登入Anim na buwan matapos umalis si Vaelisse sa Elyndor City at mawala sa buhay ni Caelan—
sumabog ang pinakamalaking balita sa buong Velmoria. Ardyn International had fallen. Ang kumpanyang minsang kinatatakutan at iginagalang ng buong pharmaceutical industry ay biglang gumuho. Sa loob lamang ng ilang linggo, sunod-sunod na lumabas ang mga ulat laban sa Ardyn Family. Mga imbestigasyon. Mga kaso. Mga alegasyon. At mga eskandalong yumanig sa buong bansa. Mag-isang nakaupo si Caelan sa kanyang opisina habang pinapanood ang balita sa telebisyon. Ang kanyang tingin ay nakapako lamang sa screen. "Ardyn International is now facing multiple investigations..." "Sources claim the Ardyn Family concealed illegal activities for years..." "Experts believe the Ardyn Empire has officially collapsed..." Isa-isang binabatikos ng media ang dating pinakamakapangyarihang pamilya sa pharmaceutical industry. Parang mga gutom na buwitre na sabik lapain ang isang bumabagsak na higante. At kasabay ng bawat ulat— bumabalik sa isip ni Caelan ang mga salitang binitawan ni Vaelisse noong gabing iniwan siya nito. "I was only entertaining myself." "You were never part of my world." Noong una... Galit ang naramdaman niya. Matinding galit. Galit na halos sumira sa kanya. Ngunit habang lumilipas ang panahon— may mas masakit siyang natuklasan. Sa ilalim ng lahat ng galit na iyon... nandoon pa rin ang sakit. Dahil sa kabila ng lahat— hindi pa rin niya makalimutan si Vaelisse. ... Five Years Later Asterion City. Ang sentro ng negosyo, kapangyarihan, at kayamanan sa buong Velmoria. Dito nagtitipon ang pinakamayayamang negosyante. Pinakamaimpluwensyang politiko. At mga elite families na may kakayahang baguhin ang takbo ng ekonomiya ng bansa sa isang pirma lamang. Sa gitna ng lungsod ay matatagpuan ang isa sa pinakasikat na luxury fine-dining restaurants. Maison Étoile. Isang lugar na bihirang puntahan ng ordinaryong tao. Ang reservation list nito ay kadalasang puno ilang linggo bago pa man ang mismong schedule. Ang pangunahing dining hall ay napapalibutan ng floor-to-ceiling glass windows na nagbibigay ng tanawin ng buong Asterion skyline. Sa ilalim ng mga kristal na chandelier ay nakaupo ang iba't ibang business executives, celebrities, foreign investors, at mga miyembro ng elite families. May ilan na tahimik na kumakain. May ilan na nakikipag-usap tungkol sa multi-million deals. Habang ang iba naman ay gumagamit ng restaurant bilang neutral ground para sa mga sensitibong negosasyon. Bukod sa main dining hall, mayroon ding mga private rooms na eksklusibong ginagamit ng mga VIP guests. Mas mataas ang privacy. Mas mahigpit ang security. At mas mahal ang presyo. Sa madaling salita— ito ay lugar na para lamang sa mga taong nasa tuktok ng lipunan. "Elisse." Napalingon ang isang babae nang marinig ang tawag. Nakasuot siya ng simpleng waiter uniform. Nakatali nang maayos ang mahaba niyang buhok. May suot na apron. At may hawak na order tablet. "Yes, Manager?" Magalang siyang lumapit. Bumuntong-hininga ang manager habang tinitingnan siya. "Tapusin mo na ang shift mo at magpahinga ka muna." "Kailangan kita mamayang gabi." "May mga VIP guests na darating." Bahagyang napangiti si Elisse. "One hour na lang naman po." "Sayang din ang sahod." Napailing ang manager. Wala itong maipangtutol. "Okay." "Pero pagkatapos ng isang oras, magpapahinga ka." "Understood?" Tumango si Elisse. "Yes, Manager." Ngumiti siya nang magalang bago muling bumalik sa trabaho. Sa loob lamang ng ilang minuto— sunod-sunod na ang mga order. "Table seven, truffle risotto." "Copy." "Private Room Three, premium wine." "Right away." "Table twelve, seafood platter." "I'll deliver it." Mabilis siyang kumikilos sa pagitan ng mga mesa. Kumuha ng order. Naghatid ng pagkain. Nagdala ng inumin. Nag-asikaso ng mga request. Mula dining hall. Hanggang private rooms. Hanggang kusina. Paulit-ulit. Walang reklamo. Walang pagod na ipinapakita. Sa kusina, mabilis niyang ibinigay ang mga bagong order. "Chef, additional order for Room Two." Tumango ang chef. "Got it." Pagkatapos ay agad siyang bumalik sa dining hall. Sa kabilang bahagi naman ng restaurant, may isang pamilya na humihingi ng dessert recommendation. Sa isang private room, may grupo ng investors na nangangailangan ng karagdagang wine. Habang sa isa pang mesa ay may customer na gustong baguhin ang kanyang order. Tahimik na inaasikaso ni Elisse ang lahat. Kung narito si Caelan ngayon— malamang makikilala niya agad ang babaeng iyon. Ngunit marahil ay matatawa lamang siya. Dahil ang dating mapagmataas na tagapagmana ng Ardyn Family— ang babaeng nagsabing hindi siya kabilang sa mundo nito— ay isa na lamang ngayong waiter sa isang restaurant. ... Bumuntong-hininga si Vaelisse bago ngumiti nang matamis pagkapasok niya sa resting area. Malawak ang pahingahan ng mga empleyado ng Maison Étoile. May ilang mesa para sa kainan. Isang maliit ngunit kumpletong kusina. May munting sala na may telebisyon. At syempre, malamig na air conditioning upang maging komportable ang mga empleyado sa oras ng kanilang pahinga. Tahimik na inalis ni Vaelisse ang kanyang apron at isinabit iyon sa locker. Tapos na rin ang kanyang shift. Paglingon niya sa sala, agad na lumambot ang kanyang mga mata. "Vivi." Matamis ang kanyang boses. Lumingon ang batang babae na nakaupo sa harap ng telebisyon. Apat o limang taong gulang lamang ito. May mahaba at bagsak na itim na buhok. Malalaki ang mga mata. At napakaputi ng balat. Para itong maliit na manika. "Mommy!" Agad nitong iniwan ang pinapanood at mabilis na tumakbo palapit. Napangiti si Vaelisse. Lumuhod siya at binuka ang kanyang mga braso. Sa sumunod na segundo— yumakap na sa kanya ang bata. Mahigpit. Parang ilang araw silang hindi nagkita. At sa isang iglap— parang nawala ang lahat ng pagod ni Vaelisse. Mahigpit niya ring niyakap ang kanyang anak. Kaeliviane Valecrest. Noong una, ayaw niyang gamitin ng bata ang apelyido ni Caelan. Ngunit kalaunan ay nagbago ang isip niya. Malabong magkita pa silang muli. Abala si Caelan sa Elyndor City. Habang siya naman ay nagtatago sa Asterion. Kaya pinili niyang gamitin ang apelyido ng lalaki. Bilang alaala. Sa taong minsang naging buong mundo niya. At sa lalaking nagbigay sa kanya ng pinakamagandang regalo sa buhay niya. "Are you hungry, Vivi?" malambing na tanong niya. Kumurap ang bata. Pagkatapos ay tumango nang mabilis. "Mommy..." Hinawakan nito ang tiyan. "I'm hungry." Napakagat-labi si Vaelisse para hindi matawa. At bago pa siya makasagot— may tumawa mula sa kusina. "Baby Via, wala ka talagang kabusugan." Lumingon silang mag-ina. Isang babae ang naglalakad palabas ng kusina habang inaalis ang apron nito. "Kakakain mo lang ng limang egg sandwich kanina." "Gutom ka na naman?" "Ang liit-liit mo pero parang walang ilalim ang tiyan mo." Agad na nag-pout si Vivi. "Tita Chloe..." "Growing girl po ako." Tahimik ang paligid sa loob ng dalawang segundo. Pagkatapos— natawa ang lahat. Maging si Vaelisse ay hindi napigilang matawa. "See?" taas-noong sabi ni Vivi. "I'm growing." Mas lalo pang natawa si Chloe. Pagkatapos ay tumingin ito kay Vaelisse. "Elisse, handa na ang tanghalian." "Kumain ka na rin." Ngumiti si Vaelisse. "Salamat, Tita Chloe." "At salamat din po sa pag-aalaga kay Vivi habang nasa trabaho ako." Agad na ikinaway ni Chloe ang kanyang kamay. "Ano ka ba." "Wala iyon." "Kaibigan ako ng tita mo." "At alam kong hindi naging madali ang pinagdaanan mo matapos ang nangyari sa—" Bigla itong tumigil. Napansin niya ang bahagyang lungkot na dumaan sa mga mata ni Vaelisse. Bumuntong-hininga siya. "Elisse." "Tandaan mo." "Hindi mo kailangang magpasalamat lagi sa akin." "Pamilya tayo rito." Bahagyang nag-init ang mga mata ni Vaelisse. Ngumiti siya. "Salamat pa rin po." Napailing si Chloe. Bago pa ito makasagot— bumukas muli ang pinto. Pumasok ang isa pang babae. "Tama si Chloe." Lumingon si Vaelisse. "Manager Paula." Ngumiti ang manager. "Elisse, tatlong taon ka nang nagtatrabaho rito." "Pamilya tayo." "Hindi mo na kailangang magpasalamat lagi sa maliliit na bagay." Bahagyang naantig si Vaelisse. "Salamat, Manager Paula." Natawa si Chloe. Habang napailing naman si Paula. "Tingnan mo." "Nagpasalamat ka na naman." Lalong lumawak ang ngiti ni Vaelisse. "Sorry." "At salamat—" "Elisse!" sabay na reklamo nina Chloe at Paula. Napahagikgik si Vivi habang nakakapit sa braso ng kanyang ina. "Mommy got caught." Natawa ang tatlong babae. "Oh siya," sabi ni Chloe. "Pakainin mo na ang anak mo." "At kumain ka na rin." Tumango si Vaelisse. Pagkatapos ay hinawakan ang maliit na kamay ni Vivi. "Tara na, baby." "Yay!" Masayang tumalon si Vivi. "Mukhang chicken po ang lunch." "Feeling ko." Napatingin si Vaelisse. "Feeling mo?" Tumango si Vivi nang seryoso. "Naamoy ko po." Muling natawa ang lahat habang hinihila ni Vaelisse ang kanyang anak papunta sa mesa. ... Kinagabihan. Halos wala nang tao sa loob ng Maison Étoile. Ilang staff na lamang ang abala sa paglilinis ng dining hall habang ang karamihan sa mga customer ay matagal nang umalis. Ngunit may isang bahagi ng restaurant na nananatiling mahigpit ang seguridad. Ang pinakamalaking private room. Isang espesyal na silid na nakalaan lamang para sa pinakamahahalagang bisita. Bzzztt. Umalingawngaw ang tunog ng walkie-talkie. Agad na tumingin ang mga waiter. "VIP Room. Prepare service." "Copy." Mabilis na kumilos ang lahat. Isa-isang inayos ang mga tray. Ang mga pagkain. At ang mga mamahaling alak. Kabilang sa kanila si Vaelisse. Hawak niya ang isang mamahaling champagne habang mahinahong pumuwesto sa pila ng mga waiter. Tatlong taon na siyang nagtatrabaho rito. Sanay na siya. Mga VIP guests. Mga negosyante. Mga politiko. Mga mayayamang pamilya. Wala nang bago roon. Kaya gaya ng nakasanayan— normal siyang sumunod sa grupo nang bumukas ang pinto ng private room. Isa-isang pumasok ang mga waiter. Tahimik. Propesyonal. Disiplinado. At nang tuluyan siyang makapasok— natigilan siya. Parang huminto ang mundo. Parang nawala ang lahat ng tunog sa paligid. Parang biglang nablangko ang kanyang isip. Dahil sa kabilang dulo ng mesa— may isang lalaking nakaupo. Matangkad. Gwapo. Matalim ang mga mata. At may malamig na presensyang kayang patahimikin ang buong silid. Nakatingin ito diretso sa kanya. Walang pagkurap. Walang pag-aalinlangan. At sa sandaling iyon— nakilala niya agad kung sino ito. Caelan Dravik Valecrest. Ang lalaking hindi niya kailanman pinangarap na muli niyang makikita. Ang lalaking iniwan niya mahigit limang taon na ang nakalipas. Ang lalaking sinaktan niya gamit ang sarili niyang mga salita. Bang! Nalaglag ang champagne mula sa kanyang mga kamay. Basag ang bote. Kumalat ang alak sa sahig. Ngunit wala ni isa sa kanila ang nakatingin doon. Dahil sa loob ng pribadong silid— ang tanging nakikita ni Vaelisse... ay si Caelan. At ang tanging nakikita ni Caelan... ay ang babaeng akala niyang hindi na niya muling makikita habang buhay.Pagpasok ni Vaelisse sa rest area ng Maison Étoile kinabukasan, agad niyang naamoy ang pamilyar na samyo ng nilulutong almusal.Tulad ng dati.Maaga na namang gumising si Chloe upang magluto para sa mga empleyado."Good morning, Lola Chloe!"Masayang bati ni Vivi nang makapasok sa loob.Agad itong tumakbo papunta sa kusina."Hmm..."Huminga ito nang malalim."Ang bango."Pagkatapos ay dinilaan pa ang sariling labi.Napatawa si Chloe."Little glutton.""Maupo ka na nga sa mesa.""Malapit na matapos si Lola Chloe."Tumango si Vivi.Ngunit hindi pa rin maalis ang tingin nito sa nilulutong pagkain.Parang natatakot na baka mawala iyon anumang oras.Napailing si Chloe bago tumingin kay Vaelisse."Elisse.""Maupo ka na rin."Ngumiti si Vaelisse.Ngunit agad ding sumimangot si Chloe nang makita nang mabuti ang mukha nito."Bakit namamaga ang mata mo?""Umiyak ka na naman ba?"Napahinto si Vaelisse.Pagkatapos ay ngumiti lamang nang mapait habang nauupo sa mesa.Bumuntong-hininga si Chloe."H
Natahimik si Caelan.Maging ang kanyang assistant ay natigilan.Parang hindi nito alam kung paano magre-react sa narinig.Ngunit ilang sandali lamang—may isang alaala ang biglang bumalik sa isip ni Caelan.Ang pinaka-mapait na gabi ng kanyang buhay.Mas mapait pa kaysa sa pinakamalaking pagkatalo.Mas masakit pa kaysa sa anumang digmaan sa mundo ng negosyo.Ang gabing winasak siya ni Vaelisse.Muling umalingawngaw sa kanyang isipan ang bawat salitang binitawan nito."I was only entertaining myself.""You were never part of my world.""Hinding-hindi ako bababa para lang pantayan ka."Isa-isa.Paulit-ulit.Parang kahapon lamang nangyari ang lahat.At pagkatapos—naalala niya ang lalaking kasama nito noong gabing iyon.Ang lalaking niyayakap ni Vaelisse.Ang lalaking pinili nito kaysa sa kanya.Sa isang iglap—nanlamig ang kanyang mga mata.Bumigat ang hangin sa loob ng study room.Parang biglang bumaba ang temperatura.Napakurap ang assistant.Pagkatapos ay hindi sinasadyang hinimas an
Pumalakpak si Via at masayang tumawa."Lola Chloe!"Agad na lumapit si Chloe na halatang kanina pa naghahanap sa bata.Nang makita niya si Via sa tabi ni Caelan, bahagyang nakahinga siya nang maluwag."Mr. Valecrest."Magalang siyang yumuko."Pasensya na po kung naabala kayo ng alaga ko.""Oh."Bahagyang tumango si Caelan."Kayo po pala ang nag-aalaga sa bata."Pagkatapos ay marahan niyang ibinaba si Via sa lupa.Ngumiti nang malaki ang bata."Lola Chloe!"Tumakbo ito palapit sa babae.Kumikinang ang mga mata nito na para bang nakakita ng kayamanan."Look!"masaya nitong sabi."Tingnan mo kung sino ang nahanap ko."Misteryoso pa nitong ibinaba ang boses.Napakunot-noo si Chloe."Who?"Lalong lumawak ang ngiti ni Via.Pagkatapos ay pumalakpak ang maliliit nitong kamay."I found my Daddy!"Sabay turo kay Caelan.Natigilan si Chloe.Halos awtomatiko niyang gustong sabihin na—"Hindi siya ang daddy mo."Ngunit bago pa siya makapagsalita—may lumabas mula sa entrance ng hotel.Isang matand
"CEO, hindi ko alam na may tinatago kang anak."Hindi napigilan ng assistant ni Caelan ang magbiro.Napatawa pa ito.Ngunit bago pa man tuluyang lumabas ang tawa nito—dahan-dahang lumingon si Caelan.Malamig.Napakalamig."..."Agad na natigil ang assistant."Ahem.""Ahem, ahem."Mabilis itong tumingin kung saan-saan.Parang bigla itong naging interesado sa mga puno, sasakyan, at ulap sa paligid.Wala siyang nakitang kahit ano.Pero nagkunwari pa rin siyang may hinahanap.Samantala, yumuko naman si Caelan sa batang babae.Marahan niyang hinawakan ang ulo nito."Bakit mo ako tinawag na Daddy?"Kumurap-kurap si Vivi.Parang hindi nito maintindihan kung bakit kailangan pa iyon itanong."Kasi ikaw ang Daddy ko."Kasabay noon ay cute itong umiling.Parang sinasabing napakadaling sagutin ng tanong na iyon.Natigilan si Caelan.Habang ang assistant naman ay mabilis na umiwas ng tingin para hindi matawa.Ngumiti na lamang si Caelan.Pagkatapos ay marahan niyang binuhat ang bata."Nasaan ang
Sumimangot ang head waiter nang marinig ang tunog ng nabasag na bote.Agad itong yumuko sa mga bisita."We sincerely apologize for the inconvenience, everyone."Sa loob ng VIP room ay may limang katao.At malinaw na hindi sila ordinaryong mga tao.Mula sa kanilang pananamit, kilos, at presensya pa lamang ay halatang pawang mga makapangyarihang personalidad ang mga ito.Nagising naman si Vaelisse mula sa pagkakatulala."Sorry po."Mabilis siyang yumuko.Hindi siya nagbigay ng dahilan.Hindi rin siya nagpalusot.Tahimik lamang siyang kumuha ng dustpan at walis.Pagkatapos ay lumuhod upang linisin ang mga bubog.Sunod niyang pinunasan ang natapong champagne sa sahig.Tahimik ang buong silid.Wala ni isa sa mga bisita ang nagsalita.Ngunit ramdam niya ang isang pares ng matang nakatutok sa kanya.Malamig.Mabigat.Hindi niya kailangang tumingala upang malaman kung sino iyon.Si Caelan.Hindi mabasa ni Vaelisse ang ekspresyon nito.Galit ba ito?Nandidiri?Naaawa?O wala na talaga itong na
Anim na buwan matapos umalis si Vaelisse sa Elyndor City at mawala sa buhay ni Caelan—sumabog ang pinakamalaking balita sa buong Velmoria.Ardyn International had fallen.Ang kumpanyang minsang kinatatakutan at iginagalang ng buong pharmaceutical industry ay biglang gumuho.Sa loob lamang ng ilang linggo, sunod-sunod na lumabas ang mga ulat laban sa Ardyn Family.Mga imbestigasyon.Mga kaso.Mga alegasyon.At mga eskandalong yumanig sa buong bansa.Mag-isang nakaupo si Caelan sa kanyang opisina habang pinapanood ang balita sa telebisyon.Ang kanyang tingin ay nakapako lamang sa screen."Ardyn International is now facing multiple investigations...""Sources claim the Ardyn Family concealed illegal activities for years...""Experts believe the Ardyn Empire has officially collapsed..."Isa-isang binabatikos ng media ang dating pinakamakapangyarihang pamilya sa pharmaceutical industry.Parang mga gutom na buwitre na sabik lapain ang isang bumabagsak na higante.At kasabay ng bawat ulat—







