Share

Chapter 5

Author: Mr. Heat
last update publish date: 2026-08-03 19:24:28

Nabulabog ang buong paligid sa lakas ng sigawan at sa kaguluhan sa pagitan nina Andy at Jovert. Ilang empleyado ang napalingon at nagsimulang lumabas ng bulwagan upang alamin kung ano ang nangyayari sa madilim na pasilyo.

Ngunit sa gitna ng kaguluhang iyon, walang sinuman ang nakapansin sa isang p***o na bahagyang nakabukas.

Sa likod niyon ay may isang pares ng malamig na matang tahimik na nakamasid sa buong eksena.

Si Matthew.

Matthew's POV

Nakatayo ako sa gilid ng p***o habang nakakrus ang aking mga braso, malamig na pinagmamasdan ang lalaking nagwawala at ang babaeng nakaluhod sa sahig habang walang tigil sa pag-iyak.

Mabuti nga sa'yo... malamig kong bulong sa aking sarili habang mariing nakakuyom ang aking panga. Nilagyan mo pa pala ng droga ang inumin ko para lang makuha ang gusto mo.

Galit at matinding disgusto ang bumabalot sa buo kong pagkatao.

Kaya pala bigla na lamang akong nawalan ng katinuan kagabi. Kaya pala nagdilim ang paningin ko at napagkamalan ko pa siyang si Christina.

Ginamit niya ang kalasingan at ang pagkakataon para pagmukhaing tanga ang isang Matthew Sterling.

Dinampot ko ang aking telepono at mabilis na tinawagan ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tauhan.

"Boss?" sagot ng nasa kabilang linya.

"Alamin mo kung saang departamento kabilang ang empleyadong nagngangalang Darlene Flores," malamig at maawtoridad kong utos habang hindi iniaalis ang tingin sa babaeng nanginginig sa sahig. "Gusto ko ang lahat ng impormasyon tungkol sa kaniya nasa mesa ko bukas na bukas din."

"Makakaasa ka, Boss."

Ibinaba ko ang tawag at dahan-dahang isinara ang p***o.

Isang mapait at halos hindi mapansing ngiti ang gumuhit sa aking mga labi.

Humanda ka sa akin, Darlene Flores.

Sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang pambabastos na ginawa mo sa akin.

Darlene's POV

Kinabukasan...

Magang-maga ang aking mga mata nang humarap ako sa salamin. Halata pa rin ang bakas ng sampal ni Jovert sa aking kaliwang pisngi. Kahit anong pilit kong takip gamit ang makeup, hindi pa rin nito maitago ang pamumula.

Pakiramdam ko'y ilang taon ang idinagdag ng isang gabi sa aking buhay.

"Darlene..." mahina akong tinawag ni Bea habang nakatayo sa labas ng comfort room ng opisina. "Sigurado ka bang papasok ka?"

Tipid akong ngumiti.

"Kailangan. Wala naman akong choice."

Nag-aalala niya akong tiningnan.

"Pwede ka namang mag-leave."

Umiling ako.

"Hindi pwede. Ayokong isipin nilang tumatakas ako."

Napabuntong-hininga si Bea bago marahang hinawakan ang aking kamay.

"Nandito lang kami ni Andy."

Mahina akong tumango.

Pagpasok namin sa opisina, agad kong naramdaman ang kakaibang katahimikan.

May ilang kasamahan ang palihim na tumitingin sa akin. May mga nagbubulungan. May mga agad namang umiwas ng tingin nang mapansin nilang nakatingin ako.

Parang may mabigat na hanging nakabalot sa buong departamento.

Hindi ko na lamang sila pinansin.

Tahimik akong naupo sa aking cubicle at sinubukang ituon ang isip sa trabaho.

Ngunit halos limang minuto pa lamang ang lumilipas nang biglang tumunog ang telepono sa mesa ko.

"Darlene?"

"Yes po?"

"Pinapatawag ka ng HR."

Nanlamig ang buo kong katawan.

"B-Bakit po?"

"Hindi namin alam. Basta pumunta ka raw agad."

Napalunok ako.

Nagkatinginan kami ni Bea.

Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Darlene... sasamahan kita."

Umiling ako.

"Ako na."

Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang tumayo.

Bawat hakbang ko papunta sa HR Department ay pakiramdam ko'y lalong bumibigat.

Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa likod ng pintong iyon.

Pero may kutob akong...

Hindi na magiging pareho ang buhay ko paglabas ko roon.

Darlene's POV

Huminga ako nang malalim bago kumatok sa pintuan ng HR.

"Come in."

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at pumasok.

"Good morning po," mahina kong bati.

"Good morning, Darlene. Please, have a seat," magalang na sabi ng HR Manager.

Tahimik akong naupo. Halos marinig ko ang malakas na tibok ng sarili kong puso.

May inilapag siyang brown envelope sa mesa bago marahang tumingin sa akin.

"Miss Flores, may direktang utos mula sa Office of the CEO."

Parang biglang nanigas ang buong katawan ko.

Office...

of the CEO?

"L-Lahat po ba ng empleyado ay dumadaan sa ganito?" kinakabahan kong tanong.

Umiling ang HR Manager.

"No."

Lalo akong kinabahan.

"Bakit po ako?"

"May nais ipag-utos ang CEO. Effective immediately, ililipat ka mula sa Finance Department."

Nanlaki ang aking mga mata.

"Ililipat... po?"

Tumango siya.

"Starting today, magiging executive assistant ka ng CEO."

Pakiramdam ko'y biglang umikot ang buong silid.

"A-Ako po?" halos pabulong kong tanong. "Baka may mali po..."

"Walang mali."

Inilapit niya sa akin ang dokumentong may pirma sa ibaba.

Nang makita ko ang pamilyar na lagda...

Matthew Sterling.

Nanlamig ang aking mga kamay.

"Hindi ko po kayang..."

"Pasensya na, Darlene." Malumanay ang boses ng HR Manager. "Hindi ito request. Direct order ito ng CEO."

Napayuko ako.

Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot.

Ang mawalan ng trabaho...

O ang araw-araw na kaharapin ang lalaking galit na galit sa akin.

"Dapat po ba... ngayon na?" mahina kong tanong.

"Ngayon din."

Tumayo ang HR Manager at iniabot sa akin ang access card.

"Ika-thirty-fifth floor. Hihintayin ka ng secretary ni Mr. Sterling."

Mahigpit kong hinawakan ang ID card.

Parang gusto ko nang umatras.

Pero wala na akong magagawa.

Ilang minuto ang lumipas, nakatayo na ako sa harap ng pribadong elevator papunta sa executive floor.

Dahan-dahang bumukas ang p***o.

Paglabas ko, sinalubong ako ng katahimikan.

Napakalayo nito sa ingay ng ordinaryong opisina.

Marahang lumapit sa akin ang sekretarya.

"Miss Flores?"

"O-Opo."

"Please follow me. Hinihintay ka na ni Mr. Sterling."

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Huminto kami sa harap ng malaking pintuang kahoy.

Kumatok ang sekretarya.

"Sir, she's here."

Mula sa loob ay narinig ko ang malamig at pamilyar na boses.

"Send her in."

Dahan-dahang bumukas ang p***o.

Nakatayo si Matthew sa harap ng floor-to-ceiling window, nakatalikod sa akin.

Suot niya ang mamahaling itim na suit na lalo lamang nagdagdag sa kaniyang awtoridad.

Hindi siya agad lumingon.

"Close the door."

Nanginginig kong isinara ang p***o.

Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa amin.

Pagkatapos ay dahan-dahan siyang humarap.

Malamig ang kaniyang mga mata.

Walang bakas ng emosyon.

"Welcome to my office, Miss Flores."

Huminto siya sandali bago muling nagsalita.

"Simula ngayon..."

"Magkakasama tayo araw-araw."

Hindi ko namalayang napalunok ako.

At sa paraan ng kaniyang pagtitig sa akin...

Alam kong hindi aksidente ang paglipat ko rito.

May balak si Matthew Sterling.

At ako ang puntirya niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • He Choose her, But I Carried his child   Chapter 130

    NATHAN POVHindi ko akalaing ganito pala kahirap ang maging empleyado sa sarili naming kompanya.Akala ko noong una ay madali lang. Papasok ako sa opisina, susunod sa mga utos ng supervisor, gagawin ang mga nakaatang na trabaho at uuwi kapag tapos na ang lahat.But I was wrong.Sobrang daming kailangang matutunan. Mula sa simpleng pag-aayos ng mga dokumento, pagre-review ng reports, hanggang sa pakikipag-usap sa mga kliyente. Hindi pala biro ang responsibilidad na kailangan mong gampanan araw-araw.At ang mas mahirap, kailangan kong patunayan na kaya kong gawin ang lahat nang hindi umaasa sa pagiging anak ng may-ari."Mr. Nathan, tapos na po ba ang report na pinagawa sa inyo ni Sir?"Napatingin ako sa katrabaho kong si Mark na nakatayo sa harap ng mesa ko."Almost done. May chine-check lang akong figures.""Okay, sir. Kailangan na po kasi iyon bago mag-alas-tres.""Yes. I'll submit it before three."Tumango siya bago bumalik sa sarili niyang puwesto.Napabuntong-hininga ako at muling

  • He Choose her, But I Carried his child   Chapter 129

    DARLENE POVMabilis na lumipas ang panahon. Hindi ko namalayan na malaki na pala ang ipinagbago ng buhay namin.Nagtatrabaho na ngayon ang anak kong si Nathan. Sa kompanya ng Daddy niya siya pumapasok. Pero siyempre, bilang bagong empleyado, kailangan muna niyang magsimula sa mababang posisyon. Hindi dahil anak siya ng may-ari ay maaari na niyang makuha agad ang mataas na posisyon. Gusto rin naming matutunan niya ang lahat mula sa simula.At masasabi kong masaya ako dahil hindi naman siya nagreklamo. Sa halip, buong puso niyang tinanggap ang responsibilidad na ibinigay sa kaniya ng Daddy niya.Samantala, si Amara naman ay unti-unti nang nagiging behave. Mas pino na rin siyang kumilos kumpara noon. Hindi na ganoon kadalas ang tantrums niya, at mas natututo na siyang kontrolin ang sarili.Alam kong hindi madali ang lahat dahil may ADHD ang anak ko. Pero sa tuloy-tuloy niyang therapy sessions at sa suporta naming pamilya, marami na kaming nakikitang pagbabago sa kaniya.Hindi naman namin

  • He Choose her, But I Carried his child   Chapter 128

    Darlene POV Kinagabihan, nang tulog na nang mahimbing sina Amara at Nathan sa kani-kanilang mga silid, pumasok kami ni Matthew sa aming kuwarto. Bahagyang nakabukas ang bintana kaya sumasabay ang malamig na hangin sa dahan-dahang paggalaw ng kurtina. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang nagsusuklay ng aking buhok nang biglang gumaan ang aking pakiramdam mula sa pagod ng buong linggo. Dahan-dahang lumapit si Matthew mula sa likuran ko. Kinuha niya ang suklay mula sa aking kamay at inilapag ito sa nightstand, bago dahan-dahang inilagay ang kaniyang malalaking kamay sa aking mga balikat upang marahan itong hilutin. "Pagod ang mahal ko?" masuyong tanong ni Matthew sa paos ngunit napakalambing na boses. Ipinikit ko ang aking mga mata at isinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib. "Medyo... pero masaya ang puso ko, Matthew. Ang sarap sa pakiramdam na nakikitang nagmamahalan at nagpoprotektahan na sina Amara at Nathan." Pinalupot ni Matthew ang kaniyang mga braso sa aking baywan

  • He Choose her, But I Carried his child   Chapter 127

    Darlene POVPagka-uwi namin galing sa eskwelahan, sinalubong kami nina Nathan at Amara sa sala. Kitang-kita ko pa rin ang bakas ng takot at pag-aalala sa mga mata ng aming bunso, habang si Amara naman ay tahimik na nakaupo sa kaniyang paboritong silya habang nagkukulay ng kaniyang sketchpad.Lumapit si Nathan sa amin, nanginginig ang mga labi habang nakatingin kay Matthew. "Dad... pasensya na po. Ako po dapat ang nagbantay kay Ate. Kung hindi lang po ako nag-inarte noon na ikinahihiya ko siya, sana hindi nangyari 'yun."Lumuhod si Matthew sa harap ni Nathan at hinawakan nang mahigpit ang magkabilang balikat ng aming anak. Seryoso ngunit puno ng pag-unawa ang mga mata ng aking asawa."Nathan, anak, huwag mong pasanin ang lahat sa sarili mo," malambing na usal ni Matthew. "Lahat tayo ay nagkakamali at may mga panahong natututo. Ang mahalaga ay natutunan mo kung paano ipagtanggol at mahalin ang ate mo nang walang halong pag-aalinlangan. Ipinagmamalaki kita dahil pinili mong iligtas at ip

  • He Choose her, But I Carried his child   Chapter 126

    Nathan POV Pakiramdam ko ay tumigil ang ikot ng mundo ko nang makita ko si Ate Amara sa gitna ng basketball court. Nanlaki ang mga mata ko at napako ako sa aking kinatatayuan dahil nakatayo siya roon, masayang sumasayaw sa harap ng maraming estudyante. Pero ang mas nagpaakyat ng dugo sa ulo ko—ginagamit ng mga tao roon ang kaniyang pagiging inosente. Inuutusan pa siyang itaas ang palda niya habang sumasayaw, kaya kitang-kita na ang kaniyang panty. Panay naman ang hiyawan at tawanan ng mga lalaki sa paligid. Lalo na si Sherwin—ang team captain ng basketball team. Gwapo, sikat, at maraming nagkakagusto sa kaniya sa campus. Nakasandal lang si Sherwin sa bleachers habang nakaturo kay Ate at humahagikgik kasama ng kaniyang mga ka-team. Galit na galit na nanginig ang buo kong katawan. Mabilis kong tinakbo ang gitna ng court, hinarangan si Ate Amara, at maingat ngunit mabilis na ibinaba ang kaniyang palda. "Ate, tama na!" nanggagalaiti kong sigaw habang hinila ko siya palayo sa mga

  • He Choose her, But I Carried his child   Chapter 125

    Darlene POV Mabilis na lumipas ang mga taon at hindi ko namalayan na pareho na palang nasa high school ang dalawa kong anak. Si Amara ay nasa senior high school habang si Nathan naman ay bagong pasok sa junior high sa iisang malaking paaralan. Sa kabila ng paglaki ni Amara, nanatili pa rin ang kaniyang pagiging napakalambing at sobrang sigla dahil sa kaniyang ADHD. Kapag masaya siya, hindi niya pa rin mapigilang pumalakpak, magtatatalon, o mag-stream ng pananabik sa gitna ng hallway. Pero habang lumalaki si Nathan, napapansin ko ang unti-unting pagbabago sa kaniya. Isang hapon, nakatayo ako sa tabi ng kotse sa parking lot ng eskwelahan habang hinihintay silang dalawa. Unang lumabas si Amara na may malaking ngiti sa kaniyang mukha. Nang makita niya si Nathan na naglalakad kasama ang kaniyang mga bagong kaklase, masaya siyang kumaway nang mataas at patakbong lumapit dito. "Nathan! Baby brother! Sabay na tayo kay Mommy!" masayang sigaw ni Amara habang pumapalakpak sa gitna ng maraming

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status