MasukDarlene POV
Nabalot ng matinding takot at panlalamig ang buo kong katawan. Mabilis kong hinila ang kumot upang takpan ang aking sarili, habang nanginginig ang aking mga kamay sa labis na pagkabigla. "Walanghiya ka! Niloko mo ako!" sigaw muli ni Jovert. Nanlilisik ang kaniyang mga mata sa galit at panlulumo. Ang lalaking nahuli kong nakikipaghalikan kay Mia ilang oras lamang ang nakalipas ay ngayon nagwawala sa harap ko, na para bang siya pa ang pinakamalaking biktima sa mundong ito. "Anong kaguluhan 'to?!" Ang malamig at maawtoridad na boses ni Matthew ang pumuno sa buong silid. Napatingin siya sa aming dalawa—kay Jovert na nagwawala at sa akin na nakabalot lamang ng kumot. Sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Mula sa pagiging antok, napalitan iyon ng matinding pagkabigla at disgusto nang unti-unti niyang maunawaan ang sitwasyon. "What the heck?!" malakas at galit niyang sigaw. Walang pag-aalinlangan at tila wala nang pakialam sa sarili niyang kalagayan, mabilis siyang bumangon mula sa kama. Agad niyang dinampot ang kaniyang pantalon at polo na nakakalat sa sahig at nagmamadaling nagbihis. Ang bawat galaw niya ay puno ng galit at pagmamadali, na para bang gusto na niyang makaalis sa sitwasyong kinasasadlakan naming dalawa. "Sir... Matthew..." nauutal kong sambit. Ngunit walang kasunod na salita ang lumabas sa aking lalamunan. Napapikit na lamang ako sa matinding hiya. Tumingin sa akin si Matthew. Ang mga matang kagabi lamang ay puno ng magulong emosyon ay ngayon ay malamig na parang yelo. "You..." mariin at malamig niyang saad habang matalim ang tingin sa akin. "Get out. Both of you, get out of my room!" Nakatayo si Jovert sa tabi ng p***o, nakakuyom ang mga kamao at nakatitig sa akin nang may halong poot at panliliit. Samantalang ako... Nakatulala lamang sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung paano haharapin ang sabay-sabay na pagguho ng aking mundo—ang aking trabaho, ang aking reputasyon, at ang huling natitirang piraso ng aking pagkatao. Nanghihina akong tumayo habang mahigpit na nakabalot sa aking katawan ang kumot. Pilit kong hinanap sa paligid ang aking mga damit na nakakalat sa sahig. Bawat pagyuko ko upang damputin ang mga iyon ay tila isang sampal ng katotohanan sa aking mukha. "Hindi ka ba talaga nahihiyang gawin 'to, Darlene?!" galit na bulong ni Jovert habang nakatayo pa rin sa may p***o. "Nakalimutan mo na ba na boyfriend mo ako?! Nakipag... sa boss natin?!" Gusto kong isumbat sa kaniya ang nakita ko sa hallway kanina. Gusto kong isigaw na nahuli ko siyang nakikipaghalikan kay Mia. Ngunit natuyo ang boses ko sa aking lalamunan. Ano pa bang silbi? Pareho na kaming nakalubog sa putik. "I said, OUT!" muling sigaw ni Matthew. Natapos na siyang magsuot ng kaniyang polo at kasalukuyang isinusuot ang kaniyang mamahaling relo. Hindi man lang siya lumingon sa kinaroroonan ko. Ang kaniyang boses ay punô ng galit at disgusto. Para sa kaniya, isa lamang akong malaking pagkakamali—isang bangungot na dulot ng alak na nais niyang kalimutan sa lalong madaling panahon. Nang maisuot ko ang aking damit, kahit baliktad at gusot-gusot pa, mabilis kong pinunasan ang mga luhang walang tigil sa pagpatak. Nanginginig ang aking mga binti habang mabagal akong naglakad patungo sa p***o. "Sir Matthew... I'm... I'm sorry..." nauutal kong sambit, desperadong marinig man lang niya ang aking panig. "Don't speak," malamig at mariin niyang putol sa akin. Humarap siya sa amin ni Jovert. Ang kaniyang mga mata ay tila bumuo ng isang napakataas na pader na hindi ko na kailanman maaabot. "Ayaw kong makarinig ng kahit ano mula sa inyong dalawa. Clean yourselves up and leave. At siguraduhin ninyong walang makaaalam sa nangyaring ito." Mabilis akong lumabas ng silid, kasunod si Jovert na masamang-masama pa rin ang tingin sa akin. Habang naglalakad ako sa madilim at tahimik na hallway ng hotel, pakiramdam ko'y unti-unting gumuho ang buong mundo ko. Ito na marahil ang katapusan ng lahat— ng aking trabaho, ng aking simpleng buhay, at ng pangarap na minsan kong inakalang maaari palang maging totoo. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin!" sigaw ni Jovert kasabay ng isang marahas na sampal na halos nagpaling sa aking mukha. "Ang lakas ng loob mong iputan ako sa ulo sa hitsura mong 'yan!" Napasapo ako sa aking pisngi habang umuuga ang aking paningin. Ang hapdi ng sampal ay tila humahaplos sa buo kong katawan, ngunit mas masakit ang katotohanang ako pa ang nagpumilit na humingi ng tawad sa kaniya. "Maghiwalay na tayo!" galit niyang sigaw bago mabilis na tumalikod. "J-Jovert... sorry..." naghahabol kong tawag habang patakbong sumusunod sa kaniya sa madilim na pasilyo. "Nalasing lang ako... hindi ko sinasadya..." Ngunit bago ko pa man siya maabutan, bigla siyang humarap at marahas akong sinabunutan. "Aah!" Napatingala ako sa matinding sakit habang mahigpit niyang hawak ang aking buhok. "Huwag ka nang sumunod sa akin! Nakakadiri ka!" nagngingitngit niyang sigaw. "Ang lala mo! Nilagyan mo pa siguro ng gamot ang inumin ni Sir para lang patulan ka sa ganyang hitsura mo!" "Hindi! Hindi totoo 'yan!" umiiyak kong tanggi habang walang tigil ang pag-agos ng aking mga luha. "Hindi ko magagawa 'yon..." Ngunit bago pa man niya ako muling masaktan, isang mabilis na pigura ang sumugod mula sa likuran. BOGSH! Isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha ni Jovert. Napabitaw siya sa aking buhok at napaatras sa lakas ng tama. "Hayop ka! Wala kang hiya!" galit na sigaw ni Andy. Ang bakla naming kasamahan na palaging masayahin at palabiro ay ngayon nag-aapoy ang galit. Hindi na siya nagdalawang-isip at muling sinugod si Jovert. Sunod-sunod ang kaniyang mga suntok at tulak habang pilit siyang inilalayo sa akin. Kasabay nito, mabilis naman akong nilapitan ni Bea. "Darlene! Diyos ko, Darlene!" umiiyak niyang sambit habang mahigpit akong niyakap at inalalayan. Nanghihina na ang buo kong katawan. Parang nawala ang lahat ng lakas sa aking mga binti. Unti-unti akong napaluhod sa malamig na sahig ng pasilyo, habang tulala lamang sa kaguluhang nangyayari sa aking harapan. Ang hapdi ng aking pisngi. Ang sakit ng aking anit. At ang pusong tuluyan nang nadurog... Lahat ng iyon ay sabay-sabay na lumamon sa akin, habang tahimik akong umiiyak sa gitna ng dilim at kahihiyan.Darlene POV "I need the report on my desk tomorrow morning," malamig na utos ni Matthew habang hindi man lang ako tinitingnan. "Pero bago ka umuwi, dumaan ka muna sa flower shop." Inabot niya sa akin ang isang maliit na card. "Ibigay mo ang bouquet na ito kay Tina. At sabihin mo sa kaniya na pupunta ako mamaya sa condo niya." Saglit akong natigilan. Kung pupuntahan din naman niya mamaya... bakit hindi na lang siya mismo ang bumili ng bulaklak? Ngunit hindi ko na iyon sinabi. Hindi ako narito para magtanong. Isa lang akong empleyado. Mahigpit kong tinanggap ang card at bahagyang yumuko. "Opo, Sir." Hindi na siya muling nagsalita. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa mga dokumentong nasa mesa, hudyat na tapos na ang aming pag-uusap. Tahimik akong lumabas ng kaniyang opisina, bitbit ang panibagong utos na kailangan kong sundin. Pagsapit ng uwian, hinanap ko si Jovert. Nakita ko siyang masayang nakikipagkuwentuhan kay Mia. Pareho silang nasa Sales Department.
Darlene's POVMahigpit kong hinawakan ang ID lace na suot ko upang pigilan ang panginginig ng aking mga kamay.Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang napili.Sa dami ng empleyado sa Sterling Corporation...Bakit ako?"May problema ba, Miss Flores?" malamig na tanong ni Matthew.Mabilis akong umiling."W-Wala po, Sir.""Good."Lumakad siya pabalik sa kaniyang swivel chair at naupo. Marahan niyang binuklat ang ilang dokumentong nasa kaniyang mesa bago muling tumingin sa akin."Simula ngayon, ikaw ang mag-aayos ng schedule ko, sasama sa lahat ng meetings, at hahawak sa mga confidential files ko."Napakurap ako."Sir... wala po akong experience bilang executive assistant.""I know."Lalo akong nagtaka."Pero matututo ka."Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko'y may ibang ibig sabihin ang bawat salitang binibitawan niya.Hindi ito simpleng promotion.Parang...May gusto siyang patunayan."Angela."Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang sekretarya."Yes, Sir?""Ipakita mo kay Mis
Nabulabog ang buong paligid sa lakas ng sigawan at sa kaguluhan sa pagitan nina Andy at Jovert. Ilang empleyado ang napalingon at nagsimulang lumabas ng bulwagan upang alamin kung ano ang nangyayari sa madilim na pasilyo.Ngunit sa gitna ng kaguluhang iyon, walang sinuman ang nakapansin sa isang pinto na bahagyang nakabukas.Sa likod niyon ay may isang pares ng malamig na matang tahimik na nakamasid sa buong eksena.Si Matthew.Matthew's POVNakatayo ako sa gilid ng pinto habang nakakrus ang aking mga braso, malamig na pinagmamasdan ang lalaking nagwawala at ang babaeng nakaluhod sa sahig habang walang tigil sa pag-iyak.Mabuti nga sa'yo... malamig kong bulong sa aking sarili habang mariing nakakuyom ang aking panga. Nilagyan mo pa pala ng droga ang inumin ko para lang makuha ang gusto mo.Galit at matinding disgusto ang bumabalot sa buo kong pagkatao.Kaya pala bigla na lamang akong nawalan ng katinuan kagabi. Kaya pala nagdilim ang paningin ko at napagkamalan ko pa siyang si Christi
Darlene POVNabalot ng matinding takot at panlalamig ang buo kong katawan. Mabilis kong hinila ang kumot upang takpan ang aking sarili, habang nanginginig ang aking mga kamay sa labis na pagkabigla."Walanghiya ka! Niloko mo ako!" sigaw muli ni Jovert. Nanlilisik ang kaniyang mga mata sa galit at panlulumo. Ang lalaking nahuli kong nakikipaghalikan kay Mia ilang oras lamang ang nakalipas ay ngayon nagwawala sa harap ko, na para bang siya pa ang pinakamalaking biktima sa mundong ito."Anong kaguluhan 'to?!"Ang malamig at maawtoridad na boses ni Matthew ang pumuno sa buong silid.Napatingin siya sa aming dalawa—kay Jovert na nagwawala at sa akin na nakabalot lamang ng kumot. Sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Mula sa pagiging antok, napalitan iyon ng matinding pagkabigla at disgusto nang unti-unti niyang maunawaan ang sitwasyon."What the heck?!" malakas at galit niyang sigaw.Walang pag-aalinlangan at tila wala nang pakialam sa sarili niyang kalagayan, mabilis s
Darlene POV Bahagyang natigilan si Matthew sa bigla kong pagtugon. Ngunit panandalian lamang iyon. Nang muli niyang itinaas ang kaniyang paningin sa akin, may kakaibang emosyon na nakalarawan sa kaniyang mga mata—parang may matagal na siyang kinakalaban sa kaniyang sarili. Nanatili akong nakapikit. Sa isip kong balot pa rin ng alak, paulit-ulit kong kinukumbinsi ang sarili na isa lamang itong panaginip. Isang panaginip na ayaw kong matapos. Ngunit habang lumilipas ang bawat segundo, lalo kong nararamdaman ang bigat ng katahimikang bumabalot sa silid. Parang may gusto siyang sabihin. Parang may matagal na siyang kinikimkim. Mahina akong napahawak sa kaniyang balikat, pilit na hinahanap ang balanse ng sarili kong katawan. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na alam kung epekto pa ba iyon ng alak o ng taong nasa harapan ko. Sandali siyang tumigil. Narinig ko ang magulo niyang paghinga, kasunod ang halos hindi marinig na buntong-hininga. Para bang may p
Darlene POV Lumalim na nang husto ang gabi. Hindi ko na mabilang kung ilang baso ng alak ang naubos ko. Ang alam ko lang, ang huling tagay na ininom ko ang tuluyang nagpaikot sa aking paningin. Sobrang bigat na ng aking ulo. Pakiramdam ko'y anumang oras ay bibigay na ang aking mga tuhod. Ang tanging nais ko na lamang ay makahanap ng tahimik na lugar kung saan maaari akong makapagpahinga kahit sandali. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng maingay na bulwagan. Pasuray-suray ang aking mga hakbang habang pilit na nilalabanan ang hilo. Ngunit bago pa ako tuluyang makalayo, bigla kong naramdaman ang isang malakas na kamay na humawak sa aking bisig. "Wait..." mahina kong usal habang hinahawakan ang aking sentido. Hindi na ako nakapagtanong. Sa isang iglap, marahan ngunit mabilis niya akong hinila papasok sa isang madilim at tahimik na silid. Bumungad sa akin ang malamlam na ilaw at ang katahimikang taliwas sa ingay ng selebrasyon sa labas. Bago pa man ako makapag-isip, naram







