Share

KABANATA 04

DAMN those traitor! They manipulated us. Nang makarating kami sa hotel at nang kinaumagahan ay pumunta kami kung saan gaganapin ang meeting ay naroon na ang mga tauhan at ang matandang si Romano. 

But of course I wouldn't be Kidlat without nothing. Hindi dahil may bitag sila ay ganoon na lamang niya ako kadaling mapabagsak. Lahat ng tauhan niya ay hindi ganoon kadaling mapabagsak, dehado rin kami dahil marami sila. Ngunit mabuti na lang dahil ang anim na tauhan na isinama ko ay mga assassin sa organisasyon ko na kayang higitan ang mga tauhan ng matandang si Romano.

I killed that oldman, tutal wala naman na akong mahihita sa kaniya dahil isa siyang traydor kaya pinatay ko na. Nang dahil sa kaniya ay umalis ako ng Pilipinas at iniwan ang pinagkakaabalahan ko para sa isang traydor na kagaya niya. 

Nagtataka ako kung bakit ang red dot ay doon nakahinto. I put a tracking device in her big bike before I left at ngayong bumalik na ako ay agad kong tinignan kung nasaan siya gamit ang ipad kung saan kunektado ang tracking device na idinikit ko sa sasakyan niya.

Mabilis akong sumakay sa sasakyan bago nagmaneho paalis papunta sa kung nasaan siya. I have a bad feelings about this,  ngunit sana ay mali ako. Ang red dot ay nakahinto sa abandonadong lugar, ibig sabihin ay naroon siya.

Ngunit ano’ng ginagawa niya doon sa ganitong oras? It was already nine in the evening.

Inihinto ko ang sasakyan sa gilid ng abandonadong gusali, muli ay tinignan ko ang ipad at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito doon umaalis. Lumabas ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng abandonadong gusali. Madilim ngunit sa ibang bahagi ng ay may mga ilaw ngunit nagpapatay-sindi. 

Napahinto ako sa paglalakad ng may marinig akong hiyaw na para bang sinaktan at tawanan. Mahina akong napamura ng makilala ko kung kanino boses ang humiyaw, tumakbo ako papunta kung saan ko narinig ang sigaw niya at ang tawanan ng mga lalaki.

Nang matanaw ko sila ay agad akong napahinto. Muli akong napamura sa sarili ko dahil sa katangahan. I didn't bring any weapon, paano ko siya maililigtas?

Inilibot ko ang tingin ko at nang may makita akong bakal na parehaba ay agad ko itong kinuha, hindi nila napansin ang pagdating ko dahil ang hakbang ko ay walang kaluskos. 

Natigilan ako no'ng mapatingin ako sa babaeng nakahandusay sa maruming semento, may mga dugo at sugatan. Umigting ang panga ko at napahigpit ang kapit ko sa hawak na bakal dahil sa kalagayan niya. She looks so miserable. Bakit hindi niya pinag-tanggol ang sarili niya? 

"Maganda naman ang babaeng 'yan, bakit hindi muna natin tikman bago patayin? Mahina na rin naman," dinig kong sabi ng isa sa mga kalalakihan.

"Damn you, bastards!" nagdilim ang paningin ko at ang maiksing pagtitimpi ang mayroon ako ay nawala, at para bang nang dahil sa narinig ang halimaw na nasa loob ko ay biglang nagwala at tuluyang lumabas sa pagkatao ko. 

Sinipa ko ang isang lalaking malapit sa direksyon ko at hinampas sa kamay gamit ang hawak kong bakal ang isa pang lalaki na nagtangkang barilin ako. 

Nang maramdaman kong may tao sa likuran ko at ang malakas na hangin na mukhang galing sa pagbwelo ay mabilis akong yumuko at umikot upang magpalit kami ng pwesto no'ng lalaking umamba ng sipa sa akin mula sa likuran. 

Mahigit sampu ang mga kalalakihang narito na may malalaking katawan. Napailing ako no'ng may sumipa sa tiyan ko, hinila ko ang paang ginamit niya at pinilipit ito hanggang sa mabalian ng buto ang taong 'yon sa paa. 

Saglit akong napatingin sa deriksyon niya, may malay siya ngunit ramdam ko ang panghihina ng kaniyang mga mata dahil sa kung paano siya tumingin sa deriksyon ko. Napansin ko ang pagdurugo ng hita niya, may tama siya ng bala. 

Napabaling ang ulo ko sa kabilang deriksyon no'ng may sumuntok sa akin sa mukha at napaupo ako sa sahig no'ng may sumipa sa akin sa dibdib. 

Pumantay sa akin ang lalaking may gawa no'n at kinuwelyuhan ako. "Sino ka para makialam sa gawain ng iba?" 

Matalim ang mga matang ipinukol ko sa kaniya habang walang emosyon ang aking mukha. Hindi ako sumagot dahilan upang muli ako nitong suntukin ngunit bago pa iyon tumama sa akin ay sinalag ko ang kamay niyang aatake sa akin bago iyon pinilipit at malakas siyang tinuhod dahilan upang mapalayo sa akin ang lalaki. 

Umikot ako bilang pag-bwelo at malakas ang sipang pinakawalan na tumama sa kaniyang leeg na naging dahilan ng pagbagsak at pagkawalan niya ng malay. 

"Try to touch what's mine and you will gonna die in my hands," walang kasing lamig kong sabi bago kinuha ang baril ng isang lalaking napatumba ko at pinagbabaril ang mga natitirang kasamahan nito. 

Hindi ko pinansin ang pagtulo ng dugo mula sa balikat ko na nadaplisan kanina ng isang lalaki. Mabilis akong lumapit sa deriksyon niya at lumuhod sa tabi niya. 

"Vera," mahinang tawag ko sa kaniya. Nakapikit ang kaniyang mga mata ngunit no'ng marinig niya ang sinabi ko ay marahan niya itong iminulat. 

"Who are you?" tanong niya. Hindi niya alam na ako ang boss niya sa loob ng organisasyong kinabibilangan niya dahil hindi ko suot ang maskara ko, at hindi rin niya matandaan na ako ang lalaking nakatalik niya noong gabing 'yon. 

Hindi ko sinagot ang tanong niya bagkus ay marahan ko siyang binuhat at sinimulang maglakad. 

"Put me down! May tama ka sa balikat," ang boses niya ay may bakas ng inis ngunit dahil sa kalagayan niya ay naging mahinahon at marahan ito. 

I small smile crept on my face, may pakialam siya sa akin?

"Kasalanan mo rin naman," tugon ko at hindi sinunod ang sinabi niya. Napatigil ako sa paglalakad no'ng bigla siyang sumuka ng dugo. At napatingin ako sa sementong inaapakan ko, maraming dugo ang tumutulo galing sa… mabilis akong lumuhod at tinignan ang likuran niya. 

"Your back," hindi ko alam kung ano'ng klase ang tono ng boses ko no'ng nagsalita ako. May kakaibang emosyon ang dumaloy sa akin nang makita ko ang kalagayan niya at ng likuran niya. May tama siya ng bala, at sigurado akong hindi lang 'yon iisa. 

Mabilis akong naglakad makarating lang kaagad ang kinaroroonan ng sasakyan ko. Marahan ko siyang isinakay sa loob bago pumasok sa driver seat ng sasakyan. 

"Don't close your eyes, Vera!" malakas kong sabi na may pagbabanta bago binuhay ang makina ng sasakyan at mabilis na nagmaneho papunta sa ospital.

"Whoever you are, I don't usually say this but thank you for coming." I heard her saying those words before she close her eyes.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status