Share

Chapter 3: Daddy?

Author: Author W
last update publish date: 2026-06-04 12:48:47

Sumimangot ang head waiter nang marinig ang tunog ng nabasag na bote.

Agad itong yumuko sa mga bisita.

"We sincerely apologize for the inconvenience, everyone."

Sa loob ng VIP room ay may limang katao.

At malinaw na hindi sila ordinaryong mga tao.

Mula sa kanilang pananamit, kilos, at presensya pa lamang ay halatang pawang mga makapangyarihang personalidad ang mga ito.

Nagising naman si Vaelisse mula sa pagkakatulala.

"Sorry po."

Mabilis siyang yumuko.

Hindi siya nagbigay ng dahilan.

Hindi rin siya nagpalusot.

Tahimik lamang siyang kumuha ng dustpan at walis.

Pagkatapos ay lumuhod upang linisin ang mga bubog.

Sunod niyang pinunasan ang natapong champagne sa sahig.

Tahimik ang buong silid.

Wala ni isa sa mga bisita ang nagsalita.

Ngunit ramdam niya ang isang pares ng matang nakatutok sa kanya.

Malamig.

Mabigat.

Hindi niya kailangang tumingala upang malaman kung sino iyon.

Si Caelan.

Hindi mabasa ni Vaelisse ang ekspresyon nito.

Galit ba ito?

Nandidiri?

Naaawa?

O wala na talaga itong nararamdaman para sa kanya?

Hindi niya alam.

At mas natakot siya dahil doon.

Matapos niyang linisin ang sahig, agad siyang tumayo.

Nagbigay muli ng magalang na paghingi ng tawad.

Samantala, nagsalita naman ang head waiter.

"We'll immediately replace the champagne."

Pagkatapos ay inutusan nito ang ibang waiters.

"Set the dishes and leave."

Mabilis na ibinaba ng mga waiter ang lahat ng pagkain sa mesa.

At ilang sandali lamang ay sabay-sabay silang lumabas ng silid.

Kasama si Vaelisse.

Pagkalabas nila, agad siyang nilapitan ng head waiter.

"Elisse."

"Ano'ng nangyari?"

"Okay ka lang ba?"

Sandaling natahimik si Vaelisse.

"Bigla lang po akong nahilo."

Tumango ang head waiter.

"Magpahinga ka na."

"Kami na ang bahala rito."

Hindi man lang siya nito sinisi.

Kung tutuusin, halos lahat ng empleyado sa Maison Étoile ay alam ang kalagayan niya.

Araw-araw siyang nagtatrabaho.

At pagkatapos ng trabaho ay siya mismo ang nag-aalaga sa kanyang anak.

Walang nakakaalam ng buong kwento niya.

Alam lamang nila na isa siyang single mother na nagsisikap palakihin ang kanyang anak nang mag-isa.

May mga naaawa pa nga sa kanya.

Lalo na kapag nakikita nila ang napaka-cute na si Kaeliviane.

At may ilan pang lihim na sinusumpa ang ama ng bata.

Bakit daw nito hinayaang maghirap ang mag-ina.

Bakit nito iniwan ang dalawang iyon.

Hindi alam ng mga ito na ang katotohanan ay kabaliktaran.

Tatalikod na sana ang head waiter.

Ngunit bigla siyang pinigilan ni Vaelisse.

"Sandali po, Ms. Moriss."

Huminto ang babae.

"Ano 'yon?"

Saglit na nag-alinlangan si Vaelisse.

Pagkatapos ay nagtanong.

"Sino po ba sila?"

"Bakit ngayon ko lang sila nakita rito?"

Sumimangot si Ms. Moriss.

"Hindi mo sila kilala?"

Umiling si Vaelisse.

Muling sumimangot ang babae.

"Nasa balita halos araw-araw 'yong isa sa kanila."

"Hindi mo talaga kilala?"

Napakamot ng ulo si Vaelisse.

Medyo nahiya siya.

"Uhm..."

"Hindi po kasi ako nanonood ng balita."

Naging awkward ang kanyang ekspresyon.

At totoo naman iyon.

Mula nang mangyari ang pagbagsak ng Ardyn Family—

mahigit limang taon na siyang halos hindi nanonood ng balita.

Ayaw niyang makita.

Ayaw niyang maalala.

Ayaw niyang marinig kung paano winasak ng mundo ang pangalang Ardyn.

Bumuntong-hininga si Ms. Moriss.

At agad niyang naunawaan.

Sa dami ng trabaho ni Elisse.

At sa pag-aalaga nito sa anak.

Malamang ay wala talaga itong oras para sa ganoong bagay.

"'Yong nasa dulo."

Dahan-dahan siyang tumuro.

"Siya si Mr. Caelan Valecrest."

Nanigas ang likod ni Vaelisse.

Ngunit tahimik lamang siyang nakinig.

"CEO ng Valecrest Global Holdings."

"Chairman ng Valecrest Urban Development Group."

"President ng Aurex-Valecrest Consortium."

"At isa sa pinakabatang business magnates sa buong Velmoria."

Unti-unting lumawak ang mga mata ni Vaelisse.

Patuloy naman si Ms. Moriss.

"Pagkatapos ng ilang taon sa Elyndor City, nagsimula siyang mag-expand sa iba't ibang rehiyon."

"At tatlong taon na siyang nakabase rito sa Asterion."

"Tinuturing siyang isa sa pinakamakapangyarihang negosyante sa lungsod."

"Actually..."

Bahagyang ngumiti ang babae.

"Alam mo ba 'yong pinakamataas na gusali sa business district?"

Tahimik na tumango si Vaelisse.

Sino bang hindi nakakakilala roon?

Ang gusaling halos makita mula saan mang bahagi ng lungsod.

"Valecrest Tower."

"Sa kanya iyon."

Napabuntong-hininga si Vaelisse.

Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.

Nagulat.

Natuwa.

Nanghina.

At bahagyang naging proud.

Natupad niya.

Natupad ni Caelan ang pangarap nito.

Mas higit pa sa inaasahan niya.

Mas higit pa sa pinangarap nila noon.

Ngunit kasabay ng pagdating ng pagmamalaki—

dumating din ang pait.

Dahil wala siya roon para makita ang lahat ng iyon.

Hindi niya ito nakasamang umangat.

Hindi niya ito nakasamang magtagumpay.

Hindi niya ito nakasamang ipagdiwang ang bawat hakbang nito.

"At bakit po sila narito?" mahina niyang tanong.

Tumango si Ms. Moriss patungo sa VIP room.

"Business meeting."

"Para sa itatayong tourist resort."

"'Yong dalawang katabi niya, mga opisyal mula sa Capital Government."

"Sila ang bahala sa permits at infrastructure approvals."

"Samantalang 'yong dalawang foreigners naman..."

Bahagyang huminto siya.

"'Yong matandang lalaki ang may-ari ng lupang pagtatayuan ng attraction."

"At 'yong kasama niya ang personal secretary niya."

Tahimik na tumango si Vaelisse.

Ngayon ay mas malinaw na sa kanya.

Isa iyong malaking proyekto.

At halatang personal na pinangungunahan ni Caelan.

Muling sumulyap si Ms. Moriss sa kanya.

"Anyway."

"Magpahinga ka muna."

"Huwag mo nang isipin."

Tumango si Vaelisse.

...

Kinabukasan.

Sa harap ng isang luxury hotel na malapit sa Maison Étoile.

Nakatayo ang isang lalaki sa may pasukan.

Matalim ang mga mata nito.

Maayos ang pagkakaayos ng buhok.

At nakasuot ng dark blue suit na lalong nagpapatingkad sa malamig at dominante nitong presensya.

Tahimik siyang nakatingin sa kalsada na para bang may hinihintay.

Ilang sandali pa ay may isang lalaki ang mabilis na lumapit sa kanya.

"CEO."

Bahagyang tumango si Caelan.

"Naimbestigahan ko na ang babaeng tinukoy mo."

Walang emosyon ang mukha ni Caelan.

"Continue."

Binuksan ng lalaki ang hawak nitong tablet.

"Ayon sa impormasyon, tinatawag siyang Elisse ng mga kasamahan niya sa trabaho."

"Mahigit tatlong taon na siyang waitress sa Maison Étoile."

Bahagyang naningkit ang mga mata ni Caelan.

'Elisse...'

Tahimik niyang inulit sa isip ang pangalan.

'Ikaw nga, Vaelisse Elionne Ardyn.'

Nanatili siyang tahimik.

Samantala, nagpatuloy ang kanyang assistant.

"Ayon pa sa nalaman ko, ipinasok siya sa restaurant ng malayo niyang kamag-anak na tinatawag na Chloe."

"At meron siyang—"

Gusto pa lamang nitong sabihin na meron itong isang anak na babae nang biglang—

"Daddy!"

Isang masayang boses ang biglang umalingawngaw.

Parehong napalingon ang dalawang lalaki.

At sa sumunod na segundo—

isang maliit na batang babae ang mabilis na tumakbo papunta kay Caelan.

May mahaba at bagsak na itim na buhok.

Malalaki at cute na mga mata.

At isang ngiting kayang tunawin ang puso ng kahit sino.

Hindi man lang ito nag-atubili.

Diretso itong yumakap sa binti ni Caelan.

Natigilan ang assistant.

Tuluyang napatigil sa pagsasalita.

Maging si Caelan ay natigilan.

Nakatitig lamang siya sa batang mahigpit na nakakapit sa kanya.

Parang nablangko ang kanyang isip.

Habang ang bata naman ay masayang tumingala sa kanya.

Kumurap-kurap pa ang malalaki nitong mata.

Parang siguradong-sigurado sa kanyang ginagawa.

"Daddy."

Masaya nitong ulit.

Nanigas ang katawan ni Caelan.

"Daddy...?"

mahina niyang ulit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
BITUING GRACIA'S
Hoy! Daddy Caelan !
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 179: Approval Bago Ending

    Maliwanag ang araw.Mahina ang hangin.At sa isang malawak na venue sa Asterion City...Isa-isang dumarating ang mga bisita.White flowers lined the aisle.Soft music filled the air.Sa harapan...Tahimik na naghihintay ang lugar kung saan ilang sandali na lamang...Sa wakas ay ikakasal sina Caelan at Elisse....Maraming pamilyar na mukha ang naroon.People from Valecrest.People from Ardyn.Business partners.Close friends.At mga taong naging bahagi ng buhay nila bago pa man naging kasinglaki ng ngayon ang mga pangalang dala nila....Sa isang bahagi...Magkakasama sina Chloe at Adrian.Mas maayos na ang dalawa ngayon.Hindi perpekto.Pero magkasama.Kasama rin nila sina Lily, Grace, at Mia.Mga taong nakakilala kay Elisse noong hindi siya ang babaeng nasa likod ng Ardyn International.Noong isa lamang siyang babaeng nagtatrabaho sa restaurant...At isang ina na ginagawa ang lahat para mapalaki ang anak....Hindi kalayuan...Naroon si Maribelle Elionne.Kasama ang asawa nito.Mata

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 178: Family

    Kinabukasan.Ardyn Compound.Mas maaga kaysa karaniwan ang naging galaw sa loob ng malaking bahay.Hindi dahil sa emergency.Walang problema sa Genesis.Walang kalaban.Walang kailangang paghandaan na panganib.May bisita lamang.Or rather...Family....Huminto ang ilang sasakyan sa harap ng bahay.Mula sa unang sasakyan...Bumaba sina Caelan at Elisse.Then—Bumukas ang kabilang pinto.At isang maliit na batang babae ang mabilis na bumaba.Napatingin si Vivi sa malaking bahay.Then sa paligid.Then back at her Mommy."Mommy.""Hmm?""This your house?"Bahagyang ngumiti si Elisse."It used to be."Nag-isip si Vivi.Then—"Big."Caelan looked at her."Our house is big too."Napalingon si Vivi sa Dad niya."But this Mommy house."Caelan nodded."Fair."...Mula sa sumunod na sasakyan...Bumaba sina Alaric at Viviana.Tahimik nilang pinagmasdan ang restored Ardyn Compound.Hindi rin nila inaasahan...Na ilang linggo bago ang kasal ng kanilang anak...Bigla silang makikipagkita sa isang

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 177: What Remains

    Matagal na nanatiling tahimik ang living room.Marami nang nasagot.Ngunit hindi ibig sabihin...Wala nang natitira.Tahimik na nakatingin si Elisse sa mesa.Then—May isang pangalan na pumasok sa isip niya."Victor."Unti-unting nawala ang bahagyang gaan sa paligid.Napatingin si Auguste sa kanya.Maging sina Lucius at Evelisse...Naging tahimik...."We haven't heard from him."Sabi ni Elisse."Since the Syndicate fell...""Nothing."Bahagyang humigpit ang kanyang mga daliri.Hindi niya alam kung nasaan ang tiyuhin.Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito.At higit sa lahat...Hindi niya alam kung ano ang susunod nitong gagawin."What if he comes back?"...Hindi agad sumagot si Auguste.Then—"He might."Napakunot-noo si Elisse."Lolo.""But not for the reason you're thinking."Tahimik siyang tumingin sa matanda....Auguste leaned back."Victor made mistakes.""Serious ones.""He made choices that hurt this family.""And he'll have to live with those choices."Walang kumontra.

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 176: The Truth Behind the Fall

    "It's time you knew what really happened."Tahimik ang buong living room.Walang nagsalita.Sa gitna...Kalmadong nakaupo si Auguste.Sa harapan niya...Si Elisse.Katabi nito si Caelan.Naroon din sina Evelisse, Lucius, Cassiel, Edric, at ilan sa matatandang miyembro ng Ardyn Family.Maraming taon ang lumipas.Maraming buhay ang nagbago.At ngayon...Sa wakas...Makukuha ni Elisse ang mga sagot na matagal niyang hinintay...."How much of it was planned?"Diretsong tanong niya.Hindi agad sumagot si Auguste.Then—"Not everything."Napakunot-noo si Elisse."The fall of Ardyn was real."Sabi ng matanda."The people who attacked us were real.""The people we lost..."Huminto siya."They were real too."Natahimik si Elisse....Hindi isang malaking palabas ang nangyari sa Ardyn.May mga taong tunay na namatay.May mga empleyadong hindi nailigtas.May mga kamag-anak na hindi nakasama sa evacuation.May mga researchers na nawala bago pa maunawaan ni Auguste kung gaano kalalim ang infiltra

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 175: Welcome Home

    Sa huli...Muli siyang humarap kay Auguste.Tahimik pa rin itong nakatayo sa harap ng bahay.Pinagmamasdan lamang siya.Napatingin si Elisse sa matanda.Sa mukha nito.Sa mga matang pamilyar na pamilyar sa kanya.Then...Dahan-dahan siyang lumapit."Lolo."Ngumiti si Auguste."You're taller."Natawa si Elisse sa gitna ng natitirang luha."That's what you're going to say?"Auguste shrugged."It's been years."Umiling si Elisse.Then—Niyakap niya ito....Nawala ang amusement sa mukha ni Auguste.For a moment...Hindi gumalaw ang matanda.Then slowly...Niyakap niya ang apo.Marahang ipinatong ang kamay sa likod ng ulo nito.At doon...Muling namuo ang luha sa mga mata ni Elisse."Lolo...""I know.""Akala ko patay na kayo.""I know.""Akala ko wala na kayo.""I know.""Why..."Nabasag muli ang boses niya."Why didn't you tell me?"Tahimik si Auguste.Hindi pa nito sinagot.Sa halip...Mas hinigpitan lamang nito nang bahagya ang yakap."Later."Mahina nitong sabi."You'll know everythi

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 174: Home

    "Lolo..."Halos walang boses na lumabas sa bibig ni Elisse.Parang hangin lamang.Mahina.Nanginginig.Ngunit sapat....Tahimik na nakatayo ang matandang lalaki sa harap ng malaking pinto.Wala na ang sunglasses.Wala na ang reclining chair sa ilalim ng malaking payong.Wala ang malawak na karagatan sa kanyang likuran.Ngayon...Nakatayo lamang siya sa harap ng bahay na minsan niyang itinayo para sa kanyang pamilya.Auguste Ardyn.Ang lalaking matagal nang pinaniwalaan ni Elisse na wala na.Ngumiti ang matanda.Hindi malaki.Hindi dramatic.Iyong pamilyar lamang na ngiti na ilang taon nang hindi nakikita ni Elisse."Little Elise."...Nanlaki ang mga mata ni Elisse.Iyon.Ang tawag na iyon.Matagal nang walang tumatawag sa kanya nang ganoon."Lolo..."Muling lumabas ang salita.Then—May gumalaw sa likuran ni Auguste.Isa.Dalawa.Then more.Unti-unting lumitaw ang ilang tao mula sa loob ng bahay.May mga nakangiti.May mga namumula na rin ang mata.May mga tahimik lamang na nakating

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 5: Possible

    Pumalakpak si Via at masayang tumawa."Lola Chloe!"Agad na lumapit si Chloe na halatang kanina pa naghahanap sa bata.Nang makita niya si Via sa tabi ni Caelan, bahagyang nakahinga siya nang maluwag."Mr. Valecrest."Magalang siyang yumuko."Pasensya na po kung naabala kayo ng alaga ko.""Oh."Bah

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 4: Via

    "CEO, hindi ko alam na may tinatago kang anak."Hindi napigilan ng assistant ni Caelan ang magbiro.Napatawa pa ito.Ngunit bago pa man tuluyang lumabas ang tawa nito—dahan-dahang lumingon si Caelan.Malamig.Napakalamig."..."Agad na natigil ang assistant."Ahem.""Ahem, ahem."Mabilis itong tum

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 2: Twisted Fate

    Anim na buwan matapos umalis si Vaelisse sa Elyndor City at mawala sa buhay ni Caelan—sumabog ang pinakamalaking balita sa buong Velmoria.Ardyn International had fallen.Ang kumpanyang minsang kinatatakutan at iginagalang ng buong pharmaceutical industry ay biglang gumuho.Sa loob lamang ng ilang

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 1: The End of Us

    Elyndor City.Business District.Sa gitna ng mga nagtataasang gusali na kumikislap sa ilalim ng gabi, nakatayo ang isa sa mga pinaka-kilalang kumpanya sa lungsod.Ardyn Venture Holdings.Isang subsidiary company ng Ardyn International na nakatuon sa startup investments at business partnerships.Kah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status