Share

KABANATA 05

ITO ang pangalawang pagkakataon na naramdaman ko ang ganitong pakiramdam. But the difference of situation now is I didn't know why am I feeling this. Bakit ko ito nararamdaman sa kaniya? Na para bang nasasaktan ako sa kalagayan niya ngayon. 

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at inihilamos ko ang palad ko sa mukha no'ng rumehistro sa utak ko ang lahat ng nangyari noon na naging dahilan ng pagkawala ng pinakaimportanteng tao sa buhay ko, ang mommy ko. 

That day was the last time that I cried, ngunit ngayon ng dahil sa nangyari sa kaniya nararamdaman ko ang kaparehong naramdaman ko noon kay mommy no'ng bago niya ako iwan ngunit ang kaibahan ngayon ay walang luha ang lumalabas galing sa mga mata ko ngunit ang buong katawan ko ay nanginginig sa hindi maipaliwanag na dahilan. 

Bakit ko ito nararamdaman ng dahil sa kaniya? Why do I feel like I'm so scared to loose her? 

Napa-angat ako ng tingin no'ng lumabas ang kaibigan kong doctor sa operating room, mabilis akong tumayo upang salubungin siya. "Is she okay?" mabilis kong tanong sa kaniya.

"Kidlat, bakit hindi mo pa pinatanggal sa doktor ang bala diyan sa balikat mo? At bakit hindi mo pa ipinapagamot 'yang mga sugat mo?" she ask instead of answering me. 

"Kyriel, is she okay?" ulit kong tanong na hindi pinansin ang tanong niya. "Tell me, Kyriel. Is she okay? Sabihin mo sa akin nasa maayos na kalagayan na ba siya?" 

Napabuntong hininga ito at tinanggal ang suot na surgical mask. "I don't know why are you acting like that but I have a two good news and one bad news, Kidlat."

Hinintay ko ang sasabihin niya, I hope she's okay. I hope Vera will gonna wake up  tomorrow or later. 

"Ang good news ay natanggal na namin ang tatlong bala sa likuran niya maging ang nasa binti niya, at ang isa pang good news ay nagdadalang tao siya." Natulos ako sa kinatatayuan ko dahil sa huling narinig, pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa nalaman. 

"She's pregnant?" I ask horrified.

Tumango siya at bumuntong hininga. "Ngunit ang bad news ay nagkaroon ng komplikasyon na naging dahilan upang mauwi ang kalagayan niya sa comatose. Naging mahirap para sa amin ang operasyon, Kidlat." 

Tinapik niya ako sa balikat bago umalis. Umiling ako, no! This is not happening. Hindi siya maco-comatose. She's pregnant, hindi 'yon pweding mangyari sa kaniya. 

Malakas kong sinuntok ang pader na kaharap ko, nanginginig ang kamay at kalamnan ko. Nanghina ang parehong tuhod ko na naging dahilan para mapaupo ako. Mabilis kong pinahid ang luhang kumawala galing sa mga mata ko. I'm crying again, akala ko noong namatay ang mommy ko ay iyon na ang huling luha ko ngunit nagkamali ako.

She's pregnant with my child. She's carrying my child… our child. 

...

Tahimik ko siyang pinagmamasdan, ilang araw o linggo ba siya magiging ganito? Napahawak ako sa kaniyang tiyan at marahan itong hinaplos, she's four weeks pregnant. At malaking ipinagpapasalamat ko ay hindi nadamay ang bata dahil sa nangyari.

She looks fragile, napakaamo ng mukha niya habang natutulog. Marahil naging dahilan ang pagbubuntis niya kung kaya hindi siya gaanong nakalaban. 

Lumipas ang ilang araw hanggang sa maging linggo at hanggang sa umabot ng buwan ngunit hindi pa rin siya naggigising. She's still unconsious. Ang tiyan niya ay malaki na, malapit ng lumabas ang baby ngunit hindi pa rin siya nagigising. 

"Vera, honey please wake up." marahan kong sabi sa kaniya habang pinagmamasdan siya. Marahan kong pinisil ang kamay niya, at isinandal ang ulo sa tabi niya. "Wake up, honey." 

Masaya akong malaman na isa na akong ama, ngunit may malaki akong pinoproblema. Her mother was assassin while I am mafia. Our child would be in danger once our enemies found out. 

No, I won't let anyone to harm my child nor my wife. 

Ika-siyam na buwan na ang batang nasa sinapupunan niya, ibig sabihin no'n ay lalabas na siya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising.

"What should we do now? Hindi pa rin siya nagigising," pinigilan ko ang sarili kong magpakita ng kahit anong emosyon habang kausap ang kaibigang doktor. Until now, wala pa ring nakaka-alam tungkol sa anak ko at kay Vera. 

No one dare to ask me. Alam kung maraming nagtataka tungkol sa madalas kong pagbisita sa ospital, maraming nagtataka kung bakit palagi akong wala sa mafia at sa kumpanya. 

"We will undergo her into cesarean section, iyan lang ang tanging paraan upang mailabas ang bata sa sinapupunan niya, Mr. Rius." paliwanag ng doktor. 

Nang umalis na ito ay nanghihina akong napaupo sa upuan. They train me to be a ruthless and to be a heartless person. But they didn't train about this kind of situation. Lahat ng harang na ginawa ko para sa emosyon at puso ko ay nawasak dahil sa nangyayari ngayon. 

Just because of one night stand with woman that I didn't know my life change and everything was change. Mababaliw na ako at hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko.

Nang maisuot ko ang surgical gown at face mask at sumunod akong pumasok sa loob. Pinaki-usap ko sa doktor na gusto kong sumama sa loob, gusto kong makita ang mangyayari. Gusto kong nasa tabi niya ako habang inilalabas ang bata sa tiyan niya.

I thought it would be easy while watching them, ngunit nagkamali ako. Ako ang nasasaktan para sa kaniya habang tinitignan siya. Mahimbing siyang natutulog at walang kaalam-alam sa nangyayari. 

Nag-iwas ako ng tingin habang inilalabas nila ang bata sa tiyan niya, ngunit napabalik ang tingin ko sa kanila no'ng marinig ko ang malakas na iyak ng isang sanggol. 

My baby, my child. 

My tears fall from my eyes, hindi ko maiwasang hindi maluha habang pinagmamasdan ang anak ko, nang mabalot na nila ito ng puti at malinis na tela ay ibinigay nila ito sa akin. 

Ang sayang naramdaman ko ay napalitan ng sakit no'ng marinig ko ang sinabi ng doktor, may maliit na butas ang puso ng bata. 

Why is this happening to me? Sa dami ba ng kasalanang nagawa ko ay karma ko na ito? Ngunit bakit nadamay ang anak ko?

Nabuo ang isang desisyon na maaaring pagsisihan ko sa huli, ngunit hindi ko kayang isaalang-alang ang buhay ng anak ko.

I'll take my child away from everyone, I'll take away my child from. Hindi niya malalaman ang tungkol sa anak naming dalawa, it would be dangerous if she find out. 

I'll protect my child and her by doing this. I know Vera will get mad about this. I hope she would forgive me someday. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status