Share

KABANATA 08

NAPATINGIN rin ako sa aking likuran at doon nakita ko ang dalawang lalaki at sa likuran nila ay halos nasa sampung men in black na akala mo ay sasabak sa giyera. Natuon ang atensyon ko sa dalawang lalaki na nasa harapan.

Huwag mo sa aking sabihin na mag-ama sila? No way!

Dalawang lalaki, ang isa ay sigurado ako na ito ang Boss namin at ang kasama naman nitong batang lalaki ay hindi ako sigurado sa naiisip ko. Pareho silang nakamaskara ngunit kapansin-pansin ang kagwapuhang taglay ng dalawa.

Nakahawak ang batang lalaki sa kamay ng boss namin, hindi ito nakangiti dahil ang labi ng batang lalaki ay nakanguso animong hindi nagugustuhan ang nakikita.

Napako ang tingin ko sa batang lalaki,sa hindi malamang dahilan gusto kong tumakbo papalapit sa kaniya upang yakapin ang bata ngunit siyempre hindi 'yon pwedi. Umiling ako at kinalma ang sarili, kung anu-ano ang pinag-iisip ko. Anak siya ng boss namin sa organisasyon kaya walang sino man ang pweding basta-basta na lang lumapit sa bata.

Sa h
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status