Share

KABANATA 03

NANATILING nakasuot ang maskara ko sa mukha na tumatabing sa kalahati ng mukha ko, tanging ang bibig at baba ko lamang ang hindi natatakpan. 

Sa tuwing nagpupunta ako rito sa loob ng organisasyon ay palagi akong may suot na maskara upang hindi ako makilala nino man tuwing ako ay nasa labas. 

Nang bumukas ang pinto ay nanatili akong kalmado habang nakaharap sa sliding door kung saan ay tanaw na tanaw ko ang lahat sa labas ng gusaling ito. 

"Letche naman, oh! Ba't ba ako pinatawag-tawag," dinig ko ang boses ng isang babae na napakapamilyar. 

Lihim akong napangisi bago humarap sa deriksyon niya, ibinaba ko ang basong may laman ng alak sa mesa at tinignan siya dahilan upang magkatitigan kami. 

Umigting ang panga ko ng makitang may sugat siya sa kaniyang labi. Inalis ko ang tingin doon, at sinenyasan siyang lumapit. Umupo ako sa swivel chair at sinenyasan siyang muli na umupo sa katapat kong upuan ng hindi siya kumilos sa unang sinabi ko.

"Ano at bakit mo ako pinatawag?" deritsahang tanong niya na para bang hindi man lang sa akin natatakot. 

"Kilala mo ba kung sino ako?" tanong ko sa malamig na boses at puno ng awtoridad na kahit sino ay masisindak.

Ito ang pangalawang beses kaming nagkasama, ang una ay noong may nangyari sa amin at ang pangalawa ay ngayon. 

Nang tumango ito ay napangisi ako, at prenteng sumandal sa kinauupuan ko. "Vera Velasquez, right?" 

"Yes," sagot niya. Pinasadahan ko siya ng tingin, mula sa kaniyang mukha hanggang sa kaniyang mayayamang dibdib. 

Nagsalubong ang kilay ko ng mapansin ang suot niya. "Why are you wearing that?" hindi ko maiwasang hindi itanong sa kaniya, huli na para pigilan ang sarili. 

Nagsalubong ang kilay niya. "Ano namang problema kung ganito ang suot ko? There is no problem with my sexy thin dress." 

"Tsk, pinapunta lang ako dito para kuwestyunin ang suot ko!" rinig ko ang mahinang dagdag niyang bulong.

Napakuyom ang kamao ko, why do I suddenly feel this? Na para bang akin lang dapat siya at dapat lang na walang ibang makakita sa hita niya maliban sa akin? Her clother is too much revealing.

"No, there is," hindi nagpapatalo na angil ko sa kaniya na para bang normal lang kaming nagbabangayan at matagal ng magkakilala. 

"At ano naman 'yon?" tanong niya at tinaasan pa ako ng kilay na para bang hindi ako ang boss na tinitingala at kinatatakutan ng lahat. 

Sa hindi malamang dahilan nakaramdam ako ng tuwa sa isiping hindi siya natatakot sa akin.

Napa-awang ang aking bibig na para bang may gusto pang sabihin ngunit itinikom ko rin bago umiling. "Just don't wear that kind of clothes." 

Ngumisi siya. "Oo at boss kita sa organisasyong ito pero wala kang pakialam sa kung ano ang gusto kong isuot, kung mag-bikini man ako sa harapan ng lahat ay wala ka ring pakialam doon, boss." 

Pinagdiinan pa niya ang huling sinabi ngunit hindi 'yon ang pinansin ko dahil ang lahat ng sinabi niya ay naging dahilan para magpantig ang mga 'yon sa tainga ko, humigpit ang pagkakakuyom ko sa kamao ko habang ang mga mata ay walang kasing talim habang nakatingin sa kaniya.

"Don't you dare, Vera. Don't you dare!" punong-puno ng pagbabanta kong wika sa kaniya. 

Ngumisi siya at umiling. "Ano'ng don't you dare?" 

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa kaniya. "You are not allowed to wear those clothes, Vera. Hindi kita pinahihintulutan na magsuot ng ganiyan dito sa loob ng organisasyon ko. Naiintindihan mo?" 

Napansin ko ang pag-nguso niya bago tumayo at pinantayan ako. Humalukipkip ito at tinaasan ako ng kilay. "Edi huwag! Pero ito ang sasabihin ko sa'yo. Sa labas magsusuot ako ng kahit anong kasuotan ang gusto kong isagot." 

Napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi niya. "You're such a hard headed woman!" 

I heard her chuckle. "I know right. Wala ka na bang sasabihing iba sa akin, boss?" muli ay pinagdiinan na naman niya ang salitang boss. 

Umiling ako, sasakit ang ulo ko kung sakaling magtagal pa ang ganitong pag-uusap namin. "You may now go." 

Naging abala ako sa pag-aasikaso sa mga trabahong iniwan ko sa opisina dahil sa nakalipas na mahigit dalawang linggo ay tanging sa babaeng 'yon nakatuon ang atensyon ko. Hanggang ngayon ay patuloy ko pa rin siyang binabantayan mula sa malayo sa tuwing wala akong trabaho sa kumpanya. 

Bumukas ang pinto ng opisina ko at iniluwa nito ang sekretarya ko. "Mr. Rius," yumuko ito bilang pagbati. Tumango lang ako at hinintay ang sasabihin nito. "You have a urgent appointment meeting in Italy," anito dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.

"With whom?" I ask. Hindi ako pweding umalis ng bansa, hindi ko siya pweding iwan. Ngunit bakit nga ba ayaw ko?

"With Mr. Romano, Mr. Rius." magalang na sagot nito sa tanong ko. 

Mamayang gabi ang alis ko kasama ang sekretarya ko at ilang tauhan upang pumunta ng Italy. Inalis ko ang kakaibang pakiramdam na lumulukob sa puso ko, I shouldn't have this kind of feeling. If my grandfather found out about this, he will surely kill me. 

For my grandfather, feelings can make you the weakest. Don't let your feelings affect on you. 

Bago ako tumungo sa personal na paliparan at pumunta muna ako sa organisasyon at sinabihan ang kanang kamay ko na huwag munang bigyan ng kahit ano'ng misyon ang lahat ng mga assassin habang wala ako. Hindi ko sinabi ang dahilan at tanging iyon lang ang sinabi ko. 

Nang matapos kong gawin 'yon ay dumeritso na ako sa isang paliparan na pagmamay-ari ko. Pagkarating ko ay naghihintay na ang sekretarya ko at ang ilang tauhan na sasama sa pag-alis ko. 

Pumasok ako sa loob ng isang private jet at sumunod naman ang mga tauhan ko. Isinandal ko ang ulo ko sa kinauupuan at ipinikit ang mga mata. Dalawang araw ako roon sa Italy. 

"Mr. Rius," hindi ako nagmulat ng mga mata ng marinig ko ang tawag sa akin ng aking sekretarya. "Ibinilin po ni Mr. Romano na doon raw ho tayo dumeritso sa isa sa mga hotel na pagmamay-ari niya dahil doon na din daw po ang meeting." 

I just nodded as a response. Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin sa labas ng bintana. Nasa himpapawid na kami at ilang oras lang ay nasa Italy na kami. Two days without seeing her from afar makes me uneasy.

Darn this urgent meeting! 

Wait for me, honey. I'll be back.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status