Se connecter"CEO, hindi ko alam na may tinatago kang anak."
Hindi napigilan ng assistant ni Caelan ang magbiro. Napatawa pa ito. Ngunit bago pa man tuluyang lumabas ang tawa nito— dahan-dahang lumingon si Caelan. Malamig. Napakalamig. "..." Agad na natigil ang assistant. "Ahem." "Ahem, ahem." Mabilis itong tumingin kung saan-saan. Parang bigla itong naging interesado sa mga puno, sasakyan, at ulap sa paligid. Wala siyang nakitang kahit ano. Pero nagkunwari pa rin siyang may hinahanap. Samantala, yumuko naman si Caelan sa batang babae. Marahan niyang hinawakan ang ulo nito. "Bakit mo ako tinawag na Daddy?" Kumurap-kurap si Vivi. Parang hindi nito maintindihan kung bakit kailangan pa iyon itanong. "Kasi ikaw ang Daddy ko." Kasabay noon ay cute itong umiling. Parang sinasabing napakadaling sagutin ng tanong na iyon. Natigilan si Caelan. Habang ang assistant naman ay mabilis na umiwas ng tingin para hindi matawa. Ngumiti na lamang si Caelan. Pagkatapos ay marahan niyang binuhat ang bata. "Nasaan ang mommy mo?" "Naliligaw ka ba?" Cute na umiling si Vivi. Pagkatapos ay itinuro ang katabing gusali. "Doon si Mommy." Napatingin si Caelan sa direksyong itinuro nito. Maison Étoile. Bago muling kumurap si Vivi. "Doon." Napalambot ang ekspresyon ni Caelan. "Doon kayo kumakain?" Sa isip niya, marahil ay doon nag-almusal ang bata kasama ang pamilya nito. Samantala, iba naman ang naisip ni Vivi. Sa kanya, ang ibig sabihin ng tanong ay kung saan siya kumakain ng pagkain ni Lola Chloe. Kaya mabilis siyang tumango. "Opo." "Masarap ang shiken doon." Napatawa si Caelan. "Chicken?" Tumango si Vivi. "Shiken." "Chicken." "Shiken." "Chicken." "Shiken." Tuluyang napatawa ang assistant sa tabi. Maging si Caelan ay napailing na lamang. "Okay. Shiken." Agad na lumiwanag ang mukha ni Vivi. "Yay!" Parang proud na proud sa kanyang tagumpay. "Sinong kasama mo?" tanong ni Caelan. Napakunot-noo si Vivi. Pagkatapos ay itinuro si Caelan. "Kasama ko si Daddy." Tahimik ang paligid. Napapikit si Caelan. Habang ang assistant nito ay mabilis na tumalikod para itago ang tawa. Muling inayos ni Caelan ang kanyang tanong. "I mean, sinong kasama mo sa restaurant?" Biglang naunawaan ni Vivi. "Ahhh." Tumango siya. "Si Mommy." Kumunot ang noo ni Caelan. "Si Mommy lang?" Cute na humagikgik si Vivi. "Ngayon may Daddy na." Sabay palakpak ng maliliit nitong kamay. Tuluyang natahimik si Caelan. Hindi niya alam kung tatawa ba siya o hindi. Bawat tanong niya ay iba ang sagot ng bata. Ngunit kahit ganoon— hindi niya maramdaman ang pagkainis. Sa halip— pakiramdam niya ay gumagaan ang kanyang loob. Parang matagal na niyang kilala ang batang ito. Biglang hinawakan ni Vivi ang kanyang mukha. "Daddy." "Hm?" "Gwapo ka." Natigilan si Caelan. Pati assistant niya ay napatigil. "Talaga?" Tumango si Vivi. "Mas gwapo ka kaysa sa cartoons." Tuluyang natawa ang assistant. Habang si Caelan naman ay hindi alam kung paano sasagot. Pagkatapos ay seryosong nagsalita si Vivi. "Pero mas maganda si Mommy." Nanlaki ang mga mata ng assistant. Halos mabulunan ito sa sariling laway. Samantalang si Caelan ay napatitig lamang sa bata. "Talaga?" Tumango nang mariin si Vivi. "Pinakamaganda." Mayabang pa nitong itinaas ang baba. Parang siya mismo ang pinupuri. "Mommy is the best." "Maganda." "Mabait." "Masarap magluto." "Bumibili ng ice cream." "At hindi ako pinapalo." Natigilan si Caelan. "Pinapalo ka?" Agad na umiling si Vivi. "Hindi." "Good girl kasi ako." Muling natawa ang assistant. Samantalang si Caelan ay napailing na lamang. Napakadaldal. Napakakulit. At napakagulo kausap. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit— ayaw niya itong ibaba. Parang natural lamang na hawakan ang batang ito. Parang natural lamang na kausapin ito. "Daddy." Muling tawag ni Vivi. "Hm?" Nag-isip muna ang bata. Pagkatapos ay masayang ngumiti. "Kailan ka uuwi sa bahay?" Nanigas si Caelan. "..." Hindi rin nakasagot ang assistant. Samantalang si Vivi ay nakatitig lamang sa kanya. Punong-puno ng inosenteng pag-asa ang malalaki nitong mata. At sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon— walang ideya si Caelan kung paano sasagot. Iniba ni Caelan ang paksa. "Anong pangalan mo?" tanong niya habang nakatingin sa batang nasa kanyang mga bisig. Agad namang umiling si Vivi. Hindi man lang nagdalawang-isip. "Hindi alam ni Daddy si Vivi?" Natigilan si Caelan. Maging ang assistant niya ay napakurap. Hindi niya alam kung bakit, pero nakakatawa ang paraan ng bata sa pagsasalita. Parang sigurado na sigurado itong kilala siya. At sigurado ring dapat kilala niya ito. Nang makita ni Vivi na natahimik si Caelan, cute itong nag-pout. Halatang hindi masaya sa naging reaksyon nito. "Daddy." Malungkot nitong tawag. "Ako si Vivi." Pagkatapos ay itinuro ang sarili gamit ang maliit nitong daliri. "Ang buo kong pangalan ay Kae—." Bago pa man matapos ni Vivi ang sasabihin nito— isang boses ang tumawag sa kanya. "Via!" Agad na lumingon si Vivi. At sa sumunod na segundo— masaya itong natawa. Lumingon din ang assistant sa direksyon ng boses. Kasunod nito ay lumingon si Caelan. At natigilan.Maliwanag ang araw.Mahina ang hangin.At sa isang malawak na venue sa Asterion City...Isa-isang dumarating ang mga bisita.White flowers lined the aisle.Soft music filled the air.Sa harapan...Tahimik na naghihintay ang lugar kung saan ilang sandali na lamang...Sa wakas ay ikakasal sina Caelan at Elisse....Maraming pamilyar na mukha ang naroon.People from Valecrest.People from Ardyn.Business partners.Close friends.At mga taong naging bahagi ng buhay nila bago pa man naging kasinglaki ng ngayon ang mga pangalang dala nila....Sa isang bahagi...Magkakasama sina Chloe at Adrian.Mas maayos na ang dalawa ngayon.Hindi perpekto.Pero magkasama.Kasama rin nila sina Lily, Grace, at Mia.Mga taong nakakilala kay Elisse noong hindi siya ang babaeng nasa likod ng Ardyn International.Noong isa lamang siyang babaeng nagtatrabaho sa restaurant...At isang ina na ginagawa ang lahat para mapalaki ang anak....Hindi kalayuan...Naroon si Maribelle Elionne.Kasama ang asawa nito.Mata
Kinabukasan.Ardyn Compound.Mas maaga kaysa karaniwan ang naging galaw sa loob ng malaking bahay.Hindi dahil sa emergency.Walang problema sa Genesis.Walang kalaban.Walang kailangang paghandaan na panganib.May bisita lamang.Or rather...Family....Huminto ang ilang sasakyan sa harap ng bahay.Mula sa unang sasakyan...Bumaba sina Caelan at Elisse.Then—Bumukas ang kabilang pinto.At isang maliit na batang babae ang mabilis na bumaba.Napatingin si Vivi sa malaking bahay.Then sa paligid.Then back at her Mommy."Mommy.""Hmm?""This your house?"Bahagyang ngumiti si Elisse."It used to be."Nag-isip si Vivi.Then—"Big."Caelan looked at her."Our house is big too."Napalingon si Vivi sa Dad niya."But this Mommy house."Caelan nodded."Fair."...Mula sa sumunod na sasakyan...Bumaba sina Alaric at Viviana.Tahimik nilang pinagmasdan ang restored Ardyn Compound.Hindi rin nila inaasahan...Na ilang linggo bago ang kasal ng kanilang anak...Bigla silang makikipagkita sa isang
Matagal na nanatiling tahimik ang living room.Marami nang nasagot.Ngunit hindi ibig sabihin...Wala nang natitira.Tahimik na nakatingin si Elisse sa mesa.Then—May isang pangalan na pumasok sa isip niya."Victor."Unti-unting nawala ang bahagyang gaan sa paligid.Napatingin si Auguste sa kanya.Maging sina Lucius at Evelisse...Naging tahimik...."We haven't heard from him."Sabi ni Elisse."Since the Syndicate fell...""Nothing."Bahagyang humigpit ang kanyang mga daliri.Hindi niya alam kung nasaan ang tiyuhin.Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito.At higit sa lahat...Hindi niya alam kung ano ang susunod nitong gagawin."What if he comes back?"...Hindi agad sumagot si Auguste.Then—"He might."Napakunot-noo si Elisse."Lolo.""But not for the reason you're thinking."Tahimik siyang tumingin sa matanda....Auguste leaned back."Victor made mistakes.""Serious ones.""He made choices that hurt this family.""And he'll have to live with those choices."Walang kumontra.
"It's time you knew what really happened."Tahimik ang buong living room.Walang nagsalita.Sa gitna...Kalmadong nakaupo si Auguste.Sa harapan niya...Si Elisse.Katabi nito si Caelan.Naroon din sina Evelisse, Lucius, Cassiel, Edric, at ilan sa matatandang miyembro ng Ardyn Family.Maraming taon ang lumipas.Maraming buhay ang nagbago.At ngayon...Sa wakas...Makukuha ni Elisse ang mga sagot na matagal niyang hinintay...."How much of it was planned?"Diretsong tanong niya.Hindi agad sumagot si Auguste.Then—"Not everything."Napakunot-noo si Elisse."The fall of Ardyn was real."Sabi ng matanda."The people who attacked us were real.""The people we lost..."Huminto siya."They were real too."Natahimik si Elisse....Hindi isang malaking palabas ang nangyari sa Ardyn.May mga taong tunay na namatay.May mga empleyadong hindi nailigtas.May mga kamag-anak na hindi nakasama sa evacuation.May mga researchers na nawala bago pa maunawaan ni Auguste kung gaano kalalim ang infiltra
Sa huli...Muli siyang humarap kay Auguste.Tahimik pa rin itong nakatayo sa harap ng bahay.Pinagmamasdan lamang siya.Napatingin si Elisse sa matanda.Sa mukha nito.Sa mga matang pamilyar na pamilyar sa kanya.Then...Dahan-dahan siyang lumapit."Lolo."Ngumiti si Auguste."You're taller."Natawa si Elisse sa gitna ng natitirang luha."That's what you're going to say?"Auguste shrugged."It's been years."Umiling si Elisse.Then—Niyakap niya ito....Nawala ang amusement sa mukha ni Auguste.For a moment...Hindi gumalaw ang matanda.Then slowly...Niyakap niya ang apo.Marahang ipinatong ang kamay sa likod ng ulo nito.At doon...Muling namuo ang luha sa mga mata ni Elisse."Lolo...""I know.""Akala ko patay na kayo.""I know.""Akala ko wala na kayo.""I know.""Why..."Nabasag muli ang boses niya."Why didn't you tell me?"Tahimik si Auguste.Hindi pa nito sinagot.Sa halip...Mas hinigpitan lamang nito nang bahagya ang yakap."Later."Mahina nitong sabi."You'll know everythi
"Lolo..."Halos walang boses na lumabas sa bibig ni Elisse.Parang hangin lamang.Mahina.Nanginginig.Ngunit sapat....Tahimik na nakatayo ang matandang lalaki sa harap ng malaking pinto.Wala na ang sunglasses.Wala na ang reclining chair sa ilalim ng malaking payong.Wala ang malawak na karagatan sa kanyang likuran.Ngayon...Nakatayo lamang siya sa harap ng bahay na minsan niyang itinayo para sa kanyang pamilya.Auguste Ardyn.Ang lalaking matagal nang pinaniwalaan ni Elisse na wala na.Ngumiti ang matanda.Hindi malaki.Hindi dramatic.Iyong pamilyar lamang na ngiti na ilang taon nang hindi nakikita ni Elisse."Little Elise."...Nanlaki ang mga mata ni Elisse.Iyon.Ang tawag na iyon.Matagal nang walang tumatawag sa kanya nang ganoon."Lolo..."Muling lumabas ang salita.Then—May gumalaw sa likuran ni Auguste.Isa.Dalawa.Then more.Unti-unting lumitaw ang ilang tao mula sa loob ng bahay.May mga nakangiti.May mga namumula na rin ang mata.May mga tahimik lamang na nakating
Pumalakpak si Via at masayang tumawa."Lola Chloe!"Agad na lumapit si Chloe na halatang kanina pa naghahanap sa bata.Nang makita niya si Via sa tabi ni Caelan, bahagyang nakahinga siya nang maluwag."Mr. Valecrest."Magalang siyang yumuko."Pasensya na po kung naabala kayo ng alaga ko.""Oh."Bah
Sumimangot ang head waiter nang marinig ang tunog ng nabasag na bote.Agad itong yumuko sa mga bisita."We sincerely apologize for the inconvenience, everyone."Sa loob ng VIP room ay may limang katao.At malinaw na hindi sila ordinaryong mga tao.Mula sa kanilang pananamit, kilos, at presensya pa
Anim na buwan matapos umalis si Vaelisse sa Elyndor City at mawala sa buhay ni Caelan—sumabog ang pinakamalaking balita sa buong Velmoria.Ardyn International had fallen.Ang kumpanyang minsang kinatatakutan at iginagalang ng buong pharmaceutical industry ay biglang gumuho.Sa loob lamang ng ilang
Elyndor City.Business District.Sa gitna ng mga nagtataasang gusali na kumikislap sa ilalim ng gabi, nakatayo ang isa sa mga pinaka-kilalang kumpanya sa lungsod.Ardyn Venture Holdings.Isang subsidiary company ng Ardyn International na nakatuon sa startup investments at business partnerships.Kah







