Share

KABANATA 06

4 YEARS LATER…

ITINAPON ko ang dalawang katana sa dalawang taong akmang susugod sa akin. Pinulot ko ang pistol na nahulog ko kanina dahil sa pagsipa ng kalaban ko. Ang pagtama ng dalawang katana ay siyang paghandusay ng dalawang taong natamaan niyon. 

Napangisi ako bago yumuko at umikot upang patamaan ng bala ang taong nasa likuran ko na dapat ay sasaksakin na ako. 

"Slow," mahinang bigkas ko at napailing-iling. Tinignan ko ang limang lalaki na ngayon ay duguan at nakahandusay na sa maruming semento. 

Ngayon ang kinakailangan ko na lang na gawin ay ang alamin kung sino ang nagpadala sa kanila para patayin ako. Aba dapat ko yong malaman mahirap na baka hindi ko na maimulat ang mga magaganda kong mga mata.

Sumakay ako sa motor ko at pinaharurut ito papaalis, iniwan ang mga taong nakahandusay na wala ng buhay. Walang puwang mga taong mahihina sa mundong kinagagalawan ko. 

Napangisi ako at nilusutan ang mga sasakyan na nakaharang sa dinaraanan ko na naging dahilan para magkaroon ng kumosyon dito sa kalsada. Whoah! This is nice!

Nang makarating ako sa bahay ko ay hinubad ko ang suot na leather jacket at basta na lang itong itinapon sa kung saan. Tumungo ako sa island counter at kumuha ng wine. 

Hindi na ako nag-abalang kumuha ng baso at basta na lang itong binuksan at uminom. Napapikit ako ng dumaloy ang inumin sa lalamunan ko ngunit napatigil ako sa pag-inom no'ng tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng suot kong pants.

"Hmm?" bungad ko pagkasagot ng hindi tinitignan kung sino ang damuhong tumawag. 

"Pumunta ka bukas sa head quarter ng organization," napamulat ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Lia sa kabilang linya. 

"At bakit? Busy ako bukas, hindi ako pupunta." Tamad ang boses kong sagot sa kaniya.

"Lahat tayo pinapapunta, mahalagang pagpupulong raw. Pumunta ka Vera, si Sir Gedion mismo ang nagpapasabi," seryosong aniya sa kabilang linya na ikinailing ko.

"Sige, titignan ko," pagkatapos no'n ay pinatayan ko na siya ng tawag. Muli akong lumagok sa bote ng wine na hawak ko. 

Napahawak ako sa sentido ko ng maramdaman ang bahagyang pagkirot nito, umiling ako inisang lagukan ang lahat ng laman ng wine. 

Gamit ang likod ng palad ko ay pinunasan ko ang gilid ng labi ko na basa dahil sa natapong inumin. 

Tsk. Pwedi naman akong hindi pumunta kung gugustuhin ko pero baka ipapatay nila ako kung hindi ako pumunta. Pfft… hahaha!

Hayys, ganito yata napapala ko sa trabaho ko, nakakabaliw. 

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at umakyat ng hagdan papuntang second floor kung na saan ang kwarto ko. Sa sobrang dami ng inaasikaso ko bawat araw hindi na ako nakakapaglinis ng bahay ko. 

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at pumasok sa loob, dumeritso ako ng higa sa kama at inilugay ang parehong kamay ko bago pumikit. 

I feel like I'm lost…. Like I lost something. What's wrong with me? 

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, naibato ko ang isang unan sa sobrang inis. Geez! I hate it! Inaantok pa ako.

Pinilit ko ang sariling bumalik sa pagkakatulog ngunit inis lang akong nagmulat ulit ng mga mata at bumangon. Pinagsisipa ko ang kama sa sobrang inis, bakit ba naman kasi nakalimutan kong isara ang bintana?

Upang matanggal ang inis ay nagbihis ako ng cycling short at sports sleeveless shirt at lumabas sa sariling kwarto, bumaba ako at tinungo ang labas kung saan ang pangalawang training area ko. 

Sa garden ng bahay ang pangalawang training area ko ang isa naman ay sa loob kung saan naroon ang lahat ng kagamitan ko sa pageensayo. 

Ibinaba ko ang tubigan at towel sa tabi bago pumosisyon para sa warm up. Nag-push up ako ng tatlumpo at sinunod ang sixty second plank. Tumakbo rin ako ng five laps para maihanda ang katawan, nagsisimula na rin akong mamawis dahil sa mga ginagawa ko.

Nang matapos ang warm up ay huminga ako ng malalim bago nagpakawala ng magkasunod na sipa, umikot ako at muling sumipa gamit ang kanang paa at sumuntok ng magkasunod. 

Tumalon ako at umikot bago sumipa. Lumapit ako sa isang punching bag at saglit itong hinawakan upang patigilan sa mahinang paggalaw nito dahil sa hangin.

Nagpakawala ako ng malakas na suntok sa punching bag pagkatapos ay yumuko ako upang iwasang pagbangga nito sa akin, sinipa ko ito gamit ang kaliwang paa at sinunod na ipinangsipa ang kanang paa bago umabante at yumuko upang iwasan ang pagtama ng punching bag sa akin.

Napangiti habang mahinang isinisipa-sipa ang paa ko sa ere.

Bumalik ako sa loob ng bahay habang nagpupunas ng pawis, tumungo ako sa kusina ng bahay at inilapag sa mesa ang tubigan ko. Binuksan ko ang ref at kinuha ang fresh milk bago dito uminom. 

Napapikit ako ng malasahan ang sarap, napangiti ako bago ito ibinalik sa loob ng ref. Nagsimula akong magluto ng agahan ko dahil walang gagawa sa akin nito kundi ako lang. Wala akong kinuhang katulong dahil wala akong tiwala sa kahit nino man, malay ko ba kung isa pala sa mga katulong na makuha ko ay isang assassin rin at misyon niyang ipapatay ako, hindi ba? Eh, di wala akong kaalam-alam sinaksak na pala ako sa likuran.

Mabuti na lang at walang misyon na ibinigay sa akin ngayon, dapat lang dahil sunod-sunod na misyon ang ibinibigay nila kaya deserve ko ang rest na ito ngayong araw. 

Naligo ako at nagbihis ng pang-bahay na kasuotan. Kinuha ko ang vacuum cleaner at iba pang kagamitan bago nagsimulang maglinis ng bahay, nagsimula ako sa ground floor at sinunod ko ang second floor.

Huli kong nilinisan ay ang kwarto ko at nang matapos ay pabagsak akong napaupo sa sofa na nandito. Nakakapagod, mas nakakapagod pang maglinis ng bahay kesa luminis ng mga kalaban ko.

Inis akong tumayo ng marinig ang ring ng cellphone ko, sa tingin ko ay kanina pa ito tumutunog. Kinuha ko ito at nakitang si Lia ang tumatawag, sinagot ko ito at tamad na itinapat sa tainga.

"VERA!" agad ko din itong nailayo no'ng marinig ko ang boses niyang napakalakas.

"Ano?" bakas ang inis sa boses kong tanong sa kaniya.

"Where the heck are you, Vera?" galit na tanong nito sa akin na ikina-ikot lang ng mga mata ko sa ere. 

"Sa bahay malamang," walang buhay na boses kong sagot sa kaniya. 

"Come here at HQ, Vera. Sinabi ko na sa'yo ito kagabi. Ano ba?" inis nitong sabi sa akin na ikinailing ko lang, sa katunayan niyan ay nakalimutan ko ang sinabi niya sa akin kagabi no'ng tumawag siya. 

"Ano ba kasing gagawin diyan? Ano may group misyon gano'n?" pilosopo kong tanong dahilan para makatanggap ako ng mura galing sa kaniya. 

"Come here, right now, Vera!" ulit niya.

"Oo na, oo na. Pupunta na ako," napipilitang sagot ko at binabaan ito ng tawag.

Ano namang kaganapan at kinakailangan lahat dapat kami ay naroon? Loko lang, kapag ako pinagloloko ni Lia, masasapak ko talaga bumbunan nun. Kainis!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status