Chapter 168

    Nabalot ng isang mabigat at nakakapasong katahimikan ang magulong opisina ng CEO. Ang mga nagkalat na papeles at nabasag na baso sa sahig ay nagsisilbing saksi sa marahas na pagbagsak ng yelong pader ni Zion Imperial.Nanginginig pa rin ang buong katawan ni Abbiyah habang buhat-buhat siya ng bilyonaryo. Nakabalot lamang sa kanyang maliit na hubad na bulto ang malaki at amoy-mint na midnight blue suit jacket ng lalaki. Ikinulong siya ni Zion sa matitipuno nitong mga braso, ang mukha nito ay nakabaon sa gilid ng kanyang leeg, tila ba kumukuha ito ng lakas at hininga mula sa kanyang balat.Sinabi nitong nakakulong na siya sa hawla nito. At base sa higpit ng hawak ng lalaki, alam ni Abbiyah na hindi ito nagbibiro.Ngunit habang nararamdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso ni Zion sa ilalim ng hubad nitong dibdib, isang matalim na katotohanan ang bumangga sa isipan ni Abbiyah. Nakalimutan na nito ang biometric skimmer. Sa tindi ng uhaw na pinakawalan ng bilyonaryo, tuluyan na nitong i

  • Haplos ng Utusan   Chapter 167

    Ang malamig na mahogany desk sa ilalim ng likod ni Abbiyah ay tila yelo na sumasalungat sa naglalagablab na apoy na patuloy na sumusunog sa kanyang pagkatao.Bawat mabagal, madiin, at walang-awang pagbayo ni Zion ay nagpapadala ng malalakas na alon ng kuryente na dumidiretso sa kanyang utak. Mahigpit na nakabaon ang mga kuko ni Abbiyah sa malalapad at pawisang balikat ng bilyonaryo. Wala siyang ibang makita kundi ang kailaliman ng madidilim na mata nito na ngayon ay nanlilisik sa isang nakakabaliw na pananakop.Biglang huminto si Zion.Ang matalim na panga ng Hari ng Karagatan ay nanigas nang husto. Rinig na rinig ni Abbiyah ang marahas at malalim na paghugot ng hininga nito. Ibinaba ni Zion ang kanyang paningin patungo sa pagitan ng kanilang mga katawan, kung saan sila perpektong nag-iisa. Naramdaman ng lalaki ang pambihirang higpit at ang bakas ng kawalang-malay na tuluyan nitong pinunit.Nang muling mag-angat ng paningin si Zion, ang mga mata nito ay tila isang sumasabog na bulkan.

  • Haplos ng Utusan   Chapter 166

    Nanginginig pa rin ang mga binti ni Abbiyah habang nakasiksik siya sa matigas at malapad na dibdib ni Zion. Ang nakakabinging katahimikan ng ika-walumpung palapag ay binabasag lamang ng kanilang mabibigat at naghahabol na paghinga.Naramdaman niya ang maiinit na labi ng bilyonaryo na banayad na humahalik sa kanyang pawisang noo. Ang malalaking braso ni Zion ay nanatiling nakapulupot sa kanyang baywang, tila ba isa itong bakal na kadena na kailanman ay hindi na siya pakakawalan.Sa isip ni Abbiyah, umalingawngaw ang isang malakas na babala. Nakuha mo na ang tiwala niya. Umatras ka na. Kunin mo ang kailangan mo at tumakas ka.Ngunit nang iangat niya ang kanyang paningin at salubungin ang naglalagablab na kailaliman ng mga mata ni Zion, alam ni Abbiyah na huli na ang lahat. Hindi na siya makakaatras. At kung susunugin din lamang siya ng lalaking ito, sisiguraduhin niyang mag-iiwan siya ng markang hindi nito makakalimutan habambuhay.Dahan-dahang inangat ni Abbiyah ang kanyang kamay. Igin

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status